Chapter- 4

2619 Words
Kailangan mag stay ng ilang araw si Dark sa hospital dahil napasok ng tubig ang baga nito. “Mommy, sorry po hindi ko nabantayan ang kapatid ko?” sinisisi niya ang sarili habang iyak ng iyak habang nakatingin sa ina. “Anak, hindi mo kasalanan iyon kaya huwag mong sisihin ang sarili mo.” nasasaktan siyang nakikitang umiiyak ang pinaka panganay niya sa quadruplets. Kahit bata pa ito ay malaki ang pagkakaiba ng apat. Mature na kumilos, manalita at lalong higit ay mapagmahal sa mga kapatid. “Kasalanan ko po dahil sa paper plane na ginawa ko ay nahulog si Dark.” sana siya na lang ang nahulog dahil sa maling laruan na ginawa niya ay muntik pang namatay ang isa sa kanila. “Shhh, anak tama huwag ka ng umiyak gagaling rin ang kapatid mo.” niyakap na lang niya ang anak, ramdam niya ang paghihirap ng loob nito. At nang kumalma ito ay bumitaw na sa kaniya at lumapit sa ibang mga kapatid. Siya ay tumayo at nagtungo sa banyo para maghilamos dahil nagsisikip ang kaniyang dibdib. Matapos ay bumalik sa upuan habang nakatitig sa anak na si Dark. ngayon niya naisip kung bakit basta na lang siya nag desisyon bumalik ng bansa. Kung hindi siya nagpa dalusdalos ay hindi sana nalagay sa peligro ang anak. Kaya ang ginawa niya ay nagpaalam muna sa mga ito at nagtungo sa chapel. Doon ay binuhos niyang lahat ang sakit na nararamdaman, kung hindi niya pinairal ang kahinaan sana hanggang ngayon ay nasa mabuting lagay ang mga ito. Lumuhod siya sa mahal na birhen at hinayaang umagos ang kaniyang luha. Dahil sa mga oras na iyon ay ramdam niyang nag iisa siya. Samantala pakiramdam ni Jade ay wala na siyang papel doon kaya minabuting lumabas na lang. Bakit gano’n ang naramdaman niya ng sagipin ang bata. Siguro talagang hanggang ngayon ay mahal pa niya ang kaniyang dating asawa. Kaya pati ang anak nito ay feeling niya ay anak niya rin. Nailing na lang sa sarili habang palayo sa hospital. Wala siyang ibang alam gawin ng mga oras na iyon. At nasumpungan niya ang sariling nasa harapan ng bahay ng babaeng tanging nakakapag palimot sa kaniyang mga problema. “Sabi ko naman sayo sa akin ka rin tatakbo, akala mo ba hindi ko alam na galing ka sa ospital? Para kang gago na susunod nang sunod sa mag-ina na yon at ng alam mong balewala ka sa kanila ay pupunta dito huh!” Hindi siya nagsalita, bagkus ay humilata siya sa mahabang sofa. Totoo naman ang kaniyang mga naririnig, dahil kahit aminin man niya o hindi ay umaasa pa rin siya. Kahit alam niyang wala naman na siyang chance dahil may limang anak na sa iba ang dating asawa. “Bumangon ka riyan at samahan mo ako sa isang party, wala akong scort kaya halika na.” unti-unting sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. Ngayon pa lang ay nakikita na niya ang tagumpay. Sa labas ay matiyaga ang mga bodyguard ni Jade na nakatayo roon. Kahit hindi sila kinakausap ng kanilang boss ayos lang basta pinoprotektahan nila ito. Sa maraming taon nilang naglilingkod sa mga Montemayor ay napakabait ng magkakapatid. Ang nakapagtataka lang na bigla ang pagbabago ng kanilang boss. Nagsimula ang ganoong ugali nito matapos ang tatlong taon ng pagiging buhay may asawa nito. At iyon ang gusto sana nilang i-report sa ama nito. Subalit wala silang karapatan kuwestyonin ang kanilang boss. Dahil ang mga bodyguard lang sila at ang tungkulin ay ipagtanggol ito sa mga taong maaaring manakit dito. Samantala ay wala namang ibang choice si Sofia kundi ang maghanap ng private nurse na pwedeng tumingin sa anak. Hindi naman kasi maaari na laging narito silang mag-ina. Children not allowed here in the hospital at kahit kaibigan ng biyenan ang chairman ng ospital ay dapat sumunod sila sa rules and regulations. Kaya pinakiusapan na lang talaga niya ang head para payagan sila. At nang may pumasok na isang nurse at sa tingin niya ay mabait ito ay kinausap niya. “Nurse, pwede ba kitang pakiusapan?” dasal niya ay pumayag sana ito. “Yes ano po iyon Ma’am?” “Hindi kami maaaring magtagal dito dahil bawal ang mga bata. Baka naman pwede kong kuhain ang serbisyo mo.” halos magpaawa siya habang naghihintay ng sagot nito. “Para po ba sa pasyente?” “Yes nurse, magbabayad ako kahit magkano.” “Sige po Ma’am, ngunit huwag po sanang matagal dahil may mga responsibility rin po ako dito sa ospital. Isa pa nag aalala ako na baka malaman ng head ay ikatanggal ko sa trabaho.” kundi lang siya naaawa sa napakagandang ginang ay hindi niya tatanggapin dahil bawal iyon sa patakaran ng ospital. “Sige salamat, aayusin ko lang ang mga anak ko at babalik agad ako rito.” “Sige po Ma’am.” Malaki ang pasasalamat niya dahil napapayag ang isang nurse na pasekretong bantayan ang anak. Babayaran niya ito ng doble kagaya ng ipinangako niya. Tinawag na niya ang tatlong anak habang akay ang bunso niyang si Soffy. At habang pauwi sila sa bahay ay nag-iisip siya kung ano ang susunod niyang gagawin. Ilang beses na siyang nag send ng email para sa isang agency. Ngayon ay kailangan na kailangan niya ang makakasama para may mag asikaso sa mga anak pag umalis siya. Subalit hanggang ngayon naman wala pa rin reply ang agency na kaniyang tinawagan para sa magiging kasambahay nila. Naisipan na dumaan na rin muna sila sa grocery para mga kailangan nila. “Anak, gusto nyo ba dito na lang kayo at madali lang naman ako sa loob?” “No Mom! Sasama na lang po kami sa iyo.” “Kung gano’n ay bumaba na kayo riyan, maghawak hawak ng kamay para hindi mawalay ang isa sa inyo. At ikaw baby Soffy halika rito kay Mommy.” Mabilis ang hakbang niya at paminsan minsan ay nililingon ang tatlong anak na lalaki. “Double time mga anak, dahil kailangan ko pang makabalik agad sa ospital.” “Nariyan na po Mommy.” akay niya si Delta at Drake sa magkabilang kamay habang nakasunod sila sa ina. Pagdating nila sa loob ay agad na kumuha ng cart ang mga anak. Sinakay rin nila si Soffy doon habang tulak tulak ito ng tatlo. Dahil mga bata pa ay hindi maiiwasan na mag kaniya kaniyang kuha ng mga gustong pagkain. “Mga anak, huwag ang mga junk food hindi mabuti sa katawan nyo ang pagkain na iyon.” “Yes po Mommy.” “How about the chocolate Mommy?” “Okay lang mga anak ngunit huwag masyadong marami.” “Kuya Josh, can I go down?” “Sige, pero huwag kang mag pasaway ah?” “Sure Kuya, magpakabait ako promise.” malapad na ngiti niya sa nakakatandang kapatid. Mabilis na binuhat ni Josh ang bunsong kapatid at ibinaba ito. “Huwag kang lalayo baby Soffy, Delta samahan mo siya at huwag kayong pupunta sa mga frozen foods.” “Yes Kuya.” Subalit dahil mga bata pa ay hindi maiwasang maging magulo. At hindi naman masisisi ang mga ito lalo pa at tila kasiyahan sa mga ito ang dumampot ng mga pagkain na ngayon lang matitikman. Panay ang lagay sa cart ni baby Soffy at hindi sinasadya ay nahulog ang isang mayonnaise. Nabasag iyon at dahil sa takot ay bigla itong napaiyak. Isang matangkad na lalaki ang nakapansin sa batang babae na tila namumutla sa takot at umiiyak. Kaya hindi nagdalawang isip na lapitan ito. “Young lady, are you okay?” tanong niya sa batang babae. Napaka cute nito kahit luhaan ang mga mata. Agad na hinawakan niya ang magkabilang balikat at itatayo sana ito. Subalit may kakaiba siyang naramdaman. Nagugulohan man ay napaluhod na lang siya sa harapan ng bata. “Psshh, stop crying, where is your Mommy and Daddy?” “My Mom is over there,” sinyas niya sa lugar kung nasaan ang ina habang nanatiling naka tungo. “And i d-don't have Daddy po.” hindi tumitingin niyang sagot dito. Nakaramdam ng awa si Dave sa batang babae kaya niyakap niya ito at naramdaman niyang gumanti rin ito ng mahigpit na yakap sa kaniya. “Salamat po….” ngunit natilihan si Soffy ng makita ang mukha ng lalaking tumulong sa kaniya. At sigurado siyang hindi ito ang kaniyang ama. Ngunit kamukhang kamukha ito kaya baka ito ang kakambal ng ama. Ang mga mata nito ay pareho rin ng sa Daddy nila. “U-uncle po ba kita? Kasi pareho kayo ng mukha ng Daddy ko.” “Baby Soffy, halika na…”napa takbo si Delta sa kapatid ng makitang luhaan ito. Hindi agad niya napansin ang mukha ng lalaking tumulong dito. “Mister maraming salamat ho.” habang nanatiling nakatingin sa kapatid. “Kuya, ahm…”hindi malaman kung sasabihin rito ang tungkol sa lalaki. Lalo pa at alam niyang galit ang mga kapatid sa ama nila. “Kiddo, magkapatid kayo?” “Yes Mister, at maraming salamat....” napa takip ng bibig si Deta at agad na hinila ang kapatid. Ngunit napahinto rin ng nasa malapit na ang kapatid na si Drake. “Anong nangyari Kuya Delta? Hindi ba sabi ni Kuya Josh ay samahan mo si baby Soffy?” seryosong pananalita niya at dinaluhan na rin agad ang kapatid na bunso ng makitang may luha ito sa pisngi. Subalit lumapit ang lalaki sa kanila at hinawakan si Soffy na siyang dating tumatayong panganay na si Josh. Habang si Delta at Drake ay hindi nagawang magsalita at nanatili na nakatayo lang. “Let her go! Lumayo ka sa amin monster! At kayong tatlo halika kayo!” saka mabilis na hinila ang kapatid na bunso at nilagay sa parting likuran. Akala mo ay malaking tao na kayang ipagtanggol ang mga kapatid sa sinumang maaaring manakit. Gusto sanang sabihin ni Soffy sa Kuya niya na hindi ito ang Daddy nila. Subalit sa nakikita niyang galit na galit ito kaya’t hindi na lang siya nagsalita. Lalo na at kuyom ang maliit nitong kamao. Pati na ang lalaki ay napagkamalan nito na ama nila. Hindi makagalaw si Dave sa narinig sa batang lalaki lalo at kitang kita niya ang galit nito sa mga mata. “Kuya bakit ka ba nagagalit kay Daddy? Eh, tinulungan lang naman niya si baby Soffy dahil nakabasag siya.” Gano’n rin si Drake ay napagkamalan rin pala nitong ama nila ang lalaki. Samantala ay lalo nang naguluhan si Dave ng tawagin siya na Daddy ng mga ito at ang tagpong iyon ang inabutan ni sofia. “Naku Mister, pasensya na kung may mali nagawa ang mga anak ko.” “Sofia?” “Kuya Dave!” sabay pa silang nagka gulatan. “So mga anak mo sila? kaya naman pala gano’n na lang ang naramdaman ko. Ang makitang umiiyak ang litle girl mo ay mga pamangkin ko pala sila.” “Salamat Kuya Dave.” nahihiya siya sa bayaw lalo pa at wala itong alam na naririto sila sa bansa. “Tapos na ba kayong mamili? ako na maghahatid sa inyo.” “It's okay Kuya Dave dala ko naman ang sasakyan ko.” “Maiba ako bakit tatlo lang sila nasaan ang isa? i mean hindi ba quadruplets sila? Nakita ko kayo sa isang news, ilang taon na rin ang nakalipas.” “Nasa hospital siya, nahulog kasi si Dark sa pool at kailangan na mag stay ng two to three days. Dahil napasok ng tubig ang baga niya.” halos maiyak siya habang nagkukwento sa kakambal ng asawa. “Kung gano’n sino ang nag aasikaso sa bata?” “Ahm, may pinakiusapan akong isang nurse, sekreto nga lang dahil bawal raw iyon kanila. Wala kasi akong pagpipilian Kuya Dave. Iyong kinuha ko sa agency na magiging kasambahay sana namin ay wala pa rin.” “Nasaan si Jade? Wala ba siya roon?” “Actually siya ang sumagip kay Dark at nag maneho patungo nang ospital. Kaya lang bigla ring umalis at hindi ko alam kung nasaan.” Wala na siyang nagawa ng pinilit siya nito na hatid sila sa bahay at tinulongang pa na maipasok ang mga pinamili. “Thanks, Kuya Dave.” “I’m sorry hipag, hayaan mo at kakausapin ko ang kapatid ko.” saka siya tuluyang umalis matapos na tumango ang hipag. Naaawa siya sa sitwasyon ng mga ito, Ayon sa mga kwento ng hipag ay mukhang wala nang pag asa na magkabalikan pa ang mag-asawa. Lalo na at nalaman nito na iba't ibang babae ang inuuwi ng kapatid sa bahay ng mga ito. Naisipang puntahan ni Dave ang isa sa quadruplets sa hospital. “Kumusta na siya?” tanong niya sa nurse na nakabantay dito. “Okay naman ho sir, pakisabi na rin ho sa asawa nyo na hindi na ho ako pwedeng magbantay sa kaniya ngayon. Dahil nalaman ho ng head at napagalitan ako.” “Huwag kang mag alala at kakausapin ko ang head. Hindi siguro niya kilala ang bata.” “Sige po sir, mas mabuti na kayo ang magpaliwanag.” “Nurse, maaari ba na dumito ka muna? Pupuntahan ko lang ang office of the Chairman.” “Sige po sir, oras ko rin naman po para sa gamot ng anak ninyo.” “Salamat.” napagkamalan pa siyang asawa ni Sofia. Meaning nagpupunta ang kapatid niya rito. Minabuti na tumawag sa mansion para makausap ang mga magulang. “Hello, can I talk to my Mom please?” “Yes speaking, who's on the line please?” “Mom, it's me Dave, I'm here in the hospital right now.” “What happened? naaksidente ka ba?” takot agad ang kaniyang naramdaman ng at agad na nag panic. “Mom relax okay, I'm fine pero ang apo mo nahulog sa pool but he is okay now.” “Oh God what happen to my apo? At nasaan ang mga yaya nila bakit napabayaan ang bata?” “Mom please listen to me?” “Yes anak go ahead.” “Maaari po ba na mahiram ang isa nating maid sa mansyon? Walang nagbabantay sa kaniya rito sa ospital ni uncle Joshua.” “Bakit wala, anong ginagawa ng asawa mo? At nasaan ang mga yaya ng anak mo?” “Mom nasaan po si Daddy? Can I talk to him please?” Napapa iling si Dave kahit kailan talaga ang mommy niya nauna pa ang nerbyos kaya hindi sila magkaintindihan. “Wait, ito kausapin mo.” “Hello Dad, ikaw na po ang magpaliwanag kay Mommy baka atakihin pa yan eh.” “Nakikinig ako, ano ba ang gusto mong sabihin?” “Dad, please listen.” “Ok go ahead son.” “Nandito po ako sa hospital nahulog sa pool ang apo ninyo at kailangan ng magbabantay. At hindi po ang anak ko ang nahulog Dad. Ang anak ni Jade ang naririto ngayon sa ospita at ngayon ko lang sila na meet.” “What? Anak ni Jade? Bakit nandito na ba sila sa Pilipinas? Saang hospital yan at papunta na kami ng Mommy mo!” “Narito po sa ospital ni Uncle Joshua.” “Sige, huwag mong iiwan ang apo ko at papunta kami dyan.” “I will Dad, ingat kayo sa byahe.” Hindi magkandaugaga ang mag asawa sa pagmamadaling makarating agad nang hospital. “Wala na bang ibibilis ang sasakyan?” sigaw niya sa driver. “Malapit na ho tayo Chairman,” napapa iling na lang siya sa mga ito. Kilalang kilala na niya ang mag asawa sa tagal na niyang nanilbihan sa mga ito. Basta apo ang pinag uusapan naku parang gustong gawing magic ang mga oras. Mapadali lang sa pupuntahan gano’n nila kamahal ang mga apo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD