NATAPOS ni Bornok ang paglalaba at si Sophie naman ay wala ng nagawa kundi ang tapusin na rin ang paglalaba niya. Nang dahil kay Trixie, nabulilyaso ang kanyang pang-aakit sa binata. Hindi niya alam kung sinadya ba nitong sumingit o hindi. Sabi kasi ni Bornok sa kanya ay hindi nito jowa ang dalaga, pero base sa obserbasyon niya ay parang sinira nito ang moment nila sanang dalawa ng binata. “Matagal pa ba bago iyan matapos?” tanong ni Trixie. “Babanlawan na lang… Dapat ay marunong kang maglaba ng damit. Lalo na ang mga magiging damit mo,” sabi naman ni Bornok na ipakita sa dalaga kung paano siya magkusot ng natitirang damit sa palangganang may sabon. “Sige Bornks, magsasampay na ako,” sabi naman ni Sophie na biglang yumuko para buhatin ang palangganang may laman ng kanyang mga damit. Na