~(ZICE KURSEIV SANDOVAL POV)
Dire-diretso akong pumasok sa loob ng bahay habang sukbit nag backpack sa kaliwang balikat ko.
Paakyat pa lang ako ng hagdan nang makarinig ako ng tinig.
"Kurseiv."
I immediately stiffened when I heard her voice.
Sunod-sunod akong napalunok nang tuluyan akong bumaling rito. Crossed legs, she was sitting on the couch.
Nakatingin ito sa direksyon ko na walang kahit anong emosyon sa mga mata. "Come over here."
Alas nueve na akong nakarating ng bahay kaya naman hindi ko inanasahang makikita ko pa ito sa living room. Akala ko ay tuluyan ko na itong maiiwasan.
Kahit kailan ay mahirap basahin ang iniisip nito. 21 years ko na siyang kasama sa bahay pero parang hindi pa namin ito masyadong kilala. Kahit na masyado siyang malamig at kahit na magkaiba kami ng mommy, I still love Ate Keizel.
Hindi ako usual na natatakot sa kanya, sa totoo nga ay parati ko pa siyang kinukulit kahit na ilang salita lang ang naririnig ko sa kanya. I was just scared dahil alam kong may kasalanan ako at kapag may kasalan kaming mga kapatid niya wala siyang empathy. She would always punish us.
Tiningnan nito ang papel na hawak nang makalapit ako.
"You bought Gucci shoes worth more than a thousand dollars. Backpack from Louis Vuitton worth 2,650 dollars. Clothes, trousers, watches from more high-end brands, Bottega, Armani, Ralph Lauren and more. You just spent more than 1.5 million in just a week. Where are these things?"
Nangangatog ang mga tuhod ko sa kaba. "N-Nasa kwarto, Madame President-este ate ko..."
"Get them, I want to see all those things."
Lalo akong nakaramdam ng kaba sa dibdib ko. Hindi ko alam kung paano ko iyon ipapaliwanag sa kanya.
Napakamot na lang ako sa ulo ko. "Ah... 'yung... shoes naiwan ko sa bahay ng classmate ko, 'yung bag... naiwan ko rin sa ibang bahay, ate... tapos 'yung iba... h-hindi ko na maalala. Parang m-masama kasi pakiramdam ko ngayon, ate. Ang sakit ng ulo ko ang dami ko po kasing inaral ngayong araw eh. Pwede na po ba akong matulog?"
Pakiramdam ko ay mawawalan ako ng ulirat nang bumaling ito sa akin. Muli akong sunod-sunod na napalunok.
"Did you sell those or did you forge the receipts just like what you did with these test papers?"
Napatingin ako sa mga test paper na inangat nito sa ere.
Sinimulan ko nang magdasal sa isip ko na sana ay hindi niya ako ibitin ng patiwarik katulad nang ginawa niya sa akin noong nakaraan.
"You've failed all your exams, but forge these test papers to pass to your personal assistant. Do you think I'm stupid not to know this?"
Agad akong umiling. "Hindi po. Hindi po, ate."
Nanatili itong nakatingin sa akin at ilang sandali pa bago muling magsalita. "You didn't attend your classes again earlier and you again started a commotion with your friends."
"S-Sorry na ate..." sabi ko habang pinaglalaruan ang mga kuko ko sa kaba. "h-hindi na talaga mauulit."
Napa-atras ako nang tumayo ito mula sa pagkakaupo.
"I will no longer give you allowance for the whole month. I will lessen your allowance the following month by 50%. You have to surrender your extra gadgets. After class you should be here at home and you're not allowed to use your motorcycle for the whole month."
Namilog ang mga mata ko sa huling sinabi nito.
"A-Ate..."
"I don't want to hear you complain."
Nagsimula na itong humakbang palayo. Sinundan ko ito ng tingin habang naka-bukas pa rin ang bibig ko. Gusto kong magpapadyak sa inis pero hindi niya iyon pwedeng makita dahil siguradong lalo niya akong pahihirapan.
Agad akong tumuwad sa ibabaw ng kama ko at sumubsob sa unan nang makarating ako sa loob ng silid ko. Wala akong nagawa kung hindi ang umungot sa inis.
Paano na lang ako magpa-practice sa mga race ko at paano pa ako makakasali sa race? 17 days pa bago matapos ang buong buwan and I don't think na kaya kong tiisin na hindi ako nakakapag-race. And the hell? 17 days pa before the month ends at wala na akong budget.
Dinaya ko lang ang receipt sa mga high-end brands at hiniram ko lang ang mga gamit na nilagay ko sa receipts sa mga kakilala ko para lang maipakita sa assistant ko and she could list it as valid purchase.
Naubos ko na ang pera sa mahahaling restaurants at clubs kaya naman hindi ko alam kung saan ako kukuha ng allowance para sa susunod na mga araw.
Nagpapadyak ako sa inis.
Si Ate ang nagma-manage ng allowance naming lima. Mula sa damit, sa sapatos, sa school supplies, sa lahat-lahat. You're a good boy, and then she's good to you. She will give you what you want, but if you're stubborn like me, kahit anong hingin mo sa kanya, hinding hindi niya ibibigay kahit pa lumuha ka ng dugo.
She was like our second mother dahil may kalayuan ang edad niya sa aming lahat.
Mom was so soft-spoken and so kind, dad naman was very kind to us as well because he said that he experienced abuse from grandma and grandfa when he was young. Maybe that's the reason why he's afraid to hurt us in any way. They also wanted to discipline us kaya lang ay parehas nila kaming hindi matiis. Ate suggested to take charge kaya hinayaan siya ni mom and dad.
Wala naman akong problema rito, she's very fair kaya lang ay hindi ko gusto kapag nagagalit ito at ayokong ang idea na hindi ako makalusot sa mga kalokohan ko.
Damn, she was very strict.
Nakarinig ako ng katok sa pintuan ng silid ko. Nanatili akong nakatuwad sa ibabaw ng kama ko habang naka-subsob sa unan.
Naramdaman kong bumukas ang pinto at naramdaman ko ang pag-upo nito sa ibabaw ng kama ko.
"Zice, babe..."
Agad akong umupo sa bed at yumakap kay mom. "Mommy..." nakangusong saad ko.
"Let me guess? Bagsak ka na naman sa exams mo?"
Humiwalay ako rito, still frowning. "I can't understand why I have to study and why I have to pass my exams. Ang dami-dami nating pera, mommy."
"Money is not the only thing important in the world, babe." Marahan nitong inayos ang buhok ko. "We also need knowledge. Don't you want to make yourself proud for achieving something you worked hard for?"
"Mommy, I don't want to excel in school. Ang gusto ko lang mag-excel sa racing, kumanta sumayaw, play different instruments... 'yun lang."
"Are you sure that's what you really want?"
Tumango ako habang nakatingin sa kanya at nakabusangot pa rin.
"Is that what really makes you happy?"
"Masaya ako kapag nagagawa ko ang passion ko, mommy."
"That's why you choose Theatre Arts, right?"
"Pero, Mommy... may subject pa rin ako na math. Hindi ko siya gusto at hindi niya rin ako gusto. I don't like my other subjects as well."
She sighed at nagpatuloy sa paghaplos sa buhok ko. "Can you at least finish the school year? I'm hoping by the end of the year you'll enjoy what you are doing at magbabago pa ang isip mo."
Muli akong yumakap sa kanya. "Mommy..."
She continued to caress my hair. "Hmm?"
"Mommy... penge akong pera."
Mahina itong napatawa."I'll give you, but not too much, hmm? And you can't ask money again until next month."
Natuwa naman ako sa sinabi nito. "I love you, Mommy. The best ka talaga. Ikaw na talaga ang paborito kong mommy."
"As if you have any other option."
Mahina rin akong tumawa at humiwalay sa kanya. "Mommy... can I sleep in your room?"
"Yeah, of course."
Sa aming lima, ako ang pinaka-momma's boy. I always look for mommy and I always want to see her every day and I was proud of it. My mom is the best. Nothing can change my mind.
Napakamot sa ulo si dad nang makita ako. Napangiti naman ako. Simula bata ako ay kami na ang magkalaban. Parati ko siyang nasisipa sa kama kapag gusto kong makatabing matulog si Mommy. Kalsey was always looking for him naman. Our Daddy's girl.
Kahit ngayong malaki na ako, tumatabi pa rin akong matulog sa kanilang dalawa.
Nakagitna sa amin si mom sa bed habang parehas kaming nakayakap sa kanya ni dad.
"Daddy... please invite tito and tita Chan tomorrow here for dinner. Tell them to tell Gavin and Chanel to come with them."
"Bakit hindi na lang ikaw ang bumisita sa bahay nila?"
"I want Chanel to be my prom date, dad. Maybe if you talk to tito and tita they'll convince Chanel to date me."
"Haven't you asked him to date you?" mom asked.
"Just like before, she said no, mom."
"I'll talk to Gabe about that." Dad said. "We'll invite them tomorrow for dinner."
Napangiti ako nang malapad. "Thanks, dad."
"Is that the reason why you want to sleep here?"
"No, I miss mom," sabi ko at mahigpit pang yumakap rito. Mom hugged me tight as well not minding dad beside her.
"Just mom?" dad asked.
"Just mom," I answered.
Parehas tumawa nang mahina ang mga ito.
As usual they asked about my day. Na-kuwento ko ang punishment ni ate and they just laughed at me and told me to behave.
Just few minutes nakarinig na kami ng katok sa pinto and Kalsey entered the room.
Gumitna ito kina mom and dad at naglambing na naman sa mga ito. Kaming dalawa ang magka-sundo dahil si ate K, si King, at si Klaire ay malalamig pa sa yelo. Kiandre naman was so quiet and he was an introvert. Kalsey was like mom... very soft-spoken, very kind and sweet.
Maaga akong nagising para maghanap ng susuotin ko mamayang gabi. Mabuti na lang mom helped me decide to choose my outfit kung hindi ay baka maghapon na akong naghahanap ng damit doon.
I was very happy nang sabihin ni dad na pumayag daw sina tito and tita na magpunta sa bahay with Gavin and Chanel.
I made sure that I look good bago ako lumabas ng silid ko. I already saw tito and tita Chan. I hugged both of them habang naka-ngisi naman sa akin si Gavin.
"I know your plans." Mahinang bulong nito sa akin.
"Where is your sister?"
"Umikot-ikot siguro, ang tagal mo kasi kanina pa kami dito. Nagpaligo ka pa yata ng pabango."
"Psh, go home," sabi ko rito.
Umikot ako sa bahay para lang makita ito. Sakto namang nakita ko siya sa pangalawang living room hawak ang ulo ng isang sculpture doon.
She looked so scared at mukhang hindi niya alam kung anong gagawin niya roon.
Napangisi naman ako. Nakabuo agad ako ng maitim na plano sa isip ko.
Dinala ko ang mga palad ko sa magkabilang bulsa ko at simple siyang nilapitan.
"Lagoooot..." Pang-aasar ko rito.
Hindi nawala ang ngisi sa mga labi ko because she still looked so nervous. She loves art, painting, drawings, sculptures and such. Kaya naman kapag nakakakita siya ng mga ganoon ay hindi niya mapigilang hawakan.
"That's ate K's favorite sculpture here. Napalunanan niya sa auction sa France worth a hundred million in peso."
"W-What? A hundred million?" Hindi makapaniwalang tanong nito.
Tumango ako. "Kapag nalaman niyang nasira mo 'yan, siguro akong lagot ka. Alam mo naman kapag umiinit ang ulo no'n. Nagsu-super saiyan."
Nakita kong napalunok ito at lalong nabuo ang ngisi sa mga labi ko. Madalang ko itong makitang kabahan at magkaroon ng emosyon and I was so fascinated.
"I think ate is already here, sasabihin ko sa--"
Akmang tatalikod ako pero kinuha nito ang braso ko. "Wait... c-can you... not tell her about this? I don't have money to pay for this."
"Okay... but I have a condition..."
"What?"
"Date me."
She looked at me in disbelief bago ako unti-unting bigyan ng matalim na tingin. Gustong gusto ko talagang nakikita ang emosyon nito. She looked so gorgeous.
"Okay, I'll just tell her--" Akmang aalis ako pero agad din itong nagsalita.
"Fine."
Halos mawasak ang bibig ko sa lapad ng ngiti roon.
Agad niyang pinasa sa akin ang ulo ng sculpture at sandali akong tiningnan bago tuluyang umalis ng living room.
Nakita ko naman agad si Kalsey na pumasok sa loob.
"Kuya, nasira ni Ate Chanel 'yung sculpture na binili ni ate?"
Nakangiti pa rin ako habang kinakabit ang ulo no'n sa katawan.
"Hindi..."
"Eh bakit natanggal 'yung ulo?"
"Ako nakasira nito."
"Huh? Siya 'yung nakita kong may hawak kanina eh."
"Oo nga... pero nasira ko 'to nu'ng isang buwan pa." Mahinang bulong ko. "Hindi naman halata eh..."
"Kuya talaga... lagot ka na naman kay Ate. Pinagloloko mo pa si ate Channel para lang i-date ka."
Inakbayan ko ito at nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya.
"'Wag mo na akong isumbong. Gusto mong matutuo mag gitara, 'di ba? Tuturuan kita hanggang sa matuto ka, promise. Bibilhan pa kita ng bagong gitara sa isang linggo."
"R-Really, kuya?"
Tumawa ako nang alanganin. Syempre hindi iyon totoo.
Inakbayan ko ito. "Let's just have a dinner. I know you're hungry."