Episode 7-Get little closer

1331 Words
"Bilisan mo na mag lakad baka iniintay na tayo nila Renz," "Ang sabi mo group study kaya ako sumama dito." ngumiti naman nag peace sign si Shellanie. "Hindi ka kasi sasama kapag sinabi kong double date." "Buti alam mo," irap ni Avery habang nag lalakad sila at pumasok na sila ng isang milktea shop. "Wag ka ng magalit alam mo naman na crush ko lang talaga si Renz kaso ikaw ang crush n'ya, sasama lang kasi siya kung kasama ka." napabuga naman ng hangin si Avery. "Bakit ba kasi nag ka crush ka Renz, ang kulit-kulit nun feeling pogi palagi." ani Avery na lumapit na sa counter saka tumingala para makapamili ng oorderin. "Watermelon milkshake na lang ako saka cheesecake." ani Shellanie. "Coco double na lang sa akin at glazenut doughnut. Akala ko ba nandito na sila Renz?" tanong pa ni Avery na napalingon sa paligid ng mapansin na iilan lang ang taong naroon. "Teka tatawagan ko sabi kasi niya, dito daw muna tayo magkita-kita tapos saka tayo mag a-arcade." ani Shellanie na tumalikod na muna sakto naman lingon niya sa counter nagulat siya ng makita si Ivan na naroon at naka ngiti may kausap itong isang staff ng shop. Mabilis naman siyang umiwas ng tingin rito, bakit naroon ito anong ginagawa nito sa shop na yun. Baka isumbong siya nito sa mga kuya niya lagot talaga siya pag nagkataon. Pasimple siyang muling tumingin rito, napaka guwapo talaga ni Ivan ang puti pa. Para sa kanya napaka perfect ng mukha nito ang lamlam ng almond eye nito. Bumagay sa matangos nitong pointed nose at mapupulang labi, bigla siyang muling umiwas ng tingin ng lumingon muli si Ivan. "What is your order ma'am?" tanong ng cashier, agad naman sinabi ni Avery ang order niya. Agad naman kumuha ng pang bayad si Avery sa wallet niya ng sabihin kung magkano. "Kulang yan bayad mo?" wika ni Ivan ng lumapit sa cashier na inakbayan ang cashier sabay ngiti. Salubong naman ang kilay ni Avery na napatingin sa perang hawak. "Hindi naman, may sukli pa nga ito e." ani Avery na inaabot ang bayad sa cashier. "I saw you kanina, you stole many glance at me. I can't let you do that for free." wika pa ni Ivan na malawak ang ngiti habang nakatitig sa dalaga na biglang namula ang pisngi na saglit na tumingin sa kanya na halatang-halata na guilty na tinitingnan nga siya nito kanina pa. "Itatangi mo ba? O kailangan pa natin tingnan sa CCTV." ininguso pa ni Ivan ang CCTV camera na tiningnan ni Avery. Na hindi na makatingin sa kanya kaya mas lalo siyang napangiti dahil pati ilong ni Avery na mumula na. "No wonder bakit wala kayong masyadong customer." bulong ni Avery. "May sinasabi ka Sadako." tanong pa ni Ivan na itinuon ang dalawang kamay sa counter at bahagyang yumuko para mapatapat sa mukha ni Avery na napatingin sa kanya ng deretso. "Sabi ko kung ganyan ka bilib sa sarili mo baka wala na kayong maging customer." natawa naman si Ivan. "Siningil lang kita ng extra charge parang isinusumpa mo ang shop ko." "I didn't steal a glance at you kasi bintangero ka." ani Avery na umiwas na ng tingin kay Ivan na hindi na mawala ang ngiti sa labi habang nakatitig sa magandang mukha ni Avery na parang naka lip gloss pa. "Okay para wala ng pagtatalo, ako na lang ang nag nanakaw ng tingin sa'yo. Ang ganda mo kasi ngayon Barbie," ngisi pa ni Ivan na nginusuan naman ni Avery. Kikiligin na sana siya kung 'di lang nito dinugtungan ng Barbie. "Kaya from now on kapag nahuli kita natingin sa akin sisingilin kita ng bayad para naman may pang libre ako sa'yo pag gusto mo ng ice creame pag naiyak ka." "Hindi na ako iyakin ngayon no!" "Edi flowers na lang bibilihin ko instead na ice cream since dalaga ka na nga pala." ngiti ni Ivan dahilan parang lumabas ang isang dimple nito sa kanan na pisngi. Pakiramdam ni Avery nag tatalon na sa kilig ang puso niya at mag kakahika siya kapag hindi pa siya tumalikod. "Charge mo na lang sa akin ang food nila." tapik ni Ivan sa cashier. "Ayoko may pang bayad ako." mabilis na iniumang naman ni Avery ang perang hawak. "it's my shop kaya libre na yan Sadako." "Ayoko nga business is business." ipinilit pa rin ni Avery ang pera sa cashier pero hinawakan ni Ivan ang kamay niya kaya naman napalunok na lang si Avery na lalong bumilis ang t***k ng puso niya ng hawak ni Ivan ang kamay niya para itulak ang pera pabalik sa kanya. "Ilalagay ko yan sa ampao pag ipinilit mo pa at gagawin kong papasko sa'yo." wika pa ni Ivan na kinindatan pa siya. "Pumunta ka na sa table mo, dadalhin ko na lang sa table n'yo ang order mo." ani Ivan sabay talikod, napilitan naman si Avery na tumalikod na lang nag hanap na ng table nila na sakto naman lumapit na si Shellanie. "Papunta na dito sila Renz may binili lang daw sila." wika ni Shellanie na naupo na sa harapan niya. Ilang minuto pa dumating na ang order nila at si Ivan nga ang may dala. "Hala! Diba ikaw po yung isang Kuya ni Avery na pumunta sa school dati." wika pa ni Shellanie na parang tuwang-tuwa pa ng makilala si Ivan. "Ang talas naman ng memory mo, Hi!" wika pa ni Ivan habang nilalapag ang order nila. Napakagat labi naman si Avery ng makita ang isang buld ng rose na nasa plato ng doughnut niya kaya napatingin siya kay Ivan na ngumiti lang. "Ang pogi-pogi mo naman po Kuya." "Talaga ba? Sabi ni Avery hindi daw e." wika pa ni Ivan na nakatuon pa ang dalawang kamay sa mesa nila habang palipat-lipat ng tingin sa kanilang magkaibigan. "Hindi po, sobrang guwapo n'yo po in fact magkamukha kaya kayo ni Avery." muntik ng mapasinghap naman si Avery ng biglang lumapit si Ivan sa likuran niya sabay idinikit ang pisngi sa pisngi niya. "Paki picturan nga kami ng kapatid ko, tingnan ko nga kung totoo ang sinasabi mo.' wika pa ni Ivan na inabot kay Shellanie ang cellphone nito na agad naman kinuha ng kaibigan na sinunod ang gusto. Pakiramdam ni Avery huminto naman ang ikot ng mundo niya sa pagkakadikit ng pisngi nila. "Avery mag smile ka naman dali." utos pa ng kaibigan kaya pilit naman na ngumiti si Avery. "Patingin." wika pa ni Ivan na akala ni Avery aalis na kaya lumingon na siya kaya kaso hindi pala ito lalayo kaya ang ending dumikit ang labi niya sa pisngi nito na ikinagulat niya pero si Ivan ngumiti lang na tumayo na ng maayos na tiningnan ang picture nila. "Pangit mo naman mag smile." wika pa ni Ivan na ipinakita sa kanya ang picture nila. "Burahin mo na lang kung pangit." reklamo naman ni Avery na sumimangot na ininom na ang drinks niya. Napangiti naman si Ivan na pinag masdan si Avery na para parin bata kaya na iinis. Napabaling naman ang tingin ni Ivan sa entrance ng pumasok ang dalawang lalaki na may dalang bouquet ng bulalak na lumapit sa table nila Avery at inabot kay Avery ang bulaklak na ayaw pang tanggapin ng dalaga na napatingin sa kanya. Sinamaan naman niya ito ng tingin habang naka pamulsa dahil mukhang may date si Avery at ipupusta niya hindi iyon alam ng mga kapatid nitong lalaki. "Hello po! Diba ikaw po ang Kuya ni Avery na pumunta sa school dati." wika pa ng binatilyong lalaki na may hawak na bulaklak na inaabot kay Avery. "Ako nga kuya ni Avery." "Hello po Kuya! Ako po si Lawrence Morales." hindi naman pinansin ni Ivan ang binatilyo na tiningnan si Avery. "Kainin mo na yan bago pa ako mainis." nakasimangot na utos ni Ivan sabay talikod na hindi na pinansin ang dalawang lalaking bagong dating napalabi naman napasunod ng tingin si Avery sa binata na halatang galit sana lang wag siyang isumbong sa nga kuya niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD