Dalawang envelope ang hawak ni Brian, ang isa ay inabot niya kay Niko, "open it."
Agad na inagaw ni Niko, dahil hindi na siya makapaghintay kaya nagmamadaling binuksan iyon. Nang makita kung ano ang laman ay halos manginig ang kaniyang kamay habang inisa-isang tingnan ang mga larawan.
“P-pare, totoo ba ang mga ito?”
Hindi makasagot si Brian, sa halip ay lumabas siya nang sasakyan dahil hindi niya makayang tingnan si Niko. Ang sunod sunod na pagpatak ng luha nito habang nakatingin sa malalaswang larawan ni Aaliyah, ang babaeng mahal na mahal nito. At kahit hindi siya ang nasa katayuan ni Niko ay ramdam niya ang sakit na nararamdaman ng kaibigan. Ang mga picture ni Aaliyah, habang may kaniig na ibang lalaki, ayon pa sa mga kuha ay matagal na ang relasyon ng mga iyon dahil sa magkakaibang backround ng kwarto. Ang isa pa ay ang mukha ng lalaki na tila familiar sa kaniya. Hindi rin maikakaila ang matikas nitong pangangatawan ngunit hindi niya maalala kung saan nakita.
Sa loob ng sasakyan ay patuloy ang pagpatak ng luha ni Niko, sobrang sakit nang kaniyang nararamdaman. Ang babaeng ito na kaisa-isa niyang minahal, inalagaan, pinuprotektahan, iginagalang, halos samabahin at higit sa lahat ay pinangarap na maging-asawa. Isa naman pa lang maruming babae. Dahil sa pera ay nagawang ibenta ang katawan upang makapasok sa pangmayamang eskwelahan. Isa itong ambisyosang babaeng nagpapanggap na inosente. Isa pang envelope ang dinampot niya at binuksan iyon. Habang binabasa ang mga nakasulat sa papel tungkol sa pagkatao ni Aaliyah ay gusto niyang sumigaw dahil nagsisikip ang kaniyang dibdib. Lalaki siya ngunit hindi niya napigilan ang mapahagulhol, parang hinihiwa ang kaniyang puso sa sobrang sakit.
Ayon sa nakasulat sa papel ay ang ina ni Aaliyah, ang pumatay sa kaniyang biological mother. Hindi niya matanggap ang katotohanan na isang criminal ang pinaggalingan ni Aaliyah. Hanggang unti-unti niyang naramdaman ang galit, halos kalahating oras ang lumipas nang magpasya siyang lumabas nang sasakyan. Nakita niya ang kaibigan na si Brian na nakasandal sa kabilang gilid ng sasakyan.
“Pare, call the protector!" Agad namang tumalima si Brian, kinuha sa bulsa ang kaniyang cellphone at matapos mag-dial ay inabot kay Niko.
"Dalhin ninyo sa akin si Aaliyah, ngayon na!” at agad na cut ang linya. Saka binalingan ang kaibigan, “Brian, ibigay mo sa kanila ang address kung saan nila dadalhin ang babaeng ‘yon!”
“Sige, dude.” Kinabahan siyang bigla sa maaaring gawin ni Niko kay Aaliyah. Gano’n pa man ay sinunod niya ang bawat naisin ng kaibigan.
Makalipas ang mahigit isang oras ay tumunog ang cellphone ni Brian, nang tingnan niya kung sino ang nasa linya ay isa sa mga protector kaya sinagot agad iyon.
“Yes, speaking?”
“On the way na kami.”
“Okay good, magkita na lang tayo doon.” Saka ko nilapitan si Niko, ipinaalam dito ang buong detalye. Makalipas ang ilang minute ay wala silang imikan habang nasa daan. Ilang oras din ang biyahe patungo ng Norte, puro highway ang dinadaanan nila at sa isang private resort sila patungo.
Few hours later…
D'LA COSTA-MONTEMAYOR PRIVATE RESORTS
Pagkababa ay agad na binigyan ng instructions ni Niko si Brian. Pagkatapos ay walang imik na tumalikod at umakyat sa pangalawang palapag. Tumuloy siya sa mini-bar at kumuha ng alak, sunod-sunod na tinungga iyon habang patungo sa Presidential Suite Room. Tumayo siya sa gilid ng bintana at tinanaw ang malawak na karagatan. Hindi na naman napigilan ang luhang pumatak, naiinis siya sa sarili dahil hindi mapigilan ang sobrang emosyon. Paulit-ulit na nagsasalimbayan sa kaniyang utak ang mga larawan ni Aaliyah. Hanggang nakarinig siya ng mga katok, napipilitang binuksan ang pintuan at ang kaibigan niyang si Brian ang naroon.
“Pasok,” walang buhay niyang paanyaya bago tinalikuran ito.
“Dude, alam kong nasasaktan ka sa mga nangyari o tamang sabihin na sa mga oras na ito ay galit ang laman ng puso mo. Ngunit magpakahinahon ka sana at pigilan mo na makasakit lalo pa at babae siya.”
“Huwag mo akong pangaralan pare, alam ko ang ginagawa ko.”
“Ikaw ang bahala, sige maiwan na muna kita.” Ngayon pa lang ay nakakaramda na si Brian ng sakit sa maaaring mangyari kay Aaliyah.
“Pag dumating sila, tell them na dito nila dalhin ang babaeng ‘yon!”
“Okay, sige.” At tuloy tuloy nang lumbas ang kaibigan.
Nang wala na ang kaibigan ay nilibot niya ang mga mata sa paligid, noon ay binalak niyang dalhin dito si Aaliyah, upang magbakasyon sila ngunit hindi natuloy dahil pinigilan niya ang sarili. Sapagkat once na madala niya sa lugar na iyon ang dalaga ay siguradong maaangkin niya at ayaw niyang gawin ‘yon hanggang hindi pa sila kasal. Mataas ang kaniyang respeto sa kaisa-isang babaeng binigyan niya ng atensyon at pagmamahal. Nangako siya sa sarili na malinis niyang ihaharap sa altar ang dalaga. Doon sila mag-honeymoon sa isang romantic at napakagandang lugar. Magiging maligaya silang dalawa sa piling ng isa’t-isa. Ngunit ang lahat pala ay magiging pangarap na lang dahil ang babae pa lang pinag-ukulan niya ng lahat ay isang masamang babae. Puro pagkukunwari pala ang ipinakikita sa kaniya at pinaniwala siyang malinins ang pagkatao na isang inosente.
Hindi na niya namalayan ang paglipas ng mga oras nang makarinig ng katok. Nakaramadam na rin siya ng pagkahilo kaya bago binuksan ang pintuan ay pumasok muna siya sa loob ng banyo at naghilamos. Nang makaramdam ng ginhawa ay lumabas at pinihit ang door knob ng pintuan. Tumambad sa kaniya ang mga protector habang karga ang tulog na babae. Mabilis ang naging kilos niya at inagaw ang katawan ni Aaliyah sa isang protector. Bigla siyang nakaramdam ng inis nang makitang halos yakapin na ang katawan nito.
“Go down at naroon si Brian.” Inis ko pa ring utos sa dalawa.
“Sige, boss.”
Tinalikuran niya ang mga ito at malaki ang hakbang na tinungo ang malaking kama. Doon ay ibinaba niya ang babaeng wala pa ring malay, saka ito iniwan at ini-lock ang pintuan. Bumalik sa kama at minasdan ang kabuuan ni Aaliyah, unti-uting nabuhay na naman ang galit niya at sa mabilis na kilos ay inalis niyang lahat ang kasuutan ng babae. Aminin man niya o hindi ay nasasabik siyang angkinin ito ngunit nang maalalang ilang lalaki na ang dumaan sa katawan nito ay nakaramdam siya ng pandidiri. Kaya nagmamadaling tinalikuran at iniwan ito, mabuti pang lumabas na lang siya. Natanawan niyang naka-upo si Brian sa couch habang nakapikit.
“Pare, bakit nariyan ka ay maraming silid sa itaas na maaari mong tulugan?”
“Hindi pa naman ako inaantok dude, isa pa ay hinihintay kita dahil sa kanilang apat. Baka may ipag-uutos ka pa sa kanila?”
“Sabihin mo sa kanila na hanapin ang lalaking kasama ni Aaliyah sa larawan.”
“Bakit mo ipapapahanap?”
“Huwag ka nang magtanong pare, alam mo na ‘yon.”
Hindi na lang siya sumagot at sa halip ay tumayo na upang puntahan ang mga protector. Sana lang ay mali siya nang naiisip, mabait ang kaibigan at ang alam niya ay hindi nito kayang pumatay. Ngunit sa nakikita niya ngayon ay baka posibleng magawa nga nito ang bagay na ‘yon.
“Sir, may utos pa ba si Boss?”
“Hanapin ninyo ang lalaking nasa larawan na kasama ni Aaliyah, ipaalam agad sa akin pag nahanap na n’yo na.”
“Sige, Sir Brian.”
“Bago kayo umalis ay kumain muna tayo, maraming pagkain sa dining halina kayo.”
“Salamat sir Brian.”
Habang kumakain ay pinagmamasdan niya ang apat, dahil may pakiramdam siyang may mali sa mga nangyari.
“Sir, bakit pala pinapahanap ni Boss Niko ang lalaking ‘yon?”
“Hindi ko rin alam, basta gawin n’yo na lang ang utos niya.”
“Sige sir.” Isa pa ang isang ‘to napapansin niya sa apat parang may kakaibang kilos.
“Sir, tatatawagan ka na lang namin pag may update, paano mauna na kami at masyado nang late baka umaga na kami makarating ng Manila.”
“Ang bilis n’yo yatang kumain, nabusog ba kayo?”
“Oo naman sir, masarap ang mga pagkain kaya lang ay wala nang oras at malapit nang mag-umaga.”
“Okay, mag-ingat kayo sa daan.”
“Salamat sir.”
Pagdating sa labas ay hinatid pa niya ang apat hanggang makasakay ang mga ito sa sasakyan at humarurot na palayo.
Samantala ay patuloy sa pag-inom ng alak si Niko, pakiramdam niya ay hindi siya tinatalaban ng alak sa katawan. Kanina pa siya inom nang inom ngunit hanggang ngayon ay malinaw pa rin ang kaniyang isipan. Kahit antok ay wala siyang maramdaman at nanatiling gising na gising. Kanina pa rin naghihintay na magising ang babaeng kinamumuhian ngunit nananatiling masarap ang tulog nito.
“Dude, gising ka pa ba?” nakarinig siya ng mahinang boses na may kasamang paisa-isang katok. Agad na nabosesan ang kaibigan kaya tumayo at pinagbuksan si Brian.
“Kumain ka muna dude.” Agad na tanong nito sa kaniya.
“Hindi ako nagugutom pare, mas mabuti na matulog ka na.”
“Okay, sige.” Ayaw pa sana niyang umalis dahil may gusto siyang itanong ngunit sa klase ng pananalita ni Niko ay tinataboy na siya nito.
“Sige, good night.”
“Good night pare bye.”
Sumara na ang pintuan kaya napilitan na siyang humakbang patungo sa bakanteng kwarto.
Sa kwarto ni Niko ay ini-off niya ang ilaw at tanging lamp shade ang hinayaang nakabukas. Bumalik siya sa pagkaka-upo at muling ipinagpatuloy ang pag-inom. Hanggang maulinigan niya ang kilos ni Aaliyah, siguradong gising na ito ngunit hinayaan niya kung ano ang magiging reaksyon pag napagtanto kung nasaang lugar. Kitang kita niya ang pagbalikwas nang bangon nito ngunit agad ring napabalik sa higaan.
“S-sino ka? Anong kailangan mo sa akin, please pakawalan mo ako rito.”
“Hindi sumagot si Niko, at hinayaan lang niya kong anong mga sasabihin pa nito.
“Pakiusap pakawalan mo ako rito, hindi kita kilala at wala akong alam na naging kasalanan ko upang gawin mo sa akin ito.” unti-unti nang kinakain si Aaliyah ng kakaibang takot lalo na nang makita niya sa dilim na tumayo ang bulto at nakakasigurado siyang lalaki ito. Nang maisip ang maaaring gawin sa kaniya ng lalaki ay pinanginigan siya at tuluyang napaiyak. Lalo pa nang magsimula na itong humakbang palapit ka ninaroroonan niya.
“Huwag kang lalapit, anong gagawin mo sa akin.”
Subalit pagkagulat ang rumihistro sa mukha niya nang biglang lumiwanag ang ilaw.
“Niko! Ah anong ginagawa natin dito at bakit ako nakatali? I mean narito ka ba upang iligtas ako?”
“Ano sa akala mo bakit ako naririto?”
“Ahm… ililigtas mo ako ‘di ba Niko?”
“At bakit ko naman gagawin ‘yon? Sa akala mo ba ay maniniwala pa ako sa pagpapanggap mo?”
“N-niko anong ibig mong sabihin?” nalilito siya sa mga naririnig mula sa binata, bakit galit yata ito sa kaniya?
“Huwag mo akong paikutin, kung napaniwala mo ako noon sa kasinungalingan mo ay hindi na ngayon!”
“H-hindi kita maintindihan, at bakit ka nagagalit sa akin ano ba ang nagawa kong kasalanan sa’yo at paano ako napunta dito ang huling natatandaan ko ay nasa classroom ako?”
“Shut up!”
Nahintakutan siya sa malakas na sigaw na narinig mula sa galit na binata.