CHAPTER 02

1022 Words
While hiding behind his cigarette, Wes stop for a moment as he saw a woman standing in front of the old man. She's wearing a hoodie jacket and a black mask. Hindi nya tuloy masyadong maaninag ang mukha nito. Pinagmasdan nya ito at nakita nyang may inaabot itong plastic sa matanda. If he's not mistaken, it's a plastic with bread. Nanatili syang nakatayo at nakasandal sa pintuan ng sasakyan habang nagpapakawala ng usok. This woman caught his attention. Ang pinagtataka nya bakit ito nakasuot ng mask sa mukha? Oh jeez! Kailan pa sya naging interesado? Pumapatak ang ulan at hindi nya iyon namalayan, nakatutok ang mga mata nya sa babaeng nakahoodie at ngayon ay hinuhubad nito iyon upang iabot at ipangtakip sa katawan ng matanda. Medyo malayo ito sa kanya pero rinig nya ang sinabi nito. "Lolo, baka lumakas pa ang ulan mas mabuting umuwi na ho kayo.” Nakita nya kung paano nito itinabing ang sariling buhok sa mukha matapos ibigay ang hoodie na suot nito sa matandang pulubi. Yeah she's still wearing a mask pero hindi nakaligtas sa kanya kung ano ang tinatago nito. Malinaw na mayroon itong peklat sa mukha. Ngayon ay nagkaroon na ng linaw ang tanong sa isipan nya. Hindi nya alam pero may kung ano sa babaeng iyon na pumukaw sa mga mata nya. Hindi sya mahilig tumingin sa isang tao dahil madalas na wala naman syang pakialam sa kahit na sino, pero ngayon hindi nya alam kung bakit pinagmamasdan nya ang babaeng iyon. Weird! Tumunog ang kanyang cellphone at tumambad roon ang number ni Zacharias, the vocalist of their band. He ignored the call and pressed the power off button. Nang muli syang tumingin sa kinatatayuan ng babae kanina ay wala na ito roon. Malayo na itong naglalakad habang nakayuko. Binuksan nya ang pintuan ng sasakyan at mabilis na pinaharurot iyon. Pagdating nya sa simpleng bahay na tinutuluyan ay naupo sya at kinuha ang gitara. Ganito lang umiikot ang mundo nya. Sa loob ng isang madilim na kwarto, doon lang madalas nauubos ang oras nya lalo na kapag walang tugtog. Iikot sa mga gawaing bahay na kailangang gawin mag-isa at pagkatapos ay muling magkukulong lang at titipa sa gitara. Ilang taon na ba syang nag-iisa? Buhat noong dose anyos sya, namuhay na syang tanging anino lang nya ang kasama. Ang Daddy at Mommy nya ay nagkaroon na ng sari-sariling pamilya. Nag-iisang anak sya ng mga ito at parehas na nag-asawa ng iba. Nakaramdam sya ng pangmamaltrato sa parehas na naging asawa ng Daddy at Mommy nya, and that is one of the reason why he chose to live alone. Kung tutuusin kayang-kaya nyang tumira sa isang mansyon, humilata at humiga na lang at kumuha ng kahit ilang katulong para di sya mahirapan, magpapalit-palit ng sasakyan anytime na gustuhin nya, but he's not that type of person. Namuhay syang mag-isa at walang inaapakang tao, hindi nanlalamang ng kapwa o nanloloko. Pinagpalit nya ang pag-aaral sa pagbabanda at ngayon ang banda nila ang pinakasikat na banda sa buong Pilipinas. Masasabi nyang nagtagumpay sya, nag-eenjoy na sya sa ginagawa nya kumikita pa sya ng pera. Pero hindi nya kailangan mamuhay sa rangya. Oo nasa kanya na ang lahat ng dating pinapangarap lang nya pero bakit pakiramdam nya ay mayroon pa ring kulang? Kahit gaano sya katigas na tao nakakaramdam pa rin sya ng sakit at lungkot dahil tao lang din sya. Maraming mapapait na nangyari sa buhay nya at patuloy nyang nararamdaman iyon. Muli syang nagsindi ng sigarilyo at humithit. Alas-otso ng gabi nang pumunta sya sa resto bar na tutugtugan nila ngayon. Never sya na-late sa usapan kahit minsan dahil marunong syang magpahalaga sa oras. Sya mismo kasi sa sarili nya ay ayaw na ayaw nya ng naghihintay. Ipinarada nya ang sasakyan at napansing tila may nagkakagulo sa pintuan kung saan may babaeng nakikipagtalo sa guwardiya. He saw the familiar figure of a woman. "Kuya di ako masamang tao papasukin mo ako!" "Hindi ka nga pwedeng pumasok dito, bakit ba kasi ganyan itsura mo? Mukha kang magnanakaw eh. Ayaw mo man lang ipakita yang mukha mo, paano kita papapasukin? Baka mamaya masama kang tao, mukha kang holdaper balot na balot ka." rinig nyang sabi ng guwardiya. Palapit na sya sa mga ito at mas lalong nagiging malinaw sa pandinig nya ang pagtatalo ng dalawa. "Kuya sa liit ng katawan kong ito mukha ba naman akong gagawa ng masama? Eh di parang nagpakamatay lang ako sa ginawa ko. May ticket ako oh, sige na parang awa mo na, kailangan kong mapanood ang Buzz Tone!" pagpupumilit ng babae. Hindi nya namalayan na nasa likod na pala nya sila Zacharias at ang gitarista nila. May mangilan-ngilang nagpapapicture sa mga ito samantalang sya ay hindi naman binigyan ng pansin ang mga lumalapit sa kanya. "Oh hayan na sila tumabi ka na dyan Miss, hindi ka talaga pwedeng pumasok sa loob," sabi ng guwardiya. Kaunti na lang parang maiiyak na yung babae. Nakilala na nya kung sino ito. Ito yung babaeng naka-hoodie kanina at ganoon pa rin ang suot nito, ibang kulay na nga lang. Does she really need to hide her face? Tss. Tinatago nito ang peklat sa mukha at alam nyang iyon ang dahilan nito. Patuloy pa rin sa pagtatalo ang dalawa at nang pumasok sa loob ang mga kasama nya ay hinawakan nya ang kamay ng babae at hinila ito papasok sa loob. Binigyan lang nya ng nakamamatay na tingin ang gwardiya. Halata ang pagkagulat sa mukha nito. Binitawan din nya kaagad ang kamay ng babae matapos silang makapasok sa loob, dumiretso na sya sa backstage at nilagpasan ang mga nagkakagulong tao. "Wes pa-picture naman!" "My God! Si Wes Flores di ko man lang inabutan nakakainis!" "Wala pa din nakakapagpa-picture satin sa kanya hanggang ngayon." "Napakailap nya." Ilang saglit pa ay tinawag na ang pangalan ng banda nila sa entablado. Sinalubong sila ng nakakabinging ingay at sigawan ng mga fans. Nothing new, palagi naman ganoon. Sa dami ng tao na nakikita nya, muling nahagip ng mga mata nya yung babae kanina. Nakapwesto ito sa isang gilid habang nanonood. Kahit nakatakip ang mukha nito ay kitang-kita nya ang direksyon ng tingin ng mga mata nito. Her eyes are on him. Hindi nya alam kung ilang segundo syang napako din sa direksyon nito, and one thing is for sure, ito ang kauna-unahang pagkakataon na nag-aksaya ng oras ang mga mata nya sa isang babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD