Chapter- 6

1378 Words
PAGKALAPAG ng eroplanong sinasakyan ni Marcus ay sa ospital agad siya dumeretso. Para siyang matutumba nang malaman sa mga doktor ang tunay na sakit ng kanyang kapatid. Wala siyang sinayang na oras at agad siyang nakipag-usap sa mga doktor para ipaalam sa mga ito na dadalhin niya sa ibang bansa si Gianne. Mabilis siyang sinang-ayunan ng mga ito at naghanda na sila sa paglipad patungong Europe. Doon niya ipagagagamot ang kapatid, gagawin niya ang lahat para maka-survive ito. Tinapat na rin si Marcus ng mga doktor na 10% lang ang chance para maka-survive ang kapatid sakaling maoperahan ito. Ngunit hindi siya susuko. Kahit maliit na lang ang pag-asa ay kakapit pa rin siya. Ang ten percent na iyon ang kanyang panghahawakan para mabuhay si Gianne. Makalipas ang isang linggo ay lumipad sila patungong Europe. Isang mamahaling ospital ang pinagdalhan niya sa kapatid at agad siyang nagpa-schedule ng gagawing operasyon para dito. Nakakuha agad siya ng schedule para sa surgery ni Gianne. At nang sumapit ang oras isinalang sa surgery si Gianne. Panay ang dasal ni Marcus habang umiiyak at nakikiusap sa Diyos na ibigay muna sa kanya ang kapatid. Nakaupo siya sa chapel nang maalala ang sobre na nasa kanyang bulsa na ibinigay sa kanya ng isang bodyguard ng kapatid. Agad niya iyong dinukot at binasa. Halos mapaluhod siya matapos mabasa ang kahilingan ng kapatid. At kahit naghahalo ang galit at poot para kay JM Montemayor, wala siyang magawa. Hihintayin niya munang matapos ang surgery at masiguro na safe na si Gianne saka siya lilipad pabalik ng Pilipinas. Panay pa rin ang tingin niya sa kanyang wristwatch habang taimtim na nagdarasal. Matapos ang halos walong oras ay nag-off na ang ilaw ng OR. Agad na tumayo si Marcus at naghintay sa paglabas ng doktor. Subalit napaiyak siya sa sinabi ng doktor. Ang kapatid niya ay comatose at walang-kasiguraduhan kung magigising pa. Sobrang sakit sa kanyang dibdib na kung kailan naging close na silang dalawa ay saka pa nangyari ito. Kahit gaano pa siya kayaman ay wala siyang magawa para sa pinakamamahal na kapatid. Unti-unti siyang napaupo sa sahig habang tumatangis. Gusto niyang manuntok at magwala pero alam niyang wala rin namang mangyayari. Kaya nagdesisyon na lang siyang kausapin ang doktor para sabihing mawawala siya nang ilang araw. Pinakiusapan niya ito na kung maaari ay ipaalam palagi sa kanya ang kalagayan ni Gianne. Nagpasalamat siya nang pumayag agad ang doktor. Wala siyang sinayang na oras at lumipad siya agad pabalik ng Pilipinas. Sa haba ng biyahe niya sa eroplano ay hindi man lang niya nagawang pumikit. Ilang beses siyang umiyak para sa kaisa-isang kapatid. Gusto niyang tumutol sa kahilingan ni Gianne at dalhin na lang si Harry sa Europe. Pero kahilingan iyon ng kanyang kapatid. Kaya dapat ay sundin niya. Nang makalapag siya sa Pandaigdigan Paliparan ng Bansang Plipinas. Gumawa agad siya ng hakbang upang makadaupang palad ang sikat na abogado. Walang iba kundi ang tiyuhin ni JM Montemayor--- Si Attorney Lath Montemayor. Ito ang kinausap ni Marcus tungkol sa gagawin niyang pagpapalaya sa ex-husband ni Gianne. Isang linggo ang lumipas.... Matapos n’on ay agad ding naipa-schedule ang paghaharap nila sa korte. Bumilang din sila ng maraming araw bago tuluyang mapalaya si Jayden Mark Montemayor. “Gusto kong malaman mo, Montemayor, na ayaw kong makalaya ka. Gusto ko nga sana na dalhin si Harry sa Europe ngunit alam kong hindi papayag si Gianne. Isa pa, kahilingan ito ng kapatid ko. By the way, puntahan mo sa mansiyon ko ang anak mo, naka-ready na ang lahat ng mga gamit niya. Take care of him. Huwag na huwag ko lang mababalitaan na may nananakit sa pamangkin ko. Hindi ito pagbabanta o pananakot. Gusto ko lang sabihin sa ’yo na once masaktan si Harry ay babalikan ko kayo! Mas higit pa sa kaya n’yong mga Montemayor ang magagawa ng isang Ortega,” wika pa niya sa kaharap na lalaki. Sasagot pa sana si JM ngunit bigla siyang tinalikuran ni Marcus. Nagmamadali siyang sumakay ng kotse at pinaharurot iyon patungo sa mansiyon ng mga Ortega. Sabik na sabik na siyang makita ang kanyang anak. *** SA mansiyon ng mga Ortega ay mabilis ang kilos ni Marcus. Alam niyang sa mga oras na iyon ay parating na si JM. Nakamotorsiklo siya kaya mabilis siyang nakarating sa mansiyon. Matapos halikan ang pamangking si Harry ay agad na siyang umalis. Baka ’pag nagtagal pa siya ay magbago pa ang kanyang isip. Ilang minuto lang ang lumipas ay siya namang pagdating ni JM. Wala namang naging problema at agad siyang pinatuloy sa loob ng mansiyon. Tumulo ang luha niya nang makita ang kanyang anak at mahigpit niya itong niyakap. Umiiyak at nagpupumiglas naman ito na gustong kumawala sa kanyang pagkakayakap. Pero hindi niya ito binitiwan. Panay ang halik niya sa ulo ni Harry. “Sir, may iniwan ho si Ma’am Gianne para sa inyo.” Matapos tanggapin ang puting sobre ay inilagay niya iyon sa kanyang bulsa. Karga ang anak na lumabas siya ng mansiyon, kasunod niya ang ilang maid na dala ang mga gamit ni Harry. Sinubukan niyang magpalinga-linga, nagbabakasakali na makita niya si Gianne pero bigo siya. Siguro talagang ayaw na siyang makita pa ng dating asawa. Pinasibad niya ang kotse matapos masigurong maayos ang anak sa likurang bahagi ng sasakyan. Hindi nagtagal ay dumating na sila sa mansiyon ng mga Montemayor. Iyak nang iyak si Harry sa bagong kapaligiran. Parang tinutusok ang puso niya sa nakikitang paghihirap ng anak. Kaya naman tumalikod siya at umakyat sa dating room nila ni Gianne. Dinukot niya ang sobreng iniabot sa kanya ng kasambahay ni Gianne at binasa ang sulat na laman n’on. JM, Una sa lahat, gusto kong humingi ng tawad sa lahat ng maling nagawa ko sa iyo. Kung nasaktan kita, patawarin mo sana ako. Alam kong hindi na maibabalik pa ang lahat, pero gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita. Nasaktan ako nang sobra sa lahat ng ginawa mo sa akin noon. And I really hate you! Gano’n din si Yzabelle, I hate her so much. Ginawa n’yo akong tanga! Pero matagal nang tapos iyon at marami na rin ang nagbago. Alam ko ring huli na para hingin ko pa ang kapatawaran ninyo, kaya lang ay gusto kong lisanin ang mundong ito nang matiwasay. Wala na akong time kaya naman ipinaubaya ko na sa ’yo ang ating anak. Please mahalin mo siya at alagaan. Huwag mo sanang hayaang masaktan siya ng kahit sinuman. JM, I love you, always and forever, at siguro kahit sa kabilang buhay ay ikaw pa rin ang lalaking pipiliin at mamahalin ko. Salamat. Jianne. Pakiramdam ni JM ay tumigil ang ikot ng mundo. “Hindi! Hindi totoo ito!” sigaw niya. Parang puputok ang kanyang puso sa sakit na nararamdaman. Sinikap niyang tumayo. Malalaki ang hakbang na bumaba siya ng hagdanan. “Dad Mom! H-Hindi totoo ito!” aniya na tila nababaliw at walang pakialam kung mabulabog ang lahat ng tao sa paligid. “Ano’ng nangyari, JM?” wika ng ama at ina na nakatayo sa living room. Sina Charles at Yza na kararating lang ay nagulat din sa kasisigaw niya. “S-She’s dying . . . a-ang asawa ko! She’s dying,” aniya na unti-unting napaupo sa carpet. “Ano? Saan mo nakuha ang balitang ’yan at sino’ng nagsabi sa ’yo?”Inilahad niya sa mga magulang ang sulat ni Gianne. “Mommy, Daddy, tulungan ninyo ako. Gusto ko siyang puntahan. Alam kong wala na siya dito sa bansa.” “Anak, huminahon ka at gagawin natin ang lahat para mahanap ang kinaroroonan ni Gianne.” Naramdaman niya ang paghila ng kanyang ina para igiya siya sa mahabang sofa. “K-Kaya pala ipinaubaya niya sa akin ang aming anak, kaya pala ang payat-payat na niya at ang putla-putla noong puntahan niya ako sa kulungan. At kaya pala pinalaya nila ako dahil ito pala ang kapalit,” tangis niya. Sana nanatili na lang siya sa kulungan kung alam niyang ang buhay ni Gianne ang magiging kapalit ng kanyang kalayaan. Habang patuloy ang pagbalong ng luha ni JM ay awang-awa si Charles sa kapatid. Gusto niyang sisihin ang sarili sa mga nangyari dahil siya ang may kasalanan ng lahat. Habang nakamasid sa kapatid ay literal ang sakit sa kanyang dibdib. Ang napakabait niyang kapatid ay nagdurusa dahil sa kagagawan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD