Chapter- 4

1500 Words
ILANG araw akong nag-stay sa ospital. Pagkatapos ay dinala na ng mga pulis sa kulungan. Isang babaeng may edad ang dumating at dumalaw sa akin. “Maghanda ka at sisimulan na ang paglilitis sa kaso mo.” tumango lang ako habang nananatiling nakayuko. “Kapag hindi ka nanalo sa kaso, makukulong ka ng mahabang panahon sa salang pagpatay.” muli akong tumango. Pagkatapos ay tumayo at naglalakad patungo sa pulis na nakatayo. Inilahad ko ang aking magkabilang braso at agad na nilagyan ng posas. Pagkatapos ay ibinalik nila ako sa loob ng selda. Dumating ang araw ng paglilitis, dinala ako sa loob ng korte. Doon ay muli kong nakaharap si Matteo at ang buong pamilya niya. Muling tumulo ang aking luha ng maalala ang aking namatay na anak. Ganun pa man ay nag yuko na lang ako ng ulo. At naghintay ng susunod na sasabihin ng lawyer na tumatayong tagapagtanggol ko. Nang tawagin ang aking pangalan ay nagtungo ako sa stand. Doon ay nanumpa ako na magsasabi ng tapat at pawang katotohanan lamang. Pagkatapos ay sinimulan na ang pagtatanong. Pero nakatitig lang ako sa lawyer na nagtatanong. “Bakit hindi ka sumasagot? Sa hindi mo pag sagot ay nangangahulugan na inamin mo sa iyong mga kasalanan.” sa puntong yon ay napilitan siyang sumagot. “Kahit naman po magsabi ako ng totoo ay walang maniniwala sa akin. Wala po akong pera upang lumaban at mayaman ang pamilya ng namatay kong asawa. Kaya useless lamang po ang mga sasabihin ko.” sinigawan ako ng lawyer pero hindi ko na pinansin. “So, inaamin mong ikaw ang pumatay sa iyong asawa?” umiling ako. “Aminin mo na ikaw ang pumatay baka sakaling mabawasan ang mga taon ng hatol mo!” hindi ko alam kung lawyer ba talaga ang nagtatanong na ito sa akin. Maya maya pa ay malakas na pinalo ang table sa harapan ko. Sa puntong yon ay nanginginig ako sa takot at namalisbis ang aking luha. Sa kawalang pag-asa ay tumango na lamang ako at sunod sunod na inamin ang kasalanan hindi ko ginawa. Hindi ko na rin namalayan ang mga sinasabi pa ng hukom. Basta ang naunawaan ko na lang ay hinatulan ako ng labing dalawang taon at isang araw hanggang dalawampung taon pagkabilanggo. Ngunit dahil inamin ko ang kasalanan ay nabawasan ang aking hatol. Nang hawakan ako ng dalawang pulis sa magkabila kong braso ay sunod sunod na sampal ang tumama sa aking mukha. Ngunit hindi ko na nararamdaman ang sakit. Basta walang tigil ang pagpatak ng aking luha. Hanggang sinakay na ako sa sasakyan magdadala sa akin sa kulungan. - 5 years later… “Montejo, may dalaw ka.” hindi siya tumayo o lumingon dahil baka nakakaringgan lamang siya. Sa limang taon niya sa kulungan ay walang isa man dumalaw sa kanya. “Montejo, may dalaw ka, bilisan mo at nauubos ang oras mo!” galit na sigaw sa kanya ng guard. Napilitan siyang tumayo at lumabas ng selda. Pinusasan siya ng jail guard at dinala sa visiting area. Kumunot ang kanyang noo ng makita ang taong naroon sa labas. Hindi niya ito kilala kaya sa halip na lumapit dito ay pumihit at naglakad pabalik. Ngunit hindi pa siya nakalabas ng visiting area ay narinig niya ang sinabi nito. “Naririto ako upang ilabas ka dito sa kulungan, ipinadala ako ng iyong lolo upang alisin ka sa lugar na ito.” sa sinabing yon ng lalaki ay tuluyan na akong lumapit dito. Naupo sa harapan nito at nakinig sa mga sasabihin nito. “ “Maraming taon kang pinahanap ng iyong lolo ngunit hindi ka matagpuan. Pero nitong nakaraang buwan aksidenteng nagkita kami ng taong siyang nag-alaga sayo. Kaya ipinaalam ko agad kay senyor Rodolfo Montejo…” “Mawalang galang na po, pero hindi ako interesado sa iyong sinasabi. Maraming taon ang hatol ko dito kaya mabuti pa ay umalis ka na po.” tumayo na si Roseanne at naglakad palabas ng visiting area. “Mayaman ang iyong lolo at alam na namin kung sino ang totoong kriminal. Kaya makakabas ka dito, ipinasasabi din ng senyor na sa susunod na visiting days ay pupunta siya dito upang siya mismo ang makipag-usap sayo.” hindi na ako sumagot at tuloy tuloy ng umalis. Habang nakahiga ako sa aking bed ay paulit-ulit bumabalik sa isipan ko ang lahat ng pinagdaanan ko dito sa kulungan. Ilang beses na rin akong muntik namatay dahil sa riot. Sa katunayan ay meron akong tatlong malaking pelat sa katawan. Gawa ng saksak nakapagtataka lang dahil hanggang ngayon ay nabubuhay pa rin ako. Dahil sa mga pinagdaanan kong hirap ay tuluyan ng naging manhid ang katawan ko. Ang puso ko ay hindi na yata tumitibok at naging matigas na parang bato. Hindi ko na rin matandaan kung kailan ako umiyak. Ang pinaka worst pinagsawaan ng mga kapwa ko babaeng preso ang katawan ko. Hanggang… “Montejo, may dalaw ka.” kahit ayaw kong lumabas ng aking selda ay napilitan akong humakbang palabas at nagtungo sa visiting area. Isang may edad na ginoo ang naghihintay doon. Nang makita niya ako ay agad na tumayo at kulang na lang ay abutin ako. Dangan may salamin sa gitna namin at tanging maliit na butas ang nagsisilbing daan upang magkarinigan kami. “A-Apo, patawarin mo ako kung hindi agad kita natagpuan.” umiiyak siya habang nakatitig sa akin. Pero wala akong anuman nararamdaman. Basta nakatingin lang din ako sa kanya. “Sa susunod na linggo ay magsisimula na ang hearing sa taong siyang tunay na pumatay sa iyong asawa.” para akong nagising mula sa mahimbing na tulog ng marinig ang salitang asawa. “S-Sino po ang pumatay sa aking asawa?” “Isang kaedad mo na malaki ang galit sa pamilya ng iyong namatay na asawa. Kaya konting tiis pa apo at makakalaya ka na dito. Hindi ako titigil hanggang hindi naparusahan ang tunay na kriminal.” hindi ko alam kung bakit bigla na lang pumatak ang aking luha. Unti-unti ay nakaramdam ako ng pag-asa. “L-Lolo po ba talaga kita?” may halong pananabik na marinig ang isasagot niya. “Oo apo, ang iyong ama ay anak ko.” “N-Nasaan po ang papa ko ngayon?” “Matagal na siyang pumanaw at kaya ka nawala sa amin dahil dinala ka ng iyong ina sa malayong lugar. Pagkatapos ay nag-asawa siya ng iba kaya napabayaan ka.” “Lolo, salamat po at hinanap mo ako.” “Kagaya ng sinabi sayo ni Attorney, matagal kitang hinanap. At siguro Diyos na ang gumawa ng paraan upang matagpuan kita.” nang mabanggit ng abuelo ang salitang Diyos. Nakaramdam ako ng galit, dahil kung talagang may Diyos bakit niya ako pinabayaan? Nakakapanibago ang mga sumunod na araw, nawala na ang pasigaw sigaw sa akin ng mga guard. Kaya naniniwala na akong mayaman nga ang aking lolo. Dahil simula ng dumalaw ito sa kulungan ay maganda na ang trato sa akin ng mga guard at kapwa ko preso. “Montejo, magpaalam ka na sa mga kasamahan mo baka isa sa mga araw na ito ay makakalaya ka na.” wika ng nakangiti na jail guard. At ng mga sandaling yon ay hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Tulo lang nang tulo ang luha ko. “Halika na at nariyan na ang sasakyan magdadala sayo sa loob ng korte.” Habang patungo sa korte ang sasakyan na maghahatid sa akin ay hindi ko pa rin mapigilan ang pag-iyak. Hindi ko na rin namamalayan ng huminto ang sasakyan. Dalawang pulis ang nag-scort sa akin papasok sa loob ng korte. Subalit dinumog ako ng napakaraming media. Marami silang mga sinasabi at itinatanong pero hindi ko sila maintindihan. Nang makapasok kami sa korte ay nakita ko si Lolo at mga kasama nito. Ganun din si Attorney na may hawak ng kaso. Ang hindi ko inaasahan ng makita ang taong siyang pumatay sa aking asawa. Walang iba kundi ang babaeng kasambahay. Ang unang tao na sumalubong sa akin noong unang gabi na dinala ako ni Matteo sa mansyon ng aking tunay na asawa. Gusto kong tumayo at lapitan siya upang sampalin ngunit useless. Kaya ang ginawa ko ay sinikap na pakalmahin ang aking sarili. Sa halip ay pinaglalaruan ko ang aking dalawang palad na napapalibutan ng kayo. Ang mga palad ko na dumanas ng mabibigat na trabaho sa loob ng kulungan. Maya maya ay nagsimula na ang hearing at sa bawat minutong lumilipas ay naging kainig-inip sa kanya. Panay lang din ang tulo ng aking luha. Hindi sinasadya ay napa sulyap ako sa kabilang side. Nakita kong naroroon ang buong pamilya ng aking namatay na asawa. Si Matteo, ang lalaking matagal din nagpasasa sa aking katawan at pumatay sa aking unborn baby. Ang bestfriend ko na si Ms. Misha Mae, na kaisa-isang inaasahan ko ay tinalikuran din ako. Ang ina ng mga ito na si Tita Maggie na ilang beses sumampal at nang insulto sa buong pagkatao ko. Sa puntong yon ay unti-unting sumariwa sa aking puso at isipan ang lahat ng ginawa nila sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD