CHAPTER 3

1095 Words
-ANGELICA- Kinabukasan ay may pasok na ako. Pagkatapos nang una naming klase ay hinanap ng mga mata ko si Jared. Saktong pagtingin ko ay nakatingin din siya. Nginitian ko siya, pero nadismaya ako nang tingnan niya lang ako saka lumabas ng silid-aralan. Habang naglalakad kasama ang mga kaibigan ko ay hindi pa rin maalis sa isip ko kung bakit hindi man lang niya ako nginitian. Samantalang kahapon kung umasta siya ay parang magkaibigan na kami. Napabuntong hininga na lang ako. Ganoon lang din ang nangyari buong maghapon. Lilipat ng silid-aralan, magkaklase, lilipat ulit at magkaklase ulit. Matatapos na ang araw na 'to pero kahit isang ngiti ay wala akong natanggap sa kanya. 'Hays bakit ba kasi umasa pa ako sa kanya? Samantalang hindi pa kami magkakilala nang lubos. Nako Angel. 'Wag ka na kasing umasa pa.' pagkausap ko sa sarili. Naglalakad ako papunta sa sakayan ng jeep nang makita ko si Jared. Madadaanan ko siya bago ako makarating sa sakayan ng jeep. 'Bahala siya. Hindi ko siya papansinin.' Ganoon nga ang ginawa ko. Nang malagpasan ko na siya ay nakahinga ako nang maluwag. Laking gulat ko nang may biglang humawak sa braso ko. Nang lingunin ko ay nakita ko si Jared at agad akong nakaramdam ng inis. "Oh, problema mo?" masungit na tanong ko. Napakamot siya sa kanyang ulo bago nagsalita. "Sorry, Angel, kung hindi kita pinapansin kanina." paghingi niya ng tawad. "Tse!" pagmamaldita ko. "Sorry na talaga. Nahihiya lang ako. Pangako papansinin na kita. Hindi ba't magkaibigan na tayo?" tanong pa niya. "Hmp! Sige na nga. Oo, magkaibigan na tayo." "Salamat po, Boss!" nakasaludong sagot niya. "Ewan ko sa'yo, baliw!" natatawa kong sabi. "Hatid na kita sa sakayan, Boss." "Ah… ok!" sagot ko. Inantay niya akong makasakay ng jeep bago siya umalis. Akala ko matatapos na ang araw na 'to nang hindi niya ako pinapansin. Buti na lang! Buti na lang talaga! --- Kinabukasan, pagdating ko sa paaralan ay nagkakagulo at nagtitilian na naman ang kababaihan. 'Ano na naman kaya'ng meron? May bago na naman bang estudyante?' Didiretso na sana ako at hindi na lang papansinin ang kaguluhang nangyayari nang may biglang tumawag sa pangalan ko. Hinanap ko kung sino iyon, ngunit hindi ko makita. Nagulat ako nang biglang nahawi ang kababaihan at lumabas ang may-ari ng boses na iyon. Si… Si Jared, ang bago kong kaibigan. Tila biglang tumigil ang kapaligiran. Tanging siya lang ang nakikita at naririnig ko, maging ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Ano'ng nangyayari? Bakit ganito kabilis ang t***k ng puso ko? "Angel? Hey, Angel?" tawag pansin sa akin ni Jared. "Huh… ahh… Jared, ikaw pala," sagot ko. Wala pa ako sa wisyo nang hilahin niya ako papunta sa aming silid-aralan. Nang makarating ay saka niya ako binitawan. "Whoo! Kapagod!" hinihingal na wika niya. "Ahh, oo nga ee!" tugon ko. Pagka-upo ay napatingin ako kay Jared na ngayon ay nagpupunas ng kanyang pawis. Napatitig ako sa kanya at bigla na lang lumabas sa aking bibig ang mga katagang, "Ang gwapo niya!" "Ha? May sinasabi ka ba Angel?" tanong ni Jared. "Ha? Wala… wala!" umiiling na sagot ko. 'Arrggghh nasabi ko pala nang malakas 'yon. Buti na lang hindi niya narinig.' Matapos ang ilang minuto ay saka nagdatingan ang mga kaklase ko, maging ang aming guro. "Okay class our lesson for today blah… blah…” Simula nang mag-umpisa ang klase ay lumilipad lang ang isip ko. Iniisip ko kung bakit bigla na lang bumilis ang t***k ng puso ko at ang pagbabago ng tingin ko sa kanya. 'Arrrgghh, nababaliw na nga yata ako.' Hanggang sa matapos ang klase ay lutang pa rin ako. Hindi ko nga namalayan na hinihigit na pala ako ng mga kaibigan ko. Pagdating na pagdating namin sa canteen ay binirahan agad nila ako ng mga tanong. Kinuwento ko sa kanila ang buong istorya para hindi naman magtampo ang mga baliw kong kaibigan. Ngayong alam na nila, imbis na ma-turn off ay mga kinikilig pa. Saan ka raw ba makakikita ng lalaking bibilhan ka ng tampon blah… blah… ewan bahala sila. Pagkatapos naming kumain at magkwentuhan ay pumunta na kami sa sunod naming klase. --- Isang linggo ang nakalipas, katulad ng dati ay paulit-ulit lang ang nangyayari. Papasok sa paaralan, tatawagin at hihilahin ni Jared, magkaklase, kakain ng sabay---Oo, tama ang pagkakabasa ninyo. Sumasabay na rin siya sa amin kumain. Close na nga sila ee, pero madalas kami lang dalawa. Pag-uwian na ihahatid niya ako sa sakayan at aantaying makasakay bago siya umalis. Nasanay na nga ako. Isa lang naman ang nadagdag, iyon ay ang nararamdaman ko para sa kanya. Mahal ko na siya. 'Yong paraan nang pag-aalaga, pagrespeto at pagiging sweet niya. Sh*t, sinong hindi mai-inlove? Ang masakit lang, alam kong kaibigan lang talaga ang turing niya sa akin. Bumalik ako sa kasalukuyan nang makarinig ako nang mahihinang katok. Mukhang napapadalas na ang pagtulala at pag-iisip ko. "Sino po iyan?" tanong ko. "Ako ito!" sagot ni Papa. "Pasok po, Pa." "Hindi na anak. Aayain lang kitang kumain," sabi pa ni Papa. "Sige po Pa. Susunod na po ako. Liligpitin ko lang po ang hinigaan ko." "Sige, Anak." Nang matapos kong ligpitin ang higaan ay naghilamos na ako saka bumaba. Naabutan ko sina Mama at Papa na seryosong nag-uusap. "Ma! Pa!" tawag pansin ko sa kanila. "Oh, anak, nandyan ka na pala. Halika't saluhan mo na kami ng Papa mo," sabi ni Mama. Tahimik lang kami habang kumakain. Kalansing ng mga kutsara't tinidor lamang ang maririnig. "Ah, anak nga pala." Pagbasag ni Papa sa katahimikan. "Po?" nagtatakang tanong ko. ''Naalala mo pa ba 'yong kababata mo noon? 'Yong kapitbahay natin dati?'' sunod-sunod na tanong ni papa. Nang marinig ko ang mga salitang iyon ay tila biglang tumigil ang mundo ko. Naramdaman ko na naman 'yong sakit. Sakit na parang kahapon lang nangyari. ''Angel? Hey, Angel?'' tawag ni papa sa akin. ''P... Po ?'' sagot ko. ''Ang sabi ko anak si Red. Hindi ba't Red ang pangalan no'n?" ''O... Opo. Red nga po ang pangalan niya. Ba... Bakit ninyo po pala naitanong?'' kinakabahang tanong ko. ''Ah, kasi anak balita ko'y nakabalik na sila ng pamilya niya dito sa Pilipinas,'' sagot ni papa. ''Ta... Talaga ho?'' ''Oo anak, hindi ka ba nasasabik na makita siya? Hindi ba't sobrang lapit ninyo sa isa't isa noong mga bata pa kayo?'' ''Ahh... Ahmm Pa, Ma excuse po. Tapos na po akong kumain. May gagawin pa ho ako,'' sabi ko saka umalis sa hapag. Pagkarating ko sa kwarto ay agad akong napaupo sa gilid ng kama. Tila nanlambot ang mga tuhod ko, at hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. 'Bakit? Bakit ngayon lang siya bumalik? Siguro... Siguro ay kinalimutan na niya ako, at maging ang pangako niya.' Patuloy ako sa pag-iyak habang tumatakbo sa isip ko ang mga katanungang iyon. Hanggang sa mapukaw nang mumunting katok ang malalim kong pag-iisip. ''Sino 'yan?'' mabilis na tanong ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD