CHAPTER 3

1481 Words
HINDI NA MAPAKALI SI TARA. Ilang beses na siyang nagpapabalik-balik sa paglalakad sa loob ng detention cell ng naturang barangay habang nag-iisip ng solusyon sa kinasusuungang problema. Walanghiyang abogado iyon. Tinotoo nga ang pagpapakulong sa kanila ni Avex! Mabuti na lang at wala silang kasamang ibang bilanggo roon. Binalingan niya ang lalaki na tila ba nagsa-sunbathing pa sa gitna ng naturang kulungan. “Hindi ka man lang ba gagawa ng paraan para makalabas tayo rito? Hindi ako puwedeng manatili rito buong magdamag! Mag-aalala sa akin ang pamilya ko!” “Just call them then and tell them not to worry coz you’re in a safe place.” Hindi lang pala ang fashion sense nito ang magulo. “Puwede mo bang tawagan ang mga kakilala mo at pakiusapan na ilabas tayo rito?” “Hindi puwede. Kapag nalaman nila ang nangyari sa akin, sasabihin nila iyon kay Trax. And I don’t want to disturb him preparing for his wedding.” Wala na talaga siyang aasahan sa lalaking ito kaya mabilis siyang nag-isip ng paraan. “Sige, ‘yung pera ko muna ang gagamitin natin para makalabas na tayo rito. Pero bayaran mo ako, ha? Pang-Australia ko iyon.” Sa wakas ay nakuha na rin niya ang atensyon nito dahil tumayo na ito at naupo paharap sa kanya. “Anong gagawin mo sa Australia?” “Magtatrabaho.” “May trabaho ka na rito.” “Hindi sapat ang kinikita ko para sa pamilya ko.” “Bakit, ilan na ba ang anak mo?” “Anak?! Mukha na ba akong may anak na? Pamilya ko ang tinutukoy ko, at ang tuition fee ng kapatid ko sa college.” “Ah.” Tumango-tango pa ito na tila may importante itong bagay na natuklasan. “Bakit hindi mo hayaang maging working student ang kapatid mo para hindi ka na kailangang mag-Australia?” “Ayokong ma-distract sa pag-aaral ang kapatid ko. Sayang ang talino niya kung hindi ko siya susuportahan. Who knows, baka siya na ang nakatakdang presidente ng Pilipinas balang araw.” Avex gave her a boring blank stare. “My friend Jamic won’t give your brother a chance on the presidential seat.” “Ano?” “Nothing.” Tumayo na ito at kinausap ang isa mga pulis na naka-duty doon. “Can I use your phone?” Pinagbigyan naman ito ng pulis at saglit itong inilabas ng selda upang tawagan ang kaibigan daw nito. Ilang sandali pa ay ibinalik na uli ito sa selda nila. “Makakalabas na ba tayo rito?” salubong niyang tanong. “Depende sa mood ng tinawagan ko.” “Depende?” Muli itong humilata sa malamig na sahig. “Maghintay na lang tayo. Kapag dumating siya, suwerte natin. Kapag hindi, lagot na.” Siya naman ang nakiusap sa pulis. “Boss, puwede rin ba akong makigamit ng telepono ninyo? May tatawagan lang din ako.” Pinayagan naman siya, awa ng Diyos. Ngunit nakakailang dial pa lang siya sa numero ng kanyang kaibigan na hihingan sana niya ng tulong nang may convoy ng mga sasakyan ang nakita niyang pumarada sa labas ng presintong iyon. Ilang sandali pa ay napuno na ng mga naka-barong na tila mga bodyguards ang loob ng presinto. Huling pumasok ang pinaka-amo ng mga ito. At kilala niya ang lalaking iyon. It was the youngest senator ever elected in the country, and the biggest name in the coming presidential election. Senator Jamic Realista. Agad itong inasikaso ng mga naka-duty na pulis doon. “Nasaan na ang ate ng nangangarap na maki-agaw sa presidential seat ko?” Ate ng makiki-agaw sa presidential seat nito? “Nasa kanan mo, Jamic,” boses iyon ni Avex. “Kanan?” Nakilingon din siya sa direksyon na nilingon ng senator at ng mga tauhan nito. Wala siyang nakita kundi poster ng mukha ng kasalukuyang presidente ng bansa. That’s when she realized…Avex was talking about her! Muntik na niyang batuhin ng hawak na awdotibo ng telepono si AVex nang lapitan siya ng senator. Pero, wow. Madalas niyang nakikita ang senador sa telebisyon at alam ng lahat na may itsura ito. Hindi nga lang niya akalain na higit pa ang gandang lalaki nito sa personal. “G-good evening, Senator.” “Ikaw daw ang ate ng makakalaban ko sa presidential election?” “Ho? Eh…isa lang ang kapatid ko, Senator. At fourth year highschool pa lang siya ngayong taon. Wala pa rin sa isip ni Jonas ang tumakbo sa kahit na anong government position sa kasalukuyan.” “Your brother was just a teenager?” “Oho. Sixteen pa lang iyon.” Nagpamaywang lang ito, at saglit na nawalan ng imik na tila may kung anong iniisip. Seconds later, the young senator gave her his signature smile that almost melted her heart and took her hand for a handshake. “Ipagpaumanhin mo ang kalokohan ng kaibigan ko. Minsan talaga, pumapalya ang katinuan niyan. But he’s harmless. I hope you won’t take this against me.” “E…” “I wish your brother a goodluck on his studies.” “Jamic, puwede mo na ba kaming i-bail out dito?” boses uli iyon ni Avex. “Inaantok na ako.” “Of course.” “Huwag mo na lang din sana itong idaldal kay Trax.” “Sure.” Nilapitan nito ang desk officer at nakipag-usap sandali.  Maaaring pinairal ng senador ang red tape pero…wala naman silang kasalanan ni Avex kaya okay lang iyon. Hindi ba? Ilang sandali pa nga ay malaya na sila ni Avex. “Ang sekretarya ko na lang ang makikipag-coordinate sa kanila bukas,” wika ni Jamic habang naglalakad na sila palabas ng presinto. “Pero matanong ko lang, Avex. Ano ba ang ginagawa mo rito sa Antipolo sa ganitong oras ng gabi?” “Naaliw lang ako sa paglilibot ng mga tourist spots dito maghapon. Hindi ko na namalayan na ginabi na pala ako.” “Where’s your car?” “Pinauwi ko na si Mang Manny kaninang tanghali. Gusto kong mag-isang mag-tour.” “Kung ganon, tawagan mo na ang driver mo at nang masundo ka na rito.” “Gabi na. Tulog na iyon.” “Paano ka uuwi?” “Hindi mo ako ihahatid?” “Saka na. Kapag presidente na ako.” Lalayasan na sila nito nang mapadako ang tingin nito sa kanya. Saglit itong natigilan at napabuntunghininga na lang nang tila may kung ano itong ma-realize. Pagkatapos ay muli itong ngumiti saka bumaling uli kay Avex. “Sige, ihahatid na kayo ng mga bodyguards ko.” “Ah, Senator. Hindi na ho ninyo ako kailangang ihatid. Malapit lang naman ang bahay ko rito.” “No, no, no, no, no. Lahat ng mga simpleng mamayan ng bansang ito ay mahalaga sa akin kaya—“ “Ako na ang maghahatid kay Tara sa kanila.” Napalingon siya kay Avex. “Huwag na. Kaya ko ng umuwi ng mag-isa. Salamat na lang.” “Iyang pag-uwi mo ng mag-isa ang dahilan kung bakit tayo nandito ngayon. Kaya ihahatid na kita.” “That’s my friend.” Tinapik-tapik pa ng senador sa balikat si Avex. “Ingat kayo, ha? Boys, let’s go.” Agad nagsisunuran sa senador ang mga bodyguards nito at ilang sandali pa ay dalawa na lang sila ni Avex ang naiwang nakatayo sa gitna ng presintong iyon. Saglit pa silang nagkatinginan nito na tila ba lihim na sinesenyasang ang isa’t isa na kailangan na nilang lumabas doon at baka madisgrasya na naman ang kalayaan nila. “Hindi man lang nag-iwan kahit isang Pajero…” sambit ni Avex paglabas nila. Kasalukuyan na sila noong naghihintay sa tabi ng kalsada hindi kalayuan sa presintong pinanggalingan nila. “Dito ka na lang maghintay ng taxi pauwi sa inyo. Marami ng dumadaan dito—“ “Ihahatid kita. Nangako ako sa harap ng susunod na presidente ng Pilipinas.” At wala sa tono ng pananalita nito na magbabago pa ang isip nito. “Bahala ka na nga.” Naghintay na siya ng masasakyan nilang jeep. “Kaibigan mo pala si Senator Jamic Realista. Kaibigan din ba niya si Sir Chris?” “Highschool classmates kami sa isang school for boys.” “Pati si Sir Chris? No wonder marunong siyang makaintindi ng Tagalog.” “Marunong din iyong magsalita ng Tagalog. Era nga lang ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo ang alam niyang Tagalog dahil iyon ang huli niyang na-engkuwentrong salitang Filipino bago bumalik ng Korea ang pamilya niya.” “Si Sir Chris? Nagsasalita ng ganon ka-lalim na Tagalog?” “Hindi. Joke lang iyon.” Eksaherado siyang napasimangot sa pang-asar na lalaking ito. But he and his friend helped her bail out so she will have to resist strangling guy’s neck for a while. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD