Ginawa ko ang lahat upang makapag-aral at hindi pasukin ang mundong ginagalawan ng aking ina noon pero hindi ko magawang iwasan lalo na at mailap sa ‘king makahanap ng magandang trabaho sa kabila ng aking tagumpay.
“Hoy, Mary, ikaw na ang susunod bakit hindi ka pa natayo riyan baka mapagalitan ka ni Mama Bham!” asik ni Rosana sa ‘kin isa sa kasamahan ko sa club.
Kinailangan kong pumasok sa club dahil kailangan ko ng madaliang pera upang maipagamot ko si inay. Every week ang dialysis nito dahil may sakit ito sa kidney at nahihirapan itong maka-recover.
Wala akong mahanap na maayos na trabaho kaya sa club na muna ako napasok upang maipagpatuloy ang pagpapagamot kay inay.
“Babae, ano na, nakatulala ka pa rin diyan, nandiyan na si Mama Bham,” ulit ni Rosana sa ‘kin kaya nagmadali na akong tumayo at inayos ng suot kong kakarmpot na saplot.
“Miss Garcia, ano pang ginagawa mo at hindi ka pa ready?” mataray na sambit ni Mama Bham sa ‘kin. “Huwag kang papatay-patay dahil may bisita tayo ngayon baka magustuhan ka ni Don Ronaldo Romualdez,” dagdag pa ni Mama Bham sa ‘kin.
Sa pangalang sinabi ni Mama Bham ay alam kong matanda ang parokyanong binanggit nito. Don ang tawag sa mayayamang matanda kaya batid na matandang mayaman ang bisita nilang parokyano at natitiyak na may asawa na rin ito. Wala siyang balak manira ng pamilya nang may pamilya.
“Huwag mo akong ngitian ng ganyan, Mary, mayaman itong si Don Ronaldo at guwapo, baka kapag nagustuhan ka niya ay magbuhay reyna ka,” palatak pa ni Mama Bham. “Hala, bilisan mo na at naghihintay na sila,” taboy nito at mabilis na akong nagtungo sa back stage ng bulwagan ng club.
“Bakit ang tagal mo?!” gigil na turan naman ng baklang naroroon na siyang nag-aayos ng mga number nila sa stage.
“Pasensiya na, tumae pa kasi ako,” natatawang sagot ko rito.
“Ew!” anito na tumitirik-tirik pa ang mga mata. “O, siya at may VIP guests tayo, galingan mo gumiling,” bilin pa nito saka nagtungo sa stage.
Maya-maya ay lumabas doon ang kasamahan kong katatapos lang na si Sunshine na nag-perform.
“Gentlemen, hold your breath as we witness the graceful body and beautiful face of our very own Virgin Mary,” malakas at masigabong intro ng bakla sa ‘kin.
Isang malamyos na tugtog ang pumailinlang sa malawak na bulwagan ng club na ‘yon. Umiindayog ang aking balakang na lumabas sa back stage.
Sigawan ang mga parokyano. As usual ay maraming parokyano, mapa-bata o matanda. May senior citizen pa nga yata.
Talaga namang itinudo ko ang aking performance, malambot ang aking katawan at hataw kung hataw.
Lalong lumakas ang sigawan nang maging maharot ang tugtog. Paulit-ulit akong umindayog at nang simulan kong tanggalin ang aking itaas ay lalong umugong ang hiyawan.
“Take it off!” isahang sigaw ng mga lalaking hayok sa laman.
Kaya ko namang maghubad sa harap ng mga lalaking nanunuod pero aaminin ko sa inyo, birhen pa ako at wala pang lalaking nakakakuha ng aking p********e sa kabila ng aking trabahong napasok.
Naging mapusok ang tugtog, unti-unti kong hinubad ang aking saplot pang-itaas. Nababaliw ang mga lalaking gusto agad makita ang aking katawan.
“Ang tagal, tanggalin na ‘yan,” umibabaw na tinig ng lalaki.
Hindi ko tuloy maiwasang hindi tingnan ang lalaki. Nakatayo ang lalaki pero mas pumukaw sa kanyang pansin ay ang lalaking nakaupo sa tabi ng lalaking nakatayo. Ang guwapo kasi nito at sa klase ng suot nito ay mukhang mayaman.
Bahagyang natigilan ako nang bigla ay tumingin rin sa akin ang lalaki dahilan upang magsugpong ang aming paningin. Ilang sandaling namagneto ang aking mga mata. Ang guwapo nito, ang matangos nitong ilong, mapulang labi at tila may Spanish blood ito.
Hindi ko maintindihan ang aking sarili sa sandaling ‘yon para bang may kuryenteng gumapang sa aking katawan. Bahagyang nadiskarel ang aking pagsayaw ngunit agad kong binawi ang aking tingin sa lalaki at nagpatuloy sa paggiling sa entablado.
Sumigabo ng hiyawan ang mga parokyano dahilan upang magising ako sa kahibangang titigan ang lalaking pumukaw sa aking paningin.
Mabilis kong tinanggal ang aking kakarampot na saplot pang-itaas at doon ay itinaas at iwinasiwas.
Ang maliit na bra na lamang ang tumatabing sa aking mabilog at matambok na dibdib.
“Holy cow!” bulalas ng lalaking nakatayo katabi ng lalaking pumukaw ng aking damdamin. Gusto ko sanang tingnan pero natatakot ako dahil baka muli akong madiskarel.
“Tanggalin na ‘yan!” muling sigaw ng mga tao.
Unti-unti akong tumalikod na gumigilang saka pilit na inabot ang hook ng aking bra. Inilagay ko ang aking braso sa tapat ng aking dibdib upang huwag tuluyang ma-expose sa mga ito ang aking s*so, hindi nagtagal ay tinanggal ko na rin ang aking bra dahilan upang maghiyawan ang lahat ng parokyano na naroroon maliban sa lalaking seryoso ang tingin na nakatitig sa ‘kin.
Kumabog muli ang aking dibdib at bahagya akong nakaramdam ng hiya. Mabuti na lamang at malapit nang matapos ang tugtog kaya kailangan kong magtungo muna sa back stage para sa panibagong tugtog.
Agad akong sinalubong ni Mama Bham. “Aba, ang lagkit ng tinginan niyo ni Don Ronaldo, a?” saad nito na kinakunot ng aking noo.
“Don Ronaldo?” maang na ulit ko kasi maliban sa lalaking guwapo na katitigan niya ay wala naman siyang matandang nakatinginan kanina.
“Iyong guwapong lalaki, Don Ronaldo Romualdez ang pangalan, bata pa siya, pangalan talaga niya ang Don,” wika ni Mama Bham na nakangiti. “Mukhang natipuhan ka,” hirit nito sabay kindat sa ‘kin.
Nakita kong sumenyas ang bakla na malapit na naman akong lumabas kaya nagmadali na akong naghanda para sa panibagong number.
Paglabas ko ay agad kong napansin na wala na sa kinauupuan nito ang lalaking sinabi ni Mama Bham na si Don Ronaldo Romualdez. Bahagyang lumuwag ang aking dibdib at hindi na masyadong kinabahan.
"Yes, baby, shake it!" tinig ng lalaki at doon ay para akong natauhan kaya muli akong umindayog sa magaslaw na tugtog.
Habang palalim ang gabi ay mas lalong dumami ang parokyano ng kanilang club nang maya-maya ay huminto ang maharot na tugtog dahilan upang matigilan ako. Lalo akong naguluhan nang bigla ay lumitaw si Mama Bham sa aking likuran na may hawak na roba at isinuot 'yon sa 'kin.
"Mama Bham, ano ito?" maang kong usisa.
Ngumiti lang si Mama Bham habang nasa may pinto ng back stage ang isang kasamahan na naghahanda upang mag-perform.
"Saglit lang, Mama Bham, naguguluhan ako, hindi pa ako tapos, bababa pa ako sa stage?" bulalas ko dahil doon lang ako nakakakuha ng extra na pera na pinandadagdag ko aa kita ko sa gabi ng club. Ayaw ko namang nagpapa-take out kaya magpapahipo na lamang ako para kahit papaano ay makakuha ng extrang pera sa mga parokyanong naroroon.
"Hindi mo na kailangang magpahawak pa sa mga iyon dahil may bibili ng gabi mo," wika ni Mama Bham.
"Ano?!" gulat kong wika."Teka, alam niyo naman po na hindi ako nagpapa-take out hindi ba?" palatak ko pa.
"Alam ko at sinabi ko ma rin pero mapilit siya, sinabi naman niya na walang mangyayari sa 'yong masama, gusto ka lang niyang makakuwentuhan. Ayaw mo pa noon, babayaran ka raw niya ng isang daang libo, makikipagkuwentuhan ka lang," ani Mama Bham.
Bahagya akong nalula sa halaga na sinabi nitong ibabayad sa 'kin.
"Sino namang tanga ang magbabayad ng isang daang libo, makikipagkuwentuhan lang?" bulalas ko.
"Ako!" baritong tinig na papalapit sa amin ni Mama Bham.
Halos mapatalon ako sa gulat nang makita ko ang lalaking kanina ay pumukaw ng aking damdamin.
"Baliw nga siguro ako," dinig ko lang hirit nito.
"Mary, siya si Don Ronaldo Romualdez, bibilhin niya ang gabi mo ng isang daang libo, deal or no deal?" untag ni Mama Bham.
Napatingin ako sa lalaki at ganoon din naman ito sa 'kin.
"Don't worry, I won't force you, I just want to talk to you," anito na tila naging tupa.
Lalo akong naguluhan dahil mukhang mabait naman ang lalaki at sa halagang binanggit nito ay makaka-limang dialysis na ang aking ina. Hindi na ako gagahulin kapag nagkataon.
"Sure ka na wala kang gagawin sa 'kin?" maang na usisa.
Tumango ang lalaki.
"I'm with my bodyguard," anito sabay tingin sa lalaking nasa hindi kalayuan. Doon ay nakita ang lalaking nakatayo kanina sa tabi nito. 'Bodyguard niya pala ito,' anang ko aa aking isipan.
"Ano, Mary, papayag ka ba? Aba, kung ako sa 'yo ay sunggab na, hindi ka na mahihirapang gumiling pa nang gumiling diyan," palatak ni Mama Bham na nang-eengganyong kunin ang offer ni Don Ronaldo. "Limang beses din yatang dialysis ni Virginia 'yon," palatak ni Mama Bham na kilala ang ina dahil doon ito noon nagtatrabaho.
Napabuntong-hininga na lamang ako at wala akong nagawa kundi tanggapin ang offerng lalaki, magpapaka-KJ pa ba ako, ako na nga itong tinutulungan ay aayaw pa.
"Sige ba, basta wala kang gagawing masama sa 'kin?" paniniguro sa lalaki.
"Sure," anito na ngumiti dahilan upang lumabas ang dalawang biloy sa magkabilaang pisngi niya.