bc

APWHAEM

book_age16+
849
ติดตาม
7.0K
อ่าน
adventure
ไม่มีคู่
อัจฉริยะ
พหุภพ
โลกเหนือธรรมชาติ
การสร้างอาณาจักร
เกมออนไลน์
MMORPG
slice of life
จากอ่อนแอเป็นเข้มแข็ง
like
intro-logo
คำนิยม

APWHAEM, a Virtual Reality Massive Multiplayer Online Role Playing Game (VRMMORPG) will be played by a guy named Saint. He always win in every game that he played and because of that, he was called a Gaming Genius. But he was not satisfied in every victories he had, that's why, he always searching for a challenging one. Until one day, he was sent by his parents to his grandmother on their province. An examination for 1000 Beta Testers was held in that place and he made himself failed in order to became one of the weakest players. The challenge is, he wanted to become a strong one, and he will make it in order to defeat the high scoring players that automatically became high-ranking players inside that game.

chap-preview
อ่านตัวอย่างฟรี
The Guy Named Saint
NABALOT ng hiyawan ang loob ng computer shop nang manalo sa isang pustahan sa isang online game ang isang dayong binata. Ang mga tinalo nito sa larong may pangalang Sword Mastery ay natameme na lang sapagkat, lima na silang isa-isang lumaban dito pero ni isa ay hindi man lang nakaisa ng panalo rito. Ang mga manonood na naroon ay mga kung sino-sino rin lang na napadaan sa lugar na iyon. Mayroong mga tambay, may mga estudyante rin, may mga bulakbol na elementary students at may mga babaeng adik din sa anumang laro sa computer.   Napapangiti na lamang nga ang may-ari ng computer shop na iyon dahil ngayon lang niya nakitang napuno ang kanyang shop. Sino ba namang hindi pupunta rito kung malalaman ng lahat na ang isa sa malalakas maglaro ng kahit anong klase ng computer o mobile game, online man o offline ay narito para magpalipas ng oras.   “Maraming salamat Saint Velasquez,” winika ng may-ari ng computer-an na nilapagan siya ng dalawang libong piso sa pagdaan nito sa kanyang tabi.   Si Saint Velasquez, isang 19 years old na lalaking tinalikuran ang pag-aaral dahil nagkakapera siya sa mga pustahan at mga tournament ng kahit anong game na magustuhan niyang laruin. Sinasabing isa siyang Gaming Genius dahil kahit bago pa lamang ang laro ay kaya na kaagad niya itong kabisaduhin sa unang beses na ito ay kanyang masubukan.   Pagkalabas ni Saint sa loob ng computer shop ay hinabol pa siya ng ilang mga batang naroon at pinuri pa siya nang pinuri. Ang mga nakipusta naman sa kanya ay napasigaw pa ng salamat dahil nagkapera sila.   Mula sa kanyang bulsa ay may kinuha siyang isang gusot nang stick ng sigarilyo, at lumapit kaagad siya sa isang maliit na tindahang malapit sa shop na kanyang pinanggalingan.   “Isang mismo,” aniya sa matandang tindera na nakatingin sa kanya matapos magsindi ng sigarilyo.   “O, totoy,” ani ng tindera na iniabot na ang malamig na softdrinks na kagagaling pa lamang sa loob ng refrigerator. Ibinigay naman ng binata ang isang 50-pesos na bill at sinabing keep the change na ikinataas ng noo ng matanda. Nagtanong pa ito kung seryoso pero hindi na ito inimikan ni Saint na mas pinili na lang tumingin sa malayo.   Inipit ng binata ang yosi sa kanyang labi at dito na niya binuksan ang softdrinks. Inilapag niya muna ito sa patungan sa harapan ng tindahan at dito na siya humithit sa sigarilyong nasa bibig niya.   Napatingin siya sa kalsada kung saan ay maraming dumaraang mga sasakyan kahit gabi na. Bumuga siya ng usok at pagkatapos ay uminom na siya.   “Boring...” mahina niyang nasambit matapos maka-ilang lagok sa kanyang iniinom.   Sa dami na ng computer games na kanyang nalaro ay nabo-bored na siya dahil palagi siyang panalo. Sa lugar niya rito sa Maynila ay halos lahat yata ng siyudad ay napuntahan na niya, ngunit wala man lang nakatapat sa kanyang galing kahit isa. Maging ang pumatok na Tetris dati ay pinasok din niya at wala ring binatbat ang mga sinasabing malalakas na maglaro nito. Minsan ay sinubukan din niya ang mobile gaming, at kagaya rin lang ito ng madalas na nagiging resulta ng mga laro niya. Panalo! Easy win! Walang makasabay sa fast hands niya. Wala ring makapantay sa kanyang galing sa pagdiskarte pagdating sa mga gameplays.   Naghahanap si Saint ng larong magbibigay sa kanya ng excitement, ng saya, ng thrill, ng challenge. Wala pa siyang nahahanap na ganitong laro, at isang bagay pa ang gusto niyang maranasan sa Gaming World... ang matalo.   Nakaramdam ang binata ng vibrations sa kanyang kanang hita, mula sa bulsa ng kanyang pantalon. Kinuha niya ang kanyang mobile phone mula roon at nakita niya sa screen na tumatawag ang kanyang kapatid na si Clyde. Kuya niya ito pero isang taon lang ang tanda nito sa kanya.   “Hello,” malamya niyang pambungad sa kuya niya sa kabilang linya.   “Hoy! Nasaan ka na? Galit na sina Papa, hindi mo ba alam na ngayon ka dadalhin sa Mindoro?” Nang marinig iyon ni Saint ay napainom muna siya ng softdrinks.   Umalis siya ng bahay nila dahil gusto ng magulang niyang sa probinsya muna siya magtigil.   “Sa lola mo muna ikaw. Para naman maka-isip ka na mag-aral uli. Kailangang malayo ka muna dito sa Manila.”   “Tingnan mo nga ang katawan mo? Kumakain ka pa ba? Iyang mata mo, tingnan mo at lubog na. At magpagupit ka nga ng buhok mo, para ka nang adik!”   “Anak, makinig ka sa papa mo. Ano ba ang nakukuha mo sa mga online games na iyan? Ni hindi ka na nga namin nakikitang may kaibigan. Kapag narito ka, nasa harapan ka palagi ng PC. Kapag umaalis ka, nalalaman na lamang namin na dumadayo ka kung saan-saan para maglaro.”   “Hay naku Papa, Mama... Pinagsabihan ko na iyan pero iba talaga kapag adik na sa mga games. Wala nang pakialam sa mga nasa paligid niya.”   “Kaya nga dadalhin muna kita sa mga lola mo sa Mindoro. Doon ka muna, bantayan mo ang lola mo. Makipagkilala ka sa mga pinsan mo doon.”   Probinsya, sa kanyang isipan ay isang lugar itong puro puno, at walang internet. Ayaw niya sa ganoong lugar. Ayaw niyang hindi haharap sa computer niya para maglaro.   “Pasabi kay Papa, hindi ako makakauwi. May pera ako. Baka sa hotel muna ako matulog,” mahinang wika ni Saint na inubos na ang kanyang iniinom na softdrinks. Ubos na rin ang kanyang sigarilyo at upos na lamang ang natira.   “Tigas talaga ng ulo mo. Paano kapag tumanda ka? Are you okay with that!?” malakas na sabi ng kanyang kuya sa kabilang linya at pinatayan na lang niya ito ng phone. Nabibingi siya at gusto niya ng katahimikan.   Napatingin na lang siya sa kawalan. Hindi niya iniisip ang kung ano ang mangyayari sa kanya sa hinaharap, kapag tumanda siya. Sa isip niya ay gusto lang niyang makakita ng isang game na magpapasaya sa kanya. Puro gaming ang nasa kanyang utak at tila hindi na ito mawawala sa kanya.   *****   MAKALIPAS ang isang araw ay naisipan muna niyang umuwi sa bahay nila sa Pasig. Akala nga niya ay hindi na siya dadalhin sa probinsya pero pagdating niya sa kanila ay iba ang nangyari. Niyakap kaagad siya ng kanilang bunsong si Grace, isang 6 years old na batang babae.   “K-kuya... Tayo muna sa mga lola. Gusto ko makita si lola. Samahan mo ako kuya,” wika ng kapatid niya sa kanya. Napatitig na lang siya sa cute nitong mukha at kaagad niya itong binuhat.   Sa mga kasama niya sa bahay, ang kanyang bunsong kapatid lang ang tila nagpapabago ng kanyang ugali. Kapag ito ang nakakausap niya ay parang nagiging isang normal siyang tao. Alam na rin naman ito ng mga magulang niya at ng kanyang kuya, at ginamit nila ito upang mapasama sa probinsya si Saint.   “Oo ba! Akala ko kasi hindi ka kasama. Gusto mo bang ngayon na tayo pumunta ng Mindoro?”   Napahinga naman nang maluwag ang kanyang kuya at magulang nang marinig iyon. Sinasabi na nga ba nila na si Grace lang ang sagot para mapasunod si Saint sa gusto nila.   “Ngayon na nga tayo kuya aalis. Na-ready na po nina papa ang gamit natin!” masiglang wika ng batang babae at niyakap pa niya ang kanyang kuya.   “O sige, liligo lang ako,” sabi ni Saint at ibinaba na niya ang kanyang kapatid.   “Bilisan mo,” paalala naman ng kanyang papa na mabilis na nilapitan ni Grace.   “Magbabait kayo ng kuya mo sa lola ah. Bantayan mo ang kuya Saint mo,” wika ng lalaki sa kanyang anak na kasalukuyang hawak siya sa kamay. Mabilis namang sumagot ang kanyang anak habang nakangiti.   “Opo papa!”   Bumyahe kaagad sina Saint matapos niyang makaligo. Humabol pa siya ng ilang gamit na gusto niyang dalhin papunta sa probinsya. Kinuha niya ang kanyang laptop at ilang gadgets na hindi isinama ng kanyang mama sa kanyang mga gamit.   “Mag-iingat kayo doon anak,” wika ng mama niya sa kanya matapos yakapin at halikan sa pisngi. Ganoon din ito sa kanyang kapatid na si Grace.   Nagpaalam din sa kanya ang kuya niya, pero hindi niya ito pinansin at dumiretso kaagad patungo sa loob ng kotse ng kanilang papa.   Pagkaupo niya sa loob ay tinabihan kaagad siya ng kanyang kapatid na si Grace. Nakayakap ito sa kanya at nang magsimula na ang byahe ay napansin niyang tulog na ito sa kanyang tabi. Iniayos niya ito ng higa sa gilid niya. Napatingin pa siya sa kanyang papa na nagmamaneho nang oras na iyon.   “Mga gaano kami katagal kina lola?” tanong ni Saint na nagsimula nang ikabit ang kanyang headphone sa kanyang cellphone.   “Hangga’t hindi mo nare-realize na mag-aral ng kolehiyo.”   Sa sagot na iyon ng kanyang papa ay napalagay na lang siya ng headphone sa kanyang ulo. Nagsimula na rin siyang mag-play ng metal rock songs na nasa kanyang playlists at isinandal niya ang kanyang ulo sa bintana ng kanilang sasakyan. Habang nasa byahe, itinuon niya ang kanyang tingin sa mga nagtataasang gusali ng NCR. Nasa isip niyang ilang oras na lang, mawawala na ito sa kanyang mga mata dahil balik probinsya siya makalipas ang maraming taon.   Bata pa siya nang dalhin sila ng kanilang magulang sa Mindoro, at iyon ang naaalala niya.   “Sana, may mga naglalaro rin doon. Iyong malalakas sana,” sabi niya sa kanyang sarili at napasandal siya bigla sa malambot na sandalan ng kanyang kinauupuan. Hindi na nga niya namalayan na nakatulog na pala siya.

editor-pick
Dreame - ขวัญใจบรรณาธิการ

bc

PARAUSAN NG BILYONARYO

read
55.2K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
177.2K
bc

NINONG HECTOR (SPG)

read
64.4K
bc

The General's Grandson(TAGALOG/SPGR18+)

read
167.1K
bc

DARCY'S DADDY (BXB)

read
22.3K
bc

A Trillionaire in Disguise

read
12.8K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.4K

สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook