CHAPTER 1

1105 Words
-ANGELICA- Kyaaaaa! Pagpasok ko pa lang sa tarangkahan ng Unibersidad na pinapasukan ko ay tili agad ng mga kababaihan ang maririnig. Sa tatlong taon ko rito sa Unibersidad ay halos araw-araw na lang kung tumili ang mga ito. Hindi ba sila napapaos? Ano na naman kaya ang mayroon at ganito na naman ang mga babaeng ito? ''Angelica!'' Nang marinig kong may tumawag sa aking pangalan ay agad ko itong hinanap. Nang mapalingon ako sa kumpulan ng mga kababaihan ay natanaw ko ang apat kong kaibigan. ''Kayo pala. Ano pang ginagawa ninyo diyan? Mahuhuli na tayo sa klase,'' nagtatakang tanong ko. ''Hindi mo ba alam ang bali-balita?'' tanong ni Mariza. ''Hindi ahh, ano ba iyon?'' balik na tanong ko. ''May bago na namang lipat na estudyante sa Unibersidad natin at balita ko ay parehas ng kursong ating kinuha,'' sagot ni Mariza. ''Oh eh, anong bago? Saka natural lang iyon," prangkang sagot ko. "Iba ngayon Angel. Alam mo bang sobrang gwapo niya?" kinikilig na sagot ni Ana. "Hay, nako ewan ko ba sa inyo. Halika na nga pumasok na tayo. Limang minuto na lang at mahuhuli na tayo sa klase," pag-aanyaya ko. "Ikaw talaga Angelica kaya hindi ka pa nagkakaroon ng nobyo eh," wika ni Ana. "Ano namang kinalaman noon?" tanong ko pa. "Wala, wala. Halika na nga!" pag-aanyaya ni Mariza. Nang makapasok na kami sa loob ng aming silid-aralan, napansin kong kami na lang ang inaantay. Nang makaupo na kami sa kanya-kanya naming upuan ay nag-umpisa nang magturo ang aming guro. Maya - maya lang ay may kumatok sa pinto ng aming silid-aralan. Kinausap sandali ng aming guro ang kumatok at muling pumasok. "Mayroon kayong bagong kaklase." Kanya-kanya namang reaksyon ang mga kaklase ko. Mayroong parang kinikilig, may nagtataka, may nanghuhula, may naiinis at ako na walang pakialam. Hindi naman problema sa akin ang magkaroon nang bagong kaklase. Mabuti sana kung yayaman ako doon. Bumalik lang ang atensyon ko sa klase ng biglang magtilian ang mga kaklase kong babae. Napalingon ako sa harapan. Nakita ko ang isang lalaki na sa tingin ko ay wala namang rason para tilian nila. Hay nakakainip naman ang klaseng ito. Muli akong napatingin sa harapan nang magsalita ang bago naming kaklase. "Ako nga pala si Jared Colton Smith." Matapos niyang sabihin iyon ay hindi na niya sinundan pa. Naglakad siya papunta sa likod at naupi. Sa tingin ko'y suplado ito at hindi niya gusto ang atensyong kaniyang nakukuha sa mga kababaihan. Nagdaan ang isa't kalahating oras at natapos rin ang aming unang klase. Lumabas na kami ng aking mga kaibigan upang lumipat sa susunod naming klase. "Mariza, ang gwapo talaga niya," wika ni Katty kay Mariza. "Tama!" pagsang-ayon ni Mariza. "Ang swerte natin at kaklase pa natin siya," segunda pa ni Cheche. Nakikinig lang ako sa kanila habang pinag-uusapan nila ang bago naming kaklase. Ano ba'ng meron sa lalaking 'yon at siya ang usap-usapan ng mga tao? Hay nako mga babaeng ito talaga. Habang inaantay namin ang susunod naming titser ay pinagmasdan ko ang aking mga kaklase at napansin kong halos lahat ay nakatingin kay Jared. Nang tingnan ko naman ito ay nakatingin lang sa labas ng bintana. "Magandang umaga!" agaw-pansin ng aming guro. "Magandang umaga rin po Ginang Rosaryo!" bati ng lahat. "Umupo na kayong lahat." "Salamat po!" "Ngayon ay magkakaroon tayo ng pangkatang gawain. Lahat naman kayo ay may grupo na tama ba? Maliban na lamang kay Ginoong Smith." "Opo!" sagot ng lahat. "Ginoong Smith, sumama ka sa grupo ni Binibining Milyones," sabi niya habang nakaturo sa akin. "Okay po!" magalang niyang sagot. "Pumunta na kayo sa kanya-kanya ninyong grupo. Pagkatapos ay pumunta sa akin ang bawat lider at bumunot ng paksang inyong tatalakayin," paliwanag ng aming guro. Pumunta na kaming mga lider sa unahan. Tama ang basa ninyo. Isa ako sa lider. Hindi sa pagyayabang, pero ako ang nangunguna sa aming klase pagdating sa katalinuhan. Nang makabunot na ako ay bumalik ako sa aking mga kagrupo. "Ang nabunot ko ay Uri ng Maikling Kwento. Ganito na lang bibigyan ko bawat isa ng uri nito at iyon ang pag-aaralan ninyo. Ang matitira ay sa akin. Okay lang ba?" tanong ko. "Okay lang!" sagot ng lahat maliban kay Jared. "Ah okay lang ba Ginoong Smith?" "Okay lang!" maikling sagot nito. Maayos naming natapos ang pangkatang gawain. Pagkatapos nito'y uwian na namin. Hindi kami sabay-sabay umuwi ng mga kaibigan ko dahil iba-iba ang daan patungo sa aming mga tahanan. Habang nag-aantay ako ng jeep patungo sa bahay namin ay may nahagip ang aking mga mata. Siya... siya iyon ang bago naming kaklase, pero hindi siya nag-iisa ngayon. May kasama siyang pito pang lalaki at mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. 'Ano kaya ang pinag-uusapan nila?' tanong ko sa aking isipan. Maya-maya ay may dumaan ng sasakyan. Bago ako sumakay ay muli ko silang tiningnan. Laking gulat ko nang makitang nakatingin sa direksiyon ko ang bago naming kaklase. Kanina pa umaandar ang jeep na sinasakyan ko ngunit tila ang isip ko'y naiwan pa sa lugar na iyon. Hanggang ngayon ay gumugulo pa rin ito sa akin. 'Bakit siya nakatingin sa direksiyon ko? Ako nga ba talaga ang tinitingnan niya? Alam kaya niya na nakita ko sila na seryosong nag-uusap? Galit kaya siya?' Ilan lamang iyan sa mga katanungang patuloy na gumugulo sa isipan ko hanggang sa makarating na ako sa aming tirahan. "Angel, anak!" nasisiyahang tawag ni Mama. "Bakit po Ma?" nagtatakang tanong ko. "Kadarating lang ng Papa mo, hinaha----" putol na wika ni Mama. "PAPA!" nasasabik na tawag ko. "Ang prinsesa ko nand----" Hindi ko na pinatapos pa si Papa na magsalita, dahil na rin sa sobrang pananabik. Nagtatrabaho ang aking ama sa ibang bansa kaya minsan lang namin siya makasama. "Miss na kita anak!" sabay haplos sa aking buhok. "Huwag ka nang umiyak!" segunda pa nito. "Miss na miss na rin po kita Papa!" Niyakap ko nang mas mahigpit si Papa. Sobrang saya ko ngayon. Makakasama ulit namin siya, kahit saglit lang. Hindi ko kasi malambing si Papa sa skype at video chat. "Oh siya, kumain na muna tayo. Mamaya na iyan," sabi ni Mama. "Selos agad si Mama!" tumatawang pang-aasar ko. "Ikaw talagang bata ka. Halina kayo!" "Ang sweet talaga ng dalaga namin," wika ni Papa. Nang nasa hapag na kami ay hindi na namin napigilan ang magkwentuhan at pag-usapan ang mga pangyayaring naganap sa bawat araw na magkakalayo kami. Maging ang pagbibiruan ay napasok sa aming masayang kwentuhan. Sabay-sabay at tulungan din naming iniligpit at hinugasan ang aming pinagkainan. Para akong bumalik sa aking pagkabata. Sobrang saya talaga ng araw na ito. Sana'y huwag nang matapos pa. "Mama! Papa! Pwede ba tayong magpuyat ngayon at manood ng movie?" nasisiyahang tanong ko. "Anak, magpapahinga ang Papa mo. Hindi ba't kagagaling lang niya sa biyahe?" tugon ni Mama. "Oo nga po pala. Sige po!" malungkot na wika ko. "Huwag ka nang malungkot anak. Bukas ay mamamasyal tayo," pagpapalakas loob ni Papa. "Talaga po? Sige po Papa, Mama, good night po!" masayang tugon ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD