DARKNESS - 17

4403 Words
A P H R O D I T E "Excuse me doc?" Napahinto kami ni kuya leon sa tumawag samin. Palihim akong napangisi at hinarap namin sila. Inayos naman ni kuya leon ang suot niyang salamin bago ngumiti ng punung puno ng galak. Palingon-lingon pa ako sa paligid, baka makita ko si kuya vanni! Gad! Hindi ko pa siya nakikita mag-mula pa kanina. "Ah Doc? May patient ba dito na Sheena ang pangalan?" kunwaring magalang na tanong ni mrs.karlos kay kuya leon. Mapapairap kana lang talaga sa kanila. Akala mo kung mga sinong santo, eh demonyo naman tsk. "Sheena? I've heard before, siya ba yung nabalitaan sa t.v na patay na?" Nakangiting pabalik na tanong ni kuya leon sa kanila. Damn! Gusto kong makotongan si kuya sa galing niyang umacting! Infiernes, hindi siya namukaan ng mga karlos! Hihi! "Ay nako, baka hindi si sheena yon, may nakapagsabi samin na may patient daw dito na sheena ang pangalan," Plastic na tawang sambit ni mrs.karlos. Naging interesado kami ni kuya leon sa sinabi nila, malalaman din namin kung sino ang nag-timbre sa mga karlos. "Sino ho siya ma'am?" Ako na mismo nagtanong kahit kating kati na ang mga kamay kong sabunutan sila. Damn it! "Uh, Mr and Mrs. Karlos? At ma'am shanna.." May isang nurse na biglang sumingit sa usapan naming lahat, medyo napaatras pa ako at naningkit ang mata ko para makilala ang nurse at ganun lang ang gulat namin ni kuya leon kung sino siya. S-Siya yung nurse ni doc guillermo. I-Ibig sabihin siya rin ang pumatay kay doc guillermo? Paano? Paano siya naging tauhan ng mga karlos? Nagkatinginan kami ni kuya leon at iisa lang ang nasa isip namin. Siya mismo ang nag-salita sa mga karlos na nandito si sheena sa hospital na to. Damn it! Naalala ko kung paano ko siya nakilala after doc guillermo died.. "WHAT?! PATAY NA?!" gulat na tanong ko kay kuya vanni. Seryoso siyang tumango samin ni kuya leon. "Damn it! Paanong nangyari yon?" Nagtatakang tanong ni kuya leon.. Oo nga! Paano?! Hindi kaya.. "May traidor sa hospital.." sabay na sambit namin ni kuya vanni at nagka-tinginan kaming tatlo. Shit! Delikado si sheena at tina! "Bunsoy ikaw na bahala sa dalawa, dumaan kayo sa may fire exit ng hospital, at iwasan niyo ang mga cctv" sambit ni kuya vanni sakin. Tumango tango naman ako sa pagkaka-excite. Woohh! Adventure time! "Huwag kayong papahalata sa lahat ng staff ng hospital at baka makatunog ang taong yon, mapapalya ang plano natin" seryosong sambit ni kuya vanni. Tumango lang ako sa kanya kaya nilipat niya ang tingin kay kuya leon. "Hanapin mo ang traidor at ako na ang bahala pagkatapos.." seryosong saad naman niya kay kuya leon na seryoso din na tumango sa kanya. "Ezrael pa kinalaban niya" seryosong gigil na sambit ni kuya leon. Tumango tango naman ako sa pagsang-ayon sa kanya. Miski ako nangigigil sa taong yon! Humanda siya! Bigyan niya ako ng magandang rason dahil kung hindi sasampalin ko nang maganda kong kamay ang pangit niyang mukha! "At ako, idadate ko si shanna para hindi siya makahalata.." Ngumisi lang ako sa sinabi ni kuya vanni. "Mas maganda kung si sheena ang idadate mo instead of her.. Nakakasuka" kunwaring masuka suka ako kapag naalala ko ang pagmumukha ni shanna. Sinamaan lang niya ako ng tingin pero kalaunan umirap na lang siya. "Whatever. Yung plano baka pumalya" Naitaas ko ang mga kamay ko habang nagpipigil ng tawa sa kanya. Pft. Kunwari pa tong si kuya vanni, kinikilig naman amp! Naka-akbay lang sakin si kuya leon habang papasok kami ng hospital, sinamaan ko siya ng tingin pero kinindatan lang niya ako. "Hilig mong asarin si gaze, hindi ka ilakad non kay harry" ngingisi ngising sambit ni kuya leon sakin. Ngumuso ako at kinurot ko siya ng mariin sa tigiliran niya. "Fvck!" pigil na sigaw ni kuya leon kaya inirapan ko lang siya bago ako nag-martsa papasok sa loob. Bago ko pa mapuntahan sila sheena, nag-punta muna ako sa station para itanong kung saan ang opisina ni doc guillermo baka makahanap pa kami ng lead tungkol sa surgery ni sheena noon. Ngayong patay na si doc guillermo, wala na kaming matibay na ebidensya laban sa mga karlos na nagpapatunay na hindi nila kadugo si sheena. Nakakainis! Pwede din naming malaman kung sino ang batang si sheena nung dinala nila sa clinic ni doc guillermo. "Excuse me" mataray na sambit ko sa mga nagchichismisang mga nurse tungkol sa nangyari kay doc guillermo. Napabalikwas naman sila ng upo at gulat na tumingin sakin kaya tinaasan ko lang sila ng kilay. "M-Ma'am A-Aphrodite.." Inirapan ko lang sila at napa-krus ako ng braso ko. "Nasan ang opisina ni doc guillermo? May appointment dapat ako sa kanya pero bigla na lang siyang nawala, pwede ba'ko pumunta sa opisina niya?" Inis na tanong ko sa kanila. Nataranta naman silang hanapin ang opisina ni doc guillermo. "M-Maam sa may 2nd floor sa may dulo po malapit sa morgue.." Sinamaan ko sila ng tingin at inirapan bago ako naglakad papunta sa 2nd floor. Napansin ko pa si kuya leon na kinindatan lang ako kaya inirapan ko lang siya bago ako nag-patuloy sa opisina ni doc guillermo. Nang makarating ako, pabalang kong binuksan ang pintuan pero napahinto rin ako ng makita ang nurse niya na inaayos ang gamit ni doc guillermo. Halatang nagulat siya sa pag-dating ko kaya tinaasan ko lang siya ng kilay at pinanigkitan ng mata bago ako lumapit ng tuluyan sa kanya. May mali sa mga kilos niya dahil halos mamutla at mataranta siya ng makita niya ako pero sinawalang bahala ko yun dahil baka nagdadalamhati pa siya sa pagkamatay nang doctor niya. "M-Ma'am Ezrael.." Tumaas lang kilay ko bago ako prenteng umupo sa monobloc chair habang nakakrus ang mga legs ko. "Hi! Nurse ka ni doc?" Nakangiting tanong ko sa kanya kahit gustung gusto ko na siyang irapan. "O-Opo.." "Gaano kana katagal bilang nurse niya?" Tanong ko sa kanya. Take note: nakangiti ako niyan ah! "13 years po" nakayukong sagot niya sakin. Tumango tango naman ako sa kanya. Hmm~ Matagal na pala. "Nakakalungkot noh? Namatay na si doc ng biglaan ano kayang nangyari don? Any findings? May appointment dapat ako sa kanya eh" malungkot na saad ko pero walang emosyon akong nakatitig sa kanya. "Inatake po siya sa puso maam. Sobra nga po akong nalulungkot dahil 20 years old pa ako nung kasama ko siya, sobrang bait pa nga ni doc guillermo" sa tono ng boses niya na nagdadalamhati pa siya. Sabagay kung ganon katagal ko na kasama sa trabaho baka nagdalamhati rin ako. W-Wait? Anong sabi niya? Inatake sa puso? Seriously? Bakit naliligo si doc sa sarili niyang dugo? May mali talaga dito eh tch. "Ah ma'am ano po pala pinunta niyo rito?" magalang na tanong niya sakin. Tumayo na ako sa pagkakaupo ko at inayos ang suot ko bago ko siya nginitian. "Dumaan lang talaga ako dito, aalis na rin ako. Nakikiramay ako sayo" nginitian ko siya at tinapik sa balikat bago ako lumabas ng opisina ni doc guillermo. Nawala ang ngiti ko at napairap na lang ako ng makalabas ako ng opisina niya. Masyado akong nasusuffocate kapag kasama ko ang nurse. Gosh! Napaka-plastik niya! Tsk. Nag-mamadali na akong nag-lakad papuntang elevator para pumunta na sa silid kung saan naroroon si sheena at tina. Nang biglang tumawag si kuya leon, kaya nagpalinga linga pa ako sa paligid na baka nakikinig lang ang taong yon, papalya ang plano namin. Nang mapagtanto ko na wala masyadong tao sa hallway, sinagot ko na ang tawag ni kuya leon, nangunot pa ang noo ko ng mapansin na parang ang ingay sa paligid niya. "Kuya leon?" mahinang banggit ko lang sa kanya habang nagaantay ako sa tapat ng elevator. "Damnit! Bunsoy! Pumunta kana sa silid ni sheena! Nandito na ang mga karlos!" Natatarantang saad niya na nagpalaki sa mata ko. What?! Fvck! Ang bilis namang makarating sa kanila ng balita! Natataranta kong pinipindot ang mga numbers ng elevator. "Damn! Bilis!" Natatarantang bulong ko. Fvck! Pinili ko na lang mag-hagdan dahil baka maunahan pa ako ng mga karlos! Tinakbo ko ang floor kung nasaan ang silid ni sheena, at doon ko na rin pinaghanda sila tina at halos pati siya nagulat sa nalaman kay doc guillermo. Hindi ko aakalain na siya pala mismo ang papatay sa doctor niya at ang mas malala siya rin pala ang tauhan ng mga karlos kaya pala nahirapan si kuya leon na hanapin siya. "Oh Flor?" Kunwaring gulat ni mrs.karlos kay flor. Tsk. Kumuyom lang ang kamao ko at napahinga na lang ng malalim, isang maling kilos lang namin katapusan na nang lahat. At yun ang ayokong mangyari, Malalagot din kami kay kuya vanni. "Mrs.Karlos, S-Sabihin ko ho kung sino ang tumulong sa hinahanap niy-- Aaacccckkk" Napaatras na lang ako at kunwaring nagulat kung bakit siya nagsusuka at nakahawak sa leeg niya. "A-Anong nangyayari?" Nanlalaking matang tanong ni mr.karlos kay flor. "Aaaacccckk.. E-Ez---Aaaacccccckk" Tsk. Ituloy mo! Tutuluyan din kita! Napatingin ako kay kuya leon na nakalapit na pala kay flor, at sinalo niya kunwari si flor ng muntikang matumba sa sahig. "Waaahhh!" Fvck! Ang pinaka ayoko sa lahat yung tumitili! Dahil nga best actress ako, kunwari akong tumili at napatakip sa bibig kunwari kahit ang totoo sarap tadyakan nung flor hanggang sa mamatay! Ipapahamak pa niya sila sheena ah! Tsk. Ezrael ata tong kinalaban niya! Kilala nila kami! Kung paano kami kumilos! Tsk. "Tsk, may nakain ata siyang hindi maganda dadalhin ko lang siya sa ER" nakangiting sambit ni kuya leon sa kanila at binuhat si flor na nanghihingi ng tulong sa mga karlos na hindi naman siya naintindihan. Stupida! Akala niya ganon kami kahangal para hindi malaman na siya ang traidor? Tsk. Gusto ata niyang matikman ang hagupit ng mga ezrael lalong lalo na kay kuya vanni. "Babe!" Oh the notorius beast is in the hospital! Yow, the best actor among us. "Babe? What are you--" Hindi na natuloy ni shanna ang sasabihin niya ng halikan siya ni kuya gaze at halos masuka ako sa nakita kaya napairap na lang akong, umiwas ng tingin sa kanila. Nakakadiri! "Babe! You're naughty! What are you doing here?" Takang tanong ni shanna kay kuya vanni pero ang totoo kinikilig siya. Bitch please. "Are you okay? Naghihintay ako sayo damn it! Tapos nareceive ko ang text mo na pupunta ka ng hospital! Are you pregnant?" Nangingiting kunwaring tanong ni kuya vanni sa kanya. Tangina! Bakit yun pa yung tanong niya?! Like. What.the.fvck?! Ayokong magka-pamangkin sa kanya!! Kay sheena pwede pa! Gosh! "Ikaw talaga babe, no of course not. Im sorry babe? Yung katulong kasi namin natagpuan daw dito" malambing saad ni shanna at kumapit siya kay kuya vanni, napansin kong naging blanko ulit ang mukha ni kuya. Nagkatinginan kami ni kuya vanni at pasimple ko siyang inirapan bago ko hinarap ang mag-asawang karlos. "Ah, Mr and Mrs.Karlos, susundan ko lang ho si doc kayo na lang po maghanap sa hinahanap niyo" yumuko ako at taas noo akong naglakad at ilang ulit ko silang pinapatay sa isipan ko.. Murderer na ata ako mwehehehe. Dumiretso ako sa dulo ng hallway at lumiko ako at doon ko nakita si kuya leon na akay akay si flor. "Damn it!" Inis na baling ni kuya leon kay flor na walang malay. "Hindi ko akalain na siya pala ang nag-timbre sa mga karlos" naiiling na sambit ko sa kanya. Tumango-tango siya at napahilamos sa mukha niya. "Dalhin muna natin siya sa ER , Im sure marami-rami pang tauhan ang mga karlos na nandito sa buong hospital" problemadong saad ni kuya leon. Nagkibit balikat lang ako sa kanya. "Ganun na nga ang mangyayari kuya, we have no choice." Walang ganang sambit ko sa kanya. Bwisit! Sabi naba eh! Hindi maganda na dalhin sa hospital si sheena, tama nga si mom, hindi magiging madali na maidala sa ganitong hospital si sheena. Hangga't nabubuhay ang mga karlos. Hindi rin magiging malaya si sheena at tina. Dahil habang buhay nilang dadalhin ang masalimuot na pangyayari sa kanilang buhay. Ang pagpapahirap sa kanila ng mga karlos. - T I N A Ilang oras na ba kaming nandito? At hanggang ngayon hindi parin bumabalik si aphrodite. Hindi kaya.. Jusko! Wag naman sana! Ayokong pati sila madamay sa gulong to. Sobra sobra na ang abala namin sa mga ezrael, halos kahit alam nilang masyadong risk ang pagtulong samin, hindi sila nag-dalawang isip na tulungan kami. Kaya please, wag na wag niyo silang pababayaan. "T-Tina, hanggang d-dito na lang ba ang lahat ng satin? Dito naba magtatapos ang kwento natin? Hanggang dito na lang ba tayo?" Mahinang sunod sunod na tanong ni sheena sakin. Napapikit naman ako at napailing sa kanya. Hindi ko alam, Hindi ko alam hanggang saan na lang ba kami. "T-Tina, p-pagod na pagod nakong tumakbo at tumakas, pagod na pagod nako sa lahat, ayoko na nang ganito. Ang gusto ko lang naman maging malaya at maging masaya pero bakit ito ang naging kapalit sa pagiging makasarili ko? Kung hindi siguro ako tumakas nung gabing yon, baka.. baka.." at humagulgol na siya ng tuluyan, kaya umiiyak din ako habang nakayakap sa kanya. "B-Baka, buhay pa si nanay esme, baka hindi siya kinuha satin. Sana kasama pa din natin siya hanggang ngayon at sana, hindi napapahamak ang mga ezrael ngayon.." umiiyak na pagpapatuloy niya. Napahagod ako sa buhok ko at taimtim kong tinignan si sheena. "Sheena makinig ka, hindi kita kailanman sinisi sa pagkawala ni nanay dahil katulad ko na parang nanay mo na siya hindi ba? Namatay siya para sayo, pinili niyang ibuwis ang buhay niya alang alang sayo, kaya please, huwag ka namang sumuko. Lumaban ka naman, hindi na para sakin pero para sa sarili mo, at alam ko yun din ang gusto ni nanay na gawin mo.." Seryoso ngunit naiiyak na sambit ko sa kanya. Napatakip naman siya sa bibig habang humahagulgol ng iyak. "A-Alam mo ba may nakausap akong kaibigan, si ate sierra. Sabi niya maging matapang at maging matatag lang daw ako, dahil malalampasan ko din lahat ng ito, pero kaya ko ba? kung ngayon palang hinahabol nanaman tayo nila mom, napapagod nako. Gusto ko ng magpahinga.." mahinang sambit ni sheena. Hinaplos ko siya sa braso niya dahil nanginginig siya. "Hayaan mong ako naman ang lumaban para sayo, sapat na ang ilang taon mong sinasalo ang dapat parusa para sakin, at ngayon ako naman ang magtatanggol sayo.." buong tapang na saad ko sa kanya. Pagod siyang ngumiti at umiling sakin. "T-Tina.." Umiling ako sa kanya, alam ko kung ano ang nasa isip niya. Naalala ko nung unang tapak ko sa mansion ng mga karlos. Kung saan una kami naging mag-kaibigan at nagturingan na mag-kapatid. "Hi, ako nga pala si sheena" nakangiting pakilala niya sakin. Nahihiyang ngumiti naman ako sa kanya. "Ikaw pala yung sinasabing anak ni nanay esme? Aam mo bang ang swerte mo? Dahil siya ang nanay mo? maalaga, maasikaso at mabait, hindi tulad sakin hehehe" pilit na ngiting sambit niya sakin. Simula non, tinuring nanamin sa isa't-isa bilang kapatid kahit may kakambal siya. "Tina ayusin mo ang pagplantsa ah? Dress kasi ni shanna yan, pasensya na ah? Kailangan ko pa kasing linisin ang kwarto nila mom and dad, ikaw na ang bahala ah? Salamat!" Tinanguan ko siya at nginitian bago ko sinimula ang pagpaplantsa sa dress ng kakambal niyang ubod ng arte tch. Hanggang sa nasunog ang dress ni shanna dahil sa kapabayaan ko! Sana pala mamaya ko na lang sinagot ang tawag ni itay! Nako, Paparusahan ako! "Waaaaaaahhh! What did you do?! Alam mo bang mas mahal pa tong dress na 'to sa buhay mo?!" Galit na sigaw ni shanna sakin. Napayuko naman ako habang naiiyak. "Nasan naba si sheena?! Siya yung pinagpaplantsa ko nito ah!" Hanggang sa.. "Tina! Shanna!" Nagaalalang lumapit sakin si sheena, mas lalo lamang akong napayuko habang naiiyak na. "S-Sorry, sinagot ko kasi yung tawag ni itay.." mahinang sambit ko sa kanya. Nginitian lang niya ako. "Ako nang bahala" nakangiting saad niya, at hinarap si shanna na nanggagalaiti na sa galit habang ako nakatago lang sa likuran niya. "A-Ah S-Shanna, ako ang nagpaplantsa niyan, nakalimutan kong balikan kasi naglinis ako ng hagdan, kaya ako ang parusahan mo, walang kasalanan si tina dito" sambit ni sheena kay shanna. Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Akmang magsasalita nako, nang biglang dumating ang mag-asawang karlos. "WHAT?! BOBA KA TALAGA!" tinulak ni shanna si sheena kaya napaupo si sheena sa sahig at agad ko naman siyang dinaluhan. "What's going on?" Takang tanong ng magasawa at napansin kong biglang natuod sa kinauupuan si sheena at halata ang pamumutla niya. A-Anong nangyayari sa kanya? "Mom! Look at my dress! Masyadong pabaya si sheena!" Galit na reklamo ni shanna sa mga magulang niya. Kumunot naman ang mga noong magasawa at sinamaan nila ng tingin si sheena kaya nagtaka ako. "Sheena!" Isang malakas na sambit lang ng magasawa napabalikwas ng tayo si sheena at malungkot na ngumiti sa kanila. Akmang magsasalita na ako para umamin na ako ang may kasalanan pero hinawakan agad ako ni sheena sa braso at agad na umiling, at ngumiti sakin para sabihing ayos lang siya pero ang totoo ay hindi. Naglakad na si sheena ay sumunod ang tatlo sa kanya at akmang susunod nako sa kanila ng pigilan ako ni nanay esme. "N-Nay.." gulat na saad ko. Umiling siya sakin at bumuntong hininga. "Wag ka ng sumunod, ayaw ni sheena na mapahamak ka kaya ginawa niya yon. Makinig ka na lang sakin anak.." mahinang sambit ni nanay at tumalikod na siya para bumalik sa trabaho niya. Gulong gulo at litong lito ako sa nangyayari sa mansion, at ang ikinatataka ko lang bakit ganun na lang nilang tratuhin ng ganon si sheena na laman at dugo nila ang nananalaytay sa kanya. May mali.. Kinagabihan, hindi parin bumabalik si sheena sa silid na tinutulugan namin, kaya halos hindi ako mapakali, kaya kahit alam kong delikado, sinuway ko si nanay esme at pinuntahan ko ang silid kung saan nag-punta si sheena. Nang sumilip ako, ganun na lang ang panlalaki ng mata ko at naluha ako sa nangyari sa kanya. Lantang lanta na siya habang patuloy na hinahampas siya ng malaking bakal. At yun din yung gabi na kauna-unahan na nakita kong pinarusahan siya. "Sheena ako naman ang magtatanggol sayo, kaya kung ano ang nasa isip mo, wag mo ng ituloy, maniwala at magtiwala ka lang sakin.." determinadong sambit ko sa kanya. "T-Tina.." Nginitian ko siya at hinaplos lang sa pisngi. "I owe you a lot sheena, kaya hindi ko hahayaan na makuha ka ng mga karlos, magiging maayos rin ang lahat. Trust me," sambit ko sa kanya. Tumango naman siya sakin kaya napangiti na lang ako. Tumayo nako, at inalalayan ko siyang tumayo nang mahagip ko ang binigay ni aphrodite sakin na mga damit. At naalala ko bigla ang sinabi ni aphrodite kanina. "Kapag hindi agad ako nakabalik, Suotin niyo'to at iwasan niyo ang mga cctv okay?" "Paglabas niyo sa huling fire exit, nandon na ang sasakyan ni kuya vanni, sumakay kayo agad don, pero wag kayong mag-alala tinted ang sasakyan na yon kaya hindi kayo makikita. Doon niyo na lang kami hintayin," Kaya napahigpit ang kapit ko sa janitor na damit, at huminga ako ng malalim bago ako nagbihis, iniwan ko na lang ang damit dito, para walang maghinala samin. Inalalayan ko na rin si sheena na magbihis at iniwan ko na rin ang suot niyang hospital dress, tinali ko ang sugat niya sa kamay kung saan niya hinugot ang dextros na nakakabit sa kanya kanina, para din tumigil na ang pagdurugo nito. Buti na lang may hood ang suot ng mga janitor na damit kaya sinuot ko na ang hood sa ulo ni sheena, at ganun din sakin. Kinuha ko ang dalawang map at isang baldeng may laman na tubig para walang maghinala samin. Sa itsura namin mukhang hindi na kami makikilala. Sana nga.. "Tara na? Konting tiis lang ah? makakalabas din tayo dito sa hospital" sambit ko sa kanya. Tumango tango naman siya sakin at humigpit ang hawak niya sakin kaya huminga ako ng malalim bago ko binuksan ang pintuan, nagpalinga-linga pa ako sa paligid nang wala akong makitang ibang tao, inalalayan ko ng lumabas si sheena sa may basement at inalalayan ko din siyang mag-lakad pababa papunta sa may fire exit," Nahagip ko si aphrodite at si leon na nakapang doctor at nurse na damit? At papasok sila sa ER, Anong gagawin nila don? Kahit nakapang-disguise din sila katulad namin, nakilala ko parin sila lalo na ang nga tindig nila na halatang nang-galing sa mayamang pamilya. Napailing na lang ako, at hindi na sila pinansin, nagpatuloy na lang kami sa pag-baba hanggang sa makaabot kami ng 2nd floor, nanlaki ang mga mata ko ng mahagip ko ang mga karlos kasama si sir gaze na para bang may hinahanap. "s**t!" bulong ko. At binaba ko na ang map na dala ko at kunwari akong nag-map, ganun din ang ginawa ni sheena. Natuod kaming dalawa ni sheena sa kinatatayuan namin, at halos nanuyo ang mga lalamunan namin sa kaba. Dahil palapit na nang palapit sa kinaroroonan namin ang mga karlos. Shit! Nagaalalang tumingin ako kay sheena na nanginginig habang nagmamap, at parang konti na lang babagsak na siya ng tuluyan pero kahit na kabado siya, tinibayan lang ang loob niya at nagpatuloy lang siyang mag-map habang nakayuko. Ganun din ang ginawa ko, pero mas lalong humigpit ang hawak ko sa map nang dumaan ang mga karlos sa may bandang likuran namin. Napalunok na lang ako at nagngingitngit ako sa galit habang nagmamap ako, hindi ko na tuloy alam kung ano ang ginagawa ko. Sa tagal naming nasa puder ng mga ezrael! Ngayon lang ulit namin nakita ang pamilyang karlos. Ang pamilyang pumatay sa nanay ko! "Mom, wala naman yung dalawa dito eh! Baka patay na talaga si sheena at si tina baka nagpakalayo layo na rin! Aren't you happy mom?! Wala na sila! Hindi naman yun makakapagsumbong sa mga pulis noh! Dzuh! Hindi sila paniniwalaan!" Inis na sambit ni shanna kaya mas lalong humigpit ang hawak namin na map ni sheena. This b***h, Hinding hindi ko makakalimutan kung paano niya pasuin ng sigarilyo si sheena. "Let's go home honey!" Damn you mr.karlos! Hinding hindi ko makakalimutan ang ginawa mong pambababoy sa nanay ko at sakin! Makabangon lang kami ni sheena! Ipapahuli kita sa mga pulis at sama sama kayong tatlo na mabubulok sa kulungan! Huminga ako ng malalim at pinagpatuloy ko ang pagmamap habang paunti unti silang umakyat sa taas, napasilip pa ako at napansin kong tumingin samin si sir gaze at tinanguan kami, kahit ramdam kong gusto niyang tulungan si sheena pero hindi niya magawa dahil ito ata ang mission na ginampanan niya ang lituhin at guluhin ang pamilyang karlos. Nang mawala na sila, agad agad kong hinila si sheena pababa ng hagdan, at halos iwasan namin ang mga cctv ika' nang sinabi ni aphrodite. Nagkanda dapa-dapa pa si sheena pero tinitiis niyang tumakbo para marating nanamin ang fire exit. Atsaka nag-iingat din kami, dahil alam ko rin na nakakalat ang mga tauhan ng mga karlos sa buong hospital. Habang tumatakbo kami pababa may nakabanggaan ako, at ganun na lang din manlaki ang mga mata ko ng mapagtanto isa sa mga tauhan ng mga karlos ang nakabanggaan ko. Si Renan. Ang isa sa mga nanamantala kay sheena. Hindi ko alam na ginawa na pala siyang tauhan ng mga karlos, Kailangan din niyang magbayad sa ginawa niya kay sheena. Nung tumakas nung gabi si sheena, yun din ang pag-dating ng tatlong namantala kay sheena, at narinig ko na lang na ginawa silang bodyguard ni shanna. Renan, omar, and Oscar. Yan ang mga pangalan nung tatlo, ang tatlong bumaboy kay sheena. "Ano ba! Hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo!" Inis na sigaw niya sakin kaya napayuko kami ni sheena. "S-Sorry.." Paumanhin ko pero napagtanto ko. Shit! Agad kong hinila si sheena tumakbo ulit pero naabutan kami ni renan. "T-Teka, namumukaan kita.." kunot noong sambit niya sakin. Napakagat naman ako sa labi at mariin akong pumikit bago ko siya tinulak at tumakbo kami ni sheena. Ang tanga tanga mo cristina! Ang tanga tanga mo! Paano na?! Maaabutan nila kami! "Kayo yung mga hinahanap namin! Mga tol!! Nakita ko na sila!- Hoy! Bumalik kayo dito..!" rinig kong sigaw niya. Shit! Hinigpitan ko lang ang kapit ko sa pulsuhan ni sheena, at mabilis ko siyang hinila patakbo patungo sa fire exit pero biglang nadapa si sheena. Shit! "S-Sheena.." kinakabahang saad ko. Umiling siya sakin at nginitian ako. "T-Tumakbo k-kana t-tina, h-hayaan m-mo n-na a-ako, h-hindi k-ko n-na kaya.." nauubong saad niya at nanlaki ang mga mata ko ng makitang umubo siya ng dugo. Nanlalaki ang mga mata at nanginginig akong tumingin sa may likuran niya. Ang demonyong ngisi ni renan na may hawak ng silencer na baril. "Wag na kayong tumakbo! Papatayin kayo nito ng baril ko!" Nakangising saad niya. Napapikit nako at napahinga ng malalim bago ko lapitan si sheena at inalalayan ko siyang tumayo. "Sabay tayong makakalabas ng buhay dito sa hospital sheena!" Mariin na sambit ko sa kanya. Hindi na siya nakasagot dahil umuubo na siya ng dugo. Inakbay ko ang braso niya sa balikat ko at inalalayan ko siyang maglakad ng mabilis dahil malapit na si renan sa kinaroroonan namin. Mas binilisan ko ang paglalakad habang alalay ko si sheena, grabe na ang ubo niya na may kasama na talagang dugo. Napatalon kami ni sheena ng makarinig kami ng alingawngaw ng putok ng baril. Napalingon ako at laking gulat kong bumulagta na si renan habang may butas sa noo. "Halika na! Marami ng tauhan ang mga karlos na naghihintay sainyo!" laking gulat ko na si sir harry pala. S-Siya ang bumaril kay renan? "Let's go!" Napabalikwas ako at tumango sa kanya, nagulat akong bigla niyang kinuha sakin si sheena at binuhat kaya sumunod na lang din ako sa kanya, nakalabas na kami sa fire exit, at sinakay niya agad sa sasakyan ni sir gaze si sheena sa may backseat kaya sumunod din ako na sumakay. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod, Pagod na tumakas at tumakbo. Sheena's right, nakakapagod tumakbo lang ng tumakbo at tumakas lang ng tumakas pero yun lang din nama ang magagawa namin sa ngayon. Napatingin ako kay sheena na bumibigat ang paghinga at namumuo ang pawis sa noo niya kahit may aircon ang buong sasakyan. Napatingin din ako kay sir harry na seryoso lang na ginagamot si sheena. "S-Sir, t-thank you.." Yun lang nasabi ko bago dumilim ang lahat. S-Sana matapos na ang lahat ng i-ito..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD