CHAPTER 2

1398 Words
“SIR CHRIS, I’LL LEAVE NOW. Goodnight!” “Okay. Take care.” Napakamot na lang ng ulo si Tara nang tahimik na iwan ang amo na ni hindi na nagawa pang lumingon sa kanya dahil sa tambak na trabaho sa mesa nito. Napaka-workaholic talaga ng Koreano’ng iyon. Bagay sa kanya, he-he! Sana guwapo rin at kasing bait ni Chris ang susunod niyang magiging amo. Matatapos na kasi ang kontrata niya sa Hanoel at balak na rin niyang magpalit ng trabaho para maiba naman at makadagdaga sa working experience niya. Iyon nga lang, siguradong mami-miss niya ang kabaitan at kaguwapuhan ni Mr. Chris Lee. Isa-isa na niyang pinatay ang mga ilaw sa loob ng coffeeshop at nag-iwan lang ng isang ilaw na bukas para sa napakasipag na amo na siguradong uumagahin na naman sa ginagawa nitong pag-i-imbentaryo ng maghapon nilang kita sa shop. Nauna ng umalis si Gerry dahil kailangan pa raw nitong suyuin ang nagtatampong girlfriend. Mag-a-alas onse na ng gabi kaya wala na masyadong tao na naglalakad sa kalyeng iyon. Karamihan na rin sa mga establishment na kahilera ng Hanoel ay sarado na. Kaya alerto na siya sa mga ganitong oras. Nakasanayan na niya iyon para na rin lagi siyang handa kung sakaling may magtatangka ng masama sa kanya. Tulad nang mga sandaling iyon. Tinubuan siya ng kakaibang kaba sa lalaking kanina pa nakasunod sa kanya. At kapag ganitong naka-hightened alert na ang buong sistema niya, paniguradong dapat na nga siyang mag-ingat nang husto. Binilisan pa niyang lalo ang paglalakad habang mahigpit na kipkip ang kanyang bag. Pasimple na rin niyang dinudukot sa loob ng kanyang bag ang de-tiklop niyang payong bilang kanyang sandata. Hihingi na rin sana siya ng saklolo ngunit wala siyang matanaw na tao sa direksyong tinatahak niya. At kung tinatamaan nga naman siya ng malas, ilang poste na rin ng ilaw ang pundido na yata ang bumbilya kaya may kadiliman na sa tinatahak niyang daan. Kailangan niyang bumalik. Pero nakasunod pa rin ang lalaki. Tila mabibingi na siya sa dagundong ng kaba sa kanyang dibdib. Ano na ang gagawin niya? Lord, help! “Miss—“ Malakas siyang napasigaw nang maramdaman ang paghawak ng kung sino sa kanyang balikat. Iyong bunot niya ng kanyang payong sabay hampas sa lalaking nagtangka sa kanya. Nasaktan yata ito nang husto nang tamaan ito ng matigas niyang payong sa mukha kaya napaurong ito bago tuluyang napaupo sa kalsada. Adrenalin rushed through her veins as she smacked her umbrella on the man’s head before running away as fast as she could. Pero hindi naman siya agad nakalayo dahil bumangga na siya sa kung sinong hindi niya namalayang kasalubong pala niya. Automatic niyang inihampas ang kanyang payong nang tumigil iyon sa ere. “Hey, its me.” It was Avex. He was holding off her umbrella with his one hand. Relief washed over her when she recognized him. “Avex! Tulungan mo ako! May humahabol sa akin!” “What? Where?” “’Ayun!” Itinuro niya ang lalaking lulugo-lugo na ngayong tumatayo mula sa pagkakalugmok nito. “Kanina pa niya ako sinusundan! Tulungan mo ako!” “Wait here.” Avex went ahead to confront the stranger. Laking gulat niya nang ilang metro bago makalapit sa lalaki ay bigla na lang tumalon si Avex at binigyan ng solidong flying kick sa mukha ang lalaki na agad bumalandra sa kalsada sa lakas ng impact. “Wow…” ang tangi niyang nasambit sa nasaksihan. “Hanep…” Nilapitan uli ni Avex ang lalaki na tila ba isa itong mafia boss na trip kumitil ng buhay nang gabing iyon. “No one messes with the woman who gave me a free breakfast meal this morning.” “Go, Avex!” Malakas na ang loob niya nang lumapit sa mga ito. “Tapusin mo ang manyak na iyan! Masamang tao iyan! Grabe!” Avex pushed her behind him with his arm, as if making sure she wouldn’t be harmed, and was about to kick the man when a siren blasted coming from behind them. Sa wakas, napansin na yata sila ng mga rumurondang barangay tanod. “Ano iyan, ha? Anong g**o iyan?” “Boss! Chief! Ang lalaking iyan!” Itinuro niya nakalugmok na lalakina tila ngayon pa lang nahihimasmasan sa natamong sipa kay Avex. “Manyak! r****t!” “r****t?” Pinagtulungan na ng mga tanod na itayo ang suspek. Ngayon lang niya napansin na duguan na ang ilong at nguso nito. “Ikaw na r****t ka—“ “Hindi ako r****t!” sigaw ng lalaki. “Sinungaling!” sigaw din niyang sagot dito. “Kanina mo pa ako sinusundan! Baka akala mo hindi ko napapansin iyon!” “Hindi ako r****t! At hindi rin ako sumusunod sa iyo!” “Hoy.” Malakas itong tinampal ni Avex sa dibdib na ikinatahimik nito saglit. “Ang mga babae, minamahal. Hindi sinisigawan.” “Tama!” She looked up to Avex and smiled at him before giving her attention back to the stranger. “Kung hindi ka r****t, hindi mo dapat ako basta na lang hinawakan!” Malakas uli na lumagabog ang dibdib ng lalaki nang muli itong tampalin ni Avex. This time, hindi na nito binitiwan ang kuwelyo ng suot na t-shirt ng lalaking manyak. “Hinawakan mo ang babaeng nanlibre sa akin ng agahan? Ang lakas ng loob mo, ah.” Akma na itong susuntukin ni Avex nang pumagitna na ang mga barangay tanod. “Hindi sabi ako r****t! Sinusundan ko lang siya dahil magtatanong lang ako ng oras! Masama na bang magtanong ng oras ngayon?!” Si Avex ang sumagot. “Oo. Lalo na sa mga babaeng natatakot sa iyo.” “Nagtatanong nga lang sabi ako ng oras! At wala kayong ebidensiyang nagpapatunay na masama akong tao kaya bitiwan mo ako!” Nakawala na ang lalaki sa pagkakahawak ni Avex ngunit hindi sa pagbabantay ng mga barangay tanod. “Idedemanda ko ang mga iyan! Serious physical injury! Aray ko, ang ilong ko…” “Hindi pa serious iyan. Akin na dagdagan ko pa nang matupad ang pangarap mo…” Avex’s long arm almost reached the guy even without him moving from his place. Ngunit nakaurong na ang lalaki at nagtago sa likuran ng mga tanod. “Isa pa, Avex,” sulsol pa niya sa binata. “Mga sira ulo kayo! Isa akong matinong abogado na ginabi lang ng husto sa business meeting ko sa kliyente ko.” Naglabas ito ng ID mula sa atache case nitong ngayon lang niya napansin at ibinalandra iyon harapan nila. Kinuha ng isa sa mga tanod ang ID at inilawan iyon ng dala nitong flashlight. Nakitingin na rin siya at nabasa nga niya ang pangalan ng law firm nito pati na ang katungkulan nito. He was a lawyer alright. At mukha rin nito ang nakaplaster sa larawan sa naturang ID. Lagot na. Wala siyang magawa kundi ang magpakumbaba. “Sorry. Natakot kasi talaga ako sa iyo dahil akala ko masamang tao ka. E, nag-iingat lang naman ako—“ “A, wala na akong pakialam sa sasabihin mo!” Hinarap nito ang mga tanod. “Ikulong nyo ang dalawang iyan! Magsasampa ako ng kaso sa kanila!” “Kulong? Teka, bakit mo ako ipapakulong?” “Ang mabuti pa, sumama na kayo sa barangay hall at nang mapag-usapan ito ng maayos,” wika ng pinaka-lider ng mga tanod. “Hala, sumakay na kayo sa mobile.” “T-teka! Kaunting hindi pagkakaunawaan lang ito. Puwede na itong ma-resolve dito pa lang.” Umurong uli siya pabalik sa bandang likuran ni Avex. “Sorry na. Hindi na namin sinasadya ang nangyari. Pero may kasalanan ka rin naman kaya quits na lang tayo.” Marahan niyang inudyukan sa braso si Avex. “Mag-sorry ka na rin sa kanya at nang matapos na agad ito. Para pare-pareho na tayong hindi na maabala at nang makapagpahinga na tayong lahat.” Agad namang sumunod si Avex. Kumilos ito, pinagsalikop ang mga kamay…at nag-sing and dance. “Sorry, sorry, sorry, sorry, naega naega naega munjuh party baby!” Saglit na nagkaroon ng munting katahimikan. Hindi na niya kailangang manghula kung ano ang reaksyon ng mga nakakita at nakarinig sa sing and dance interpretation ni Avex na paghingi nito ng paumanhin. “Hala, sa presinto ka na magpaliwanag,” wika ng pinuno ng mga tanod.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD