CHAPTER 03

1231 Words
Hindi makapaniwala si Deveraux sa nangyari kanina habang nagpipilit syang makapasok sa loob. Nananaginip ba sya? Ilang beses na nyang kinurot ang sarili ngunit alam nyang hindi sya nananaginip lang. Totoong hinawakan ni Wes Flores ang kamay nya kanina at hinila sya nito papasok sa loob ng resto bar. Kulang na lang malaglag ang eyeballs nya sa mata dahil sa pagtingin nya sa mukha nito, mahigpit ang pagkakahawak nito sa kamay nya ngunit mabilis din namang binitawan nito iyon. Parang tumigil ang oras nya kahit pa hindi man lang sya nilingon nito. Matagal na nyang hinahangaan si Wes Flores kahit noong nasa second year high school pa lamang sya at labintatlong taong gulang pa lang. Ngayon na graduate na sya ng high school ay mas sumidhi ang paghanga nya dito. Labimpitong taong gulang na sya ngayon at hindi naging big deal sa kanya kung malayo man ang agwat ng edad nila ni Wes, basta humahanga sya dito at nabibilib sa bawat galaw nito sa entablado. Hindi naman halatang tatlumpu na ang edad ng lalaking iyon dahil bata pa ito tingnan. Ngayon ay nasa isang table sya at hindi kumukurap habang pinagmamasdan ang nagpeperform na banda sa stage. Nakatutok ang mga mata nya kay Wes Flores. Sa matataas na talon nito at maangas na mga galawan ay mas lalo syang humahanga. Pakiramdam nya'y sasabog sya sa labis na kaligayahan kapag nakikita ito. Maraming tao at hindi nya alintana ang nakabibinging sigawan ng mga ito. "Grabe talaga sya magperform, mas nakukuha nya pa ang atensyon ng mga tao kaysa sa bokalista nila.” "Oo nga eh, kailan kaya tayo mapapansin nyan? Kahit man lang sana isa satin ay mapansin nya, nababalewala ang mga beauty natin kay Wes Flores.” "Hindi ako papayag na dedmahin lang ng lalaking yan, so girls keep your eyes on me.” Rinig nya ang usapan ng mga nagkukumpulang babae, ang isa ay mukhang naghahamon pa at tumayo ito. Sexy ito, matangkad at maputi. Halatang anak-mayaman. Nakababa na sa stage si Wes Flores at tapos ng tumugtog ang mga ito. Lumapit ang babae kay Wes. Umiinom ito ng mineral water at tila hindi man lang naramdaman ang presensya ng babae. "Hi Wes gusto mo bang punasan kita?" sabi nito sa malamyos na tinig habang pinagagapang ang mga daliri sa balikat ni Wes. Ang isang kamay nito ay may hawak na tuwalya, saglit na nilingon ito ni Wes pero mabilis pa sa alas-kwatro na binawi din nito agad ang tingin sa babae. Tumalikod ito at ni hindi man lang nagsalita. Kahit na medyo malayo sya ay kitang-kita nya ang madilim na ekspresyon ng mukha nito. Kasunod niyon ay ang nakabibinging pang-iinsulto ng mga kaibigan nung babae na lumapit kay Wes. "Oh my god Sandra! Hindi ka rin nya pinansin at wa-epek ang beauty mo." pang-aasar ng isang babae. "Hahaha! This is unbelievable!" bulalas naman ng isa. "Si Sandra Lee tinanggihan ng isang Wes Flores? Hey girl tatanggapin mo na lang?" Nagbago ang ekspresyon ng mukha ng babaeng tinawag ng mga itong Sandra. Taas ang kilay nito at umismid sa mga kasama. Halata mo ang pagkapahiya sa mukha nito ngunit pinilit na bumawi. "Of course not!" mariin na wika nito. Muli itong lumapit kay Wes at walang pakundangan na hinagilap nito ang batok ng binata at siniil ito ng halik sa labi. Kulang na lang malaglag sya sa kinauupuan nya dahil sa gulat. Lahat ng tao ay tila natigilan at napunta ang atensyon sa babaeng humahalik ngayon kay Wes. Pakiramdam nya ay piniga ang puso nya. Kahit na paghanga lang ang mayroon sya sa lalaki, di nya pa din maiwasang makaramdam ng kirot sa nasasaksihan ngayon ng mga mata nya. Humiwalay si Wes mula sa pagkakapalupot ng babae sa batok nito. Mas lalo nyang ikinagulat ang naging reaksyon nito sa babae. Nanlilisik ang mga mata nito nang hawakan ang braso ni Sandra, kitang-kita nya ang takot at pagkabigla sa mukha ng babae at ng mga kasama nito. "Don't you ever try to do this again or else kakalimutan kong babae ka!" mariin ngunit ramdam nyang parang nanggagaling sa ilalim ng lupa ang tinig na iyon. Shocked ang babae at maging ang mga kasama nito. Tila nakahinga ito ng maluwag ng bitawan ito ni Wes Flores. Mabilis na umalis si Wes kasama ang P.A nito na halata ring nabigla sa nangyari. Napaisip tuloy sya kung nakakausap din kaya nito si Wes? Syempre oo dahil P.A ito ni Wes, pero ang ibig nyang sabihin ay yung parang normal din kaya? Walang takot o tensyon? Napigil ang paghinga nya nang sandali itong dumaan sa gilid nya, mabilis na naglaho ito sa paningin nya. Pati ang mga tao ay sinusundan pa din ng tingin si Wes. "Hi, Miss!” Hindi nya namalayan ang lalaking lumapit sa likod nya. Sa pangalawang pagtawag lang nito ng Miss sa kanya ay saka lang sya tila natauhan. "Mukhang nag-iisa ka ah?" Naamoy nya kaagad na amoy alak ang lalaki. Matangkad ito at maraming hikaw sa tainga. Nakatabing ang mahabang buhok nya kaya mabilis syang napalayo rito nang simulan nitong haplusin ang buhok nya at hawiin iyon. "Huwag kang matakot..." Nakakakilabot ang tingin na ibinibigay nito sa kanya ngayon. Maraming tao sa loob ngunit nakaramdam sya ng takot. Napasulyap sya sa mga taong nagkakasiyahan at busy sa pag inom ng alak. Kailangan na nyang umuwi. Tapos ng mag-perform sila Wes. Akmang aalis na sya nang biglang pigilan ng lalaki ang braso nya. Sunod-sunod ang naging kaba nya ng lingunin nya ito. "Huwag ka munang umalis, halika uminom muna tayo ihahatid naman kita eh," sabi ng lalaki, mas lalo lang syang nangilabot sa paraan ng paghagod ng tingin nito sa kanya. "K-kuya hindi po kita kilala at mas lalong hindi po ako umiinom, ayoko po," sagot nya dito. "Okay lang yan subukan mo.” Inabutan sya nito ng isang boteng alak. Hindi pa man sya nakakatanggi uli ay may biglang kamay ng humawi roon. Nabasag ang bote at nang lingunin nya kung sino iyon ay tila tumigil na naman ang mundo nya. "Sabi ng ayaw ‘di ba?" Narinig nya ang boses ni Wes na ngayon ay madilim ang ekspresyon ng mukha sa lalaking lumapit sa kanya kanina. Bakit nandito pa ito? Akala nya ay umalis na ito kanina. "Lucas Alejandro wala ka ba talagang kadalaan? Hanggang kailan ka manggugulo ng mga tao dito?" tanong ni Wes sa lalaki. Nahinuha nyang kilala ni Wes ang lalaki dahil tinawag nito iyon sa pangalan. Napatiim ang lalaki. "Ikaw na naman? Paano kung sabihin ko sayong hangga't gusto ko anong gagawin mo? Ikaw kailan ka ba titigil sa pangingialam mo?" balik na tanong nito. Sinunggaban muna ito ng suntok ni Wes sa mukha bago nagpakawala ng salita. "Pag natauhan ka na!" sabi nito at pagkatapos ay lumingon sa kanya. Bagsak kaagad ang lalaki sa isang suntok lang. Para syang naestatwa sa kinatatayuan nya, nakatingin pa din sya sa bagsak na katawan ng lalaki. Tulog yata ito. Ganoon ba kalakas ang suntok ni Wes? Ang mga tao sa loob ng bar ay di nagawang mangialam. Maging ang guwardiya ay nakatingin lang at pinanood lang ang nangyari. Naramdaman nya ang pwersa ng paghila nito sa kamay nya at kasama sya nitong lumabas ng bar na iyon. Gulat na gulat sya sa nangyari ngunit mas nagulat sya ngayon dahil nasa harap na sila ng sasakyan nito. "Sakay!" utos nito sa kanya. Nilingon nya ito. Hindi nya magawang magsalita parang napipi na sya dahil sa labis na pagkabigla at tanging seryosong mga mata lang nito ang sumalubong sa kanya. Ramdam nya ang panginginig ng mga tuhod nya dahil sat nerbiyos. Binuksan nito ang pintuan ng sasakyan. "Sasakay ka o sasakay ka?" Mas naging malalim ang boses nito, wala na syang nagawa kundi ang sumakay roon. Walang imik na pinaharurot nito ang sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD