Chapter 1: Mapaglarong Haciendero
Malakas ang ungol na kumakawala sa kural ng mga kabayo, hindi huni o gawa ng kabayo kundi ungol mula sa nasasarapang babae.
"Oh, sh*t, Sir Perry, ang sarap mo talagang kumant*t," bulalas ni Diana, ang apo ng kusinera ng mga Caballero.
Napangisi si Perry sa narinig na sinabi ng babae. Lalong pinagbuti ang pagkayod buhat sa likod nito at paulit-ulit na inangkin.
"Ohhh! Ahhh! Uhmmm! Sige pa, sagad mo pa sir," nahuhumaling na halinghing ni Diana.
Lalong binilisan ni Perry ang pag-angkin sa babae, halos lumagapak ang bawat kayod rito.
Hindi na birhen si Diana nang unang makuha, ito ang unang nagpakita sa kanya ng motibo. Alam naman niyang gusto siya nitong makuha dahil sa estado niya sa buhay. Kilalang-kilala na niya ang kalibre ni Diana, isa itong gold digger pero hindi naman siya papasilo sa gusto nito. All what he wants from her is s*x, nothing more, nothing less.
Lalong mapanghalina ang kumakawalang halinghing buhat sa labi ni Diana kaya hindi na rin napigilan ni Perry na mapaungol sa sarap na hatid nang paulit-ulit na pag-angkin sa babae.
Ang gusto niya sa babae ay game na game ito sa lahat ng gusto niyang gawin. Naisip niyang sa kural ng mga kabayo nila mag-s*x at heto nga at hindi man lang ito nag-atubili na baka may makakita sa kanila.
"Ang sarap mo talaga sir," ngiting saad nito matapos nilang mag-s*x.
"Ikaw rin naman, palaging game sa lahat ng gusto ko," tugon naman ni Perry.
"Basta mapaligaya kita ay ayos lang sa 'kin, ikaw kung gusto mong palagi akong kasama para laging may bakbakan," malanding saad ni Diana sa kanya.
Napailing si Perry sa parinig ng babae. Para kasi itong nagpaparinig na gawin na niya itong kasintahan upang palagi silang magkasama.
Natitiyak na niyang hindi papayag ang kanyang mama na ito ang kanyang maging kasintahan dahil isa itong mababang uri ng tao.
"Sorry, Diana pero malinaw naman siguro sa 'yo na hindi lalagpas sa anuman ang relasyong meron tayo. Just s*x at wala nang iba pa," matigas na saad ni Perry na hindi na umasa pa ang babae.
Napansin niyang bahagya itong natigilan sa kanyang sinabi.
Hindi sa pangmamata sa ina pero alam na niya ang kalibre nito kaya batid na kapag nalamang nakikipagmabutihan siya sa apo ng kanilang kusinera ay baka mawalan pa ng trabaho si Manang Leticia.
“Pasensiya ka na Diana pero prangka lang akong tao at ayaw ko ng kumplikasyon,” dagdag pang turan kay Diana at nakita ang panlulumo sa mga mata nito.
Nang matagal na hindi ito umimik ang babae ay iniwan na ito. Hindi na rin ito humabol pa sa kanya, kung ayaw naman na nitong kalaro sa s*x ay may nakalinya pa naman. Naririyan si Sabel ay Isadora, kapwa anak ng tranahador nila na umaasa ring magiging Cinderella ang buhay kapag siya ang napangasawa ng mga ito.
Pagkalabas sa kuwadra ay nakasalubong si Mang Danilo, ang matandang tagapag-alaga ng kanilang mga kabayo.
“O, senyorito nadiyan pala kayo, nilabas ko kanina ang kabayo ninyo,” agad nitong saad sa pag-aakalang hinahanap niya ang kanyang kabayo.
“Ayos lang, Mang Danilo, naisip huwag na munang tumuloy sa kakahuyan,” tugon sa lalaki saka umalis na.
Hindi pa man nakakalayo ay narinig niyang may kausap si Mang Danilo at natitiyak niyang si Diana ‘yon.
Hindi na siya lumingon pa at hinayaan si Mang Danilo kung ano ang iisipin nitong galing rin si Diana sa kural ng mga kabayo.
Pagpasok sa kanilang mansyon ay agad na bumungad sa kanyang mama na mukhang galit na galit.
“Saan ka na naman galing na bata ka!” pasitang palatak nito.
“Tiningnan ko lang ang mga kabayo? Bakit mukhang high blood ka na naman, mama?” gagad namang tugon sa ina.
“Paano ay narinig ko sa mga tauhan natin na may kinakatagpo raw na babae sa kagubatan at anak pa talaga ng trabahador natin!” galit na galit na wika ng ina.
“Saan niyo naman nakuha ang tsismis na ‘yan, mama? Bakit naman ako magkakagusto sa tulad nila?” tanggi agad ni Perry sa ina.
“Dapat lang Francis Perry, nag-iisa ka naming anak at ayaw naming mapunta ka lang sa isang hampas-lupa!” matigas na saad ng ina.
Napapailing na lamang si Perry sa narinig buhat sa bibig ng kanyang ina.
“Si papa, mama?” tanong niya sa ina upang ilihis ang usapan nila.
“Isa pa itong papa mo!” galit na namang wika nito.
“Pati ba naman si papa ay pinag-iinitan niyo ng ulo. Huwag mong sabihin may nasagap ka ring tsismis tungkol sa kanya?” maang sa ina.
“Talaga!” gilalas nito na tila susugod sa giyera.
“Mama, kaya kayo inaaway ni papa dahil sa hinala mong walang basehan!” anang ni Perry sa ina.
“Minsan na siyang nagloko at tama ako roon kaya maaaring tama ulit ako ngayon!” gigil na litanya ng ina.
“Kumalma ka lang mama, kahit naman mambabae si papa at ikaw pa rin ang uuwian niya,” giit ni Perry sa ina dahilan upang nanlilisik ang mga mata nitong binalingan siya.
“Ganyan ka magsalita kasi pareho kayo! Akala ko ba ay hindi ko alam na may nangyayari sa inyo ni Diana, ang apo ni Manang Leticia? Hindi ako tanga anak, rendahan mo lang ang t*mod mo upang hindi mo siya mabuntis dahil mahirap magkaroon ng responsibilidad sa isang tao lalo na kung ayaw mo naman talaga sa kanya!” bulalas ng ina dahilan upang hindi na nakawala pa si Perry.
Alam na pala ng ina ang hinggil sa kanila ni Diana, kaya pala ganoon na lamang ito tingnan noong nakita noong isang araw.
Hindi nagtagal ay narinig na nila ang tunog ng sasakyan ng ama na papasok sa kanilang garahe.
“Nandiyan na ang magaling mong ama!” usal ng ina.
“Kumalma ka lang mama,” paalala sa ina.
Pagbukas ng malaking tarangkahan ng kanilang bahay ay bumungad ang ama.
Agad itong ngumiti pero napansin naman nito agad ang nakabusangot na ina.
“Anong meron?” usisa ng ama nang maya-maya ay isang nakakatulig na sampal ang binigay ng ina rito.
“Franceska?!” bulalas ng ama sa gulat sa ginawa ng ina sa kanya.
Napapailing na lamang si Perry.
“Ikaw Patricio, huwag na huwag na huwag mo akong lolokohin. Ginawa mo na ito dati at sana ay huwag mong hintaying maulit ‘yon!” galit na duro ng ina sa ama.
“Ano bang pinagsasabi mo?” maang na usisa ni Patricio sa asawa.
“Nagkamaang-maangan ka pa sino ang babaeng palaging napunta sa opisina mo. Talagang mas bata pa sa anak natin ang gusto mong maging kabit!” palatak ni Franceska sa asawa.
Napatampal na lamang si Patricio sa ulo sa akusa ng asawa sa kanya.
“Ano ka ba, Franceska, wala ka pa rin bang tiwala sa ‘kin?” puno ng hinanakit ang tinig ni Patricio. “Ang babaeng palaging nagpupunta sa opisina ko ay anak ng kumpare ni Mr. Quinto, nakikiusap na ipasok ko raw ng trabaho,” wika ni Patricio sa asawa.
Napataas lang ng kilay si Franceska sa sinabi ng asawa nang muli itong nagsalita.
“Pabalik-balik lang siya dahil ayaw niya ng trabaho sa opisina kundi dito raw siya sa bahay gustong magtrabaho,” giit ni Patricio.
“Gusto niya dito sa bahay magtrabaho? Sabi ni Laura, maganda at mukhang sosyal?” bulalas ni Franceska at doon ay nalaman ni Patricio na sa kanyang sekretarya nalaman nito ang hinggil kay Marga.
***
Samantala sa bahay ng mga Escodero ay nagkakaroon ng piging sa pagdating ng bunso at prinsesa ng pamilya.
Tatlong lalaki ang kasama ni Tyreen Margarrette, ang amang si Mauricio, dalawang nakakatandang lalaki na sina Tyrone Margel at Tyrese Marion.
“Maligayang pagbabalik, hija, matagal ka ring nawala sa dito sa Santa Caridad,” bati ng kanyang Ninong Guilliermo.
“Salamat, ninong, tinapos ko lang naman ang aking pag-aaral doon,” anang ni Tyreen sa kanyang ninong.
“Siguro naman ay nakalimutan mo na ang nangyari sa mama mo,” paalala pa naman nito.
Natahimik si Tyreen sa narinig na sinabi ng kanyang ninong.
“Mabuti pa ay ayaw ko munang pag-usapan ang mga Caballero, kumpare,” singit ng amang si Mauricio.
“Sabagay, masaya lang ako at umuwi na rin sa wakas itong inaanak ko,” anang ni Guilliermo. “Limang taon rin yatang nawala rito,” anang pa nito.
“Pitong taon, ninong,” pagtatama ni Tyreen.
“Hello, everyone,” pukaw na saad ni Tyrone na kasama ang isang magandang binibini.
“Anak, sino naman itong binibini ka kasama mo?” agad na usisa ng kanilang ama sa kapatid.
“Papa, malugod kong ipapakilala sa inyo si Gretchen, kasintahan ko,” ani Tyrone, ang pangalawa sa kanilang magkakapatid.
“Sure ka bang handa ka na sa commitment?” singit ni Tyrese, ang kanilang panganay na noon ay seryoso.
“Hindi ko naman siguro pormal na ipapakilala sa inyo kung hindi ako seryoso,” sabat ni Tyrone na halatang may tensyon na naman sa sagutan ng dalawa.
Agad na sumingit ang kanilang ama upang hindi na lumawig pa ang tensyon sa kanilangmagkapatid.
"Welcome to the family, hija, ano naman ang pinagkakaabalahan ng 'yong mga magulang?" usisa ng ama sa kasintahan.
"Salamat po, tito sapag-welcome sa 'kin. May-ari po ang pamilya namin ng Rice Trading sa bayan bukod roon ay nasa food business po si mama," tugon ng babaeng ipinakilala ni Tyrone sa ama.
Nang mabaling ang tingin ng babae kay Tyreen ay nginitian niya ito upang hindi ito mailang kanila. Halata naman kasing inaalam ng ama kung may-kaya ang pamilya nito.
"Food business? You mean? Catering or—" putol na pang-uusisa ng ama nang dugtungan na ni Gretchen ang kanyang tanong.
"Fast food chain, as in isa sa sikat," wika nito dahilan upang lalong tumamis ang ngiti sa labi ni Tyreen. Mukhang nakatagpo na ang ama ng katapat niya.
"Oh I see," palatak ng ama.
Napatingin si Tyreen sa kanyang Kuya Tyrese at nakitang matiim ang titig sa babaeng pinakilala ng kanilang kapatid.