DYING INSIDE TO HOLD YOU:BOOK2
MATTHEW & KIERSTENN 12
Lumipas ang araw ni Tenten na para siyang laging sinisilihan sa puwet dahil sa hiya at pagkataranta niya sa tuwing naalala niya ang nangyari sa kanila ni Matthew...of all sa kotse pa nakakahiya ka Tenten bulong na naman niya sa kanyang sarili. "Hindi ka kaya matuluyang matopak niyan sa kabubulong mo sa iyong sarili?" untag ni Matthew isang araw na matiyempuhan siya sa kubo ng hardin. Napalundag siya sa gulat. Awtomatikong tiningnan niya ito ng nakakapatay. "Sana pag galit kang tumingin mamamatay kaagad" inis niyang turan sa binata. Tumawa si Matthew at tumabi ito sa kanya umusog naman siya. Tiningnan niya ito ng seryoso. "Ayaw mong pag-usapan natin ang nangyari sa atin nung isang gabi?" sabi ng binata. Namula si Tenten. "Anong nangyari? baka naman hindi ako ang kasama mo nung isang gabi?" nagmaang maangan nitong tanong. Kumunot noo si Matthew na nakatingin sa kanya. "Are you sure you didnt remember anything about it?" Paniniyak mg binata. Natigilan si Tenten. Biglang dumukwang si Matthew at iniharang nito ang niyang bisig sa magkabilaang gilid ni Tenten. "O gusto mong ipaalala ko?" anas ng binata sa kanya. Napapikit si Tenten dahil nalalanghap niya ang nakalalasing na amoy ng hininga ni Matthew. Tinitigan ni Matthew ang nakapikit na si Tenten. Bigla niya itong hinalikan at gulat na dumilat si Tenten. Lalayo sana siya ngunit idiniin ni Matthew ng isang kamay niya ang batok ng dalaga dahilan para mas lumapit siya dito. Kapwa sila hiningal ng matapos silang maghalikan. Pulang pula si Tenten pagkatapos. "Hindi mo parin ba naalala?" Bulong nito sa dalaga. "Hindi..ay oo ay hindi...ay ewannn..." natutuliro niyang sagot. Ngumisi ang binata. "Hindi kita pakakawalan hanggat hindi mo sinasabing naaalala mo ang ginawa natin nung isang gabi" seryosong wika ng binata. Hindi makasagot si Tenten nanatiling nakapikit. "One...two...three..." pagbibilang ni Matthew hudyat na hinihintay niyang magsalita ang dalaga. Mariing ipinikit ni Tenten ang kanyang mga mata. "Oo na naalala ko na ano? satisfied?" Mataray niyang pag-amin. Ngumiti si Matthew saka muling umupo sa harapan ni Tenten. "Alam mo ba kung gaano naging wild?" Tanong ulit ni Matthew. "Tama na! inamin ko na nga eh.." naiinis niyang tugon sa binata. "From now on...dont stay away from me...understood?" Wika ng binata sa kanya. Hindi siya umimik. "One...two..three-" hindi na pinatapos ni Tenten ang countdown ni Matthew. "Oo na!" Nakairap nitong turan saka humalukipkip. "Good girl" masayang sabi ni Matthew. Sumimangot na naman si Tenten. "Tinakot mo ako ano pa nga bang magagawa ko" nakanguso niyang sagot. Napatawa si Matthew saka tinitigan ang dalaga. "Ay Tenten i didnt know that you can make me easily turn on" pumapalatak na wika nito. Nandilat si Tenten. "Pervert ka talaga kahit kailan" busangot niyang sagot. Pinitik ni Matthew ang kanyang ilong. "Sama ka sa akin punta tayo ng rancho" maya mayay yaya nito sa dalaga. "Ayoko" matigas na sagot ni Tenten. "One...two..three-" "oo na" iritadang putol nito sa pagbibilang ni Matthew. Padabog dabog siyang sumama dito panay ang irap niya habang nasa daan sila. Nakarating sila sa rancho kahit papano naibsan ang kanyang inis dahil napakaganda ng rancho. Hangang hanga niya itong pinagmasdan ang buong paligid. "Stress free?" Untag sa kanya ng binata. Inis na nilingon niya ang binata. "Panira" bulong niya ngunit narinig ito ng binata. Dont worry iba ang sisirain ko mamaya" ani nito saka kumindat. Nagblush na naman ang dalaga at pinandilatan niya ito. Sabay silang pumasok at inilibot siya sa buong paligid. Gandang ganda talaga si Tenten sa nakita. Hanggang sa naounta sils sa cottage malapit sa falls. Malungkot na tumingin si Matthew sa cottage matagal saka kumurap kurap. Natigilan si Tenten at muli parang siya ang nasasaktan sa nakikitang kalungkutan sa mga mata ng binata. "Mahal mo ba siya?" Hindi nakatiis si Tenten na magtanong dito. Bumuntong hininga ang binata. "Its time for me to forget and move on" mahinang sagot ni Matthew para namang nabunutan ng tinik sa dibdib si Tenten. Niyaya siya nitong lumangoy sa tubig pero tumanggi siya. "Ikaw nalang malamig ang tubig eh" turan niya sa binata tumango ito at lumusong na. Masaya niya itong pinanonood na lumalangoy pabalik balik. Nang bigla itong sumisid ngunit dina lumitaw. "Matt?" Tawag niya dito wala paring lumitaw na Matt. Tinanaw niya ulit wala talaga. "Matt ayoko ng ganyang biro ah" nahihintakutan niyang sabi ngunit wala paring lumitaw na Matt. Sumikdo ang kanyanng dibdib at kinabahan. Walang anu ano'y nagdive siya a tubig saka sumisid. Lumangoy pa siya sa kabilang banda saka sumisid ulit. Nakita niya si Matthew sa ilalim ng tubig tila wala itong malay agad niya itong pinuntahan at inalalayang iniangat sa ibabaw. Malakas siyang huminga ng makalitaw na sila dahil sa lalim nun. Tiningnan niya ang binata wala itong kakilos kilos. "Matt" ani niya habang tinatapik ang pisngi ng binata. Muli niya itong tinapik talagang kabado na siya. Bumalong ang kanyang mga luha. "Matt? oh no Matt dont die please please dont die..." umiiyak niyang sabi sa walang malay na binata. "Dont die please...if you die mamamatay din ako" umiiyak parin niyang wika. Biglang nagmulat si Matthew at nabigla siya. "Hindi ka patay? O kaluluwa mo na yan?" Tanong niya dito saka tumigil sa pag-iyak. Tinitigan siya ng binata saka siniil ng halik ang dalaga hindi na nagpakipot pa si Tenten muli nilang nilasap ang tamis ng pagiging isa nila ng araw na iyun.