DYING INSIDE TO HOLD YOU BOOK 2 CHAPTER ELEVEN

610 Words
DYING INSIDE TO HOLD YOU:BOOK2 MATTHEW & KIERSTENN 11 Masakit ang ulo ni Tenten kinaumagahan pinilit niyang bumangon. Napansin niyang iba na ang kanyang damit nakadamit siya ng mahabang t-shirt. Nang tumayo ay naramdaman niyang masakit ang kaselanan niya at napangiwi siya umupo siya ulit at nag-isip. Nang may kung anong biglang nagsink in sa kanyang isipan. Napangsinghap siya at lumaki ang kanyang mga mata. Natutop niya ang kanyang bibig at gulong gulo ang isipan. No...no..no...aniya sa kanyang isip. Nagawa ko yun? Ang baba ko namang uri ng babae? Hinaing niya. Lulugo lugo siyang naligo at pagkatapos ay nagpasya na siyang lalabas na. Ngunit bago siya lumabas sinilip niya muna ang buong paligid saka dahan dahang lumabas at naglakad pababa. Bago siya tuluyang bumaba at tinanaw niya muna sa baba kung may mga tao sa sala nakahinga siya ng maluwag para na siyang magnanakaw nito takot mahuli. Papunta na siya sa dirty kitchen ng marinig niyang nag-uusap sina Rayver at Matthew agad siyang nagtago sa likod ng pintuan. "Anong nangyari sa inyo kagabi bat kayo umuwi agad agad?" Narinig niyang tanong ni Rayver. Narinig niyang tumikhim si Matthew. "Ano bat dika makasagot diyan?" Tanong ulit ni Rayver. Nang biglang may humila ng pinto. "Ay kalabaw! " gulat na wika ni Rhoda dahil nagulat ito pagkakita sa kanya s likod ng pinto. Namula siya. "Anong ginagawa mo diyan Tenten nagulat naman ako sayo" turan nito napipilitan siyang ngumiti dito. "Anong ginagawa mo diyan?" Tanong ng isang seryosong tinig. Napapikit siya sa totoo lang nahihiya siya talaga parang di niya kayang harapin si Matthew ngayon. "Wala" maikli niyang sagot ngunit di siya tumitingin dito. Bigla siya nitong hinila hanggang dining room. Nakatingin lang sa kanila si Rayver na parang nagtatanong. "Sit" utos ng binata sa kanya. Tumalima siya at umupo. "Gusto mo ng kape?" Tanong sa kanya ng binata. Marahan siyang tumango. Tinimplahan siya ng binata atsaka binigay nito sa kanya. Marahan niyang iniangat iyun at humigop. Tinitigan siya ng binata ngunit hindi talaga siya tumitingin. Tumikhim si Rayver. "Parang quarrel birds kayo ah?" Nakangising tanong nito saka tiningnan si Matthew. Kapwa sila hindi umimik. "Hmmm...quarrel birds nga" nakangiti paring turan ni Rayver. "Bat di mo tanungin si Tenten kung anong ginawa niya kagabi" sagot ni Matthew ngunit sa kanya nakatingin. Namula ang dalaga. "Anong ginawa mo Ninenine?" Panunudyong tanong sa kanya ni Rayver. "Ha? wala ah...wala akong ginawa kagabi" natatarantang sagot ni Tenten kay Rayver. "Wala naman pala eh" ani nito saka binalingan si Matthew. Tinitigan siya uli ng binata ngunit di siya tumingin o kahit mag-angat ng ulo. "Okay i will make you remember mamaya" padiing tugon ng binata sa kanya. Nanginig siya at nagblush. At ng walang maisio na maisasagot ay dali dali siyang umalis sa dini ng room at lumabas ito. Humahangos siya na nakarating sa hardin dahil sa kaba at hiya. Paano niya kaya haharapin ang binata? Tanong niya sa sarili saka nahulog sa malalim na pag-iisip. Ano ang sasabihin niya kung sakaling magkaharap sila?...sasabihin niya ba kay Grace ang nangyari??? Mga katanungang gumugulo sa kanyang isipan. Napapikit siya ng mariin atsaka bumuntong hininga. Nakita ito ni Matthew at nilapitan siya. "Trying to forget everything or trying to escape me?" Untag sa kanya ng binata. Mabilis pa sa alas kwatrong nagmulat ng mata ang dalaga. Bigla siyang tumayo at nauntog sa baba ni Matthew. "Ouch!!" daing ng binata sabay sapo ang kanyang baba. "Sorry sorry diko sinasadya" natataranta niyang sagot at tumakbo palayo dito. Inis namang sinundan ni Matthew ng tingin si Tenten...makokorner din kita Tenten bulong niya sa sarili habang himas himas ang masakit niyang baba...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD