CHAPTER 4

1495 Words
“PAGPASOK NATIN, huwag kang gagawa ng kahit na anong ingay. Tulog na ang pamilya ko at ayokong magpaliwanag sa kanila kung bakit may kasama akong lalaki ngayong gabi.” “Bakit kailangan ko pang pumasok ng bahay ninyo kung namomoroblema ka lang naman pala sa sasabihin ng pamilya mo kapag nakita nila ako?” “Basta.” Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng kanilang bahay. Mabuti na lang at iniiwan ng kanyang ina na bukas ang ilaw sa sala kaya hindi na siya mag-aalala na magising ang pamilya nila kapag nagbukas siya ng ilaw kung sakali. “Dito ka lang. May kukunin lang ako sa kuwarto ko.” “Ano iyon?” “Basta.” “I don’t like that answer.” Napabuntunghininga na lang siya. “Alam kong wala ka ng pera para pamasahe pauwi. Nakita ko ang laman ng bulsa mo kaninang umaga nang magpunta ka sa Hanoel. At dahil karamihan sa mga tourist spots dito sa Antipolo ay may bayad, either hindi na sapat ang pera o ubos na iyon sa maghapon mong paglalaboy. Hay. Ewan ko ba naman sa iyo kung bakit ayaw mo pang tawagan ang driver mo para masundo ka na.” Naupo na ito sa sofa bago sumagot. “Natutulog na sigurado si Mang Manny.” “Sabi ko nga. Dito ka lang at kukuha lang ako ng pera para pamasahe mo.” Paalis na siya nang maramdaman niyang tila may kung anong pumigil sa kanya. Paglingon niya ay nakita niyang hawak ni Avex ang laylayan ng suot niyang uniporme. “You’re really nice, aren’t you?” wika nito. Hinila siya nito palapit dito. “Come here and let me give you a kiss.” “Magtigil ka.” Pinalo niya ang kamay nito na agad ding bumitiw sa damit niya. Iniwan na niya ito bago pa kung anong kalokohan na naman ang maisipan nito. Dumiretso na siya sa kanyang silid at hinalungkat ang kahon na pinagtataguan niya ng mga naiipon niyang pera. Stash cash niya iyon para may mahugot siyang maliliit na halaga ng hindi na niya kakailanganin pang maghagilap ng bangko para makapag-withdraw. Come here and let me give you a kiss. “Parang sira,” sambit niya saka nagmamadaling kumilos para balikan si Avex. Ngunit bago siya tuluyang makalabas ay nahagip ng tingin niya ang kanyang repleksyon sa salamin. She grabbed her powder and whisked it lightly on her face. She even dabbed her lips with a touch of lipgloss. “Hindi ako nagpapaganda para sa kanya,” wika niya sa salamin. “Oiliness is next to ugliness.” Subalit pagbalik niya ng sala ay nakita niyang wala na ni anino ng lalaki. “Nasaan na iyon?” Lumabas siya ng bahay sa pagbabakasakaling maabutan doon ang binata. Ngunit hindi rin niya ito makita sa magkabilang direksyon ng kalsada. “Umalis ng wala man lang paalam? Anong lalaking iyon talaga. Ni hindi man lang nagpaalam.” Sa kabila ng pagkaasar ay nagpatuloy siya sa paghahanap dito. Kasi naman ang lalaking iyon, daig pa ang batang walang kamuwang-muwang. Although with his built and height, he was far from being a child. A hot guy, that’s more like it. A hot guy with a childlike attitude. And blame it to her maternal instinct to protect and care for him that’s why she just couldn’t let him roam around. Malayo-layo na rin ang nalalakad niya sa paghahanap dito at nang hindi pa rin niya ito makita ay nagpasya na siyang bumalik sa bahay nila. Baka nga naisip nitong umalis na lang para hindi na makaabala pa sa kanilang pamilya. Pagpasok sa kanilang bakuran ay nakarinig siya ng munting komosyon sa loob ng bahay nila. Nagmamadali siyang pumasok ng bahay at doon ay naabutan niyang nasa isang sulok na si Avex, may bahid ng dugo ang noo nito habang ang pamilya niya ay nakatutok ang hawak na dos por dos, lampshade at plantsahan sa binata. Mabilis siyang pumagitna sa mga ito upang pigilan ang muling pagsugod ng pamilya niya kay Avex. “Taranee, lumayo ka sa magnanakaw na iyan at baka mapahamak ka!” “Hindi magnanakaw si Avex, ‘Tay! Bisita ko siya!” “Bisita?” Doon lang tila nahimasmasan ang mga magulang at kapatid niya. Binalingan niya si Avex at nabagbag ang kalooban niya nang makita na mas marami na ngayon ang dugo na dumadaloy mula sa tinamo nitong sugat sa noo. “Nakupo…okay ka lang?” “No. My head hurts.” He was not complaining, just stating a fact. Hinila niya ito sa sofa at pinaupo roon saka pinakuha ng first aid kit ang kapatid. “Ano ba ang nangyari? Saan ka ba nagpunta at wala ka na rito sa sala nang bumalik ako?” “Call of nature.” “Naabutan siya ng kapatid mo na palabas ng banyo kaya inakala niyang magnanakaw siya,” wika ng kanyang ama na hindi pa rin ibinababa ang hawak nitong dos por dos. “Malilintikan tayo sa mga fans nitong si Avex.” Maingat niyang sinipat ang kabuuan ng mukha nito. “Meron ka pa bang ibang sugat? May masakit pa sa iyo?” “Anak, ilayo mo ng kaunti sa kanya ang mukha mo at baka bigla kang tukain niyan.” “Ano ka ba, Rene? Huwag ka ngang kontra-bida. Ang ganda nga nilang tingnan.” Binalingan niya ang kanyang pamilya na nakatayo na di kalayuan sa kanila ni Avex. Speaking of Avex…Nilingon niya ang binata at salamat sa paalala ng mga magulang ay doon lang niya napansin na masyado na ngang malapit ang mukha niya sa binata. She could even feel his faint breathing against her cheeks. And the way looked at her just made her feel a little…unconscious. Lumayo siya rito upang magkaroon sila ng pagitan kahit paano ng binata. “Jonas, kunin mo ang firstaid kit mo at asikasuhin mo ang sugat ni Avex. Bilis.” Kumilos naman agad ang kapatid niya at ilang sandali pa ay inaasikaso na nito si Avex. Pero pag-upo ni Jonas sa dati niyang puwesto sa harapan ni Avex, napansin niyang hindi kumikilos ang kapatid. “Jonas, ano pa ang hinihintay mo riyan? Asikasuhin mo na ang sugat ni Avex at talagang malilintikan tayo kapag nagkapeklat ang guwapong mukhang iyan.” Tumayo ang kapatid niya. “Ate, sinasabi ng mga tingin niya na ikaw na lang daw ang mag-asikaso sa kanya.” “Ano?” “Ang sama ng tingin niya sa akin. Baka buntalin na niya ako kapag hindi pa ako umalis sa harapan niya.” “I won’t hit him,” singit ni Avex. “Pero mas gusto ko nga na ikaw na lang ang mag-asikaso sa akin.” “Hindi ako nurse.” “Hindi rin nurse ang stepmother ko na laging nag-aasikaso sa akin kapag nagkakasugat ako.” Nakahalukipkip na ito habang dumaloy na sa gilid ng sintido nito ang dugo mula sa sugat nito. “Ah. This one hurts.” Agad nabagbag ang kalooban niya kaya kinuha na niya ang bulak at gamot sa kapatid at siya na ang nag-asikaso rito. “Did you put on a lipgloss? You’re not wearing lipgloss earlier.” “Tumahimik ka na lang diyan at nang matapos na tayo rito sa—“ “I like your lips, though. With or without lipgloss.” Narinig niya ang bungisngis ng kanyang ina at ang mahinang sipol ng kanyang kapatid. Hindi na niya pinansin ang kahit na anong istorbo sa kanyang paligid at inasikaso na lang ang sugat ni Avex para matapos na ang eksena nilang iyon. Dahil kung hindi pa siya lalayas sa harapan nito, tuluyan na siyang bibigay sa ginagawang pagmamasid sa kanya ni Avex. And having their faces that close, she was really having a hard time concentrating on the job at hand. “I really like your lips, Taranee.” “Shut up, Avex.” “You smell good too.” “Pansinin mo ang boobs ko at talagang kakasuhan na kita ng s****l harassment.” Awtomatikong dumako ang atensyon nito sa dibdib niya. Malakas itong napasinghap nang mariin niyang itinapal ang gasa sa sugat nito matapos iyong linisin. “Mukhang okay ka na.” Lumayo na rin siya rito. “Jonas, ikuha mo ng taxi si Avex. May mga dumadaan pa namang taxi doon sa kanto ng mga ganitong oras. ‘Nay, ‘Tay, okay lang ba na ipaghanda ninyo ng makakain itong bisita ko? Nanlalagkit na kasi ako at gusto kong mag-shower na muna.” “Sige na, anak. Kami na ang bahala rito sa bisita mo.” “Hindi na ho ako magtatagal. Sasabay na lang ako kay Jonas sa pag-aabang ng taxi.” Hindi niya pinansin ang sinabi ni Avex at nagtuloy lang siya sa paglalakad patungo sa kanyang silid. “Taranee, thank you. And sorry about teasing you.” “Whatever, yaya,” ang tanging sagot niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD