Episode 1
Chapter 1
Jennifer
Malakas ang ulan at matatalas ang mga damo na dinadaanan ko. Madulas pa ang daan habang mabilis akong tumatakbo. Naghalo na ang tubig ulan at ang aking mga luha sa aking mga mata. Hindi ko alam kung saan ako pupunta makalayo lang sa taong gustong magsamantala sa akin.
"Yo, hoo! Jennifer, takbo! Gusto mo talaga ako pahirapan?" sabay whistle pa nito.
Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa? Eh, kapatid naman siya ni Papa. Naabutan ko siya kanina na gusto niyang pansamantalahan ang kapatid kong si Katrina. Pinalo ko siya sa ulo subalit hindi ko siya napuruhan. Pinatakas ko ang kapatid ko, kaya ako naman ang nasundan nito.
Hingal na hingal na ako at gusto ko ng sumuko. Subalit ayaw ko na siya lang ang makinabang sa katawan ko.
"Bulaga!"
Napasigaw ako sa sobrang takot at sa pagkagulat ng bigla siyang humarang sa harapan ko. Malapit na sana ako sa highway, subalit humarang na siya sa harapan ko.
"Tito Ramon, kung ano man ang binabalak mo itigil mo na. Pamangkin mo ako," umiiyak kong pakiusap sa kaniya subalit para siyang demonyo na walang awa at walang kaluluwa.
Humalakhak pa siya sa sinabi ko. "Hindi kita pamangkin, iha. Hindi ka naman tunay na anak ni Kuya Mario. Kaya bago ka pakinabangan ng iba ako muna ang makinabang sa'yo." Ngumisi pa siya at hinawakan ako sa dalawa kong braso.
Akma niyang hahalikan ang aking leeg subalit nagpupumiglas ako. "Maawa ka sa akin, Tito Ramon. Huwag mo pong gawin ito sa akin. Tinuri namin kayo ni katrina na parang pangalawa naming ama. Tapos ito pa ang gagawin mo sa amin? Saan ba ang konsensya mo?" umiiyak kong tanong sa kaniya.
"Wala akong konsensya, iha. Hahahha..." Sabay tawa niya ng malakas. Malapit lang kami sa factory ni Papa na pagawaan ng mga lye na ginagawa o hinahalo sa mga sabon at sa anumang produkto. Iyon ang negosyo nilang magkakapatid dahil isang chemist si Papa.
Hinagkan pa ako ni Tito Ramon, sa aking leeg kaya sumigaw na ako ng saklolo. Diring-diri ako sa laway na dumidikit sa aking leeg mula sa kaniyang bibig.
"Saklolo, tulungan niyo ako!" Kahit alam ko na posibleng may makarinig sa sigaw ko subalit hindi ako nawawalan ng pag-asa. Baka sakaling may maligaw na mga tauhan mula sa factory at may makakita sa amin ni Tito Ramon dito sa may kagubatan. Medyo masukal din kasi ang kinaroroonan naming dalawa.
Mabuti na lang tumigil na ang malakas na ulan, subalit basang-basa kami ni Tito Ramon. Mas lalo pa siyang nagiging manyak nang humubog ang katawan ko sa basa kong damit na kulay puti, kaya kita ang itim kong bra.
"Tito Ramon, maawa po kayo!" umiiyak kong pakiusap sa kaniya.
Subalit para siyang bingi at hindi niya talaga tinigil ang ginagawa niya. Sinubukan niya pa akong ihiga sa damuhan kahit anong pagpupumiglas ko wala din naman akong magagawa dahil ang lakas niya. Isa lang ang gusto kong umangkin sa katawan ko walang iba kundi ang boyfriend ko noon. Umaasa pa rin ako na balang araw magkikita kami at magpapaliwanag ako sa kaniya kung bakit ko nagawang iwanan siya at hiwalayan. Ayaw ko mapahamak siya dahil lang sa akin.
"Hmmm... Ang bango-bango mo talaga, Jennifer. Kaya ako muna ang makauna sa katawan mo bago mo ito ibigay sa iba," sabi pa ng walang hiyang Ramon sa akin.
Wala talaga siyang awa, walang puso, at walang kaluluwa. Para siyang hayop. Galit na galit ako sa kaniya at gusto ko siyang patayin.
"Napakawalang hiya mo! Isinusumpa kita. Isusumbong kita kay Papa!" umiiyak na sabi ko sa kaniya.
"Sige, subukan mong magsumbong kay Kuya! Sa palagay mo kaya paniniwalaan ka ni Kuya Mario? Ako pa rin ang paniniwalaan niya at hindi ikaw," sabi niya pa sa akin at tumawa pa ng mala de monyo.
Mas gustuhin ko na lang mamatay kaysa angkinin ako ng hayop na ito.
"Papatayin kita! Pinapangako ko iyan sa'yo! Hindi man ngayon, pero papatayin kita!" Galit na galit kong sabi sa kaniya. Lalo lang siyang tumawa at hinawakan niya pa ako sa aking mga kamay at hinalikan ang aking labi.
Humagulgol na ako ng iyak at muling sumigaw. "Tulong, tulungan niyo ako maawa kayo!"
Lalo lang tumawa si Tito Ramon. "Kahit sumigaw ka wala pa ring makakarinig sa'yo rito dahil walang pumupunta sa lugar na ito!" Sabi niya pa sa akin. Isang malawak na lupain ang kinaroroonan namin na binebenta pa. Katabi lang ito ng pabrika ni Papa ng lye.
Hindi ko alam kung bakit ito nangyayari sa buhay ko? Hindi na nga ako mahal ni Papa, heto at gusto pa akong pansamantalahan ng kapatid niya. Kung buhay lang sana si Mama hindi siguro ito nangyari sa amin ni Katrina. Kahit malayo ang loob ni Mama sa akin noong nabubuhay, subalit batid ko na mahal niya ako.
Ilang sandali pa umalingawngaw ang tunog ng baril. Bigla na lang napasubsob si Tito Mario sa gilid ng aking leeg.
Itinulak ko siya at mabilis akong bumangon. Nakita kong duguan ang likod niya. Nakatingin ako sa isang lalaki na matangkad, matangos ang ilong, makapal ang kilay at mahaba ang mga pilik mata.
Gulat na gulat din siya na nakatingin sa katawan ni Tito Ramon, habang hawak niya ang kaniyang baril.
"Zeun?" bigkas ko sa pangalan niya.
Sa ilang taon kaming hindi nagkita alam ko na si Zeun, siya at hindi ang kambal niya. Alam ko naman na nasa ibang bansa ang kambal niya. Matalik siyang kaibigan ni William, ang dati kong kasintahan na iniwan ko dahil delikado ang buhay niya kapag hindi ko siya hiniwalayan.
"Napatay ko yata siya," sabi ni Zeun sa akin.
Ang tagal at ilang taon namin hindi nagkita simula noong naghiwalay kami ni William.
Bumaling siya sa akin. "Ayos ka lang ba? Hindi ka ba niya sinaktan?" nag-aalala niyang tanong sa akin.
Napahagulgol ako ng iyak at yumakap sa kaniya. "Salamat, kung hindi ka dumating baka natuloy niya ang binabalak niyang gawin sa akin?" takot na takot kung sabi kay Zeun.
Hinagod-sagon naman niya ang likuran ko.
"Tahan, na. Umalis na tayo rito," aya niya sa akin.
Ilang sandali pa natanaw ko na may humintong sasakyan sa highway at sasakyan iyon ni Papa. "Umalis ka na, Zeun. Hindi ka pwedeng maabutan rito ni Papa at ng mga tauhan niya dahil tiyak na papatayin ka nila," pagtataboy ko kay Zeun.
"Hali ka na! Sumama ka na sa akin!" sabi niya pa sa akin.
"Dito lang ako. Ako na ang bahalang magpaliwanag kay Papa. Sige na, umalis ka na habang hindi ka pa nila nakikita," pinagtutulakan ko na siya upang umalis siya.
"Pero paano ka? Baka saktan ka ng Papa mo?" nag-aalala niyang tanong sa akin.
"Sasaktan niya lang ako, pero hindi niya ako papatayin. Subality yak ako nakapag nalaman niya na ikaw ang bumaril kay tito ramon tiyak ako napapatayin ka niya. Umalis ka na sa Zeun. Ako na ang bahala sa sarili ko!" Pinagtutulakan ko na siya para umalis na siya.
"Ito ang number ko. Tawagan mo ako. Magkikita tayo. Mag-ingat ka!" sabi niya sa akin at tumakbo na siya sa kakahuyan.
Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya rito subalit nagpapasalamat ako dahil dumating siya at nailigtas niya ako sa masamang balak sa akin ni Tito Ramon.
Sobrang takot na takot ako, kaya napaupo na lang ako at napahalukipkip ng akin kamay sa aking dibdib. Bago ako naupo ay nilagay ko muna sa bulsa ko pang contact number ni Zeun, na binigay sa akin Nakalayo na siya bago pa dumating sina Papa at ang mga tauhan niya.
"Anong nangyari sa Tito Ramon mo? Sino ang may kagagawa nito?" agad na tanong sa akin ni Papa at pinatihaya niya si Tito Ramon.
Buhay pa pala ang hayop.
"Tol, anong nangyari sa'yo? Sino ang bumaril sa'yo?" tanong ni Papa, habang kalong-kalong niya si Tito Ramon.
"Raynier Harris!" Hirap na bigkas ni Tito Ramon kay Papa. Umawang ang labi ko at kinabahan ako nang banggitin niya ang pangalan ni Zeun.
Bakit hindi na lang kasi namatay kaagad ang hayop na ito? Sana sinigurado na lang ni Zeun, na pinatay si Tito Ramon para hindi na nabanggit ng demonyong ito ang pangalan niya.
Pagkisabi ni Tito Ramon kay Papa ng pangalan ni Raynier, nalagutan na ito ng hininga. Kumuyom ang kamao ni Papa at napasigaw ito sa sobrang galit at sumunod ay humagulgol dahil sa pagkamatay ng kaniyang kapatid.
"Ipaghihiganti kita, Tol. Huwag kang mag-alala. Isa sa mahal niya sa buhay ang papatayin ko kabayaran ng buhay mo o kung hindi kaya pati ang buhay niya rin ang kukunin ko. Isa lang ang kinuha niya pero dalawa ang singilin kong buhay!" sabi pa ni Papa kay Kuya Ramon. Hindi iyon pagbabanta at gagawin talaga iyon ni Papa.
"Papa, sinubukan niya akong gahasain. Hindi naman sinasadya ni Zeun, na mabaril siya. Ipinagtanggol lamang niya ako sa masamang balak ni Tito Ramon!" umiiyak kong paliwanag kay Papa.
Masakit ang mga mata nitong nakatingin sa akin. "Ingrata! Ang sabihin mo lumalandi ka sa Raynier, na iyon! At gusto mo pang ibintang sa Tito Ramon, mo ang ginagawa ninyong kahayupan ng lalaking iyon. Boyfriend mo ba ang lalaking iyon?"
Agad akong umiling-iling sa tanong na iyon ni Papa sa akin.
"Wala kaming relasyon Zeun, Pa. Ngayon lang kami nagkita. Si Katrina, siya ang magpapatunay sa ginagawa ni Tito Ramon dahil siya ang unang muntik ng gahasain ni Tito Ramon. Naabutan ko lang siya at pinalo sa ulo, kaya ako ang napagbalingan niya," paliwanag ko pa kay Papa.
"Kahit anong pang paliwanag mo Jennifer, pinatay pa rin ng Raynier na iyon ang Tito Ramon mo, kaya magbabayad siya!' mariin pang sabi sa akin ni Papa.
Nandito kami sa San Agustin, nagbakasyon lang kami rito dahil pinuntahan ni Papa ang branch niya ng paggawaan ng mga lye. Hindi naman namin akalain ni Katrina, na ganito ang mararanasan namin dito sa San Agustin. Kina Tito kami tumuloy. Hindi namin alam na may binabalak pala siyang masama sa amin ni Katrina.
Hindi pinansin ni Papa ang sinabi ko. Tinawag niya ang mga tauhan niya at pinabuhat si Tito Ramon at dinala ito sa highway.
Tawagan mo ang kapatid mo at bumalik na kayo sa Holland!" Utos pa sa akin ni Papa.
"Naiwan ko po sa bahay ni Tito Ramon, ang cellphone ko Pa," umiiyak ko pa rin na sabi kay Papa. Ibinigay niya sa akin ang cellphone niya.
"Tawagan mo ang kapatid mo!" Galit niyang utos sa akin.
Kinuha ko ang cellphone niya at tinawagan si Katrina. Ilang sandali pa ay sinagot niya na ang tawag ko. Sumunod naman si Papa sa mga tauhan niya habang buhat-buhat si Tito Ramon, kaya humakbang na rin ako at sumunod sa likuran niya.
"Hello, Pa?" Umiiyak na sagot ni Katrina sa cellphone niya.
"Ang Ate Jennifer, mo ito. Nasaan ka?" naluluha ko rin na tanong sa kaniya.
"Ate?" Humagulgol na ito sa kabilang linya, kaya hindi ito makapagsalita ng maayos.
"Ate, natatakot ako kay Tito Ramon. Saan siya anong ginawa niya sayo?" umiiyak nitong tanong sa akin.
"Huwag kang mag-alala. Nasaan ka ngayon?" tanong ko sa kaniya. Hindi ko sinagot ang tanong niya sa akin dahil alam kong nakikinig si Papa.
"Nandito po ako kina Tita Jucy. Wala po akong matatakbuhan rito kundi sila lang ni Danica," umiiyak nitong sabi sa akin.
"Sige, hintayin mo ako riyan. Dusunduin kita dahil uuwi na tayo sa Holand," sabi ko sa kaniya.
"Sige po, Ate. Hihintayin kita rito," wika niya sa akin.
Pinatay ko na ang cellphone at mabilis na akong humakbang patungo kay Papa.
"Pa, ito na po 'yong cellphone mo. Natawagan ko na po si Katrina. Susunduin ko lang po siya sa hotel na pinag-check in-an niya," pagsisinungaling ko kay Papa, sabay abot ko sa kaniya ng kaniyang cellphone.
Kinuha naman niya ito sa kamay ko na walang imik.
Nagpatuloy kami sa paglakad hanggang nakarating kami sa highway. Agad naman na may dumaan na taxi, kaya pinara ko iyon. Ayaw kong sumabay sa mga tauhan ni Papa.
"Mag-taxi na lang po ako, Pa," sabi ko sa kaniya.
"Sige, magbyahe na lang kayo. Sumakay na lang kayo sa bus o sa tren," sabi niya sa akin at kumuha siya ng pera sa pitaka niya at iniabot ito sa akin.
"Ito ang pamasahe niyo. Pagkatapos ng libing ng Tito mo mag-uusap tayo," sabi pa ni Papa sa akin.
Tumango-tango lang ako sa kaniya. Alam ko na mahagupit na naman niya ako ng sunturon o hindi kaya ng latigo niya. Subalit manhid na ang katawan ko sa kapapalo niya.
Kinuha ko ang pera na inabot niya at sumakay na ako sa taxi.
Nagpahatid ako sa taxi sa bahay nila Tita Jucy, kung saan naghihintay sa akin si Katrina. Malapit lang sila sa Ynares farm.
Tulala ako habang nasa byahe. Sa isang iglap lang natapos ang buhay ni Tito Ramon, subalit kahit sang katiting na awa dahil namatay siya ay wala akong nararamdaman. Bagkos ay galit ang nasa puso ko para sa kaniya. Buti na nga iyon na mawala siya para wala na kaming kakatakutan ni Katrina.
Ilang sandali ang lumipas nakarating ako sa kinaroroonan ng bahay nila Tita Jucy.
Nang malapit na ako sa bahay nila ay nakasalubong ko naman si Danica.
"Ate Jen, nasa bahay si Katrina. Nanginginig siya sa takot kanina ng dumating siya sa bahay," sabi sa akin ni Danica.
"Salamat saan ka pupunta?" tanong ko sa kaniya. Pupunta ako sa bayan dahil may pasok na ako bukas. Naroon si Mama sa bahay tumuloy lang kayo," sabi pa sa akin ni Danica. Tumango-tango lang ako sa kaniya.
"Sige mag-ingat ka," tipid kong ngiti sa kaniya at nagpatuloy na ako sa paglakad patungo sa bahay nila. Nag-iisang anak lang ni Tita Jucy si Danica.
Pagdating ko sa bahay nila Tita Jucy, sa pintuan pa lang ako ay sinalubong na ako ni Katrina ng mahigpit na yakap at humagulgol na ito sa balikat ko.
"Ate, natatakot ako? Ayaw ko nang bumalik sa bahay ni Tito Ramon."
Hinimas-himas ko ang likod niya. Hindi na tayo babalik roon. At wala ka ng dapat katakutan dahil patay na siya," umiiyak ko rin na sabi sa kapatid ko dahil awang-awa ako sa kaniya. Nanginginig siya sa takot at trauma dahil sa muntik ng pagkagahasa sa kaniya ni Tito Ramon. Mabuti na lang nakabalik ako kaagad.
"Ano ba ang nangyari sa inyo? Sinabi mo ba sa Papa mo na nandito kayo?" tanong ni Tita Jucy sa akin.
"Umiling-iling ako sa kaniya. Hindi po alam ni Papa na dito pumunta si Katrina. Sinabi kong nag-check in lang si Katrina sa hotel. At hindi niya pwedeng malaman na may ugnayan kami sa inyo," sabi ko kay Tita Jucy.
Sa tuwing napapagalitan ako noon ni Papa dito lang ako tumatakbo kay Tita Jucy. Umiiwas din kasi si Tita kay Papa dahil sa mga illegal nitong gawain.
Malayong kamag-anak ni Papa si Tita Jucy. Walang nakakaalam na pumupunta ako rito dahil parang ito lang ang safe na lugar na pwede kong puntahan. Si Mama, ang nagdala dati rito sa amin ni Katrina. Mahigpit niyang ibinilin sa amin na huwag namin sasabihin kay Papa, ang lugar na ito at tungkol kay Tita Jucy.