Maraming club na ang napuntahan ni Don Ronaldo, lahat ay five-star kaya sinubukan nilang magtungo sa isang middle-class club sa bayan ng Malandi.
"Boss, hindi pa ba kayo napapagod, aba, sabi nila sa simbahan daw nahahanap ang true love, baka maging matandang binata kayo niyan?" bulalas ng aking bodyguard na si Rico.
"Araw-araw na nga ang hirit nina mama at papa na bigyan ko na raw sila ng apo," sagot ko sa bodyguard ko na best friend ko na rin kahit na mas bata pa ito sa 'kin.
"Sus! Kung ako man ang mama at papa mo ay baka hindi lang araw-araw kundi minu-minuto kitang kukulitin. Sus, forty-five ka na, sir, kailangan mo na talaga magkaanak dahil baka makapagkamalan kang lolo ng mga anak mo kapag nagkataon," palatak pa ni Rico.
"Ganoon na ba talaga ako katanda?" maang ko kay Rico.
"Sa hitsura boss, bata ka pa tingnan pero kahit anong sabihin natin, you're aging. Naks, napa-english tuloy ako," palatak ni Rico na kinatigil ko lamang.
Namayani ang katahimikan sa pagitan namin ni Rico hanggang sa muli itong nagsalita.
"Bakit kasi sa club ka naghahanap ng mapapangasawa mo, hindi ba dapat sa simbahan?" maang nito.
"Naniniwala akong doon ako makakahanap ng babaeng matino," sagot ko.
Halos mabulunan si Rico sa sarili nitong laway sa aking sinabi.
"Boss, nagpapatawa ba kayo? May matino bang babae sa club nagtatrabaho? Sus, sabihin na nating may mababait pero matino, ewan ko na lang, may birhen pa kaya na nagtatrabaho sa club?" natatawang wika ni Rico habang nagmamaneho.
"Malayo pa ba tayo?" iwas ko sa aming usapan.
"Boss, mukhang malapit na naman tayo, sabi dito sa waze ng sasakyan at sa pangalawang kanto na lamang siya," tugon ni Rico sa 'kin.
Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami sa Club Zero kung saan ay sinasabing maraming magagandang babae. Dumayo pa sila sa malayo para lang makahanap ng babaeng papakasalan ni Don Ronaldo na galing sa club.
Napapailing si Rico nang makita ang club, mukhang sosyal naman ito pero halata pa ring may kalumaan na ang building nila, mukhang matagal na ito na nagbibigay aliw sa mga lalaking nakapalibot roon.
"Boss, sure ka ba rito? Sa tingin mo ba ay dito mo talaga mahahanap ang babaeng papakasalan mo?" untag na tanong ni Rico sa 'kin.
"Naniniwala ako na dito sa lugar na ito ko mahahanap ang babaeng papakasalan ko," giit ko sa aking driver/bodyguard saka ko siya iniwan.
Agad naman itong sumunod at pagpasok nga namin sa club na 'yon ay puno at siksikan.
"Mukhang maraming patokyano, bossing," bulong ni Rico sa 'kin.
Maya-maya ay may lumapit sa kanila na matandang babae.
"Hi, sir, kayo ba si Don Ronaldo Romualdez?" usisa nito. "Ako nga pala si Mama Bham, ang floor director ng club, dadalhin ko lang kayo sa mesa niyo at papunta na rin rito si Boss Joey," ani ng babaeng nagpakilalang si Mama Bham.
Dinala nga sila ng babae sa mesa kung saan sa ibaba lang mismo ng entablado at kitang-kita nila ang babaeng nasayaw sa entablado. Maganda ito pero hindi ito ang tipo niyang babae.
"Have a seat, sir, binilin na kayo ni Boss Joey kanina sa amin, o, hayan na pala siya," tinig ng babae at napalingon na lamang ako sa direksyong tinitingnan nito.
Doon ay nakita si Joey na papalapit sa kanila.
"Bro, mabuti naman at napadaan ka," bulalas ni Joey bati sa 'kin.
"Well, mabuti na lamang at naalala kong mayroon ka palang club," turan ko sa kakilalang si Joey.
Kaklase ko siya noong high school pero hindi kami ganoon ka-close lalo na at nababalita noon na silahis ito. Ilag kasi ako sa mga membro ng third s*x na sinasabi nila noon dahil masyado pang bata ang aking pag-iisip, masarap naman pala silang kasama.
"Oo, sa tiyuhin ko itong bading pero sad to say, pumanaw na siya last year kaya ako na ang nagpapatakbo nito," saad ni Joey.
"Hindi ka talaga silahis?" hindi napigilang itanong kay Joey.
Natawa ito.
"Nilayuan mo ba ako noon dahil sa sinasabi nilang silahis ako?" usisa ni Joey.
Umiling ako dahil ayaw kong isipin niyang naniwala akong may pagkabakla siya.
"Lalaki ako," maya-maya ay wika ni Joey.
Hindi ako umimik at napatingin na lamang sa entablado.
"So, napunta ka rito dahil—" putol na tanong ni Joey.
"Dahil naghahanap siya ng mapapangasawa," bulalas na singit ni Rico sa usapan nila.
Natawa si Joey.
"Single ka pa rin?" palatak nitong wika.
Maya-maya ay natigilan nang mapansing tahimik ako. Hindi naman sa napipika ako sa pagtawa nito sa 'king estado pero mas lalo tuloy akong na-pressure na makahanap na nga talaga ng aking mapapangasawa at magbibigay ng anak sa 'kin.
"No offense meant, hindi nga, single ka pa rin?" giit na usisa ni Joey.
Wala tuloy akong nagawa kundi ang tumango na lamang dahil 'yon naman ang totoo.
"So, seryoso nga na nandito na upang maghanap ng mapapangasawa?" untag pa rin ni Joey ulit ang sinabi ni Rico.
Muli akong tumango at nakitang bahagyang napatawa si Joey.
"Pasensiya ka na pare pero hindi ko lang mapigilang mapangiti, curious lang ako kung bakit sa ganitong lugar mo gustong makakita ng mapapangasawa?" usisa pa nito.
"Ganyan din ang tanong ko boss," singit ni Rico segunda sa tanong ni Joey.
"Feeling ko dito ako makakahanap ng babaeng matino," tugon ko nang biglang mapabungisngis si Joey maging ang kanyang bodyguard na para bang may nakakatawa sa aking sinabi.
"Sorry, bro kung natatawa ako sa sinasabi mo pero tama ka, may matino pa rin namang babae na nagtatrabaho sa ganitong trabaho dahil may isa kaming performer na hindi nagpapa-take out," palatak nito.
Na-curious tuloy si Don Ronaldo kung sino ang babaeng tinutukoy ng kausap.
Naghiyawan ang mga parokyano dahilan upang mapatingin sila sa entablado at nakitang hinuhubad ng babae ang suot nitong bra.
"Tingnan mo kung matipuhan mo si Mary, we call her Virgin Mary dahil nga birhen pa raw ito dahil isang certified NBSB, no boyfriend since birth," saad ni Joey dahilan upang ma-curious ako sa sinasabi nitong babae.
Muli kong binalik ang aking tingin sa entablado. Panay pa rin ang giling ng babae habang pilit na tinatakpan ng braso nito ang hubad nitong dibdib.
Maya-maya ay tumigil ang tugtog hudyat na tapos na ito sa kanyang dance number.
Muling naghiyawan ang mga lalaking sabik nang ipakita nito ang hubad na dibdib. Mapangahas ang galaw ng babaeng nasa entablado dahil nagawa nitong ipakita ang buong katawan.
Mabilis itong nagtungo sa back stage at maya-maya ay lumabas ang isang bading na kung saan in-introduce nito ang susunod na magpe-perform.
"I think siya na 'yan," ani Joey nang maya-maya ay may tumawag dito.
"Bossing, may naghahanap po sa inyo," lapit ng isang waiter sabay turo ang direksyon kung nasaan ang naghahanap rito.
Agad na nagpaalam si Joey sa kanila kasabay nang paglabas ng babaeng napaka-sexy sa suot nito.
Tila nag-slow motion ang paligid ni Don Ronaldo nang masilayan ang ganda ni Mary.
"Bossing, mukhang maganda si Virgin Mary," bulong ni Rico na mukhang agad na nasipat ang simpleng ganda ng babae. "Mukhang malambot rin ang katawan," hirit pang dagdag ni Rico.
Napatitig siya sa babae dahil mukhang hindi naman siya nito nakikita.
Malaya niyang pinagmamasdan ang babae na noon ay gumigiling sa entablado.
Malambot ang katawan nito at mukhang bihasa na ito sa paggiling.
'Totoo kayang birhen pa ito?' tanong sa aking isipan. Muling pinagsawa ng aking mga mata ang mukha ng babaeng nasa entablado na noon ay mukhang pinagbubuti ang kanyang performance.
Hindi mapigilang humanga ni Don Ronaldo sa ganda ng babae at lambot ng katawan nitong gumiling.
'Siya na ba?' tanong niya sa isipan.
Maya-maya ay napainat siya ng upo nang makitang unti-unting hinubad ng babae ang suot nitong kakarampot na tila na tumatabing sa bra nito.
"Bossing, mukhang mas exciting dito kaysa sa mga five-star club na napuntahan natin," nangingiting saad ni Rico na mukhang nawiwili sa kanyang napapanuod.
Naghiyawan ang mga lalaking naroroon kasama na ang kanyang driver na si Rico.
"Take it off," sigaw ng lahat.
Maya-maya ay umikot ang tingin ng babae at sa pagkakataong 'yon ay nagsugpong ang kanilang paningin.
Hindi mapakali si Don Ronaldo sa kanyang kinuupuhan dahil sa hindi maipaliwanag na kabog ng kanyang dibdib habang nagtitigan sila ng babaeng nasa entablado.
'Virgin Mary, birhen ka bang talaga?' untag muli ng isipan.
Mabilis na umiwas ng tingin ang babae ngunit nabalik sa direksyon namin dahil sa papansin niyang bodyguard.
"Ang tagal, tanggalin na 'yan," sigaw nito nang hindi pa rin tinatanggal ng babae ang bra nito.
Lalong tumiim ang tingin sa 'kin ng babae dahilan upang muli siyang kabahan.
'Bakit ganito?' maang sa isipan saka tumayo.
"O, boss, saan ka pupunta?" usisa ni Rico ngunit hindi ko na sinagot at nagpatuloy na lamang ako sa pagtungo sa kinaroroonan ni Joey kasama ang babaeng unang umistima sa kanila na si Mama Bham.
"I like her," tahasang wika kay Joey na noon ay nagulat sa pagdating namin at mukhang hindi nahulaan ang aking sinabi. "I said, I like her," ulit ko na lamang.
"Who? Mary?" maang ni Joey.
"Yes,I like her, I want her tonight," giit ko.
"Teka mga bossing, pasensiya na pero hindi nagpapa-take out si Virgin Mary," singit ni Mam Bham.
"I pay her hundred thousand, mag-uusap lamang kami," giit ko nang makita kong napanganga si Mama Bham.
"Wow, ang laki naman niyan para lang makausap mo si Mary," hirit pa ng matandang babae.
"I like her," ulit ko.
Napangiti si Mama Bham.
"So, gusto mong bilhin ang gabi ni Mary?" untag ni Joey.
Maya-maya ay itinaas ni Don Ronaldo ang kamay, dali-daling lumapit si Rico sa amo at iniabot ang bag na puno ng laman.
"Sapat ba na bang pambayad sa gabi ni Mary?'' wika ko sabay buhos ang bundle ng pera dahilan upang magulat si Mama Bham.
Maya-maya ay bumulong si Joey sa matandang at dali-dali itong tumalima na nagtungo sa back stage upang takpan ang hubad na katawan ni Mary.