Chapter- 5

1816 Words
6 MONTHS LATER… The Heiress of Montejo Empire. “Hija, come on baka naiinip na ang mga bisita.” “Lolo sigurado ka po na naririto ang pamilya Montemayor?” “Yeah, kagaya ng request mo pinadalhan ko sila ng imbitasyon. At nakakasiguro ako na darating sila.” Kumuyom ang dalawang palad ni Roseanne nang marinig ang sagot ng abuelo. “Sige po lalabas na ako.” “Hihintayin kita sa bulwagan, apo.” “Opo, lolo.” Nang tumalikod ang abuelo ay muling tumulo ang kanyang luha. Hindi niya akalain na darating pa ang sandaling ito sa buhay niya. Ang makabangon mula sa kasumpa sumpa ng kinasadlakan. At muling haharap sa mundong mapanghusgang at punong puno ng karahasan. “Ms. Angelica, i retouch ko po ang make up mo at nasira yata?” nakangiting pahayag ng kanyang makeup artist. “Oh! Sorry, sige please pero huwag masyadong makapal mas gusto ko yong natural lang.” “Sure po, Ms. Angelica.” Muli siyang pumikit at hinayaan ang make up artist na ayusin ang nadaanan ng luha sa kanyang pisngi. Ganun din ang eyeliner sa kanyang mga mata na bahagyang nabura dulot ng pag-iyak niya. Ilang minuto ang lumipas, tumayo na siya at naghanda sa paglabas. “Ready ka na, Ms. Angelica?” Nakangiting tanong ng isang babae na siyang event organizer. “Yeah, i’m ready.” Huminga siya ng malalim bago tuluyang lumabas. Ngunit agad na napahinto ng salubungin siya ng kislapan mula sa mga camera. “Konting interview lamang po, Ms. Angelica?” nakikiusap na boses mula sa mga media. “Sorry, baka pwedeng mamaya na lang after? Don’t worry sasagutin ko lahat ng mga katanungan nyo.” Nakangiting pahayag niya sa lahat ng media na naroroon. “Hihintayin ka namin, Ms. Angelica.” “Sure.” bago nagpatuloy sa paglalakad. Nakatayo ang kanyang abuelo sa bulwagan at naghihintay. Kaya nilakihan niya ang hakbang upang mabilis na makarating sa kinatatayuan nito. “Lolo, sorry kung natagalan ako nainip ka na yata sa paghihintay?” pinipilit pasiglahin ni Roseanne ang kanyang boses. Yumakap din siya sa braso nito bago sila naghanda pagpasok sa loob. “Apo, alam ko kung bakit mo sila nais makita. Ang tanging pakiusap ko lang sayo, maging kalmado ka. May tamang panahon upang harapin mo sila.” “Opo lolo wala kang dapat alalahanin, hindi kita bibigyan ng kahihiyan.” “Hindi iyon ang ibig kong sabihin dahil sanay ako sa mga ganyang isyu o gulo. Ayaw ko lang magkaroon ng hindi magandang impression ang mga tao sayo.” “Nauunawaan ko po lolo, pangako wala akong gagawin na nakakasira sa imahe ng Montejo Empire.” “Salamat apo, ngayon pa lang ay pag-aralan mo na kung paano humarap sa kahit sino. Dahil ilang panahon na lamang ay ikaw na ang namamahala sa lahat ng asset na meron tayo. Remember nag iisa kitang apo.” “Gagawin ko lahat, upang maging proud ka sa akin, lolo. Lahat ng sasabihin mo ay susundin at gagawin ko.” “Salamat apo.” at nagsimula na silang humakbang papasok sa loob. NANG bumukas ang malaking pintuan ng hall. Lahat ng mga taong naroon ay nakatutok ang mga mata sa amin. Kagaya ng mga binitawang salita ni Lolo, iniwasan kong tumingin sa kahit sinong taong naroroon. Subalit hindi ko mapigilan makaramdam ng galit dahil sa mga naririnig. At alam kong abot sa pandinig ni Lolo ang mga salitang panlalait pa tungkol sa akin. Pero nangako siya sa abuelo na hindi gagawa ng ikasisira ng imahe nila. Kaya taas noo pa rin siya at nakangiti sa mga tao. “Apo, ayos ka lang ba?” bulong ni Lolo sa kanyang taenga na agad niyang tinanguan. “Lolo, ‘di ba nangako ako sayo? Kaya wala kang dapat alalahanin.” nakangiti niyang sagot sa kanyang lolo. Pagdating nila sa pinakaunahan ay naupo sila sa bangko na para sa kanilang dalawa. Hindi nagtagal ay tumayo ang abuelo at humarap sa mga tao. Inabot sa kanya ng emcee ang microphone at nagsimula na itong mag speech. Siya ay diretso lang ang tingin dito at nakatuon ang atensyon sa bawat salitang binibitawan ng abuelo. Malakas ang palakpakan na ibinigay ng lahat na naroon. Matapos ang pananalita nito. Nang tawagin siya ng emcee ay muli siyang humugot ng malalim na hininga. Saka tumayo at sofistikada na naglakad patungo sa harapan ng maraming tao. Akmang magsasalita siya ng ‘di sinasadya ay nakasalubong ang mga mata nila ng ginang. Walang iba kundi ang ina ni Matteo, si Tita Maggie. Nasa tabi nito ang asawa na si Tito Dark Montemayor. Sa kabilang side ay ang best friend niya na si Misha Mae at si Matteo. Ang kaisa-isang lalaki na siyang dahilan kung bakit naging misserable ang buhay niya. Umakyat ang galit niya, kuyom ang magkabilang kamay. Nanlilisik ang mga mata at halos manginig siya sa matinding galit na nararamdaman. Ganun pa man, kailangan niyang maging matatag. Huwag magpadala sa emosyon at maging matapang sa mata ng lahat. Lalo na sa mga taong umalipusta at umapi sa kanya. Inalis niya ang mga mata sa pamilyang kinamumuhian. Gumala sa paligid bago magpasya ng magsalita. “Sa lahat ng naririto, magandang araw sa inyong lahat. Sa mga tauhan ng Motejo Empire, simula sa pinakamaliit na empleyado hanggang sa pinaka mataas na mga nasa pwesto.” pansamantala ay huminto siya sa pagsasalita. Bago muling iginala ang paningin sa lahat ng naroroon. “... ngayon pa lamang ay nais ko na kayong pasalamatan. Sa malaking tulong na nagawa ninyong lahat. Kung wala kayo baka wala din ang Motejo Empire. Maraming salamat.” yumuko siya ng ilang segundo bago tumuwid ng tayo at muling nagsalita. “... sa pasinaya na hinanda ng aking abuelo, ang chairman ng Montejo Empire. Lolo maraming salamat po dahil hinanap mo ako.” at parang agos ng tubig ay tuloy tuloy dumaloy ang masakit na alaala ng kanyang mga pinagdaanan. Mabilis siyang tumalikod dahil nagsimula ng pumatak ang kanyang luha. Ilang beses na huminga ng malalim baka sakaling makabawas sa paninikip ng dibdib. Ngunit bigo siya tila lalo pang nanariwa ang mga dinanas na hirap sa loob ng kulungan. Nang sulyapan niya ang abuelo ay tumango ito sa kanya. Binigyan siya ng signal na ipagpatuloy ang pagsasalita. Sabihin ang kanyang niloloob. Ipamukha sa mga taong mapanghusga kung paano o bakit siya nagdusa sa kulungan ng mahabang panahon. “... sa mga taong nanakit sa akin at nag diin sa kasalanang hindi ko ginawa. Maraming salamat sa inyo. Dahil sa ginawa nyong yon ay naging matatag at matapang ako ngayon.” hindi na rin niya hinabaan pa ang pananalita. Agad siyang nagpaalam sa lahat. Pagpihit niya ay yakap ng kanyang lolo ang sumalubong sa kanya. “Lolo, salamat po sa pagbibigay pahintulot na makapagsalita ako. Masabi ko sa mga taong umapi sa akin ang naririto sa aking loob.” “You’re welcome, Hija.” Come with me.” “Opo, lolo.” at humawak na siya sa braso ng kanyang lolo. Lahat ng madaanan nila ay nakangiti na sa kanila. Hindi kagaya kanina ng papasok pa lamang sila. Isa-isang ipinakilala siya ng abuelo sa mga naroroon. At malugod naman siyang tinanggap ng mga ito. Subalit ng makaharap niya ang mga taong siyang umapi sa kanya ay nag tila robot siya na nakatingin lamang sa mga ito. Lampasan ang mata niya sa mga taong nasa kanyang harapan. “B-Bestfriend, pwede ba tayong mag-usap?” narinig niya ang boses ni Misha, ang kaisa isang tao na inakala niyang hindi siya tatalikuran. Pero nagawa pa siyang saktan at idiin sa salang hindi niya ginawa. “I’m sorry, pero wala akong natatandaan na may kaibigan ako.” kahit ang tumingin dito ay hindi niya ginawa. “Hija…” “Ahm… lolo, maiwan ko po muna kayo.” hindi na niya hinintay sumagot ang kanyang abuelo. Ayaw niyang makaharap ang ina ni Matteo. Kaya tumakbo na siya palayo, bago pa siya nakalabas ng hall ay may bumangga sa kanya. “Murderer! Anong ginagawa mo dito?” napahinto siya sa gagawing paglabas ng marinig ang boses ng isang babae. Dahan dahan siyang humarap at nakita niya si Matteo at ang babaeng kasama nito. Mukhang hindi siya kilala talaga ng mga ito. Pero bakit ganun samantalang kanina pa naroon si Matteo. Nakita pa nga niya ito habang nagsasalita siya sa unahan? Bumalik siya sa realidad ng may humablot sa braso niya. Pagsulyap niya ay ang babaeng kanina lang ay nasa tabi ni Matteo. “I said, anong ginagawa mo dito, murderer!” humarap siya sa babae at ubod lakas niya itong sinampal. Hindi na siya muling magpapaapi sa kahit sino. “What are you doing, bakit mo sinampal ang girlfriend ko?” sigaw sa kanya ni Matteo at napapikit na lamang siya ng makita ang kamay nito na sasampalin din siya. “Kuya Teo, enough!” unti-unti siyang nagmulat ng mga mata. At nasa harapan niya si Misha. “Umalis ka riyan, Princess!” “Oh! Anong masamang hangin ang nalanghap mo Princess Misha, ngayon ay kumakampi ka sa murderer?” Hindi na pinakinggan ni Roseanne ang pagtatalo ng mga ito. Tumalikod siya at humakbang ng palayo. Kagaya ng ipinangako niya sa kanyang lolo. Hindi siya gagawa ng gulo o papatulan ang mga ito. Hindi lang talaga siya nakapagpigil kanina kaya nasampal niya ang babaeng yon. “Roseanne Angelica?” muli siyang huminto at sinulyapan ang lalaking tumawag sa kanya. Ngunit hindi niya ito kilala, yes familiar lang ang mukha nito. Pero burado sa kanyang memory. “Hindi mo ako natatandaan? Schoolmate tayo noong college.” ani pa ng lalaki kaya tinitigan niya ang mukha nito. “Jags San Diego, remember yung varsity ng eskwelahan natin?” “Oh, naalala ko, k-kumusta ka?” “Ayos lang, sorry pala late ako kakarating ko lang mula sa England. Nalaman ko lang kay Tita Kathleen na may imbitasyon ang Montemayor at San Diego. Pero hindi sila nakarating ganun din si Daddy at Mommy kaya ako ang inutusan nila.” “Ahm… naroon pa si Lolo sa loob, puntahan mo na lang siya.” “Bakit ikaw, saan ka pupunta?” “Sumama ang pakiramdam ko kaya aalis na ako.” “Kung ganun ay ihahatid na kita.” “Huwag na kaya ko naman ang sarili ko. Para naman wala kang alam sa buhay ko.” pilit akong ngumiti sa kanya. “Walang lihim tungkol mga nangyari sayo. Pero hindi ako naniniwala. Kahit ang buong pamilya ko ay hindi naniniwala. Sa kayunayan ilang beses kaming dumalaw sayo pero ayaw mong tumanggap ng mga bisita.” “Imposible ang sinasabi mo, kahit minsan walang dumalaw sa akin.” “Hindi ako nagsisinungaling sayo, sigro mga limang beses kaming pumunta sa kulungan. Kaya lang laging sinasabi ng jail guard na ayaw mo ng mga bisita.” napaisip siya sa sinabi ni Jags, kung nagsasabi ito ng totoo. Ibig lang sabihin na meron nag manipula ng sitwasyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD