PAULIT-ULIT bumabalik sa isipan ni JM ang gabing nagpaalam sa
kanya si Gianne. Gustuhin man niya itong kalimutan pero hindi niya ito
magawa. Until one day, ginulat siya ng isang unexpected person.
“Is that true, JM, na nahuli ka ng asawa mo na may ibang
babae?”
Napatayo siya nang mabosesan kung sino ang pumasok ng
kanyang opisina.
“A-Ano’ng ginagawa mo dito, Yza?” Malakas ang kabog ng
kanyang dibdib habang nakatingin sa dating asawa.
“Nalaman ko sa kuya mo kung bakit nawawala o sadyang
umalis ang asawa mo! Anong kalokohan ang pumasok sa ulo mo? Bakit
nagawa mo iyon kay Gianne?”
“P-Please umalis ka na, wala akong sasabihin sa ’yo.”
“Ano’ng problema mo, JM, ha? Hindi ka naman dating ganyan.
You’re not the JM na nakilala ko.”
“Please l-leave me alone!”
“Kung ano’ng problema mo, sabihin mo! Hindi maso-solve
’yan sa pag-inom mo at kakamukmok sa opisina!”
“Wala kang alam kaya umalis ka na!” May bikig sa lalamunan
na tumalikod siya kay Yza. Wala ba talagang alam ang kanyang dating
asawa sa lahat?
“Puwede ba, JM, umayos ka naman! Hindi lang ikaw ang
affected sa mga nangyayari. Parang kapatid ko na si Gianne!”
“Iyon nga, eh. Parang kapatid mo siya! Alam mo ba na dahil sa
lintik na pagmamahal ko sa ’yo ay matagal na siyang nasasaktan?! Itong
p*t*nginang puso ko ay hindi makawala sa sistema mo!” Namumula ang
buong mukha niya sa pagsigaw.
Natigagal si Yza. Hindi siya makapaniwala na until now ay
mahal pa rin siya nito. Ang akala niya ay matagal nang naka-move on si
JM dahil pinakasalan na nito si Gianne.
“Ikaw ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay miserable
ang buhay ko! Dahil sa lintik na pagmamahal ko sa kapatid ko ay ako ang nagdurusa ngayon! Paano pa kaya kung malaman ng asawa ko na
ang Yzabelle na kinababaliwan at mahal na mahal ko hanggang ngayon
ay ang kanyang pinsan at itinuturing na kapatid? Siguradong tuluyan na
niya akong iiwan at kailanman ay hindi na babalikan.”
“Ano’ng sinasabi mo, JM?”
“Two weeks ago, dumating si Gianne at ang akala ko ay
bumalik na siya. Hindi pala dahil nagpunta lang siya para magpaalam.”
Akmang papasok sa opisina si Gianne na halos panawan ng
ulirat sa narinig. Mabuti at nasa likod nito si Marcus at agad siyang
inalalayan. Ang tagpong iyon ang nalingunan nina JM at Yza.
“G-Gianne, kanina ka pa ba r-riyan?”
“I-Ikaw pala ang Yza na bukambibig ni JM.” Halos ayaw
lumabas ang kanyang boses sa panginginig at galit na nararamdaman.
“C-Cousin, matagal na kaming tapos ng asawa mo.”
Malakas na sampal ang dumapo sa mukha ni Yza. Sa
pagkabigla ni JM ay nasampal nito ang asawa. Hindi naman pinalampas
ni Marcus ang ginawa sa kanyang kapatid. Malakas na magkakasunod
na suntok ang pinakawalan nito kaya napasadsad sa sahig si JM.
“Assh*le! Hindi ka pala tao, hayup ka! Ang akala ko, kapatid
mo lang ang hayup dahil tinuhog ang dalawang babaeng ito! Pare-pareho
lang pala kayong Montemayor!”
Sumugod ang galit na galit na si JM, pero mabilis siyang
naiwasan ni Marcus. Ang hindi nito inaasahan ay ang ginawa ni Yza.
Sumalpok ang tagiliran ni Marcus sa gilid ng table sa lakas ng sipa nito.
Nahintakutan si Gianne at agad na dinaluhan ang kapatid.
“Sabi ko naman sa iyo, huwag na tayong pumunta dito.”
“S-Sorry, akala ko kaya ko pa siyang patawarin kahit na may
babae siya. Pero ngayon na nalaman ko ang lahat, t-tama ka, hindi na
dapat ako bumalik dito.”
“G-Gianne, please maki—”
“F*ck you, all of you! Mga hayup kayo! At ikaw, Yzabelle,
malandi ka! Halika na, Marcus, umalis na tayo dito.”
Medyo nahirapan huminga ang kuya niya kaya halos yakapin
niya ito. Ang galit na si JM ay mabilis na itinulak ang pinto ng isang
secret room at agad na nakapasok doon. Malakas na putok ng baril ang
nagpatili kay Gianne nang makita ang kapatid na may dugo sa dibdib
habang unti-unti itong bumagsak. Nanginginig na nag-dial sa cell phone
si Gianne upang tumawag ng ambulansiya habang walang-tigil sa pagdaloy ang luha. Akmang lalapit sina Yza at JM nang mag-hysterical
sa kasisigaw si Gianne.
“Mga p*t*ngina ninyo! Mga demonyo kayo! Subukan ninyong
hawakan ang kuya ko, papatayin ko kayong dalawa! Lalo ka nang lalaki
ka, isinusumpa kita! Hinding-hindi mo makikita ang anak mo! At ikaw
na malandi ka, tandaan mo ito: lintik lang ang walang ganti!”
Natigagal sina Yza at JM sa narinig.
Makalipas ang ilang minuto ay bumukas ang pinto at
nagsipasukan ang mga medic kasama ang tatlong lalaking may dalang
stretcher. Mabilis nilang nilagyan ng oxygen si Marcus.
“I will sue you! Sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan,
Montemayor!”
Kahit isang salita ay walang lumabas sa bibig nina JM at Yza.
Walang-imik na napaupo si JM sa kanyang swivel chair. Si Yza ay
parang kandilang nauupos sa gilid habang tumutulo ang luha.
“What happened here?” Malakas ang boses nina Charles at
Dave ang gumulantang sa kanilang dalawa.
Agad na nagtungo ang ama ni JM sa secret room at binuksan
ang monitor doon. Nilakasan niya ang volume nito at nahindik siya sa
mga narinig mula sa pagpapalitan ng conversation nina Yza at JM na
siyang inabutan ni Gianne kasama ang isang lalaki. Pati na ang pagbaril
ni JM sa lalaking kasama ni Gianne ay malinaw na nakita at narinig.
Tinawagan ni Dave ang pamangking si Josh para imbestigahan ang
lalaking kasama ni Gianne.
***
SA ospital ay agad na inoperahan si Marcus. Ginamit ni Gianne ang cell
phone ng kapatid para tawagan ang lolo nito sa Germany. Wala siyang
inilihim sa abuelo ng kanyang kuya. Sa boses ng lolo ni Marcus ay
napakabait nito; hindi man lang nagtaas ang boses kahit nasa panganib
na ang kaisa-isang apong lalaki. Ang sabi nito ay darating agad siya sa
bansa para dalawin si Marcus.
Matapos ang successful surgery ng kapatid ay nanatiling nasa
coma ito. Nadaplisan ang puso nito ng bala. Mabuti at naagapan, kundi
ay patay na sana ang kanyang kapatid.
Ang pagmamahal niya sa kanyang asawa ay napalitan ng poot
at pagkamuhi, pati na sa kanyang pinsang si Yzabelle. Akala niya ay kaya niyang patawarin si JM kahit nahuli niyang may babae ito, pero ang
malamang si Yza ang minamahal ng kanyang asawa ay doon na siya
nawalan ng respeto at pagmamahal sa lalaking pinangakuan niya sa
harap ng altar.
Matiyagang nagbantay si Gianne sa kanyang kapatid. Walang
araw na hindi siya umiiyak. Ito na lang ang kaisa-isang pamilya na
mayroon siya.
***
Few days later . . .
DUMATING sa bansa ang abuelo ni Marcus. Napaka-polite nito at
medyo tahimik kaya naman nahihiya siya rito.
“Call me grandpa,” tipid na pahayag sa kanya nito.
Nanatili sa ospital si Marcus habang sila naman ay haharap sa
korte para kasuhan ang kanyang asawang si Jayden Mark Montemayor
sa salang attempted murder at concubinage. Sisiguruhin niyang
makukulong ito sa tangkang pagpatay nito sa kuya niya, pati na na ang
pambababae nito na nagdulot ng sobrang sakit sa kanyang kalooban.
Nahatulan ng korte si Jayden Mark Montemayor ng
labindalawang taong pagkakabilanggo. Walang nagawa ang yaman ng
mga Montemayor dahil mas mayaman pa pala sa kanila ang lolo ni
Marcus.
Hindi man lang nakaramdam ng awa si Gianne sa kanyang
asawa sa kabila ng hatol na pagkakakulong dito, bagkus ay pagkamuhi
ang naramdaman niya.
Hindi nag-aksaya ng oras si Gianne at agad siyang nag-file ng
legal separation.
Dalawang buwan pa ang inilagi sa bansa ni Marcus bago
mapagpasyahan ng kanilang pamilya na ilipat ito sa Europe.
“Baby, ayaw mo ba talagang sumama sa Germany?”
“Hindi na, Kuya. Dito na lang ako dahil may mga importante
akong bagay na dapat harapin. Kailangan ko nang pangasiwaan ang mga
assets na iniwan ni Mama. Alam mo naman ang nangyari. Wala nang
dahilan para maging guardian ko pa si Tita Trisha. Isa pa, nasa hustong
gulang na ako kaya panahon na para asikasuhin ko naman ang mga ari-
ariang minana ko. Hayaan mo, if ever na mahirapan ako ay ibebenta ko na lang ang lahat at susunod ako sa ’yo doon,” paliwanag ni Gianne sa
kanyang Kuya Marcus na gustong isama siya sa pag-alis.
“Kailan mo balak lumipat sa mansiyon? Ilang araw na lang ay
aalis na ako. Gusto kong makita na nasa maayos na kayong kalagayan
na mag-ina bago ako umalis,” ani Marcus na puno ng pag-aalala.
“Soon, Kuya. Mami-miss kita nang sobra,” sambit ni Gianne
na nagbabadyang mapaluha sabay yakap sa kapatid.
“I will miss you too, baby. Ingatan mo ang sarili mo at si Baby
Prince Harry,” paalala ni Marcus.
“I will, Kuya. Ikaw rin, mag-ingat ka palagi doon.”
Nag-hire ng maraming bodyguard si Marcus para sa kanyang
kapatid at pamangkin. Mahigpit ang bilin niya na hindi puwedeng
makalapit ang kahit na sinong Montemayor sa bata.
Matapos masigurong okay na ang lahat ay lumipad na siya
patungong Germany.
Kahit nasa ibang bansa na si Marcus ay naka-monitor siya sa
mag-ina araw-araw. Hinding-hindi na niya mapapayagan na masaktan
uli ang pinakamamahal na kapatid.