Gising na si Dark ng dumating ang mag-asawa at may pagtataka sa mukha na nakamasid dahil hindi niya kilala ang mga ito. Tapos umiiyak pa ang matandang babae habang nakahawak sa kamay niya.
“Bakit ka po umiiyak senyora?” mahinang tanong ni Dark dito. Subalit lalo lang napaiyak ito pati na rin ang senyor kaya palipat lipat ang tingin niya sa dalawa.
“What is your name kiddo?”
“I am Jokuh Dark Sandoval Montemayor po, at sino naman po pala kayo at bakit parehas na umiiyak?”
Sa halip ay niyakap pa siya ng ginang habang patuloy sa pag iyak.
“Apo ako ang Lolo and she is your Lola.” paliwanag ni Lance sa inosenting bata.
“Wow! Totoo po ba ang sinasabi ninyo?” kumikislap ang mga mata niya sa sobrang saya. Ngayon ay hindi na sila maging malungkot dahil may mapupuntahan na silang magkakapatid. Lalo pa at matagal na nilang gustong makita ang mga ito. Subalit ang kasiyahan at ang ngiti ay unti-unting naglaho sa kaniyang labi at napalitan ng pangamba. Kaya dahan dahan siyang bumitaw sa yakap ng mga ito.
“Apo, bakit?”
“K-kayo po pala ang parents ni D-dad?”
“Nagkatinginan muna ang mag-asawa bago sumagot.
“Yes apo, anak namin ang iyong ama.”
“A-ayaw ko po sa kaniya, masama mo siyang tao.”
“Hindi totoo yon apo, mabait ang Daddy mo.”
“Hindi po siya mabait, dahil palagi niya pinapaiyak ang Mommy namin. At palagi siyang nag uuwi ng ibang babae sa bahay, lagi na lang umiiyak si Mommy. I hate him so much, dahil hindi siya nakikinig sa sinabi ni Mommy. Sa tuwina ay may may kasama siyang babae sa bahay kahit bawal. At kahit kailan man ay hindi siya nakinig at sa halip ay sasaktan pa niya si Mommy.” habang patuloy sa pag tulo ang luha niya.
“Honey, stay here.” kailangan niyang makausap ang anak.
“Sige sweetheart.”
Nang makitang lumabas na ang Lolo niya ay lumayo siya konti sa kaniyang Lola.
“Kailan po ba ako makakauwi? Miss na miss ko na po si Mommy at mga kapatid ko.”
Malapit na apo, kailangan lang ay masiguro na magaling ka na.”
“Kailan po ang malapit na Lola?” pangungulit niya dahil hindi siya kontento sa sagot nito sa kaniya.
“Dalawang tulog pa apo.
“Ibig mo pong sabihin ay hintayin ko na lumipas ang dalawang gabi?”
“Yes apo, kaya huwag ka ng malungkot dahil mabilis lang yon. At pag nakalabas ka na dito ay pagpapaalam ko kayo sa Mommy nyo para maka pasyal sa mansyon.”
“Di ba po Lola ang mansyon ay kasing laki ng sa kaharian? Yong may mga King, Queen, Prince and Princess?”
“Tama apo, gano’n kalaki ang mansyon, at kayo ang mga Prince and Princess.”
“Wow!” may kislap ang mga mata na yumakap sa kaniyang Lola.
“Kaya apo magpagaling ka na at paglabas mo dito ay ipapasyal namin kayo. Kahit saan ninyo gustong pumunta na lugar ay dadalhin namin kayo.”
“Promise Lola magpapa galing na po ako, sigurado magiging masaya rin si Princess Soffy.”
Nayakap na lang niya ang apo, habag na habag siya sa sitwasyon ng mga ito. Maliliit pa lang dumaranas na ng sakit, hindi man lang naranasan na kalingain ng ama.
Sa labas ay galit na galit si Lance, habang palakad lakad sa pasilyo ng ospital. Hindi na siya makapag hintay na kumprontahin ang anak.
“Ano nakontak mo ba ang tarantadong yon?”
“Calm down Dad, papunta raw po.” hindi niya maiwasan na mag alala sa kalusugan ng ama.
“Paano ako kakalma sa pinaggagawa ng kapatid mo ha?”
“Dad, pakiusap huminahon ka po, maaari namang pag-usapan ng maayos ang problema.” kinakabahan siya dahil bihira lang magalit ang ama. At sa nakikita niya ngayon ay siguradong masasaktan nito ang kapatid niya.
Twenty minutes later…
Dumating si Jade at mukhang may hang over pa ito dahil wala sa ayos ang sarili. Magulo ang buhok na parang hindi man lang nagawang maligo at tanging t-shirt maong pants lang ang suot nito. Lumapit agad ito sa ama para sana magmano. Subalit malakas na suntok ang pinakawalan ng ama.
“Anong klase kang ama ha? Naririto sa ospital ang anak mo ay nagagawa mo pa ang maglasing! Hindi mo asikasuhin ang mag-ina mong tarantado ka!” sabay duro niya sa tahimik na anak na parang walang pakialam.
“Anak?” pabalang na sagot niya sa ama.
“Shut Up! wala kang kahihiyan pati mga babae mo ipinakikita mo pa sa mga anak mo! At sa mismong pamamamahay nyo ay palit palitan mong inuwi ang mga yon!”
“Nagsumbong na pala agad sa inyo ang babaeng 'yon?” lalo na siyang nanggagalaiti sa galit. Humanda sa kaniya ang lintik na babaeng yon. Sisiguraduhin niyang bibigyan ng leksyon para tumigil sa pakikialam sa buhay niya.
“Magmula ng dumating sila ng bansa ay hindi ko pa na-meet ang asawa mo hanggang ngayon! Ang nagsabi sa amin ng Mommy mo ay ang anak mo!”
“At naniwala naman kayo kaagad? At bakit ba pinipilit nyo na mga anak ko sila? Nakalimutan na ba ninyo na umalis siya noon at wala akong alam na nabuntis ko siya!”
Subalit isa pang malakas na suntok ang inabot ni Jade mula sa ama.
“Bastard! Get out! huwag kang magkakamali na lapitan ang mga apo ko! Dahil wala kang kwentang ama!” halos maglabasan ang ugat niya sa leeg sa sobrang galit.
“Dad, kumalma ka naman po baka atakihin ka sa sobrang galit.”
“Ilayo mo sa akin ang tarantadong yan!”
“Brother, magpalamig ka muna at hindi makakabuti na salubungin mo ang galit ni Daddy. Alalahanin mo na may edad na siya at baka kung ano pa ang mangyari sa kaniya.”
Wala siyang nagawa kundi talikuran ang ama at kapatid. At sa mga oras na iyon ay matindi ang galit niyang nararamdaman para sa babaeng naging sanhi ng pananakit ng ama sa kaniya. Kaya’t nang nakasakay na sa kaniyang kotse ay halos paliparin iyon makauwi lang agad ng bahay.
“Sofia!” dumadagundong sa kabahayan ang boses niya.
Samantala ay kasalukuyang nasa kitchen si Sofia. Nagluluto siya ng bumungad ang nanggagalaiti sa galit na lalaki. Agad na nakaramdam siya ng takot ng makita ang halos lumuwa na mga mata nito sa sobrang galit.
“Kids, go to your room please and close the door okay?”
Agad namang nag sitayuan ang mga bata at nagtatakbuhan palayo.
Nang makalabas ang mga bata at sumara ang pintuan. Malakas na mag asawang sampal ang pinatikim sa kaniya ni Jade. Nalalasahan niya ang dugo dahil sa pumutok ang kaniyang labi. Pero hindi siya nagpakita ng luha at hinayaan niya kung ano ang gagawin nito sa kaniya. Hinila siya sa buhok pakaladkad papuntang maids room at doon walang awa siyang binugbog. Napa handusay siya sa sahig at halos nawalan na ng ulirat. Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya napigilan ang pagpatak ng luha. At ang akala niya ay lulubayan na siya nito ngunit naramdaman niya na binaklas siya nito. Dahil doon ay napatihaya ang katawan niya sa semento at pinunit nito lahat ng kasuotan niya.
“You b***h at nagawa mo pang utusan ang anak mo na magsumbong kay Daddy at Mommy na dina dala ko ang mga babae dito!”
At dahil sa mabigat na tumatama sa kaniyang katawan ay hindi na niya nakayanan ang lahat. Unti-unting namanhid ang kaniyang pakiramdam hanggang tuluyang nagdilim ang paligid.
Ang lahat ng galit ni Jade ay kaniyang binuhos sa pamamagitan ang paulit ulit na panghahalay sa walang malay na babae.
“F*ck you!” sigaw niya na tila nawawala sa sarili sa mga pinaggagawa.
Kung pag mamasdan si Jade ay hindi na ito normal. Parang isang mabangis na hayop na kayang gawin ang anumang naisin. Habang patuloy sa ginagawa na karahasan. At nang matapos ito ay malakas pang humalakhak na animo ay isang baliw. Nang makaramdam ng tila kasiyahan ay bumangon at iniwan ang wala pa ring malay na babae.
Siyang dating ni Josh ngunit agad ring nag kubli siya sa gilid. Galit na galit siya sa ama ngunit wala naman siyang kakayahang lumaban. Kaya’t tinakpan na lang ang sariling bibig dahil anumang oras ay maririnig ang kaniyang pagtangis. At habang dumadaloy ang masaganang luha ay umuusal siya nag panalangin para sa babaeng pinakamamahal. At nang marinig na umandar ang sasakyan palayo ay mabilis na dinaluhan ang walang malay na ina. Litong lito siya kung anong maaaring gawin para maisalba ito. At iisa lang ang dapat niyang gawin tumawag sa numero na nakasulat sa logbook.
Habang nanginginig ang mga kamay at patuloy sa pag luha ay dinayal ang numero ng rescue. Hindi naman nagtagal ay agad na may sumagot at sa paputol putol na salita ay binigay niya ang kanilang address.
Bumalik siya sa maids room at pinilit niyang binihisan ang ina habang umiiyak. Hindi niya matanggap ang kinasapitan nito sa kamay ng isang demonyong lalaki. At sa mga oras na iyon ay unti-unting umusbong ang galit niya. Kumuyom ang kamao at nag ngalit ang mga bagang. At sumumpa sa sarili na kailanman ay hindi niya mapapatawad ang taong walang awang nanakit sa nag iisang babaeng mahalaga sa buhay niya.
Ilang minuto pa ang lumipas at dumating ang ambulance. At habang isina sakay ito ng mga medic ay inayos ang sarili at pinuntahan ang tatlong kapatid.
“Huwag kayong umiyak, magiging maayos rin siya.”
May pagtataka sa mukha ang tatlo na nakatingin sa Kuya nila. Unang beses nila itong narinig na ganitong manalita. Lalo na ang sunod sunod na buntong hininga nito.
Matapos maayos ang ina nila at nang nakabitan na ito ng oxygen ay sumakay na silang magkakapatid. Yakap niya ang bunso at diretso ang tingin sa unahan. Hindi naman magawang magtanong ni Delta kong ano ang tunay na nangyari. Dahil alam rin niya na hindi nito sasabihin sa kanila. Narinig na lang nila na sinabi ng Kuya Josh nila na doon dalhin ang ina sa ospital kung saan ay naroon si Dark. Pagdating nila sa ospital ay agad na sinalubong sila ng mga nurse. Subalit isang reporter ang hindi magawang iwasan ni Josh. Kaya’t napilitan siyang sagutin ang mga tanong nito. Nagtataka rin siya kung bakit may mga Press doon.
Habang ang tatlo na kapatid ay magkakahawak ang kamay na umiiyak. Papasok na nakasunod sa ina nila habang tulak tulak ng mga staff ng hospital. Pagdating nila sa emergency ay naiwan sila sa labas at naupo na lang doon. Hindi naman nagtagal ay dumating ang tumatakbong kapatid nila.
“Kuya Josh, nasa loob ng emergency si Mommy. Hindi raw tayo maaaring pumasok doon.”
“Kung gano’n ay dito na natin hintayin ang paglabas ng doktor.”
Subalit hindi pa nagtatagal ang pagkakaupo ni Josh ay ito na naman ang isang reporter. Tatayo sana siya ngunit biglang lumapit ito sa kanila at tinanong sila.
“Kayo ba ang mga anak ni Ms. Sofia Sandoval?”
“Yes po,” diretsong sagot ni josh.
“Ano ba ang nangyari sa Mommy ninyo at halos wala na siyang buhay nang dalhin dito?”
Pinipigilan na mapaiyak ni Josh subalit kusang dumadaloy ang luha sa kaniyang pisngi. Dahil kahit bata pa siya ay nauunawaan na niya ang lahat. At kung sasabihin niya ang totoo ay mababalita sa lahat ang tungkol sa kademonyohan ng kanilang sariling ama.
“Pasensya na po Ms Reporter, ngunit hindi ko po masasagot ang lahat ng gusto mong itanong.”
“Ayos lang, kung ano lang ang gusto mong sagutin ay yon na lang.”
“N-nagkaroon ng kaunting pagtatalo sa pagitan ng kausap ni M-mommy sa Cellphone. A-at namali siya ng h-hakbang kaya n-nahulog siya sa hagdan.”
Sa kwarto ni Dark ay nakabukas ang tv habang kausap nito ang Lola niya. Nang biglang makita niya ang kalagayan ng ina. Live ang flash report iyon.
“Halos wala nang buhay ng isugot sa hospital si Ms. Sofia Sandoval.”
“Mommy!” malakas na sigaw ni Dark na siyang nag palingon sa Lolo at Lola nito. Agad na niyakap siya ng kaniyang Lola habang pinapanood ang patuloy na interview sa mga bata.
“Ayon sa mga anak nito, ‘di umano nahulog sa hagdan ang ina nila habang mainit na nakikipag talo sa kausap nito sa cellphone. At naririto ang apat na anak niya.”
Halos mapa takbo silang palabas ng kwarto ni Dark ng marinig sa tv ang pangalan ng hospital. Kaya’t nagmamadali na binuhat ni Lance ang apo at lumabas sila. Malaki ang hakbang na binaybay ang pasilyo para agad makarating ng emergency room.
“Kuya!” sigaw ni Dark...nagkagulo na ang mga media sa paglapit ng mga ito. Dahil hindi kaila sa lahat ang status sa lipunan ng mga Montemayor.
“Mr. & Mrs. Montemayor, kaano ano nyo ho ang mga batang ito.”
Hindi muna siya sumagot at isa isang tiningnan ang nakakahabag na kalagayan ng mga apo.
“Mr. Lance Montemayor kilala po ba ninyo ang mga batang ito?”
“Yes, mga apo namin sila at kararating lang nila from U.S.”
“Tungkol po kay Ms. Sofia Sandoval ho? Ano po ang masasabi nyo sa kalagayan niya ngayon.”
“I'm sorry hindi ko masagot ang mga katanungan mong iyan.” Hinging paumanhin niya sa mga media. Mabuti na lang at iginalang naman siya ng mga ito.
Nang lumabas na ang doctor ay agad na nagpaalam siya sa mga media at lumapit sa kakilala niyang doktor.
“Twin Chairman, nasaan ho ang asawa ng pasyente?”
“Wala siya, bakit doktor may problema ba?”
“Wala naman Twin Chairman, mas mabuti na doon tayo sa opisina ni Chairman Joshua. May Gusto akong sabihin at ipaliwanag sa inyo.”
“Okay sige,” agad na nagpaalam siya sa asawa. Dahil kailangan nitong maiwan doon para sa mga apo nila.
Pagdating nila sa opisina ng kaibigan ay agad na sinabi sa kanila ang tunay na lagay ng manugang na si Sofia.
“Hindi biro ang tinamo ng pasyente, kung hindi naagapan na nadala dito ay baka naging sanhi iyon ng maaga niyang kamatayan.”
“Anong ibig mong sabihin doktor?”
“Muntik na rin siyang na-cardiac arrest. Sa ngayon ay napakahina ng puso niya. At sa palagay ko ay kailangan na ma-monitor muna siya. Hindi ko pa masasabi kung saan niya nakuha ang sakit na iyon dahil gusto kong maka siguro kung may history ba ang pamilya niya. Isa pa possible na ma-operahan siya dahil ang kabila niyang dibdib ay namamaga. Hintayin natin ang x ray niya at ipapaliwanang ko sayo. Dahil masyadong nabugbog ang katawan ng pasyente.”
“Doktor, ikaw na ang bahala sa kaniya, and please wala na sanang makakaalam ng tunay na mga nangyari.”
“Huwag kang mag alala Twin Chairman, At tungkol sa pagsusuri ay ipapaalam ko agad sa inyo. Once na lumabas ang lahat ng result niya.”
“Salamat doktor.”
“Walang anuman, sige mauna na ako at may pasyente pa ako.”
Nang sumara ang pintuan ay agad na sinabi ni Lance sa kaibigan ang tunay na nangyari sa manugang. Hindi naman ito makapaniwala na magagawa ang bagay na iyon ni Jade.
“Sa palagay ko ay may something sa anak mo Pare, hindi magagawa ng isang normal na tao ang uri ng pananakit. Alam nating lahat kung gaano kamahal ni Jade si Sofia noon.”
“Anong ibig mong sabihin Pareng Joshua?”
“Imbestigahan mo ang mga pinupuntahan at ginagawa niya at pag may pagkakataon ay kuhanan mo ng buhok. Doon ay maaari nating malaman ang isa sa mga dahilan kung bakit biglang nagbago ang attitude niya.”