Si Niko ay sikretong nakamasid lang lagi sa dalaga, basta may free time siya ay palihim na sinusundan niya ito masaya na siyang nakikita ito sa malayo. Ang alam niya ay kalat na kalat sa campus ang pagiging casanova niya. Ang mga babaeng dumadaan sa kaniyang mga kamay ay proud pa siyang ipaalam sa lahat na naging bedmate niya ang mga iyon. One stand, pampalipas oras at handang magbigay aliw sa makamundo niyang gawain. At sigurado siyang hindi iyon malilihim kay Aaliyah, kahit mahigpit ang utos niya sa mga protector nito na walang dapat malaman ang dalaga ay imposibleng mangyari. Kaya iyon ang unti unting nagbibigay takot sa kaniyang puso na baka hindi siya pumasa kung sakaling liligawan niya ito.
"Boss kalat na kalat sa buong campus ang maraming video clip at photos mo kasama ang iba’t-ibang babae habang nasa mainit kayong tagpo. Ang inaalala ko ay baka magkaroon ang eskwelahang ito ng dahilan upang i-kick out ka?"
“Hanapin ninyo ang gumagawa ng mga video at dalhin sa akin, a soon as possible!"
“Copy, boss.”
-
Few months later...
Isang umaga ay kasalukuyang nasa canteen silang tatlo nang may isang grupo ng kababaihan ang palapit sa kanila kaya agad na sininyasan niya si Brian upang sabihan ang mga protector na huwag hayaang makapunta sa table nila ang mga iyon. Ngayon na kasama niya si Aaliyah ay hindi dapat na may makalapit sa kaniyang iba. Kailangan maramdaman nito na ang kaniyang buong atensyon ay para lang dito. Kung titingnan at pagmamasdan siya ng kahit sino ay iisiping napaka gentleman niya, lalong lalo na sa harap ng babaeng lihim na minamahal. Ipinaparamdam niya kung gaano kataas ang respeto dito at asikasong asikaso ito. Isang prinsesa ang trato niya kay Aaliyah, sapagkat napakahalaga sa kaniya dahil mahal niya ito.
“Dude, anong ipapagawa mo sa akin?”
“Wala ka bang gagawin after ng klase natin?”
“Wala naman, bakit?”
Makikisuyo sana ako na baka maaari mo akong ibili ng mga bulaklak.”
“Again?”
“Oo, at gusto ko ay hanapan mo si Aaliyah ng imported na orchid para maiba naman.”
“Sure dude, anong oras ko ipa-deliver sa dorm niya?”
“Mamaya pare, pag tapos na ng huling klase ay ipahatid mo diyan sa main gate.”
“Okay sige, ako na ang bahala.”
Gano’n ang lagi niyang ginagawa walang palya sa araw-araw ang mga bulaklak na dumarating sa dorm ng dalaga. Dahil sa bawat araw na dumadaan mas mabilis na nahulog ang loob niya dito. Isang pagkakataon ay bigla siyang tinanong ng kaibigan kung may plano na ba siya na ligawan ito ngunit hindi siya sumagot. Pero ngayon na naglalaro silang dalawa ng billiard dahil nagpapalipas oras habang umiinom din ng beer ay muling inungkat sa kaniya ng kaibigan ang tungkol kay Aaliyah.
"Dude ang tagal na nating ginagawa ito at yumaman na yata ang mga flower shop dahil sa’yo, bakit hanggang ngayon ay hindi ka pa nagpo-propose kay Aaliyah?"
"Hindi pa ito ang tamang oras pare."
"At kailan naman ang tamang oras? Baka naman kung kailan huli na ang lahat ay saka ka kikilos?"
"No! Hinding hindi mangyayari yan! She is mine!"
Nag-aalala si Brian para sa kaibigan, kahit malikot ito sa babae ay alam niyang napakabait nito. Kaya hindi niya masabi ang report na natanggap niya mula sa mga protector. Ayaw niyang masaktan ang kaibigan at bigyan ng mga isipin kaya nananatili siyang tahimik.
“May problema ba, pare?”
“W-wala naman dude, may naalala lang ako ang mabuti pa ay umuwi na tayo dahil maaga pa ang pasok natin bukas.”
“Pare, sa palagay mo kung sisimulan ko na ang panliligaw sa kaniya, may pag-asa naman kaya ako?” tanong niya sa kaibigan habang naglalakad sila patungo sa nakaparadang sasakyan.
“Oo naman, bakit nag-aalala ka ba na baka ma-basted ka?”
“Hindi naman sa gano’n, kaya lang parang ‘yon na nga,” nailing siya sa mga naiisip.
“Ako na ang magmamaneho dude.”
“Okay sige ikaw ang bahala.”
At habang patungo sila sa Makati, paminsan minsang niyang sinusulyapan ang kaibigan. Hindi malaman kung paano sasabihin ang tungkol sa isang mayaman na lalaki na ilang beses na namataan ng mga protector na dumadalaw sa dorm ng dalaga. Alam niyang masasaktan ng sobra ang kaibigan sakaling malaman iyon. Ang nakakapag-alaala pa ay baka kung anong gawin ni Niko sa lalaking iyon. Mahal na mahal ng kaibigan niya si Aaliyah, at naging saksi siya sa halos dalawang taon. Ngayon na ilang buwan na lamang at graduation na nila. Anong mangyayari sakaling may malaman si Niko tungkol sa dalaga?
“Pare, lately napapansin ko ang malalim mong pag-iisip pero sa tuwina na tatanungin kita ay lagi mong sinasabi na wala kang problema. Ano ba talaga ang nangyayari, hindi ba at magkaibigan naman tayong dalawa?”
“Oo naman ikaw lang ang best friend ko alam mo naman ‘yon eh,” wika pa niya kay Niko.
Isa pang reason ay ang brown envelope, kaya pa sikreto niyang pinapa imbestigahan ang dalaga kung sino talaga ito. Ginamit ni Brian ang perang binibigay ni Niko sa kaniya monthly, para na niyang kapatid ito at sa mahigit dalawang taon na nilang magkasama ay napatunayan niyang mabuting tao. Kaya nahihirapan siyang ipaalam sa kaibigan ang lahat. Mula ng malaman ni Brian kay Niko na isang bastardo ito at kung paano namatay ang totoong ina ay napalapit siya ng husto sa kaibigan. Kaya nasasaktan siya sa maaring mangyari sakaling mabuking na nito ang tungkol sa dalaga. Alam ni Brian na suntok sa buwan at napaka imposible na tanggapin ni Niko ang tungkol sa totoong pagkatao ni Aaliyah.
"Dude what's wrong with you?" Alam kung may problema ka, ilang weeks na kitang nakikitang ganyan. Akala mo ba malilihim sa akin? Tell me I'm listening at tutulungan kita."
Lalo nang nagi guilty si Brian ngunit parang kapatid na niya ito kaya dapat ipaalam na niya dito ang kaniyang mga natuklasan. Ano man ang maging consequences dapat matanggap iyon ng kaibigan si Niko.
"Dude, we need to talk later, hintayin kita sa parking kung saan naka-park ang kotse mo."
"Sure, pare wait for me there."
Puzzle si Niko sa pag-uusapan nila ng kaibigan kaya buong klase ay lutang siya at walang naintindihan.
"Class dismisses!” narinig niyang pahayag ng professor nila kaya nagmamadaling lumabas na siya ng classroom at kahit ilang babae ang tumatawag sa kaniya ay hindi niya ang mga iyon pinansin. Mahalaga na kaniyang malaman kung anong pag uusapan nila ng kaibigan si Brian. Ngunit pagdating niya sa kinaparadahan ng kotse ay wala pa si Brian, kaya naman sa halip ay naupo na lang muna siya sa hood ng sasakyan. At hindi na namalayan pa ang oras dahil naging busy siya sa pagkakalikot ng mobile nang biglang tumilapon iyon sa sahig, pag angat niya ng mukha ay limang lalaking may mga hawak na tubo ang nasa harapan niya. Kaya agad na tumayo siya sa ibabaw ng sasakyan at naghanda ng sarili. Sunod sunod na palo ng tubo ang tumama sa kotse niya at nagkabasag basag ang salamin. Maliksi ang galaw niya upang hindi tamaan dahil napansin niya sa mga galaw ng kalalakihan na may alam ang mga ito sa military training. Kung hindi siya mag-concentrate ay malamang na mapatay siya ng mga ito dahil sa mga armas na gamit. Habang tumatagal ay nakakaramdam na siya ng pagod, ngunit buhay niya ang nakataya doon kaya naman ibinuhos niya ang lahat ng nalalaman nang namataan ang pagdating ni Brian, habang may kausap ito sa cellphone.
Samantala, "pakibilisan n'yo!" Pagkatapos ay agad ding ibinulsa iyon ni Brian at patakbong sumugod sa pwesto ni Niko. Muntik pang tamaan ng tubo ang ulo niya kundi agad nasipa iyon ng kaibigan.
"Mag-ingat ka at mag-focus!" Alam niya ang kapacity ni Brian kung paano lumaban dahil siya ang nag-training dito.
"Pare, careful." Bulong pa niya habang magkatalikuran silang dalawa.
Maling lingon ni Niko sa umataki kay Brian ay tinamaan siya ng isang tubo sa tagiliran na naging sanhi ng muntik nang pagka-out of balance. Nang may dalawang lalaki pang dumating at dumikit sa kanila ng kaibigan, ang akala niya ay kalaban iyon pala ay ang mga protector. Hindi nag tagal ay nagtakbuhan ang ibang mga kalaban at dalawang lalaki ang naiwan kaya kinuha nila ang pagkakataon na mahuli ang mga ito. Saka itinawag ng pulis para i-turn over ang mga kriminal.
"Boss," tawag sa kaniya ng isang protector, marahil ay nakita nito ang pagtama ng tubo sa tagiliran niya.
Kaya naman ay hinubad niya ang suot na t-shirt, mukhang napuruhan siya kaya dapat ay magpa x-ray muna dahil hirap siya sa pag-hinga.
"Sa ospital tayo medyo hirap akong huminga."
"Okay dude, ako na ang magmamaneho." At nagpasya nang sumakay sila sa kotse, ang dalawang protector ay nasa likurang bahagi ng sasakyan umupo.
Samantala ay tumahimik na lang at hindi na nagtanong pa si Brian, alam niya kung saang hospital dadalhin ang kaibigan dahil minsan na silang nakapunta doon noong dalhin nila si Aaliyah.
Pagdating sa emergency room ay mabilis na inasikaso siya ng mga doctor, umupo siya sa isang bakanteng upuan at sinimulan tanungin ng doktor kung may iba pa siyang tama sa katawan.
"Doc, nahihirapan din akong huminga."
"Malalaman natin kung may natamaan kang ribs kaya kailangan mong ma-xray."
"Salamat Doc."
"Walang anuman, hijo."
Isang nurse ang lumapit sa kaniya upang alalayan siya na makasakay sa wheel chair.
"Bakit kailangan kong sumakay diyan ay kaya ko naman maglakad?"
Sigurado ka po ba?"
"Yes, nurse, kaya ko." akmang magtatanong pa ito sa kaniya ngunit naputol ang sasabihin nito ng may isa pang tumawag sa kaniya.
"Young master, anong nararamdaman mo?” Boses ng isang doktor habang nakatayo naman ang kaibigan niyang si Brian sa malapit sa gilid niya. Samantala ay napansin niya ang dalawang protector ay nakatingin sa kaniya, tila manghang mangha ang mga ito sa hindi niya malamang dahilan. At hindi nagtagal ay dumating ang pamilya niya pati na ang kaniyang kuya JB, agad na umiyak ang kaniyang ina nang makita siya sa gano’ng kalagayan.
"Mommy ko, okay lang po ako at huwag ka nang umiyak," bahagyang yakap niya sa napakabait na ina.
Naramdaman niyang tinapik nang kapatid na si JB ang balikat niya, "are you sure brother?"
"Yup! Kuya, no worries, Dad, i'm sorry nasangkot na naman po ako sa gulo." Pero tango lang ang isinagot ng ama sa kaniya. At bago ito tumalikod ay lumapit pa ito at may binulong, “huwag mo nang isipin ang gumanti at ako na ang bahala." Mahinahon ang boses ng kaniyang daddy, at alam niya na siya lang ang nakarinig ng sinabi nito. Napatango na lang siya bago nagtungo sa xray room.
-
Nang lumabas ang result ng kaniyang x-ray ay clear naman iyon kaya agad na kinausap ang kaibigan, "dude may idea ka ba sa mga taong iyon na gumawa nito?"
"Wala, pero mukhang mga outsider silang lahat at ang nakakapagtaka lang bakit sila nasa campus? Ano kaya ang kailangan nila sa’yo?"
“Iyon nga ang iniisip ko bakit nila ako inataki, paano kong hindi ko silang nagawang iwasan baka naabutan mo akong patay.”
“Hayaan mo aalamin ko ang tungkol sa mga iyon at kung anong tunay na dahilan bakit ka nila pinagtangkaang patayin.”
Salamat, pare.”
Matapos ang sabihin ng doctor na maaari na siyang makauwi ng bahay ay pinauwi na niya ang dalawang protector at si Brian naman ang nag-drive pauwi upang ihatid siya. Saka pa lamang niya naalala ang sasabihin ng kaibigan.
"Now, tell me anong pag uusapan natin tungkol ba ito kay Aaliyah?" Tanong ni Niko sa biglang natigilan na si Brian.
"What about her?" pagmamaang maangan ni Brian sa kaibigan.
"Pare, alam kong tungkol sa kaniya ang sasabihin mo 'di ba?"
"Ahm...saka na lang kaya dude, pag maayos na ang pakiramdam mo."
"No, tell me at hindi na ako makapaghintatay."
"Okay," kinuha niya ang envelope sa kaniyang backpack at inabot naghihintay na kaibigan ngunit ng akmang bubuksan na nito ay bigla ko siyang pinigilan.
"Wait, dude."
"Bakit?"
"Kung anuman ang makikita mo at malalaman, sana ay pigilan mo ang iyong sarili na makagawa ng isang bagay na maaari mong pagsisihan."
"Okay."
Malakas ang kaba niya habang binubuksan ni Niko ang envelope.