Kabanata 1

1749 Words
Adelina’s Point of View “Sa wakas at mapapaalis ka na rin dito sa mansyon, Adelina!” tuwang-tuwang sambit ng mayordoma sa akin. Kaylaki ng ngisi niya kaya kita ang dalawang ngipin niya—isa sa taas, isa sa baba. Hindi ko tuloy mapigilang mapakanta sa mga ngipin niyang nanganganib nang bumitaw sa gilagid niya, ‘Kung wala ka nang maintindihan... Kung wala ka nang makapitan...’ Hindi ko mapigilang mapangisi sa naisip ko. Masama na kung masama, pero napakamaldita rin kasi nitong Florencia na ‘to. Gano’n siguro talaga kapag nagngingipin ka pa rin kahit sisenta ka na. Sa lahat ng kasambahay rito sa mansyon ni Boss Maximo, ako lang yata ang palagi niyang pinag-iinitan. Maging ang ibang kasambahay ay tila galit sa akin, eh, wala naman akong ginawa sa kanila. I am...I was...I is? Ah, basta, ginagawa ko lang ang trabaho ko. Ang naiisip ko lang na dahilan ay dahil inggit sila sa ganda kong kaloob ng langit. “Wala kang ibang dala kundi sakit ng ulo dahil sa katangahan at pagiging bobita mo!” gigil niyang dagdag. Nagmukha tuloy siyang bampirang bungal. “Hindi ako bobita,” pagtatama ko sa kanya at tinaasan siya ng kilay. “Kahit wala akong pinag-aralan, marunong akong mag-ingles, you maderpakengbets!” Nginisihan ko siya. Akala niya hindi ako marunong mag-ingles, ha! “At akala n’yo ba malulungkot ako na papaalisin ako rito? Heel know! Masaya pa nga ako dahil sa wakas hindi ko na makikita ang mga pagmumukha n’yo. Mga panget, pwe!” Umawang ang bibig niya. “Napakabastos ng bibig mong babae ka! Tingnan lang natin kung magtatagal ka sa bagong lilipatan mo. Paniguradong papalayasin ka rin wala pang isang linggo dahil wala ka namang kwenta!” Ipinilantik ko ang buhok ko saka siya pinang-ikutan ng mga mata. “Wateber!” Binitbit ko na ang bag ko palabas ng kwarto at doon ko nakita ang iba pang mga kasambahay na kanina pa pala nakikinig sa usapan namin ni Tandang Florencia. Tinaasan ko lang sila ng kilay saka pekendeng-kendeng na dumiretso sa garahe kung saan naghihintay ang driver na maghahatid sa akin sa bagong pagsisilbihan ko. Oh, ‘di ba? Special talaga ako dahil ipapahatid pa ako. Pakiramdam ko tuloy gusto ako ni Boss Maximo, kaso hindi niya lang maamin sa akin dahil natatakot siya na baka ma-basted ko siya dahil hindi niya abot ang ganda ko. Sa sobrang ganda ko ay wala pa akong nagiging boyfrin? Boypren? Voyfrin? Ah, basta nobyo. Bakit? Kasi hindi nila abot ang ganda ko. Wala pa akong nakikilalang lalaki na nararapat sa gandang ipinagkaloob sa akin ng mapagbigay na panginoon. Ang sabi sa akin ni inay ay huwag akong basta-basta magpauto sa mga lalaki dahil kakaiba ang ganda ko—gandang bukod na pinagpala. “Adelina, sigurado ka ba talagang lilipat ka na?” tanong sa akin ni Bruno, ang driver na maghahatid sa akin. Bakas ang pag-aalala sa mukha niya, siguro ay natatakot na siya na hindi na magiging buo ang araw niya kasi hindi na niya makikita ang byutipol peys ko. “Kung ito ang nakatadhana sa akin, Bruno, tatanggapin ko. Dahil sabi ni inay, ang babaeng maganda ay ako lang at walang iba.” “H-Ha? Anong konek no’n?” “Hanapin mo,” pagsusungit ko sa kanya saka ako tuluyang pumasok sa loob ng sasakyan. “Sige na, ihatid mo na ako kahit na masakit para sa ‘yo. Huwag kang mag-alala, makakahanap ka rin ng ibang babaeng kokompleto ng araw mo kahit na hindi sing-ganda ko,” pampapalubag-loob ko sa kanya. “Anong pinagsasasabi mo?” kunot-noong tanong niya bago siya pumasok at binuhay ang makina ng sasakyan. “Nag-aalala ako sa ‘yo dahi mapupunta ka sa mansyon ni Amadeo.” Nag-aalala siya? Ibig sabihin nahulog na talaga siya sa akin. Nahuli na siya ng kamandag ni Adelina. “Salamat sa pag-aalala mo, Bruno, pero ayos lang ako. Kaya ko ang sarili ko,” paninigurado ko sa kanya at matamis siyang nginitian. “Kung sakali mang magtagpong muli ang landas natin, pag-iisipan ko na kung hahayaan kitang manligaw sa akin.” “Kung ano-anong sinasabi mo. Good item yata ‘yang napapak mo,” sagot na lang nito at tuluyang pinaandar ang sasakyan. “Basta, mag-iingat ka. Huwag kang gagawa ng ikakagalit ni Amadeo kung gusto mo pang mabuhay.” Hindi ko na pinansin ang sinabi niya. Ibinaling ko na lang ang tingin sa labas ng bintana at tinitigan ang papalubog na araw. Hindi mapigilang malungkot, dahil panigurado akong malulungkot ang mga kalalakihan sa mansyon ni Boss Maximo dahil hindi na nila masisilayan ang walang kapantay kong kagandahan. Pero gano’n talaga ang buhay. Pagtiisan na lang nila ang mayordomang si Florencia tutal siya naman ang pinili ni Boss Maximo na manatili kaysa sa akin. Halos isang oras din ang itinagal ng biyahe namin ni Bruno kaya ginabi na kami. Tumigil kami sa tapat ng isang malaking kulay itim na gate na gwardiyado ng mga armadong kalalakihan. Kinailangan pa silang kausapin ni Bruno bago kami pinapasok. Akala ko’y malapit na kami, ngunit kinailangan pa naming bumiyahe nang halos sampung minuto makarating lang sa mismong mansyon kung saan ako maghahasik ng kagandahan. Pagkasilip ko sa bintana ay napaawang na lang ang bibig ko nang makita kung gaano kaganda ang mansyon. Kulay puti ang kabuohang pintura nito. Hindi rin nakatakas sa mga mata ko ang malaking fawntin? pawnten? Ah basta, ‘yong tubig na bumubulusok pataas. Ang laki nito. Parang pwede na akong lumangoy doon at mapagkamalang sirena. “Nandito na tayo,” sabi ni Bruno. “Alam ko, kasi tumigil ka na sa pagmamaneho, eh,” sagot ko at lumabas na ng kotse dala ang nag-iisang bag ko. Maya-maya pa ay may lumabas na lalaking may katangkaran. Moreno at semi kalbo ang buhok. Nakasuot ito ng itim na damit at pantalon at blangko ang ekspresyon. “Ito na ba?” tanong nito kay Bruno. “Oo. Kayo na ang bahala sa kanya,” sagot nito at umalis na. Bumaling sa akin ang lalaki at tiningnan ako mula ulo hanggang paa, pero bumalik ang mga mata niya sa dibdib ko. “What’s your name?” “Kung ang dede ko ang tinatanong mo, Britney ang kanan, Stacey ang kaliwa,” sagot ko sa kanya at inalog pa ang dibdib ko dahilan para mapaiwas ito ng tingin nang ilang segundo bago bumaling sa akin. “P-Pangalan mo,” paglilinaw niya. “Adelina Matias,” malambing kong pagpapakilala. Hiyang-hiya si Maria Clara sa pagkamalumanay ng boses ko. “Pero pwede mo ako tawagin sa palayaw ko,” dagdag ko at inilahad ang aking kamay. “You can kol me Adede.” Kita ko ang pag-ipit niya sa kanyang mga labi na para bang nagpipigil ng tawa. “I’d rather call you Adelina,” saad nito at tinanggap ang kamay ko. “Pablo. Ako ang kanang-kamay ni Boss Amadeo. It’s a pleasure to meet you.” Ngumiti lang ako sa kanya at sabay na kaming pumasok sa loob ng mansyon. At halos mabulag ako sa ganda at aliwalas ng loob. Umawang ang bibig ko nang makita ko ang ginintuang chandelir? shandiler? Ah, basta ‘yon. Meron ding ganito si Boss Maximo pero mas malaki rito. Kulay puti ang kabuohang kulay ng pintura ng loob at puti at itim naman ang mga kagamitan, lalong-lalo na ang mahabang sofa ‘di kalayuan sa kinatatayuan ko. Sa tapat ko naman ay ang napakalaking hagdanan na nilatagan ng pulang carpet. Ang ganda. Isa lang ang ibig sabihin nito—mas mayaman ‘tong bagong boss ko kumpara kay Boss Maximo. “Nasa taas si Boss Amadeo. Sundan mo ako at ipapakilala muna kita sa kanya bago kita dalhin sa maid’s quarters,” saad ni Pablo at dinala ako sa ikalawang palapag ng bahay. Ilang puting pintuan pa ang nadaanan namin bago kami huminto sa tapat ng isang kulay itim na pinto. Kumatok si Pablo, “Boss, nandito na ang pinadala ni Maximo,” sambit niya bago tuluyang binuksan ang pinto. Nauna siyang pumasok at sumunod naman ako. Agad na pumasok sa ilong ko ang amoy ng tabako. Kaparehong-kapareho ito sa amoy na mula sa mamahaling tabako na hinihithit ni Boss Maximo. Hinanap ko ang pinagmumulan nito at dinala ako ng mga mata ko sa isang malaking lalaki na mas maputi pa yata sa singkamas—nakaupo sa itim na sofa na humihithit ng tabako. Malinis na nakasuklay paitaas ang itim nitong buhok. Halos mag-isang linya ang makakapal nitong mga kilay habang matalim na nakatingin sa akin ang kanyang itim na mga mata. Kay tangos din ng ilong nito na bumagay sa mapula nitong mga labi. Inay, ang gwapo! Ang sarap! Umawang ang bibig ko dahil sa labis na pagkamangha. Rinig na rinig ko ang awit ng mga barkada kong anghel na tila ba’y palatandaan na natagpuan ko na ang matagal ko nang hinahanap—ang lalaking kayang pumantay sa ganda ko. Ang lalaking para sa akin! Ang lalaking tinatawag ni inay na sulmit? solmet? Ah basta, ang nakatadhana para sa akin! Ano nga ulit ang pangalan ng bagong boss ko? Amadeo? Sheyt! Pangalan pa lang tigasin na! “Is this the one Maximo told me about?” tanong nito kay Pablo. Napalunok ako sa lalim at ganda ng boses nito. Pakiramdam ko’y kinikiliti ang aking makipot na kipipay. “Yes, boss.” “Hmm...” Tinitigan ako nitong muli mula ulo hanggang paa, at kagaya ni Pablo ay pansin ko ang pagtigil ng mga mata nito sa aking pinagpalang dibdib. Kaya naman bahagya kong pinaalog sina Britney at Stacey para bumati rito. “How can he throw away such a woman?” naibulalas na lang nito saka tumingin kay Pablo. “I refuse to believe this one’s a maid. She’s too hot to be one.” Hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi nito kaya ngumiti-ngiti lang ako para hindi halata. “Assign her to my room, got it? I have to keep an eye to this one. She’s suspicious,” dagdag pa nito. At ang naintindihan ko lang sa sinabi niya ay ‘my room’. Hindi ko tuloy mapigilang kiligin dahil tingin ko’y gusto niya akong manatili sa kwarto niya. Ito na ba ang sinasabi sa akin ni inay na sa oras na makita ko ang lalaking kayang pantayan ang ganda ko ay ‘di na ako magpatumpik-tumpik pa at ipatuhog na ang makipot kong kipipay? Omegad! Si Boss Amadeo na kaya ang nakatakdang lalaking makakaangkin ng iniingat-inagatan kong kipipay?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD