SARIWA ang hangin na nalanghap ni Saint sa kanyang paglakad mula sa lugar na kanyang nilitawan. Parang normal na kapaligiran ito sa probinsya para sa kanya. Sandali pa nga niyang nilibot ang tingin sa paligid at kung hindi siya nagkakamali ay baka ito ay ang Starting Place ng laro. Madalas kasi ay ganito ang napupuntahan ng mga characters niyang nilalaro sa mga RPG games sa PC tuwing bagong login ang isang bagong account dito. Ang isang bagay namang iniisip niya nang sandaling iyon ay kung paano niya ito lalaruin.
Napatingin din siya sa mga tulad niyang lumitaw na lamang bigla sa lugar na iyon at napansin niyang masaya ang mga iyon. May karamihan na rin ang bilang nila rito at alam niyang hindi mga gamers ang mga ito. Una nga niyang napansin ay ang pagkukumpulan ng mga ito upang makipagkilala sa isa’t isa.
Umiling na lamang siya pagkakita roon. Kung isa itong game ay mas gusto niyang maglaro nang solo upang sa kanya lahat mapupunta ang Experience Points sa bawat events at battles na kanyang mararanasan... Ito ay kung ganoon nga ang kalakaran ng larong ito.
“Kailangan ko nang umalis dito. Kailangan kong mangalap ng informations kung paano maglaro nito.”
Karamihan ng mga kapwa niya players sa lugar na iyon ay mas pinili munang makipagkaibigan sa mga naroon. Para bang isa lang itong pagtitipon ng mga sari-saring kabataan na magsasama-sama para sa isang pagsasaya. Kaso, iba si Saint sa mga ito.
Tumingin si Saint sa langit at napansin niyang kagaya rin ito ng kalangitan sa tunay na mundo. Kung titingnang mabuti ang lugar ay parang walang pinagkaiba sa labas. Isa itong bagay na ikinatuwa niya dahil mukhang ito na nga ang Virtual Reality. Naalala pa niya ang inilagay sa kanyang ulo kanina bago siya humiga, ibig-sabihin daw ay may technology na nga talaga na kayang lumikha ng ganitong uri ng laro.
“Isang pangarap na laro ng kasalukuyan.”
Napatingin si Saint sa kanyang kamay habang naglalakad. Nilalampasan lang niya ang mga players na sumasalubong at bumabati sa kanya. Wala siyang pakialam sa mga ito at isa pa, dahil sa dami na ng mga players sa lugar na iyon ay naging maingay na ang paligid.
“Kung ingay ito sa mga computer shops, baka mas okay pa,” sambit ng binata na nakalagay sa bulsa ang kaliwang kamay. Kasalukuyan niyang pinagmamasdan ang kanang palad at sandali siyang pumindot sa hangin. Bigla kasi niyang naalala na may ilang japanese programs na related sa ganitong game ang minsang napanood niya nang kaunti.
Umaasa siyang may lalabas na screen sa kanyang harapan, ngunit walang lumitaw na kahit ano.
“Isa sa mga importanteng bagay na kailangan ng isang gamer ay ang informations.”
Iniisip ni Saint kung may level ba siya. Kung mayroon ay baka level 1 pa lamang siya. Inisip din niyang baka may Hit Points at Mana rin siya sa game. Baka mayroon din siyang skills pero, ang tanong sa kanyang utak ay kung paano niya malalaman iyon? Sinubukan pa niyang pumindot sa hangin ngunit wala pa ring kahit anong nangyayari.
Narating na nga niya ang dulo ng lugar at isang malawak na damuhan na ang kasunod noon. Sa paglabas nga niya ay parang may kung anong hidden barrier siyang nalampasan na naramdaman din niya nang sandali sa kanyang pagtapak sa damuhan. Napalingon siya sa likuran niya at wala namang kahit ano roon. Natanaw lang niya ang mga players na nasa malawak na lugar na iyon na magkakasama ang karamihan at nagku-kwentuhan.
Sa unang hakbang nga niya ay parang nanlabo sandali ang kanyang mata at ilang sandali pa ay isang texts ang lumitaw sa kanyang vision na ikinaseryoso niya.
“Welcome to Terra! A place where humans lived.”
Nabasa ni Saint ang mga salitang iyon na ilang sandali pa’y unti-unti na ring naglaho sa kanyang paningin.
“Terra...”
“A place where humans lived?”
Napatingala siya sa itaas at isang teorya ang agad na nabuo sa kanya nang sandaling iyon. Naalala niya ang mga examiners na mga gamers. Ang top scorers doon ay makakapasok din sa game na ito. Unti-unting ngang umihip ang hangin sa paligid at paulit-ulit na bumalik sa alaala niya ang mga huling pangungusap na nakita niya kanina sa kanyang paningin.
“Humans...”
“Posible bang ang mga top scorers ay ang mga...”
Napakuyom si Saint ng kamao nang sandaling iyon. Hindi niya alam kung tama siya pero kung tunay man ang kanyang naisip ay parang napakagandang laro ito para sa kanya.
“Isa sa mga laro na gusto ko ay ang mga games na wala pa akong ideya.”
“Kung nasaan man sila ngayon... Kailangan kong marating iyon. Siguro ang pinakamalaking challenge ngayon sa akin sa lugar na ito ay sa kung paano ko lalaruin ito.”
Nagsimula na siyang maglakad at mula sa kanyang direksyon ay isang kagubatan ang kanyang natanaw. Kagaya ba ito ng mga RPG games na nalaro niya dati? Papasok siya sa isang kagubatan at naroon ang mga monsters na dapat niyang talunin para maka-gain ng EXP upang maging malakas.
“Levelling ba ang game na ito?”
“Wala akong ideya...”
“Kailangan ko ba ng weapon? O may skills ako?”
Mabilis niyang pinagmasdan ang paligid at nakakita siya ng mga paggalaw sa damuhan mula sa kung saan-saan. Hindi iyon gawa ng hangin at posibleng mga living AIs iyon dito sa game.
Sa mga tipikal na RPG, kapag walang weapons ang kanyang characters ay ang physical combats ang ginagawa niya. Kung kalaban nga ang mga gumagalaw na nakita niya ay kailangan niyang ihanda ang kanyang sarili.
“Dati, keyboards at mouse lang ang pipindutin ko para maglaro.”
“Pero iba na nga talaga sa game na ito dahil ako na mismo ang kikilos.”
Wala siyang karanasan sa mga suntukan pero sa larong ito ay ia-apply niya ang kanyang mga nalalaman mula sa mga games na nilaro niya noon. Nasa isang virtual na mundo siya kaya ang iniisip niya ay baka may special ability siya rito na kayang makipaglaban sa mga lilitaw na AIs dito.
Naging mabilis na nga ang pagkilos sa paligid at maya-maya pa’y tumalon na nga ang mga kakaibang nilalang na unang mae-encounter ni Saint sa larong ito.
Mga bilog na bagay na kasing laki ng bola ang mga iyon. Kulay dilaw ang mga ito at transparent ang katawan. Para silang malagkit na bagay na kapag dumikit sa katawan ay hindi na bibitaw.
“Mga slimes...” bulalas naman ni Saint at dito na nga siya mabilis na pomorma para labanan ang mga ito.
Sa paglutang ng mga ito sa paligid ng binata ay mabilis na bumulusok ang mga ito papunta sa katawan niya. Sinubukan ni Saint makakilos na tulad sa mga nalaro niya dati.
Akala niya ay magagawa niyang mag-dash, kaso, tila isa lang talaga siyang tipikal na tao sa larong ito.
Nakapitan siya ng nasa sampung slimes at naramdaman niya ang malamig na katawan ng mga ito na nakapaikot sa kanya. Sinubukan niyang alisin ang alinman sa mga ito gamit ang kanyang kamay ngunit tumagos lang iyon sa mga bagay na iyon. Sandali pa nga siyang napaatras nang makitang nagliliwanag ang katawan ng mga iyon.
Isang kuryente ang kumawala sa bawat isang slimes at nagulat na lang si Saint nang mangyari iyon. Nakaramdam siya ng sakit at napahiyaw siya dahil doon. Pero hindi naman iyon nagtagal at mabilis na naglaho kaso nakita niyang nakahiga na siya sa damuhan kung saan ay pinagpipyestahan na siya ng mga iyon.
“Paano ako mananalo sa game na ito? Bagsak agad ako?” wika niya sa kanyang sarili habang nakatingin sa kalangitan nang mga oras na iyon. Wala siyang anumang skills na magawa at maging sa bilis ng pagkilos ay parang wala lang din siyang maaasahan.
Napangiti na nga lamang siya at naalala ang lalagyanan na nakatali sa kanyang baywang. Alam niya kaninang may laman iyon pero hindi naman niya iyon natingnan kung ano ang mayroon. Kaya pa rin naman niyang kumilos pero kung magpapatuloy ang pagkapit sa kanya ng mga slimes ay baka manghina siya. Kung may HP Bar nga lang sana siyang nakikita sa kanyang sarili ay baka nakita na niyang nabawasan iyon.
“Pero wala akong intensyon na matalo kaagad sa game na ito.” Sumilay ang isang ngiti sa labi ni Saint. Hindi na nga pala siya si Saint sa larong ito sapagkat iba na ang kanyang pangalan dito.
“Ni minsan ay hindi pa natalo si Laxus.”
May isang bagay na nakapa ang binata mula sa kanyang lalagyanan at hindi niya akalaing may isang lighter doon. “Kung may yosi lang sana ako, mapapakinabangan ko ito,” biro pa niya sa kanyang sarili. Dito ay iniangat niya ang bagay na iyon at nabigla siya nang may lumabas sa kanyang vision nang sandaling iyon.
Nang makita ng mata niya ang hawak niyang bagay ay may salitang lumitaw sa kanyang paningin.
“Lighter: Can create fire.”
“Normal Item.”
Alam naman niya kung paano gumamit noon at pagkapindot niya doon ay isang maliit na apoy ang kanyang nalikha. Tipikal na laki iyon mula sa isang bagay na madalas niya ginagamit kapag naninigarilyo.
“Weaknesses ng slimes ang apoy. Effective kaya ito sa kanila.”
Agad na inilapit ni Laxus ang hawak na bagay at ang slime na nadikitan noon ay agad na lumayo at tumakbo. Nang makita ng binata ang nangyari ay isinunod na niya ang iba na agad nga ring nagsialisan sa kanyang katawan.
“Effective nga,” sambit ni Laxus na mabilis na bumangon. Napakadali lang niyang natalo ang mga AIs na iyon nang walang pinapatay na monsters. Marahan siyang tumayo at nakaramdam siya ng panghihina. Naisip niyang baka epekto ito ng nangyaring pag-atake sa kanya ng mga slimes.
“Pero wala pa ring infos kung paano ko makikita ang aking HP.”
Dito na nga niya pinagmasdan ang kanyang lalagyan at sa paghawak niya rito habang nakatingin ay may lumitaw na mga salita na naman ang lumabas sa kanyang vision.
“Pouch: Can store 5 items.”
“Upgradeable Item.”
Nakuha ni Laxus ang gamit niyon pero ang ikinaseryoso niya ay ang huling mga salita na kanyang nabasa. Naalala niya na may mga items dati sa ilang games na nilaro niya na naii-upgrade para maging mas malakas, kagaya na lamang ng mga swords at anumang weapons. Sa pouch naman niya, naisip niyang ang tinutukoy rito ay ang capacity ng pwedeng ilaman dito. Baka raw kapag nai-upgrade ito ay baka madagdagan pa ang bilang ng mga pwedeng ilagay rito.
Isang maliit na patalim din ang kanyang nakita sa loob at isang black glove na pang-kaliwang kamay.
“Pocket Knife: 0.01% damage on HP.”
“Upgradeable Item.”
“Left-hand Glove: +1% speed at left hand when wearing.”
“Upgradeable Item.”
Nang mabasa ni Laxus ang mga bagay na iyon ay napangisi siya nang bahagya at ang glove ay agad niyang isinuot sa kanyang kaliwang kamay. Pinagmasdan din niya ang maliit na patalim na nasa kanyang kanang kamay. Isang tipikal na knife lang ito na may limang pulgada lamang ang haba.
“Ibig-sabihin, tama ako na may HP kami rito. At itong upgradeable item... paano ko ia-upgrade ang mga ito?” tanong ni Laxus sa sarili at tiningnan pa niya kung may laman pa ang kanyang pouch at napangiti siya nang makakita siya ng isang kaha na sigarilyo.
Tamang-tama sa gaya niyang naninigarilyo rin sa real world. Naisip niyang ayos ito dahil wala naman sigurong masamang epekto ito sa kanya dahil isa itong virtual reality.
“Cigarette: Restores HP.”
“Restoration Item.”
Isa sa mga nakakatuwang item na kanyang nakuha sa kanyang pouch ay ang sigarilyo. Lalo ngang natuwa si Laxus dahil nalaman niyang makakapag-restore ito ng HP. May dahilan pala kung bakit mayroon siyang lighter, at ito ay upang sindihan ang bagay na madalas niyang gawin kapag wala siya sa kanilang bahay.
Agad ngang nanigarilyo si Laxus at nagsimula na nga siyang maglakad para pumunta sa kagubatang kanyang natatanaw. Parang normal na pagyoyosi ang kanyang naranasan, ang kaibahan nga lang ay napansin niyang nagliliwanag ng mahinang berde ang kanyang katawan sa bawat hithit at pagbuga niya ng usok mula sa bagay na kanyang hawak.
Bago nga marating ni Laxus ang kagubatan ay sandali muna siyang sinalubong ng isang hindi kalakihang hayop na kawangis ng isang aso. Nang matapos niya ang paninigarilyo ay mabilis niyang kinuha sa kanyang bulsa ang maliit na kutsilyo para gamitin sa paglaban. Kagaya ng mga nalaro niya dati, palaging may makakasalubong siyang aabala sa paglalakbay na mga AIs.
“Isang magandang panimula sa paglalaro ko sa game na ito,” sambit ni Laxus at nabigla na lamang siya nang naging napakabilis ng pagkilos ng AI na nasa kanyang harapan. Kasunod noon ay ang paglitaw sa kanyang vision ng mga salita.
“Skill: Speed-up.” Sinabi ng kanyang vision ang ginawa ng AI at isa pala iyong skill na dapat niyang pag-ingatan.
“Skill Weakness: Lessen damage points.”
Nagulat saglit si Laxus sa sunod niyang nabasa at isang napakalaking tulong noon dahil hindi na siya kakabahan na harapin ang mas mabilis na AI. Isang kalmadong paghinga ang kanyang ginawa at dito’y inatake na nga siya ng kalaban. Hinayaan nga niyang atakehin siya nito at sa pagsakmal nito sa kanyang balikat matapos ang isang mataas na pagtalon ay agad siyang napaupo.
“No pain,” sambit ni Laxus at mabilis niyang hinawakan ang AI gamit ang kanyang kanang kamay. Sunod niyang ginawa ay ang paghila rito na sinundan niya ng isang mabilis na atake gamit ang kanyang maliit na patalim.
Dumiretso iyon papunta sa mata ng AI at may lumabas nga muli sa vision ni Laxus matapos iyon.
“AI’s weakpoint! Critical damage has been activated.” Ang labi ni Laxus ay sandaling umawang nang makakita ng isang green gauge sa ulo ng AI na kanyang hawak. Ito ay ang HP bar noon at makikita rin nga ang level ng hawak niyang ito.
“Common Dog: Level 1.”
Bumaba kaagad sa kalahati ang buhay ng AI at nang hilahin muli ni Laxus ang kanyang patalim ay isinunod naman niya ang kabilang mata nito. Ang pag-ungol ng kalaban ang huli niyang narinig at pagkatapos ay namula ang HP bar nito hanggang sa bigla na lamang itong sumabog nang walang tunog sa harapan ng binata.
Isang pag-ihip ng hangin ang sunod na naganap at napatingin si Laxus sa kanyang mga kamay dahil may maliit na mensahe ang lumabas na naman sa kanyang vision.
“10 Experience Points has been granted to your small knife and gloves.” Kasunod noon ay ang paglabas ng isang gauge sa tapat ng mga items na iyon.
“May EXP bar ang dalawang items na ito? Ibig-sabihin magle-level-up ito kapag napalaban ako uli,” sambit ni Laxus at nakaramdam siya ng bahagyang pagkatuwa dahil sa kanyang natuklasan.
“Levelling ba ang mga weapons dito? Ang mga items na upgradeable?”
“Ang main character kaya?” seryosong tanong ni Laxus sa sarili at doon na nga pinasok ng binatang may dilaw na buhok ang kagubatang nasa kanyang daraanan. Mula sa kagubatang iyon ay nagsiliparan ang ilang malalaking ibon matapos makapasok ng isang player. Nang mga sandali ring iyon, wala namang kamalay-malay ang binatang si Laxus na sinundan pala siya ng isa pang manlalaro na nakapasok sa loob din ng larong ito.
“Alam ko, ikaw iyan... Saint!” bulalas ng isang babaeng nakasuot ng kulay brown na tshirt at pants na hanggang sa tuhod lamang. Nakasuot ito ng tsinelas at may bag na nakasukbit pa sa likod nito. Sumabay sa ihip ng hangin ang kanyang maikli at kulay dilaw na buhok na hanggang balikat, at matapos ang isang paglunok ng laway ay sinundan na niya ang binatang kanina pa niyang sinusubaybayan.
“Kaya mo ito... Leona!”