Lust To Love [COMPLETED] Tagalog-R18

Lust To Love [COMPLETED] Tagalog-R18

book_age18+
9.9K
FOLLOW
54.0K
READ
billionaire
possessive
boss
comedy
sweet
bxg
office/work place
addiction
assistant
like
intro-logo
Blurb

SPG R-18

ALEXANDER CHASE is a rugged and ruthless businessman. Wala siyang pakialam sa nararamdaman ng kaniyang mga empleyado.

He's anti-marriage and only cares about himself. Until one day, isang siga na babae, si Cloudy, na muntik na niyang masagasaan sa gitna ng kalsada ay aksidenteng nasuntok ang guwapo niyang mukha. Gigil na gigil siya nang talikuran siya nito na hindi man lang humingi ng paumanhin sa kaniya.

Ganunpaman, naging maliit ang mundo para sa kanilang dalawa. Inakala niyang pagkakataon na para singilin ang babaeng ito sa naging atraso sa kaniya, ngunit nagkamali siya sapagkat ang siga na babaeng ito pala...ay paiibigin siya.

chap-preview
Free preview
1 : Flower Shop
WARNING: This story contains graphic depictions of sexuality, violence, and strong language that is appropriate for mature readers. No one under the age of eighteen is allowed. ©️All Rights Reserved 2021 HUMIHINGAL si Alexander Chase na bumagsak sa tabi ng kaniyang nobya na si Hazel. Katatapos lang nila noon buhat sa mainit na pagniniig. Ipinikit niya ang mga mata at sinubukang matulog. "Hon!" untag nito sa kaniya. "Hmmm?” paungol na tugon niya na hindi nagbukas ng mga mata. "There's probably nothing wrong kung ako na mismo ang maunang magbukas ng usapan about something..." bakas sa tono ang pagbitin sa sinabi nito. Dahilan para buksan niya ang mga mata. "Something about what?" Tinitigan siya nito. "Sa pagpapakasal." Hindi siya nakapagsalita. "Hasn't that thing crossed your mind yet?” tanong nito. "Hindi naman minamadali ang pagpapakasal, Hazel. We need enough time to think it through,” sinikap niyang maging normal ang tono bagama’t hindi niya gustong pinag-uusapan ang tungkol sa bagay na iyan. Kumunot ang noo nito. "Hon, we've been in a relationship for three years. Hindi pa ba sumilid sa isip mo na pakasalan ako?" bakas sa tinig nito ang sama ng loob. Napabuntong-hininga siya sabay bangon at umibis sa kama. Hubo't-hubad siyang humakbang patungo sa bathroom. "Alexander Chase!" Napahinto siya nang marinig ang pagtawag nito sa buo niyang pangalan at nilingon ito. "Sabihin mo nga sa akin, isn't it possible that you've considered marrying me?” 'Yong totoo, diretsuhin mo ako," seryoso nitong sabi habang titig na titig sa kaniya. Pumihit siya at humarap dito ng tuwid. "S'yempre, meron," tugon niya. "Pero hindi pa sapat ang panahong—" "Panahon?" putol nito sa kaniya sabay bangon. Umibis ito sa kama at hubo't-hubad ding humakbang palapit sa kaniya. "It's been long enough, Alexander Chase. I'm confident in who I am. As a successful doctor from a privileged background, I know my worth. I am attractive and I invest everything I have into this relationship. May kulang pa ba? May hinahanap ka pa ba na wala sa akin?” puno ng matinding sama ng loob ang tono at anyo nito habang titig na titig sa kaniya. Umiling siya at hindi napigil ang makamot ng hintuturo ang dulo ng kaniyang kilay. Hindi niya gustong nakakarinig ng ganitong drama. Hindi naman talaga nito iyon ginawa maliban lang ngayon. Bakit ba bigla-bigla ay pumasok sa utak nito ang tungkol sa kasal? "Walang kulang, Hazel. Para sa akin, sapat ka na. You're simply overthinking this. I'm in love with you, iyan ang mahalaga sa ngayon. Darating din tayo sa pagpapakasal, but there's no need to rush," sabi niya sa masuyong paraan. Stable naman na siya sa buhay. Seventy percent na yaman at ari-arian ng kaniyang namayapang ama ay minana niya base sa nakasaad sa last will and testament nito. Kasama sa iniwan nito sa kaniya ang International Real Estate business, Holding Firm Company at Travel Company na pinapatakbo rin nito sa Pilipinas. Bilang nag-iisang lehitimong anak ay siya ang pinakanakikinabang sa mga businesses na ito. Gayunpaman, ang pamamahala sa Holding Firm Company ay nananatili sa appointed CEO doon noong nabubuhay pa man ang kaniyang ama. Mapagkakatiwalaan ito at wala naman siyang dapat na ikabahala. Ang Travel Company, dahil sa personal purpose ay ipina-manage niya ito sa bunsong kapatid niya na si Christopher Kyle. Sa edad na thirty-four ay kabilang na siya sa hanay ng mga batang bilyonaryo sa mundo ng business. Ngunit sa kabila ng estado niya sa buhay ay wala pa talaga sa plano niya ang pagpapakasal. Hindi, hindi talaga niya nais na makasal. Hindi nagsalita si Hazel bagkus ay nanatiling nakatitig sa kaniya. "I’m taking a shower now,” napabuntong-hininga na sabi niya. “I need to finish my work early. I’ll pick you up tonight. Happy Valentine’s Day, I love you,” diretso at walang kalambing-lambing na sabi niya at dinampian ito ng halik sa labi bago nagpatuloy sa paglakad patungo sa bathroom na kanugnog lamang ng hotel suite kung saan sila naroroon ngayon. ••• PAUWI na si Cloudy buhat sa kaniyang trabaho. Hindi niya ginamit ang kaniyang kotse at pinili na mag-commute kanina sa pagpasok dahil umaasa siya na baka sunduin siya ng nobyo niya na si Brian Bryle pero hindi ito dumating, kaya naman napilitan siyang maglakad patungo sa sakayan upang mag-commute ulit pauwi sa bahay. Hindi niya maiwasang mapatingin sa paligid. Parang kahit saan siya tumingin ay wala siyang ibang makita kun'di bulaklak dito, bulaklak doon, tsokolate rito, tsokolate roon, sweet couples dito, sweet couples doon. Hindi tuloy niya maiwasang malungkot. Naiisip niya si Bryle, nawawalan na naman ito ng oras sa kaniya. Kagaya nga nang araw na iyan, hindi ito nagparamdam man lang. Hindi niya namalayan ang pagpatak ng kaniyang luha dahil sa sama ng loob para kay Bryle. Ilang beses na ba nitong ginawa iyon. Sisiputin siya kung kailan nito gusto, tatawagan siya kung kailan lang din nito gusto. Ilang beses na nilang pinagtalunan ang tungkol sa bagay na iyan pero sa huli nauuwi lang sa wala ang galit niya lalo na kapag pinapairal nito ang pagiging sweet at sinusuhulan na siya nito ng mga kung anu-anong regalo. Isang bagay lang naman ang palagi niyang sinasabi rito, uunawain niya ang mga ganoong isyu sa pagitan nila basta huwag lang talaga niyang malalaman na niloloko siya nito dahil pagdating sa bagay na iyon, uumbagin talaga niya ito. Alam naman nito na may pagka-boyish siya at talaga namang hindi sa kaniya uso ang basta sampal lamang. Ngunit balik sa sitwasyon ngayon, heto at hinahayaan siya ni Bryle na kainin ng inggit sa mga couple na dinaig pa ang nasa pulot-pukyutan sa sobrang tamis. Kahit naman sisiga-siga siya ay babae pa rin siya na nagnanais ng mga ganoong klase ng treatment ng nobyo. Hindi talaga niya mapigil ang mapa-emote habang naglalakad. Napahinto lamang siya sa tapat ng mamahalin at kilalang flower shop nang makita ang magagandang bungkos ng mga bulaklak doon. Talaga namang pinapasama ng labis ang kalooban niya ng mga ganoong pagkakataon. Napatitig siya roon sandali bago lumakad palapit sa glass panel upang mas makita ang mga magaganda at mamahaling bulaklak doon. Napatingin siya sa braso niya nang may pumatak doon. Tumingala siya sa itaas at nakita niya ang unti-unting pagpatak ng ulan buhat sa madilim na kalangitan. Kanina pa madilim ang langit pero akala niya ay lilipas iyon, ngunit heto at tila nakikisimpatya sa kaniya. Unti-unting bumagsak ang ulan kaya nagmamadali siyang kinuha ang payong sa kaniyang bag at kaagad itong binuksan. Nagpatuloy siya sa paglakad nang matanaw sa kaniyang unahan ang biglang pagbukas ng glass door sa exit way ng flower shop. Lumabas doon ang lalaking may kausap sa cellphone. Hawak nito sa isang kamay ang mamahaling bungkos ng pulang rosas. "Mabuti naman at sinabi mo right away. Hindi na ako magmumukhang tanga kakahintay sa ‘yo!" narinig niyang sabi nito dahil sa taas ng boses nito. Ibinaba nito ang cellphone at napatingala sa itaas na para bang noon lang napansin ang ulan na bahagya ng bumasa rito. Patay-malisyang nagpatuloy siya sa paglakad. Nang ibaba nito ang tingin ay eksaktong napatapat siya rito. "Miss?" tawag nito sa kaniya kaya naman tumingin siya rito. Iniabot nito sa kaniya ang hawak na bungkos ng bulaklak. "Sa 'yo na," marahang sabi nito. Napatingin siya sa mga bulaklak bago tumingin dito. Wala sa loob na iniangat niya ang kaniyang kanang kamay at kinuha ang bungkos ng mga bulaklak na inabot nito. Kaagad naman itong tumalikod at walang anumang sinuong ang ulan. "Sanda—" pinutol niya ang sasabihin at inihatid na lang ito ng tanaw habang naglalakad sa parking lot. Nakalapit ito sa luxury car na nakaparada roon. Sumakay ito tapos ay kaagad pinaharurot ang kotse palayo sa lugar na iyon. Nang mawala na sa paningin niya ang sasakyan nito ay tiningnan niya ang bungkos ng mga bulaklak na hawak. Nalalanghap niya ang halimuyak niyon, sariwang-sariwa at mamasa-masa pa ang bawat petals. Hindi niya napigil ang sarili na samyuin ang mga bulaklak bago nagpatuloy sa paglakad. Habang iniisip niya na mabuti pa ang lalaking iyon kaysa sa boyfriend niya, binigyan siya ng bulaklak.

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook