~(ZICE KURSEIV SANDOVAL POV)
I made sure na magandang tingnan ang suot kong suit at wala iyong kahit isang gusot man lang.
Pinagupitan ko rin ang buhok ko kahapon para mas lalo akong maging presentableng tingnan. Hindi ako naging ganoon ka-abala sa mga nakaraang taon na dumarating ang prom night. Espesyal sa akin ang prom night ngayong taon dahil si Chanel ang magiging date ko.
Noon lang din ako naging sobrang excited.
Pumasok si mom sa loob ng silid ko para kumustahin ako. Tinulungan niya akong ayusin ang bow tie ko.
"Mommy, am I handsome? Do I look good?"
She gave me a sweet smile. "Of course. You look so handsome, babe."
Hindi nawala ang ngiti sa mga labi ko. I knew she would say that.
"Are you ready to fetch Channel?"
Tumango ako. "Yes, mommy."
"Enjoy the night, okay?"
"I will." Hinalikan ko siya sa pisngi bago ako umalis ng bahay.
I was nervous habang papunta sa bahay nina tito Gabe at tita Chan. Ganon pa man, excited pa rin ako na makita si Chanel. Sigurado ako na bagay sa kanya ang suot niyang evening dress.
Kinuha ko ang bouquet ng pulang rosas sa likod ng sasakyan bago ako mag-doorbell.
Pinapasok ako ng securities at ng mga kasambahay sa loob ng bahay.
Nanlalamig ang mga kamay at paa ko pero hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi ko.
The feeling was weird, but it felt good.
Hindi ko nga alam kung bakit kinakabahan ako when I never even get so nervous my whole life pwera na lang kapag alam kong may nagawa akong kasalanan kay Ate.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa couch nila nang makita ko sina tito Gabe at tita Chan na pumasok sa living room.
Agad kong niyakap si tito at bineso ko naman si tita. Kahit kailan ay mabait na sa akin ang mga ito. They were really treating me like Gavin. Para din nila akong anak.
"What are you doing here, Zice?" tita asked.
"Ah... susunduin ko po sana si Chanel."
Kumunot ang noo ng mga ito.
"Hindi niya ba sinabi sa'yo?" Tito asked.
"S-Sinabi?"
"She has measles. Nilagnat siya nang mataas noong isang araw and now she's still recovering. May rashes pa ang skin niya and the doctor said na it's better for her to stay at home para maiwasan na rin na makahawa siya."
"K-Kumusta po si Chanel, tita?"
"She's doing fine yesterday and earlier. She'll be better soon. You don't have to worry about her," she said and gave me a slight smile.
Tinapik naman ni tito Gabe ang balikat ko. "Sayang naman, ang gwapo mo pa naman ngayon. Amoy na amoy ko 'yung daang libong pabango mo. You can date her next time sa prom, may next year pa naman."
Bagsak ang mga balikat na lumabas ako ng main door. Pakiramdam ko ay bumagsak na sa akin ang langit. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang umungot sa inis.
Arrgh! Why am I very unfortunate?
Noon ko na nga lang ito napapayag na maging date ko, nagkasakit pa siya.
Ugh! Damn!
~(CHANEL GABRIEN SAAVEDRA POV)
Kasalukuyan kong nire-review ang mga handouts ko nang marinig kong tumunog ang cellphone ko.
It was Kurseiv calling.
Hindi ko pinansin ang tawag nito pero nabasa
ko ang mensahe nito pagkatapos ng tawag.
[Labas ka]
[Dito sa balcony]
[Chanel, labas ka dali]
Humugot ako ng malalim na hininga. I was already feeling better pero nang magpadala ito ng mensahe pakiramdam ko ay sumama na naman ang pakiramdam ko.
Binaba ko sa mesa ang hawak kong ballpen and stood up.
Binuksan ko ang glass door sa balcony at sumilip doon.
I was a bit surprised to see him waving at me with a wide smile on his lips.
That stupid.
Ano pang ginagawa niya sa bahay?
"May dala akong bulaklak para sa'yo oh!" anito na may ngiti pa rin sa mga labi pagkatapos ay inangat ang kamay na may hawak na bouquet ng mga rosas. "Get well soon! Sabihin mo lang sa akin kapag kailangan mo ng kisspirin at yakapsule!"
Wala sa loob na tumingin ako sa kabilang balcony. Mom and dad were there habang malapad na nakangiti rito.
They really let him stay in the house? They should have told him to go home or go to their hotel instead to enjoy the prom night.
"Kahit na hindi tayo natuloy sa prom ngayong gabi, isasayaw pa rin kita."
Kinuha ng kasambahay ang hawak niyang bouquet and a music started playing.
Umakto ito na tila may hawak na kamay at baywang sa ere pagkatapos ay nagsimulang igalaw ang mga paa niya.
I always thought that he was out of his mind.
Hindi mawaglit kahit sandali ang tingin nito sa mga mata ko. He looked so happy sa kung anong kalokohan ang ginagawa niya roon.
Hindi naman niya kailangang ubusin ang oras niya sa akin.
There are lots of women in the campus that were surely wanted to date him. Maraming iba na kayang sabayan ang lahat ng trip niya sa buhay, someone who could laugh and party with him.
Hindi ako ang tipo na ikakasaya niyang makasama. We have different personalities, we have different priorities in life.
Hindi ko alam kung ilang beses kong kailangang sabihin sa kanya na hindi ko siya gusto at hindi pa ako handa sa kahit anong relasyon. We were too young. Marami pa akong pangarap. Marami pa akong gustong marating sa buhay ko at hindi kasama roon ang magkaroon ng nobyo.
"Chanel!" tawag nito sa akin. "You look so beautiful."
Gusot-gusot ang buhok ko pati na rin ang suot kong pantulog. What is he talking about?
Malapad pa rin ang ngiti sa mga labi nito. Someone told me that he Kurseiv never gave that smile to any other woman except me.
Still... that smile was still not enough to change my mind.
"Go home," malamig na sambit ko bago ko ito talikuran.
Bumalik ako sa silya at pinagpatuloy ang ginagawa ko. Tumigil ang musika sa labas pero maya-maya lang ay narinig ko ang pagtikhim nito sa mic.
"Hello, good evening everyone. I'll be singing a song for my date tonight, Chanel Gabrien."
Hininto ko ang pagsusulat at napapikit na lang ako nang mariin. It was already 8 pm. Sa lakas ng mic niya I was certain na maririnig siya ng kapit-bahay.
"Chanel, this is for you."
He started singing a song, 'The Only One'.
Even how much I wanted to focus on my notes, napatigil pa rin ako.
I must admit that he was really good at singing. Simula bata pa kami, magaling na siyang kumanta. Magaling tumugtog ng gitara, ng piano, ng violin, and almost all instruments. Singing was his passion. Kung mayroon man kaming pagkakatulad iyon ay ang parehas naming hilig sa pagkanta.
Humugot ako ng malalim na hininga bago ipagpatuloy ang pagsusulat.
We've known each other for so many years.
Gusto ko siyang iwasan but I can't dahil masyadong malapit ang mga magulang namin. Makikita ko siya even if I don't want to.
Sa lahat ng events nakikita ko siya. Kahit walang event ay nagpupunta ang parents ko sa bahay nila at ganoon rin ang mga magulang niya.
Ganoon pa man, hindi ako naging malapit sa kanya.
I don't talk too much. I don't socialise. I don't show people what I feel. Zice was different. He was the usual young boy na makulit, matigas ang ulo. He always wanted attention.
Noon pa man madalas na nitong tawagin ang pangalan ko at madalas niya nang ibigay sa akin ang mga ngiti niya and even I already made him cry for so many times, hindi pa rin ito tumitigil na lapitan ako.
I believe, Kurseiv just wanted the challenge he was getting from me because he was a brat who would always get what he wanted. I believe na marami pa siyang ibang gawin bukod sa lapitan ako parati.
He liked singing, dancing, racing, partying... and I don't believe na kasama ako sa mga gusto niya.
Masyado pa kaming bata to think of that, to fall for each other. I don't believe in loving someone at a very young age. I don't consider that love.
I believe Kurseiv just wanted to feed his ego. Hindi ko ito nakikitang nagseseryoso sa buhay kaya hangga't maaari, hindi ko papatulan ang kalokohan nito.
Nang matapos ang kanta, muli ko itong narinig na magsalita.
"Chanel, nandito lang ako lagi para sa'yo."
Muli akong napahinto sa pagsusulat. Sakto namang nilapag ng kasambahay ang bouquet ng rosas sa ibabaw ng mesa ko.
"Dito lang palagi. Hihintayin kita parati."
Nanatili akong nakatingin sa mga bulaklak na iyon.