When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
BUMABAGSAK na ang mga mata ni Cloudy pero nais pa rin niyang manatili roon sa ospital. Matapos na masampal siya ng kaniyang ina nang nagdaang gabi ay nagkasagutan pa sila. Nasumbatan niya ito at nagpasalitaan ng masasakit. Kaya naman na-highblood ito at nauwi iyon sa heart attack. Ngayon ay alalang-alala siya para rito at ni hindi niya magawang makatulog. Kung puwede nga lang na manatili siya sa tabi nito ay hindi siya aalis dahil hanggang ngayon ay hindi pa ito nagigising, nandoon pa rin ito sa CCU. Iyak siya ng iyak at paulit-ulit na sinisisi ang kaniyang sarili. Hinawakan niya ito sa kamay at pinisil iyon. "Ma..." mahinang tawag niya sa ina. "Gumising ka na po. Sorry na kung inaway kita... Hindi ko po sinasadya..." umiiyak na sabi niya. Alam niya na kahit nakapikit ito ay na