Episode 2

1412 Words
Chapter 2 3rd POV Malalim ang talukap ng kanyang mga mata habang nakatanaw sa malayo. Ang kanyang mahabang pilik mata namamasa dahil walang tigil ang pag-agos ng kanyang mga luha mula pa kahapin. Takot ang bumabalot sa kanyang buong pagkatao. Hindi takot para sa sarili kundi takot para sa kapatid niya at sa buhay ni Zeun. Pinapakita man ni Jennifer, sa kanyang kapatid na malakas siya subalit sa loob ng puso niya naroon ang pangamba. Nakasandal ang kapatid niyang si Katrina sa kaniyang dibdib habang nakaupo sila sa sa upuan ng tren habang siya ay nakatanaw sa mga nagagandahang view na dinadaanan nila. Nakatulog si Katrina, habang nakasandal sa dibdib niya. hindi pa rin mawalala sa isip ni Jennifer, ang kaganapang nangyari kahapon. Muntik ng magahasa ng Tito Ramon, niya silang magkapatid. Kung hindi lang dumating si Zeun, siguradong nagtagumpay ang Tito Ramon niya sa binabalak nito kanina. Subalit inihanda na ni Jennifer, ang kanyang sarili sa galit at hagupit ng kaniyang ama. Habang nasa byahe sila nakatulog din siya. "Ano ang dahilan bakit gusto mo akong hiwalayan? Jennifer, mahal kita. Huwag mo namang gawin ito sa akin," nagmamakaawa at nakikiusap ng binata sa kanya. "Ayaw ko na nga sa relasyon nating ito, William. Masyado pa tayong bata para sa mga ganitong bagay. Kailangan ko munang mag-concentrate sa pag-aaral ko. Marami ka pang makikitang magaganda na higit sa akin. Isa pa hindi na rin kita gusto." Pilit lang na pinapakalma ni Jennifer ang kaniyang boses. Subalit ang totoo nasasaktan din siya na makipaghiwalay sa binata at nasasaktan din siya sa mga binibitiwan niyang salita rito. Si William, ang una niyang nobyo at unang nagpakilig sa kanyang inosenteng puso. Kay William niya nararamdaman ang saya na hindi niya nararamdaman sa sarili niyang pamilya. "May iba ka na ba, kaya nakikipag-break ka sa akin? May nagawa ba akong mali sa'yo na hindi mo nagustuhan? Sabihin mo sa akin Jennifer, para mabago ko ang sarili ko. Mabago ko kung ano ang hindi mo gusto sa akin." Para tumigil na si William, at kahit labag man sa puso ni Jennifer ang sasabihin niya ngunit kailangan niyang gawin. "Marami akong hindi gusto sa'yo. Nawala na rin ang pagmamahal ko sa'yo. Una hindi ka nababagay sa akin. Pangalawa mahirap ka lang. Pangatlo maraming nagkakagusto sa iyong mga babae, iyan ang mga pangunahing dahilan kung bakit ayaw ko na sa'yo." Ayaw man ni Jennifer, na saktan ang damdamin ni William subalit kailangan niyang gawin iyon para sa kaligtasan nito. "Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi mo. Sinabi mo noon sa akin na kahit mahirap lang ako mamahalin mo pa rin ako dahil hindi naman iyon ang kailangan mo. Marami akong pera, Jennifer. Subalit kailangan ko munang makapagtapos ng pag-aaral ko bago ko makuha iyon," frustrated na sabi ng binata. Sa palagay ni Jennifer desperado si William na hindi masira ang relasyon nilang dalawa, kaya ito sinasabi ni William. Ang alam ni Jennifer, ang Lola ni William, ang nagpapaaral rito. Iyon naman kasi ang kwento sa kanya ni William. Ang totoo hindi pa nila lubos na kilala ang isa't isa kahit ilan taon na silanh magkasintahan. "Bahala ka kung maniwala ka man o hindi. At lalong ayaw ko sa lahat 'yong taong sinungaling. Alam ko na hindi ka mayaman, pero wala na akong pakialam dahil tapos na tayo. Ayaw ko na sa'yo!" Pigil ang paghinga ni Jennifer, habang sinasabi niya iyon kay William. Tinalikuran niya na ang binata at patakbo siya na lumayo rito. Nang malayong-malayo na siya kay William, sumandal siya sa isang puno sa park. Doon siya umiyak ng umiyak. Mahal niya si William dahil ito lang ang taong nagpaparamdam sa kanya na mahalaga siya. Hindi katulad sa bahay nila na lagi siyang itsapwera lalo na ng ama niya. Lahat ginagawa niya upang matuwa sa kanya ang ama, subalit halos lahat na lang yata ng ginagawa niya ay mali sa paningin ng ama niya. Nang malaman ng ama niya ang relasyon nito kay William ay binantaan siya nito na mismo sa harap niya puputulin ng ama niya ang ulo ng binata. Kaya kahit nabag man sa kanya na makipag-break sa boyfriend mas gugustuhin niya pang pareho silang masaktan kaysa mawala ito sa mundo. Mas gustuin niya pang kamuhian siya nito habang buhay ang mahalaga mabuhay lang ito. Nakita siya ni Zeun na umiiyak habang nakasandal sa malaking puno. Nilapitan siya nito. "Jennifer, anong ginagawa mo rito? Bakit ka umiiyak? May nangyari ba sa'yo?" Nag-aalala na tanong ni Zeun sa kanya. Si Zeun ay matalik na kaibigan ni William. Pinunasan ni Jennifer, ang kaniyang mga luha. "Break na kami ni William. Nakipag-break na ako sa kaniya. Ikaw na ang bahala sa kanya." Pagkasabi ni Jennifer ay mabilis na siyang humakbang at iniwanan niya si Zeun na nagtataka. Tatanungin pa sana siya ni Zeun kung ano ang dahilan subalit mabilis na itong nakaalis, kaya napapakamot na lamang si Zeun ng ulo nito habang tinitingnan siyang papalayo. --- Nagising si Jennifer, nang huminto ang tren na sinasakyan nila ni Katrina sa sunod na station. Sariwa pa rin sa mga alaala niya ang nakaraan nila ni William. Kahit kailanman ay hindi naalis sa isip niya ang paghihiwalay nilang iyon. Nagising na rin si Katrina. "Ate, malayo pa ba tayo?" Tumango-tango naman si Jennifer sa tanong na iyon ng kaniyang Kapatid. "Tingnan mo mamaya ang mga magagandang view na daanan natin para mawala ang takot mo," nakangiting sabi ni Jennifer, sa kapatid habang hinahaplos niya ang buhok nito. "Opo, Ate." Hinagkan ni Jennifer ang noo ni Katrina. Ramdam niya ang takot na bumabalot sa damdamin ni Katrina. Mahal na mahal ni Jennifer ang kapatid niya, kahit hindi man sila magkadugo. Alam niyang ampon lang siya ng mga kinikilala niyang mga magulang subalit ganoon pa man sabik pa rin siya ng pagmamahal ng isang ama na ang inakala niya kay Mario, niya iyon maramdaman dahil ito naman ang nagpalaki sa kanya. Lahat ng inuutos ni Mario, sa kanya sinusunod niya para lang matuwa ito sa kaniya. Kahit anong paghahagupit ng sinturon, latigo, ang ginagawa nito sa katawan niya manhid na siya. Ang gusto niya lang ay maramdaman ang pagmamahal ng isang ama. Ilang oras ang nakalipas nakarating sila ni Katrina sa Holand station. Agad silang bumaba at sumakay ng taxi. Nagpahatid sila sa tinitirhan nilang condo unit. "Katrina iligpit mo ang mga gamit mo. Bukas kukuhanan kita ng ticket. Doon ka muna sa San Fernando. Walang mananakit sa'yo roon," sabi ni Jennifer nanh makarating na sila sa condo unit nila. "Paano ka, Ate? Magpapaiwan ka rito?" malungkot na tanong ni Katrina sa kaniya. "Oo, mas lalong magagalit si Papa, kapag isa sa atin wala siyang makita. Lalo na patay na si Tito Ramon. Alam kong hindi siya maniniwala sa mga sasabihin natin sa kaniya. Ayaw kitang mapahamak kaya roon ka muna sa San Fernando." Hindi man gusto ni Jennifer mawalay sa kapatid niya, subalit baka saktan din ito ng kanyang ama katulad niya. "Ano kaya kong sumama na lang ako kay Lorenzo, Ate? Babalik na lang kaya ako sa America? Makipagbalikan na lang kaya ako sa kanya?" sabi pa ni Katrina sa kaniya. Si Lorenzo, ex-boyfriend ni Katrina. "At ano ang gusto mong mangyari mapahamak si Lorenzo? Kilala mo naman si Papa. Parang hayop 'yong mga pinapatay niya. Maigi na 'yong lumayo ka kay Lorenzo, kung gusto mo pa siyang mabuhay." Umiyak na lang si Katrina sa sinabi niyang iyon. Awang-awa si Jennifer, sa kapatid niya subalit ang magagawa na lang niya ay paalisin muna ito. Tawagan na lang niya ang kaibigan niya sa San Fernando, para pakiusapan niya ito na pansamantala ay doon muna si Katrina. Kinagabihan maagang nakatulog si Katrina, habang si Jennifer naman nakaupo sa sofa at tinitingnan ang calling card ni Zeun, na ibinigay sa kaniya. Natatakot siya para sa kaligtasan ni Zeun, kaya hindi na siya nagdalawang isip tinawagan niya ito. Maya-maya pa sinagot ni Zeun, ang tawag niya. "Hello, sino 'to?" Hindi naka-registered ang number niya sa cellphone ni Zeun, kaya nagtataka naman ang binata kung sino ang tumatawag sa kanya. "Zeun, si Jennifer ito. Gusto sana kita makausap. Nandito ako sa Holand," wika niya sa binata sa kabilang linya. "Sige, dito rin ako ngayon sa Holand. Saan tayo magkikita?" tanong ng binata sa kaniya. Sinabi niya sa binata kung saan sila magkikita. Kailangan niyang mapagsabihan si Zeun, tungkol sa binabalak ng ama niya rito. Kung bakit pa kasi naabutan ng ama niya na buhay pa ang Tito Ramon niya? Nakapagsumbong tuloy ito kung sino ang bumaril rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD