Chapter 3: Kakampi o Kaaway

1736 Words
Halos hindi kumurap si Perry nang makita ang mala-anghel na mukha ng babae sa kanyang bisig. Batid na isa ito sa kasambahay nila base sa suot nitong uniporme pero bakit ngayon niya lang ito nakilala. "Naku, sir, pasensiya na at salamat na rin sa pagsalo," mabilis na bawi ni Tyreen. Batid niyang ito na si Francis Perry Caballero, ang nag-iisang anak ng mga Caballero. "No, it's okay, wow! You look beautiful, I. . . I mean hindi ko alam na may kasambahay kaming maganda," palatak ng lalaki. Napangisi na lamang si Tyreen nang marinig ang sinabi ng lalaki. "Senyorito, nandito ka pala?" pukaw ng tinig mula sa kung saan. "Manang Ingga, sabihin niyo nga, kasambahay ba natin siya?" untag ni Perry sa mayordoma. Natawa naman ang matanda. "Oo, senyorito, siya ang kasambahay na pinadala ng papa mo rito," saad nito. "Mukhang hindi siya sanay sa hirap, no? Pero masarap 'yan magluto ay siya ang nagluto ng hapunan natin," masiglang wika ng matanda. "Wow!" bulalas na lamang ni Perry saka binalingan ang babaeng noon ay iwas naman nang iwas ng tingin sa kanya. "O, siya, halika na Marga at ihahanda na natin ang mesa dahil nariyan na si Senyor Patricio," anang ni Manang Ingga. May kasama naman sila sa bahay si Gina pero may sakit ito at hindi nalabas ng kanilang silid. Ang isa namang si Belinda ay umuwi sa kanila dahil manganganak ang anak nito lalo na at seventeen lang daw ang anak nito Mukhang umayon ang lahat para kay Tyreen upang mapasok ang mundo ng mga Caballero. Hindi naman maiwasang sundan ni Perry ang tingin ng bagong kasambahay. Habang nakatalikod ito ay hindi maiwasang mapatingin sa puwetan nito. Hindi tuloy niya mapigilang mapangiti nang makita ang bilugan nitong puwet. 'Sarap ka-s*x,' hiyaw ng isipan. "What is that smirk in your face at saan ka na naman galing?" sita ng ina sa kanya. "Galing ako sa bukid, mama, mukhang paspasan ang pag-aani nila ng palay," komento sa ina. "Mabuti naman at napapamahal ka na sa hacienda. Sa susunod na buwan ay sisimulan na ring anihin ang mga tubo," saad pa ng ina. "Dapat ay matuto ka na ring pamahalaan ang negosyo natin lalo na at hindi na kami tumatanda ng papa mo. Sa susunod na eleksyon ay balak ng papa mo na tumakbo sa mas mataas na posisyon," dagdag pa ng ina. "Good for him," aniya. "Ikaw ang gusto niyang pumalit bilang ama ng bayang ito," anang ng ina dahilan upang matigilan si Perry. "Ako?!" palatak niya sa gulat. "Oo, sino pa ba ang magmamana ng lahat ng ito kundi ikaw. My God, Perry, twenty-nine ka na pero wala ka pa ring alam kundi makipagharutan sa iba't ibang babae diyan," bulalas ng ina. "Mama, hindi ako nakikipagharutan lang," aniya sa ina dahilan upang mapailing ito. "O, siya, magbihis ka muna at amoy pawis ka na, bumaba ka rin agad dahil kakain na tayo," bilin pa ng ina. Habang naliligo tuloy ay hindi maiwasang maalala ni Perry ang bago nilang kasambahay. Napakaganda kasi nito at inosente tingnan, hindi tuloy maiwasang mapangiti habang nilalaro sa isipan kung papaano kakarinyuhin ang babae upang maangkin ito. *** Sa hapag-kainan ay tahimik ang lahat. "Nalaman kong dumating na ang bunsong anak ng mga Escodero," bukas ni Franceska sa usapan. Natigilan si Patricio habang si Perry ay tila walang pakialam. "Matagal ring nawala sa bayang ito ang batang 'yon," anang pa ni Franceska. "Mula nang magpakamatay si Elena," anito sabay banggit sa pangalan ng unang babaeng minahal ng asawang si Patricio. "Nananahimik na sila, Franceska," giit ni Patricio sa asawa. Napangiti ito. "Nananahimik? Balak ngang lumabang alkalde ang panganay na anak ni Mauricio," giit ng ina. "Hayaan na natin sila tutal tapos na ang termino ko at susubukan kong lumaban bilang bokal ng ating lalawigan," anang ni Patricio. "Hindi maaaring mawala tayo ng koneksyon sa bayang ito kaya naisip kong si Francis ang hahalili sa 'yo sa pagiging ama ng bayang ito," giit ni Franceska. Natahimik na lamang si Patricio dahil hindi naman niya matatalo ang asawa pagdating sa ganoong bagay. "So, dumating na pala ang prinsesa ng mga Escodero," sabat ni Perry upang mawala sa kanya ang focus ng usapan. Hawak ang malaking bowl ng beef afridata na niluto niya para sa pamilya Caballero papasok na sana si Tyreen sa dining room nang maulinigan ang usapan ng pamilya. “Dumating na pala ang prinsesa ng mga Escodero?” dinig na tinig ng lalaki. Bumuhos ang kaba sa dibdib lalo na at siya ang topic sa usapan ng mga ito. “O bakit nakatayo ka pa riyan?” usisa si Manang Ingga nang mapansing hindi pa rin siya napasok sa connecting door patungo sa dining area. “A, uhmmm, kinakabahan lang ako baka hindi nila magustuhan itong niluto ko,” kunwari ay tugon sa matanda. “Naku, natitiyak kong magugustuhan nila dahil hindi naman sila maselan sa pagkain,” saad ng matanda. “Mas masarap nga ‘yan kaysa sa luto ni Leticia,” tuloy sa matandang kusinera ng mga Caballero. Nag-day off kasi ito at bukas pa ng umaga ang dating. Napasinghap na lamang ng malalim si Tyreen at hinigpitan ang pagkakahak sa malaking mangkok na dala saka lakas-loob na pumasok na sa loob ng dining room. Agad na natuon ang lahat ng mga mata ng buong mag-anak. Walang nais magsalita kaya lalong kinabahan siya. Mabuti na lamang at hindi nagtagal ay narinig ang tinig ng senyora. “Siya si Marga, bagong kasambahay rito. All around siya at ayaw kong pati ikaw ay trabahuin niya,” bulalas nito. Agad na nagyuko si Marga sa sinabing ‘yon ng senyora. Mukhang hindi lang ito mapangmata, atribida rin. “Franceska, watch your mouth!” bara ni Patricio sa asawa. “I’m sorry, Marga, nagiging prangka lang ako dahil maraming namasukan sa amin ang gustong siluhin ang anak naming si Francis, sa tingin ba nila ay papayag kami na sa—“ putol na wika ni Franceska nang mapatayo ang kanyang asawa. “Pwede ba, Franceska, tama na ‘yan, nakakahiya kay Marga. Kabago-bago pa lang niya rito,” giit ni Ginoong Patricio. “Wala naman sigurong kasama roon, hindi ba, Marga, mabuti nga at sinasabihan na kita para hindi ka mahulog sa karisma nitong anak ko baka matulad ka sa ibang babae na umuwing luhaan,” babala pa ng senyora. “Mama, sobra ka naman sa ‘kin, ganoon na ba ako kasama?” anang ni Perry sa ina. Kita niya ang gulat sa mukha ng bagong kasambahay, baka maniwala ito sa sinasabi ng kanyang ina. “Huwag po kayong mag-alala senyora, trabaho po ang ipinunta ko rito. Besides my kasintahan po akong naghihintay sa ‘kin,” tugon naman ni Marga. Nang balingan niya ang anak ng mga Caballero ay nakitang matiim ring nakatingin sa kanya kaya agad siyang nag-iwas ng tingin saka nagpaalam na babalik sa kusina. Hindi pa man siya lubusang nakakaalis ay narinig niyang nagbukas muli ang senyora ng usapan. “Maiba ako, Perry, nakita mo na ba ang kababata mong si Chantalle?” usisa nito sa anak. “Yes, iyong anak ng amiga mong si Tita Carlota?” tugon ni Perry. “Exactly, naaalala mo pa pala. Dumating na siya mula London, you must see her baka magustuhan mo siya. Mas mainam na sa ganoong uri ng babae mo ibaling ang atensyon mo kaysa sa tulad ng mga muchacha diyan,” anito. Halos mapatirik ang mga mata ni Marga sa naulinigang sinabi ng senyora. Sayang nga lang at hindi nila natuloy pag-usapan ang hinggil sa kanilang pamilya, marami sana siyang malalaman kapag nagkataon. Pagdating sa kusina ay wala roon si Manang Ingga, marahil ay dinalhan niya ng pagkain ang kasama nilang may sakit sa kuwarto. Hindi siya nagkamali ng hinala dahil hindi nagtagal ay dumating ito na may dalang tray. “Kumusta? Anong sabi nila sa luto mo?” agad na usisa nito na mukhang excited. “Hindi pa nila tinitikman, may pinag-uusapan kasi sila,” aniya rito. “Ganoon ba? Ano naman ang pinag-uusapan nila?” usisa pa nito. Naisip tuloy ni Tyreen na baka pagkakataon niya ‘yon upang makakuha ng ilang impormasyon sa kasambahay ng mga ito. Mukha namang matagal na ito roon dahil sa naging mayordoma na ito, ibig sabihin na pinagkakatiwalaan ito ng mga Caballero. “Narinig kong dumating na raw ang bunso ng mga Escodero,” aniya sa matanda at nakitang natigilan ito. “Bakit Manang Ingga, anong meron sa mga Escodero?” kunwari ay usisa sa matanda pero mukhang nag-iiwas ito. “Naku, huwag mo nang alamin, hija, matagal na kasing kay alitan ang mga Caballero at Escodero dito sa bayan ng Caridad, mula sa lupain, negosyo at sa pulitika,” palatak nito. “Ganoon po ba?” kunwari ay turan. Very basic ang impormasyong sinabi nito at gusto sana niya na may malaman pa. “Oo, mahirap kasi magkuwento pero narinig ko lang noon na kasintahan pala ni Senyor Patricio si Ma’am Elena bago sila nagpakasal ni Senyora Franceska,” bulalas nito. Halos mapkunot ang noo ni Tyreen sa narinig na sinabi ng matanda. “Ewan ko kung totoo pero narinig ko lang noong mamatay si Elena. Paano ko ba makalalikutan ‘yon, halos araw-araw ay may mga mamahayag na nagpupunta rito upang mag-interview hinggil sa pagkamatay ang isa sa kaaway o katunggali nila,” wika ng matanda. Iyon naman ang gusto ni Tyreen ang makakalap ng impormasyon pero bakit mukhang nagsisi siya na nag-usisa rito. “Ayos ka lang ba, ineng? May nasabi ba akong hindi maganda?” untag nito nang mapansing hindi siya mapakali sa nalaman. Hindi niya lubos-akalain na may ganoong kuwento pala. At ano naman ang rason kung bakit nagpakamatay ang kanyang ina. Gustong-gusto niyang itanong sa matanda pero baka maghinala ito kung bakit masyado siyang curious hinggil sa mga Caballero. Masyado pang maaga upang malaman nila kung sino talaga siya. “O, siya kumain na tayo bago pa sila matapos dahil magliligpit pa tayo bago tayo magpahinga,” pukaw ni Manang Ingga saka ito umupo. Walang nagawa si Tyreen kundi umupo na rin upang makakain dahil hindi biro ang pinasok niyang trabaho sa bahay ng mortal na kaaway ng kanilang pamilya. Hindi tuloy maiwasang maalala ni Tyreen kung paano siya tingnan ng anak ng mga Caballero. 'Tumigil ka, Tyreen, hindi siya nararapat na mahalin dahil sila ang dahilan kung bakit nawala ang mama mo!' isiniksik sa isipan sa isiping nahanga siya sa kaguwapuhan ng lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD