Something about 1% - SPG

Something about 1% - SPG

book_age18+
381
FOLLOW
6.6K
READ
second chance
badgirl
kickass heroine
powerful
mafia
doctor
gangster
bxg
kicking
musclebear
surrender
addiction
like
intro-logo
Blurb

🔞🔞🔞WARNING THIS NOVEL CONTENT A MATURED SCENE, ⚠️ READ ON YOUR OWN RISK 🫣DETAILED BEDSCENE 🔞🔞🔞 BAWAL SA BATA!!!

-

-

Avery thought Ivan was the love of her life na kapag pinakasalan niya ito, matutunan din siyang mahalin ni Ivan. Pero the more she held on to that dream, the more it broke her heart. Hanggang sa narealize niyang it's time to let go. She left… pero sa pag-alis niya, muntik na siyang mamatay. Someone wanted her dead, but a stranger saved her life na tulad din niya buntis din ng mga panahon na iyon. Bago ito nalagutan ng hininga, Avery made a promise, she will find and save the child na naiwan nito sa tinatakasan na asawa.

Pero sa kanyang paggising, she was no longer the same woman. Now, she’s an Elite Assassin a secret agent with no past, no family, and no right to love. Her first mission is to take the place of the woman who saved her, who happened to be a retired assassin. Who fell in love with the wrong man and also find out kung sino ang may gustong pumatay sa kanya.

Then fate plays its cruel game, she meets Ivan again when her sister-in-law Athena found her. But this time, Ivan is her next mission. Ivan is set to inherit the agency that she was trained to destroy. He represents the old system full of corruption, while she fights for a new world order one that truly upholds justice. Ivan might a good person and she know he is but you can't easily remove the stain, and even if you do, it will still leave a mark. If you cut it, it will never be the same as before. And her mission is to eliminate an old faction and replace it with the modern organization called Silver City.

Pero kaya ba niyang talikuran ang feelings niya for Ivan? What if she finds out na may kinalaman siya sa assassination attempt sa kanya? Will she let her heart decide or will she complete her mission, even if it means destroying the man she once loved?

ic_default
chap-preview
Free preview
Episode 1-Young Avery
“Ma, I’m home.” sigaw ni Avery pag pasok pa lang niya ng bahay nila sa sobrang laki ng bahay nila bihira na silang mag kikita kung hindi ka pa sisigaw o hahanapin ang miyembro ng pamilya. “Oh! Why are you so early?” tanong ng Lolo Dylan niya na lumabas mula sa office nito sa loob ng bahay nila kasunod ang Lola Dana niya na mabilis naman na nilapitan ni Avery at nag mano sabay yakap rito habang humalik sa pisngi ng lolo niya na pinahid naman nito. “Hala! Ang arte ni Lolo.” “Hahalik ka na lang kasi may laway pa, Lola mo lang ang puwedeng lumaway sa akin.” pabirong wika ni Dylan. “Lola, wag mo ng I-kikiss yan si Lolo. Mabaho naman yan,” awang naman ang bibig ni Dylan. “From now on hindi ko na dadagdagan ang allowance mo.” wika ni Dylan, “Ey naman! Ito si Lolo naman hindi na mabiro. Alam n’yo naman mas love ko kayo kesa kay Papa.” ngisi ni Avery na mabilis na lumipat ng yakap sa lolo niya na tinawanan naman ni Dana. Na pinagalitan pa ang asawa dahil sa mukha hinawakan ni Dylan ang apo para itulak ito palayo. “Uutoin mo pa ako, mabaho ako diba alis diyan.” “Joke lang yun, Love you lolo pogi.” “Tsk! Avery.” sigaw ni Aira ng makitang pinu-puwersa ng anak ang biyenan na payukuin habang nag kakandahaba ang nguso para mahalikan ang lolo nito. Mabilis naman lumayo si Avery sa lolo niya na natatawa naman na hinila siya pabalik at pinupog ng halik sa pisngi. “Nag-aasaran nanaman yan dalawa na yan? Asan si Alodia natutulog na ba?” tanong ni Dana sa manugang na may dala pang tray ng pagkain na halos ‘di nagalaw. “Hindi pa po ba okay si Ate Dia?” tanong ni Avery sa ina na malungkot na umiling. Kalalabas lang kasi ng kapatid niya sa hospital after nitong mawala nung last week sa amusement park at gabi na itong nakita sa horror booth. Kaya halos 1 week itong nasa hospital dahil pag gising nito hindi na ito nag sasalita at parang may naiba sa ate niya na hindi niya ma pin point kung ano. “Ayaw pa rin niyang kumain?” nag-aalalang tanong ni Dana. “Opo, ma! Pero kumain siya konti lang busog pa daw po siya.” “Gusto mo patingnan natin siya sa isang psychiatrist hija baka sobra ang takot at trauma niya sa horror booth na yun bakit kasi siya pumasok dun e saksakan naman siya ng duwag.” iling pa ni Dylan na napabuga ng hangin. “Sige po Dad, gagawin ko po yan pero sa ngayon ako na lang po muna bahala kay Alodia. At ikaw naman puntahan mo palagi ang ate mo at kausapin hindi sa mga kuya mo lang ikaw nakikipag laro ka babae mong tao.” sita naman ni Aira sa anak na bunso na saksakan ng tigas ng ulo. “E, mama ayaw naman sa akin ni Ate, ilang beses ko na siyang kinakausap pero tinitingnan lang niya ako tas hindi na iimik. Ang boring kaya nun,” wika pa ng 9 na taon na si Avery. “Avery Dione.” galit na saway ng lola Dana niya sa malakas na tinig. “May pinag dadaanan ang Ate mo, matuto kang makaramdam. Natatakot ang Ate mo kaya intindihin mo.” “Sorry po Lola, pero kasi parang hindi po siya si Ate.” nahihiyang sagot ni Avery, nagkatinginan naman ang tatlo. “Bakit mo naman nasabi na hindi siya ang Ate mo?” tanong ni Dylan. “Hindi po ganun tumingin sa akin si Ate Dia, basta po. Ang hirap e-explain pero parang ‘di po talaga siya si Ate.” nahihiya pang sagot ni Avery. “Sige na umakyat ka na sa taas mag bihis na nag padeliver ang mga kuya mo ng pizza nandun sila sa pool area.” utos ni Aira sa anak nag korteng puso naman bigla ang mga mata ni Avery ng marinig ang pizza na favorite niya. Kaya naman nag mamadali ng tumakbo si Avery paakyat para mag bihis para makakain ng pizza baka ubusan siya ng tatlo nilang kuya na akala mo mga kargador kung kumain. - - - - - Sisigaw na sana si Avery ng mapigil yun ng makita ang kaibigan ng kuya Dale niya na si Ivan, na kasama ng mga itong nag swi-swimming. Bigla parang nag kulay pink ang paningin ni Avery habang nakatingin kay Ivan na nakikipag tawanan sa mga kapatid niya habang nag kakarera ang mga ito sa swimming pool. “Bakit nandito ka? Ang aga mong umuwi, nag cutting class ka?” tanong ni Doel na nasa likuran niya. “Hindi ahhh!” mabilis niyang sagot ng mapalingon sa kanya ang tatlo na nasa pool. "Sadako." sigaw naman bati ni Ivan na tumaas pa ang kamay na kumaway sa kanya na ikinangiwi niya. "Ang ganda-ganda ng pangalan na binigay sa akin ni Mommy tapos tatawagin lang niya akong Sadako? Kainis." bulong ni Avery na pilit na ngumiti na kumaway sa 3. "Mas sinasabi ka?" tanong ng Kuya Doel niya na may bit-bit na dalawang malaking box ng pizza. "Wala sabi ko penge niyan, sabi ni mommy may merienda daw kayo kaya ako pinapunta dito." "Sus! Talaga ba, hindi ka ba nasilay lang kay Ivan?" biro nila Dale na hinampas naman ni Ivan ang bestfriend. "Araw-araw na siya dito Kuya, kailangan bang sumilay pa ako. E pag mumukha n'yong apat ang laging bumabalandra sa mata ko." sumpladang sagot ni Avery na na una pang nag bukas ng pizza. Pagka kuha ng isang slice na isusubo na sana ng agawin iyon ni Dale pero binabawi naman ni Ivan at ibinalik sa kanya. "Kaya nag kaka crush sa'yo ang kapatid ko masyado kang pa pogi e." ani Dale na kumuha na lang ng sariling slice ng pizza saka naupo sa isang lounge chair. "Hindi ako pa pogi, dahil sadyang pogi na ako diba Sadako." wika pa nito na mahina siyang pinalo sa braso. Soo pooogggiiii talaga... sagot naman ni Avery sa isip, sabay na tumango lang na alanganin na ngumiti. "2 lang puwede mong kainina ha! Hindi ka kasama sa bilang." wika pa ni Dean. "Ang laki n'yan Kuya, 3 gusto ko." simangot ni Avery. "Hindi puwede." sagot naman ng kuya Doel. "Ang dadamot n'yo, isusumbong ko kayo kay Mommy." "Ikaw na ang nakikikain, ikaw pa mag susumbong." sagot naman ni Dale. "Pinag tulungan n'yo naman si Sadako, di bale busog pa naman ako sa'yo na yung isang share ko." "Ay! Kilig nanaman yan to the bone." sundot pa ni Doel sa bewang ng kapatid na biglang bumitaw sa pizza na hawak. "Bakit ba lagi n'yo nalang akong inaasar. Ayoko na sa inyo, hindi ko na kayo mga kuya. At ikaw hindi ka guwapo mukha ka ng Ogre. Kainis!" maktol ni Avery sabay walk-out kanya-kanyang babye naman ang 4 na lalaki kaya naman tuluyan ng umiyak na tumatakbo si Avery. "Ano nanaman ginawa n'yo kay Avery." wika ni Dylan na pababa ng hagdan habang nakayakap si Avery sa bewang si Avery na umiiyak pa na sisigok-sigok pa na akala mo na api. "Wala lo, arte lang yan. Pinaniwalaan n'yo nanaman." wika ni Dean. "Akina yang isang box, nang hihingi lang ng tatlong pizza ang kapatid n'yong bunso ayaw n'yong bigyan." "Lo, takaw tingin lang naman yan. Tama na ang 2 diyan," wika ni Doel. "Gusto ko tatlo lolo," maktol pa ni Avery. "Akina yang 1 box." "Tatlo lang ang gusto lo, bakit isang box na agad Lolo." wika naman ni Dean. Nag labas naman ng wallet si Dylan at nag labas ng ilang lilibuhin. "Oh! Bumili kayo ng sampung box." "Ibigay n'yo na yang 2 box, hayaan n'yong magtae ang babaeng yan sumbungera." wika ni Dale na mabilis na kinuha ang lilibuhin na inaabot ni Dylan. "Akin na lang yun lolo, ako na lang bibili ng Pizza ko." ani Avery ng makita ang 10k na binigay ng Lolo niya sa Kuya Dale niya. "Akala ko ba pizza ang gusto mo." napalabi naman si Avery sabay tingin kay Ivan na nakatitig sa kanya. "Wag mong masyadong titigan, patay ka kay Lolo pag napansin ka." bulong naman ni Doel kay Ivan na umiwas na ng tingin. "Mag isip-isip ka Bro, baka masira ang buhay mo. Pipiliin mo ang titigan mo." wika naman ni Dale na tinapik sa balikat ang kaibigan. "Mga gago, kay Lolo ako nakatingin."natatawang wika ni Ivan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Mate and Brother's Betrayal

read
669.8K
bc

The Pack's Doctor

read
405.1K
bc

The Triplets' Fighter Luna

read
274.5K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
408.5K
bc

Her Triplet Alphas

read
7.0M
bc

La traición de mi compañero destinado y mi hermano

read
224.7K
bc

Ex-Fiancé's Regret Upon Discovering I'm a Billionaire

read
197.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook