CHAPTER 2

1150 Words
-ANGELICA- Masayang-masaya akong pumunta sa kwarto, laking gulat ko nang makita ko ang isang napakagarang damit na mukhang yari pa sa mga mamahaling materyales. Nagtataka man ay nakaramdam pa rin ako nang saya, dahil na rin siguro nasanay lamang akong walang mga bago o magagarang gamit. Laki ako sa hirap, ngunit busog sa pagmamahal ng aking mga magulang. Kaya naman nagulat talaga ako sa regalong ito ni papa. Bukas na bukas din ay magpapasalamat ako sa kanya. Kinabukasan. Maaga akong gumising, dahil sa sobrang pagkasabik. Pagbaba ko ay nandoon na't naglalambingan sina mama at papa. "Ayiee, ang sweet nilang dalawa." "Magandang umaga anak!" bati sa akin ni Mama. "Magandang umaga rin po, Ma!" balik na bati ko. "Maupo ka na sa hapag anak," wika ni Papa. "Opo, Papa!" "Angel, anak saan mo ba gustong pumunta?" "Sa Luneta Park po, Papa," sagot ko. "Sigurado ka ba? Maganda sana kung magpipiknik tayo roon. Ang problema anak, mainit kapag tanghali," sabi ni Mama. "Ganito na lang, manood tayo ng movie sa mall pagkatapos nating magpiknik," wika ni Papa. "Sige po, Papa," pagsang-ayon ko. Ganoon nga ang nangyari, matapos naming mag-almusal ay bumili kami ng mga kakailanganin para sa aming gaganaping picnic. Pagkatapos ay tulungan din kaming magluto at maghanda ng mga kakainin. Pagkarating na pagkarating namin ay inilatag ko kaagad ang aming telang dala at inilagay naman ni Papa ang basket ng pagkain. "Picture! Picture! Ma, Pa!" tawag pansin ko sa kanila. "Isa! Dalawa! Tatloooo!" bilang ko sabay pindot sa kamera. Nagdaan ang apat at kalahating oras, sobrang dami naming nagawa at napagkwentuhan. Naglaro kami ng baraha, kapag natalo ay pipitikin sa noo, at naghabulan din na parang mga bata. Napakasaya talaga ng araw na ito. Umuwi na kami matapos naming makapagpahinga. Alas dose pa lang nang tanghali kaya nagpasya kaming matulog muna at mamayang hapon kami tutungo sa mall upang manood ng sine. Naalimpungatan ako nang makarinig ng mahihinang katok. "Si… sino po iyan?" naalimpungatang tanong ko. "Ako ito, Anak," wika ni Mama. "Ikaw po pala Ma. Sandali at bubuksan ko po ang pinto," tugon ko. "Huwag na anak, ika'y mag-ayos na lang at mamaya rin ay aalis na tayo," agad na sagot ni Mama. "Oo nga po pala. Sige po Ma, mag-aayos na po ako." Pagkalabas ko ng banyo ay muling nahagip ng mga mata ko ang magarang damit na pasalubong ni Papa. 'Nako, nakalimutan kong magpasalamat kay Papa.' Nagmamadali naman akong mag-ayos, dahil na rin sa alam kong ako na lang ang hinihintay. Sanay na naman sa akin si Mama. Pagbabang-pagbaba ko ay niyakap ko si Papa at nagpasalamat. "Para saan?" nagtatakang tanong ni Papa. "Para sa magarang damit Papa!" masayang tugon ko. Nagtaka ako nang biglang matahimik sina Mama at Papa. Nagtataka man ay hindi ko na lang pinansin. "Wa… walang anuman anak. Nagustuhan mo ba?" "Opo, Papa," sagot ko. "Mabuti't nagustuhan mo," nakangiting sabi ni Papa. "Halika na, baka matrapik tayo sa daan," agaw-pansin ni Mama. "Mabuti pa nga," pagsang-ayon ni Papa. Habang nasa biyahe kami ay sobrang tahimik. Ano bang meron? Nakapagtataka naman ang bigla nilang pananahimik.Inalis ko na lang sa isipan ang mga bagay na iyon. "Princess, anak. Ano ba'ng gusto mong panoorin?" tanong ni Papa. "Hmmm…” "Anak, itong Mulan? Ang sabi ng pinsan mo ay maganda raw ito," suhestiyon ni Mama. "Sige po Mama, iyan na lang po," pagsang-ayon ko. Pagkatapos naming manood ng sine ay napagdesisyonan naming tumingin-tingin, baka raw may magustuhan kami at libre ni Papa. Siguro maraming naipon si Papa kaya ililibre niya kami. Sa paglibot-libot namin ay naisipan ni Mama na mamili ng mga nakalimutang bilhin kanina. Habang pumipili sina Papa at Mama ng mga bibilhin ay nakasunod lang ako sa kanila. Napatigil ako nang may makitang pamilyar na pigura ng tao. Tinitigan ko, saka ko naalala na si Jared pala iyon. Nasa seksyon siya ng mga tampon. Mukhang hirap na hirap siya kung ano'ng pipiliin. Nilapitan ko siya at tinanong. "Ano raw ba'ng brand?" Gulat na napatingin siya sa akin at biglang namula. Ang cute niya. Siguro'y nahihiya lamang siya. "Ahh… eh," nauutal na sagot niya. "Para sa Ate mo ba? Sa pinsan o kasintahan?" tanong ko pa. "Sa Ate ko. Nalaman kasi niyang dadaanan ako rito. Pinasuyo niya ito," nahihiyang paliwanag niya. "Ah kaya pala. Tulungan na kita. Ano raw ba'ng brand? May wings o wala?" sunod-sunod na tanong ko. "Ang sabi niya Mode. Ahh oo, MODE," hindi siguradong tugon niya. "Mode? May ganoon bang brand?" nagtatakang tanong ko. "Ahh----" "Baka Modess? Tama Modess iyon," siguradong sagot ko. "Siguro nga. Nagmamadali kasi siya noong tinawagan ako, kaya hindi ko masyadong naintindihan. Noong tinawagan ko naman siya ay nakapatay na ang phone," nahihiyang paliwanag nito. "Okay, ito 'yong brand. Ano ba gusto niya, 'yong may wings o wala?" tanong ko. "Wings? Pakpak?" nagtatakang tanong niya. "Hindi mo nga pala alam iyon. Girls stuff," sabi kong natatawa. "Ano ba'ng mas maganda o komportable?" tanong niyang napapakamot sa ulo. "Ahh, para sa akin mas komportable ang walang wings," natutuwang sagot ko. "Sige, iyon na lang. Salamat sa tulong mo, Miss Angel. Angel, tama?" "Oo, sige aalis na ako. Pupuntahan ko pa sina Mama at Papa baka hinahanap na ako." "Sige. Pasensiya sa abala." "Okay lang. Walang anuman. Sige na," sabi ko sabay talikod. Hindi pa man ako nakakahakbang nang muli niya akong tawagin. "Ahh, pwede bang makahingi nang isa pang pabor?" nagkakamot na tanong niya. "Oo naman. Ano iyon?" nagtatakang tanong ko. "Pu… puwede bang ikaw na rin ang magbayad?" nahihiyang tugon niya. "Sure! Akin na!" Kinuha ko ang hawak niyang tatlong balot ng tampon maging ang credit card niya. Habang papunta ako sa kahera ay nakasunod lang siya. Maya-maya ay may tumawag sa pangalan ko. Nang lingunin ko ay sina Mama at Papa pala. "Anak, kanina ka pa namin hinahanap," wika ni Mama. Sasagot na sana ako nang sabay na mapunta ang tingin nila sa katabi ko. Saka ko lang naalala na may kasama nga pala ako. "Ahh Mama, Papa, si Jared po kaklase ko," pagpapakilala ko. "Magandang hapon po, Ginoo at Ginang Milyones," magalang na bati nito. "Magandang hapon rin, Hijo," balik na bati ni Mama. Samantalang si Papa ay tinanguan lang ito. "Mauuna na kami Hijo, baka abutan pa kami ng gabi," wika ni Mama kay Jared. "Ay, Ma! Saglit lang po. Babayaran ko lang ito." Nagtataka man ay pumayag na rin ito. Pagkatapos kong bayaran ang tampon ay kaagad ko itong inabot kay Jared. Nagpasalamat lang siya at sabay-sabay na kaming lumabas ng mall. Nang umalis na si Jared ay bigla akong nilapitan ni Mama at sinundot-sundot ang tagiliran ko. "Ayiee, sino iyon anak? Hindi mo sinasabi 'yan sa akin." "Mama, kaklase ko lang po iyon." "Talaga lang anak?” nagdududang sabi ni mama. Tumahimik na lang ako at hindi na pinansin ang sinasabi ni Mama. Nasa biyahe na kami pauwi pero hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyari kanina. Doon ko lang naisip, hindi pala siya suplado, at komportable rin siyang kausap. Napapangiti na lang ako tuwing naaalala ko ang pamumula ng mga pisngi niya. Ang cute niyang mahiya. Nagulat ako nang tapikin ni Mama ang pisngi ko. Lumalim na pala ang pag-iisip ko. "Anak, bababa na tayo." Saka ko lang napansin na malapit na pala kami sa bahay. Pagpasok namin sa loob ng bahay ay dumiretso na kami sa kanya-kanyang kuwarto. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD