H A R R Y
Damn it!
N-No i-it can't be her.
Matagal ng patay ang kapatid ko!
Kaya imposibleng si sheena yon!
Fvck!
Napahampas ako sa manobela at mabilis kong hinarurot ang sasakyan ko pauwi sa Imperial Estate.
Kung saan ako nagmula at kung saan ako lumaki kasama ang nakababata kong kapatid.
Harry Standord as of known Harry Ceasar Imperial, that's my real name, isa akong FBI agent sa isang dahilan, para malaman kung sino ang pumatay sa kapatid ko.
Kinakailangan ko pang itago ang buo kong pagkatao para mahuli ang salarin sa pagkawala at sa pagkamatay ng kapatid ko.
Kinailangan ko pang lumayo sa pamilya ko at sa babaeng mahal ko, para lang magawa ko ang mission ko, pero kahit na anong gawin ko, hindi ko parin mahanap hanap ang salarin sa pagkamatay ng kapatid ko, wala paring lead sa kaso noon, labing walo na ang nakakalipas.
Tapos ngayon,
Hindi ko alam kung ano pa ba ang dapat kong gawin.
Sa kaso ng kapatid ko
o
Sa kaso ni sheena karlos na kamukha ng kapatid ko.
Paano kung, kapatid ko nga siya?
Paano kung siya nga ang prinsesa naming matagal na naming pinagluluksaan?
Hindi ko alam kung anong maaari kong gawin, dahil sa malalaman ko tungkol kay sheena.
Pinahirapan siya ng mga karlos sa loob ng maraming taon at sa mahabang panahon.
Hinding hindi ko sila mapapatawad kapag nalaman kong si sheena at si eleanor ay iisa.
Kulang ang pagkakakulong sa ginawa nila kay sheena.
Dapat sa kanila hatulan nang,
Kamatayan..
"Oh son?" gulat na sambit ni mom pagkapasok ko palang sa mansyon.
Pagod akong ngumiti kay mom at humalik sa pisngi niya.
Hindi ko alam kung anong mangyayari sayo mom kapag nalaman mo ang totoo.
Sobra sobra na ang paghihirap mo sa loob ng maraming taon dahil sa pagkawala ni eleanor.
Ayokong maranasan mo ulit, ang hirap na dinanas mo noon.
"How are you? Are you okay son? Hind mo na ako nadadalaw" nakangusong sambit niya sakin.
Nginitian ko naman siya at inakay siya paupo sa sofa namin.
"Im fine mom, you know me right? marami akong kasong hinahawakan" nakangiting sambit ko sa kanya para hindi siya maghinala na marami akong iniisip.
Ayoko ng pagalalahanin pa siya.
"Are you sure? Kumain kana ba? Ipaghahain kita" nakangiti na niyang sambit ay akmang tatayo na siya ng yakapin ko siya kaya gulat naman siyang nakatingin sakin.
Mom im sorry, hindi mo pa pwedeng malaman habang hindi ko pa ito kumpirmado.
"Harry? Are sure you're okay? What's wrong? Dahil ba ito sa babae na ikinukwento mo sakin?" Nagaalalang tanong niya sakin.
Nagpilit naman akong ngumiti sa kanya at kumalas na sa yakap.
"Y-Yes, mom. And Sheena the twin of Shanna Karlos.." mahinang sambit ko sa kanya.
Napasinghap naman siya at nanlalaki ang mga mata niyang tumingin sakin.
"W-What? H-Hindi maaari yun anak, dahil nandon ako nung binyag ni shanna, nag-iisa lang siya paano siya nagkaroon ng kakambal?" Gulong gulo na tanong niya sakin.
I don't know.
Miski ako naguguluhan na rin,
You're heard right.
Sheila karlos and my mom used to be bestfriends before, pero dahil masyado sila mapagmataas sa sarili, tinuring na nila kaming competitors sa negosyo na kahit ang totoo, mga magulang ko ang dahilan kung nasaan sila ngayon.
Naalala ko pa nung maliit pa kami ni eleanor, pumunta si sheila karlos dito sa mansion kasama si shanna.
"Matagal na rin kaming hindi nagkikita ni sheila, hindi ko alam kung bakit nagagalit sila sa atin at tinuring nila tayong kaaway kahit hindi naman dapat.." malungkot na sambit ni mom sakin.
My lovely mom,
Dahil napagmataas sila mom, kung paano nga parusahan ang mga taong nagtatrabaho sa kanila, ganun ganun na lang eh, tayo pa kaya?
Na itinuturing na nilang kaaway.
"Oh Sheila? Its been a long time! Im so happy to see you again! Is she shanna? She's pretty!" dinig kong masayang sambit ni mom sa bisita namin.
Napasilip naman kami ni eleanor mula sa dining kasama si dad.
"Hala kuya may bata! Can we be friends kaya?" Nakangusong tanong niya sakin.
Ngumiti naman ako sa kanya at ginulo ko ang buhok niya.
"No. Mukang mataray, hindi naman siya bagay maging kaibigan sayo." sambit ko sa kanya.
Napanguso naman siya sakin at inirapan ako.
"You're bad! She's pretty kaya!" iritang sambit niya sakin. Natawa naman ako sa kanya kaya binuhat ko na siya paupo agad sa inuupuan niya.
"Ssshhh, Finish your food first baby" malambing na sambit ko sa kanya.
"Yeah baby, mamaya kana makipaglaro okay?" Malambing na saad naman sa kanya ni dad.
Napangiti naman siya kay dad.
"Opo!"
Masaya siyang kumain buong umaga, kaya kami ni dad natatawa na lang sa kanya dahil sa kasiglahan niya at sa pagiging adorable niya.
Pagkatapos naming mag-agahan nung araw na yon, nagpunta na kami nila dad sa may sala, at may isang ginang na nakayuko habang katabi niya si mom, at may isang batang nakataas ang kilay sa kapatid ko na nakangiti naman sa kanya.
Sino ba sila?
Pamilyar sila sakin, pero hindi ko na natatandaan pa.
"Ceasar! This is your tita sheila my bestfriend, and this is her daughter shanna" nakangiting pakilala ni mom samin.
Kumunot lang ang noo ko at hindi ko na sila pinansin pa, pinagtuunan ko lang ng pansin ang kapatid ko na kaharutan si daddy.
"Oo nga pala best, Ito pala si eleanor ang nag-iisa naming prinsesa say, hi to them baby"
"Hellooo pooo!" bibo na bati ng kapatid ko sa kanila kaya napatawa na lang kami nila mom sa kanya.
Ganyan yan siya kapag may mga bisita kami, bibong bibo at masiglang masigla siya.
"Ano nga pala sadya mo rito best?" Nakangiting tanong ni mom sa kanya.
Napayuko naman si sheila.
"Best, nabankrupt kami, hindi ko na alam kung anong gagawin ko, baka ang kaisa-isang bahay namin ay makuha pa, wala na kong pwede pang lapitan.." Mangiyak ngiyak na sambit ni sheila kay mom.
Nabahag naman ang damdamin ni mom sa kanya.
"Don't worry tutulong kami sayo.."
Pero, mali ka ng tinulungan mom, maling mali.
At dahil sa tinulungan mo sila mas lalo silang nag-mataas sa sarili, at hindi mo alam na sinisiraan na nila ang imperial estate sa ibang tao, pero dahil matalino si dad nagagawa niya ito ng paraan sa tulong din ng mga ezrael.
At kapag nalaman ko ang totoo, at kapag nakumpirma ko na, hinding hindi ko sila mapapatawad.
Hinding hindi!
"M-Mom, namimiss muna ba si bunsoy?" wala sa sariling tanong ko sa kanya.
Napatulala naman siya at napaiwas ng tingin sakin.
"Ipaghahain kita okay? Im sure gutom kana hehe" iwas na sambit niya sakin.
Akmang tatayo na siya nang pigilan ko siya.
"Mom?"
Kumuyom ang kamao niya at napahinga siya ng malalim at unti unti ng tumulo ang mga luha niya.
"Walang segundo, minuto, oras at araw na hindi ko siya naiisip. Palagi ko siyang napapanaginipan, hindi ko alam kung paano ako nakasurvive sa buhay magmula nang mawala siya," Napatakip siya sa bibig at humagulgol ng iyak.
Niyakap ko naman si mom at bahagyang kumuyom ang mga kamao ko.
"Hanggang ngayon ang sakit sakit parin sakin, hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na wala na siya sakin, nararamdaman kong buhay pa siya. Our baby is still alive.."
Napayakap rin siya sakin.
Im sorry mom, hanggang ngayon wala parin akong lead.
Damn it! Im useless!
"Kailangan na natin mahanap ang mga salarin sa pag-paslang sa anak ko.."
Napalingon kami ni mom kay dad na pababa ng hagdan.
"Hindi tayo titigil, hangga't hindi natin mapapanagot ang mga taong sangkot sa pagdukot kay eleanor.." seryosong saad ni dad, kumuyom ang mga kamao niya.
"This is my fault. Kung hindi sana ako pumasok nung araw na yon sana, sana.. Hindi siya nawala at napatay, ako ang dapat sisihin dito, hindi ko magampanan ng maayos ang pagiging ama ko sa inyo, masyado akong nag-pabaya!" hinanakit na dagdag pa ni dad.
Nilapitan naman siya ni mom at niyakap.
"No dad, hindi mo kasalanan, ako ang may kasalanan naging pabaya akong ina, hindi ko siya nabantayan ng maayos, Im sorry.." hagulgol na sambit ni mom kay dad.
Kumuyom ang mga kamao ko, walang may kasalanan sa nangyari!
Ang may kasalanan ang mga taong ganid!
"Wag kayong magaalala dad at mom, gagawin ko ang lahat para mahanap ang mga salarin, at kapag nangyari yon, ako mismo papatay sa kanila. Mabubulok silang lahat sa kulungan,"
Umiling si dad.
"We can do this together son, masyado kanang maraming nagawa, ako dapat ang gumagawa nito, hindi ikaw. Hindi mo na na-enjoy ang kabataan mo para lang maghanap ng hustisya. Ako ang haligi sa tahanan kaya dapat ako ang kumikilos, pero ako itong walang nagawa! Im useless father! Im useless!" Galit na sambit ni dad.
No dad. You're the best father for us.
At alam kong yun din ang sasabihin ni eleanor kung nabubuhay pa siya.
Hindi ako titigil hanggat hindi ko nalalaman ang mga salarin.
Sana..
Sana tama ang hinala ko, na si sheena at si eleanor ay iisa.
Biglang tumunog ang phone ko habang nakahiga ako sa kama ko at tinitignan ang larawan namin ng kapatid ko.
"Who's this?" walang ganang tanong ko nang di tinitignan ang caller.
"Fvck it."
Kumunot ang noo ko at tinignan ko kung sino ang tumawag.
Si Gaze.
Napabangon ako sa kama at nilagay ko ulit ang phone ko sa tenga ko.
"What is it?" walang ganang tanong ko sa kanya.
"I need your help" mas lalong nagsalubong ang kilay ko sa tono ng boses niya.
"Anong maitutulong ko mahal na hari?"
"Karlos is here, kung nasaan si sheena. Marami silang tauhan, Fvck! Doctor guillermo is dead!" sigaw niya sa kabilang linya kaya napapikit ako sa lakas ng boses niya tsk.
Wait, Ano daw?
"A-Anong sabi mo?" kabadong tanong ko sa kanya.
"Damn you! Nasa mapanganib si tina at sheena!"
Akmang magsasalita pako ng p*****n niya ako!
Damn it!
Masyadong mainitin ulo nung isang yon!
Agad agad nakong tumayo at lumabas nako ng kwarto ko, naabutan ko pa sila mom and dad na nanonood ng t.v, mukang naging maayos na si mom pagkatapos ng usapan namin kanina.
"Anak? Saan ka pupunta? Hindi ka man lang ba magpapahinga?" Takang tanong ni mom sakin ng makitang nakabihis parin ako.
Nginitian ko siya at humalik na sa pisngi niya.
At tinapik ko lang sa balikat si dad.
"Gaze need my help, i have to go" yun lang nasabi ko sa kanila bago ako lumabas ng mansion at agad akong sumakay sa sasakyan ko atsaka ko pinaharurot sa hospital kung nasaan si sheena.
Pagkarating ko sa hospital, naabutan ko si gaze na naninigarilyo sa labas ng sasakyan niya kaya agad akong lumapit sa kanya.
"Ikaw lang? Tsk." Tinapon na niya ang sigarilyo niya at nakapamulsa na siya habang nakaharap sakin.
"Hindi nako nakatawag sa quarter dahil pinapamadali moko tsk" iritang sambit ko sa kanya.
Ngumisi lang siya.
"Bakit ka nga ba umalis kanina? Dahil ramdam mo na ang kapatid mo at si sheena ay iisa?" Nakangising tanong niya sakin.
Kumunot ang noo ko at kinuwelyuhan ko siya.
"Hindi ako nakikipagbiruan sayo!" inis na sambit ko sa kanya, pero nginisihan lang niya ako at tinanggal ang kamay kong nakahawak sa damit niya.
"Tsk, i need your help then i will help you para malaman ang totoo." seryosong sambit niya sakin.
Huminga naman ako ng malalim at walang emosyon ko siyang tinignan.
"Maraming tauhan ang mga karlos ang nakakalat dito, may traidor sa hospital pero pinahahanap ko na siya kay leon kaya hiningi ko ang tulong mo para na rin sa kaligtasan ni sheena at tina, abangan mo sila sa fire exit sa may kabila, doon ko dadalhin ang sasakyan ko at agad mo silang dalhin sa mansion, lilibangin ko muna sila" seryosong sambit niya sakin at tinapik ako sa balikat bago nakapamulsang naglakad papasok ng hospital.
Napahinga ako ng malalim at napailing na lang sa kanya, kahit na kailan hindi ko talaga mabasa ang mga nasa isip niya.
Sinunod ko ang sinabi niya, damn it!
Bakit ko ba sinusunod yon?! Tsk.
Kinuha ko ang pistol ko na nakatago sa sasakyan ko at inipit ko sa may tyan ko, atsaka ako nag-lakad ng marahan papasok sa hospital.
Napansin ko kaagad ang mga karlos na parang may hinahanap kaya lumiko sa ibang daan para hindi nila ako makita, hindi talaga sila titigil hangga't hindi namamatay si sheena at tina.
Hindi ko alam kung bakit ginagawa nila to!
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan nila para gawin nila to!
"Harry?"
Napalingon ako at nakita ko si aphrodite na nakapang nurse na suot.
At katabi niya si leon na nakangiti sakin.
"W-What are you doing here?" Tanong niya at umiwas sakin ng tingin.
Huminga naman ako ng malalim.
"Para tulungan kayong itakas sila sheena dito" walang emosyon na sagot ko sa kanya.
"Fvck! Oo nga pala! Bat ko ba sila nakalimutan!" biglang sigaw ni aphrodite.
At tumakbo sa isang pasilyo ng hospital kaya sinundan ko siya.
"Damn it! Sana nandon pa sila" bubulong bulong ni aphrodite kaya kumunot ang noo ko.
"You left them?!"
Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
Napayuko naman siya at napakagat na lang sa labi, damn!
"O-Oo, pero sinabihan ko na si tina na-"
Damn it!
"Hanggang ngayon tatanga-tanga ka pa rin! Paano kung nakuha sila?! Hindi ka ba nagiisip?!" Galit na tanong ko sa kanya.
Mas lalo naman siyang napayuko at narinig ko na lang ang paghikbi niya pero hindi yun mababawasan ang galit ko sa kanya.
Iniwan niya ang dalawa sa ganitong sitwasyon?!
"G-Gusto k-ko lang tumulong kayla kuya" mangiyak ngiyak na sambit niya sakin.
Napapikit naman ako at napamura na lang.
"Ano?! May naitulong ka ba?!" inis na sigaw ko sa kanya.
Nakayuko lang siya at hindi na sumagot pa.
Nakakainis!
Hindi lang kasi ako makapaniwala na iiwan niya ang dalawa sa ganitong sitwasyon!
Paano kung nakuha sila?!
Paano kung may mangyari sa kanila?!
Damn it!
"D-Dito k-ko sila iniwan" mahinang sambit niya at pumasok ako sa tinuro niyang pintuan, pero walang sheena at tina na bakas ang nandito lang mga damit lang nila ang nakita namin.
"S-Sorry, g-gusto ko lang naman na tumulong kayla kuya" nakayukong sambit niya sakin.
Napahagod naman ako sa buhok ko at irita akong humarap sa kanya.
"At sa ganitong sitwasyon?! Are you damn stupid?!" inis na tanong ko sa kanya.
Napapikit naman siya, at humarap sakin at laking gulat ko na umiiyak siya.
Akmang lalapitan ko na siya pero umatras siya.
"Oo na! Tanga nako! Tanga ako na iniwan ko sila, pero hindi ko sila iniwan para lang gawin ang gusto ko! Iniwan ko sila para libangin ang mga karlos, para hanapin ang traidor! Oo! Ang tanga tanga ko dahil hanggang ngayon mahal pa rin kita! I HATE YOU!" Umiiyak na sigaw niya sakin at tumakbo na siya palayo sakin.
Napaamang ang bibig ko sa sinabi niya at tinanaw ko na lang siya hanggang sa nawala na siya sa paningin ko.
Fvck!
Nasuntok ko na lang ang dingding sa inis!
What have you done imperial?!
Damn!
Napasabunot naman ako sa buhok ko at naglakad na lang pababa, dahil may dapat pa akong unahin.
Hindi ito ang tamang oras, kailangan ko munang unahin ang mission ko.
Pagkababa ko sa ground floor, nakarinig ako ng sigaw.
"Wag na kayong tumakbo! Dahil babarilin kayo nitong baril ko!"
Fvck! Sila sheena!
Nagmadali akong lumiko para marating ko ang fire exit, at nakita kong nakaluhod si sheena at parang nanigas lang si tina habang gulat na gulat kay sheena na umuubo ng dugo.
Fuck him!
Walang alinlangan kong binaril sa ulo yung lalaking tinutukan sila ng baril kaya umalingawngaw ang putok ng baril ko.
Agad naman akong lumapit kay tina na gulat na gulat na nakatingin sakin.
"Halika na! Marami ng tauhan ang mga karlos na naghihintay sainyo!" Sigaw ko kay tina na napabalikwas naman at tumango sakin.
Binuhat ko naman si sheena patungo sa sasakyan ni gaze na nakaabang na sa labas ng fire exit.
Agad kong hiniga sa back seat si sheen at sumunod naman si tina dito.
Napahinga naman ako ng malalim at naghanap ako ng first aid kit sa sasakyan ni gaze at mabuti na lang meron siyang dala.
Agad agad kong tinanggal ang balang tumama kay sheena, kahit nanginginig siya at pinagpapawisan ng todo.
"S-Sir, t-thank you" sambit ni tina kaya napalingon ako sa kanya at napansin kong nakatulog na siya sa pagod.
Napatingin ako kay sheena na unti unti ng nagiging maayos, hinawi ko ang buhok niya at napahaplos ako sa pisngi niya.
"Kung ikaw nga si eleanor, hindi ko na hahayaan na masaktan ka ulit nang kahit na sino man, poprotektahan kita sa abot nang makakaya ko.." bulong ko sa kanya at hinalikan ko siya sa noo.
Akmang isasara ko na ang pintuan bigla kong narinig na magsalita si sheena, ang nagpatibok lalo sa puso ko.
"k-kuya, n-natatakot a-ako.. H-Help m-me.. m-may m-monster.."
E-Eleanor..