CHAPTER 19 : Swap

1096 Words

NAPITLAG siya nang mag-ingay ang kaniyang cellphone. Naidlip na pala siya sa gilid ng kinahihigaan ni Alexander Chase nang hindi niya namamalayan. Tiningnan niya ang wristwatch bago tumingin sa Boss na noon ay tila himbing pa ring natutulog. Alas tres pasado na noon ng hapon at apat na oras na ang nakalipas pero wala pa rin ang kamalayan nito. Sinagot niya ang tawag ni Bryle. "Hello! " "Cloudy, asan ka na?" bakas ang tuwa sa tinig na tanong nito. Nasapo niya ang dibdib. "Bryle, bakit? " tanong niya sabay tayo. "Si Tita, nagising na s'ya." "Oh, Diyos ko! " bulalas niya na hindi pa napigil ang mapaluha sa tuwa. "Sige, papunta na ako d'yan, sabihin mo kay Mama papunta na ako." "Sige! Ingat ka," sabi pa nito. Wala itong ideya na nandoon lang din naman siya sa ospital na iyon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD