NIYAKAP na nga ng liwanag ang kalangitan sa muling pagsapit ng umaga. Hihikab-hikab nga si Perla na bumangon mula sa kanyang higaan nang kalampagin na siya ng kanyang nanay.
“Bumangon ka na Pengpeng, hindi ba, sabi sa iyo ni Francis ay maaga kang pupunta sa kanya?” sabi nga ni Aleng Hermenia sa kanyang anak na muli namang binalot ang sarili ng kumot.
“Hoy! Ano? Kukurutin ko ang singit mo? Bumangon ka na riyan!” muli pang wika ng nanay ni Perla na tumagos sa pandinig ng dalaga ang boses dahil sa may kalakasan na iyon.
“Ihhh! Ito na nga nanay… Tatayo na!” sabi nga ni Perla na mukhang bruha sa itsura niya nang siya ay bumangon. Kumamot pa ito sa kanyang buhok at tumingin sa ina niyang nakapamaywang sa may pinto ng kanyang kwarto. Maliwanag nga sa may kusina nila at iniisip niya kung may kuryente na ba sila. Dito na nga niya naalala na pinahiram nga pala sila ni Francis kahapon ng rechargeable light mula sa labis nitong dala sa farm ng kanyang amo.
Tumayo na nga ang dalaga at tiniklop ang kanyang pinaghigaan. Parang tamad na tamad pa siya pero no choice siya. Itinatak na nga lang niya sa kanyang sarili na kailangan niyang magkapera, at isa pa… Easy na easy sa kanya ang trabahong nakuha niya.
Matapos ngang maligo ni Perla at kumain nang kaunti ay nagmadali na siyang magpunta sa kabilang farm. Alas-singko y medya pa lang iyon ng umaga ngunit may kaliwanagan na kaagad ang paligid dahil mukhang nasa panahon sila na ang araw ay mas mahaba kaysa gabi.
Suot lang ng dalaga ang isang lumang jacket at may bag pang nakasukbit sa likod niya. Mga gamit niya ito dahil, babae pa rin naman daw siya. Tsinelas at maong na pantalon na may kalumaan rin ang iba pang suot niya. Napaka-effortless ng outfit niya kumbaga. Hindi naman daw siya sa opisina magtatrabaho.
“Ano kaya ang gagawin namin ng lalaking iyon?” tanong ni Perla sa sarili na natatanaw na ang gate ng malawak na farm na mayroon sa lugar nila.
Naisip nga niya na sila lang palang dalawa ang magkasama ngayon dahil ang nanay at tatay niya ay mamaya pa pupunta rito para asikasuhin muna ang munti nilang palayan.
“Hindi naman siguro ako pagsasamantalahan ng lalaking iyon?”
“Hindi naman siya mukhang manyakis…”
“Pero malaki ang katawan niya… Pansin ko iyon kahapon nang makita ko siya sa bayan.”
Bigla siyang napa-iling sa kanyang mga iniisip nang oras na iyon. “Ano bang isip iyan Perla? Hmmm… Pero mas interesado ako sa may-ari nitong farm… Ano kayang itsura noon?”
Pagdating niya sa may gate ay nakita niyang medyo bukas iyon. “Ano ba iyan? Hindi man lang marunong magsara? Paano kung may pumasok ditong mga luko-luko? Tsk tsk…” wika ni Perla na pagpasok sa loob ay isinara na nga niya mula sa loob ang pasukan sa farm.
Nagdiretso nga siya kaagad sa may maliit na bahay sa hindi kalayuan. Kumatok pa siya sa pinto noon para ipaalam na narito na siya, kaso, walang sumasagot sa loob. Pasimple na nga lang siyang sumilip sa loob at wala roon ang katiwala ng farm na si Francis.
“Nasaan iyon?” tanong niya sa sarili at nang mapatingin siya sa papag sa loob ay muntikan na siyang mapatalon dahil may nakapatas doong ilang damit na nakatupi. Isang mahabang maong na parang okay pa ang tela at jacket na plain blue. Kaso, doon siya kaagad napatingin sa nakalagay sa ibabaw noon na kulay black na brief.
Parang namula si Perla na mabilis na inilagay sa gilid ang kanyang bag at agad na lumabas. “Baka sabihin ng isang iyon, na basta-basta ako napasok ng bahay niya nang walang pasabi.” Pero inilagay niya na nga naman ang kanyang gamit sa loob kaya malalaman din ni Francis na pumasok siya roon nang walang paalam.
“Nasaan ba ang isang iyon? Pinapunta ako rito nang maaga tapos siya itong wala. Hmm!” bulalas ni Perla na umikot ng lakad sa labas ng bahay na iyon na hindi naman kalakihan. Sa paglibot niya ay nakarinig nga siya ng malakas na paglagaslas ng tubig mula sa hindi kalayuan. Dito niya naalala na may poso nga pala rito at kaagad niyang tiningnan iyon.
Sa pagdating ng mga tingin niya sa lugar na iyon ay doon na siya natulala sapagkat naroon ang lalaking kanyang hinahanap. Kasalukuyan pala itong naliligo roon.
Paglunok na lamang ng laway ang nagawa ni Perla na parang hindi maka-alis sa kanyang kinatatayuan nang sandaling iyon. Naroon si Francis na tanging boxer shorts lang wari ang suot. Binabagsakan ito ng malamig na tubig at dahil sa may kaliwanagan na ang paligid ay kitang-kita ni Perla ang katawan ng lalaki na ikinanganga ng kanyang bibig.
Napakagat din sa labi si Perla nang madaanan ng mata niya ang malapad na balikat ng binata. Nakita rin niya ang mabilog na dibdib nito na parang kapag niyakap siya ay sakop na sakop siya. Isama rin ang mala-tinapay nitong abs na ikinanginig ng kamay ng dalaga. Parang gusto niya iyong mahawakan kung totoo ba iyon o hindi.
Natauhan na nga lang siya nang mapansin niyang parang namboboso siya dahil hindi na naalis ang mata niya sa katawan ng lalaki na iyon. Ito ay katiwala lamang ng may-ari ng farm, pero parang isa raw modelo ang katawan nito. Mabilis ngang nagtago si Perla na namumula ang mukha. Ayaw na sana niyang sumilip, pero, kusang kumilos ang mukha niya at palihim na pinagmasdan si Francis habang ito ay nagbabanlaw ng katawan.
Bumaba pa nga nang bumaba ang tingin ni Perla na napunta na sa shorts ng binata. Napakagat siya sa labi nang i-angat ni Francis ang bagay na iyon para papasukin ang tubig na nagmumula sa poso papunta sa loob noon. Matapos iyon ay nakita nga ng dalaga ang umbok na makikita sa tapat noon na tila nagpatuyo ng kanyang lalamunan.
“A-ano ba itong napapanood ko? Bakit parang ang bastos ko?” Napapa-iling na nga lang si Perla at nang muli siyang sumilip ay doon na nanlaki ang mata niya dahil naglalakad na si Francis pabalik sa bahay. Dala-dala nga nito ang kanyang lagayan ng sabon at eksaktong nakita pa siya nito na naging dahilan upang mabilis siyang lumakad papunta sa harapan ng bahay. Sa pagmamadali nga ng dalaga ay aksidenteng natamaan ng isang paa niya ang isang buko na naging dahilan upang siya ay madapa.
Sa kamalas-malasang pagkakataon, si Perla ay naabutan ni Francis na nakabulagta sa lupa dahil doon.
“P-perla, kanina ka pa ba? A-ano’ng nangyari sa ‘yo?” tanong ni Francis na seryosong nakatingin sa dalaga na unti-unting lumingon sa kanya habang nakabulagta pa sa lupa.
“H-ha? E-eh… K-kaka…” Nang humarap si Perla sa binata ay doon na siya nagulantang sapagkat ang unang natamaan ng mata niya ay ang basang shorts ng lalaki. Doon ay makikitang parang may mahabang gulay ang bumakat doon at nang makita naman ito ng binata ay doon na nga ito napatingin sa ibaba ng kanyang tiyan, sa kanyang maselang bahagi.
Nagmadaling tumakbo ang binata paloob ng bahay para magbihis habang si Perla naman ay tumayo na nga at parang masisiraan ng ulo dahil sa mga nangyaring ito ngayong umaga.
Agang-aga… nakakita nga siya ng talong na tulog, na mukhang masarap kainin.
TILA nga nahaharangan ng kung anong pader na kung tawagin ay pagkakahiyaan sina Perla at Francis habang sila ay naglalakad patungo sa una nilang destinasyon sa malawak na farm na iyon. Balak nga muna ni Francis tingnan ang gulayan sa parteng silangan ng lupaing. Naalala niya kasi kahapon na sinabi ni Perla na may mga kaalaman ito tungkol doon at gusto ng binata na marinig niya ang mga sasabihin nito sa kanya kapag nakarating sa taniman ng mga gulay.
Lumiliwanag na ang paligid at sandali ngang tumikhim si Francis dahil sa katahimikang bumabalot sa kanila. Natatawa na nga lang siya kanina habang nagbibihis siya. Hindi naman kasi niya akalaing makikita siya ni Perla na naka-shorts lang at medyo bakat din doon ang kanyang sandata.
“Hindi ko naman siguro iyon kasalanan… But, sige, ako na lang ang magso-sorry,” wika na nga lang ng binata sa sarili niya habang nilalampasan nila ang mga tanim na kalamansi sa paligid.
“S-sorr---“
“P-pasensya ka na kanina…” sabi naman ni Perla at nagkasabay pa nga ang dalawa sa pagsasalita.
Doon nga ay sandali silang napahinto at si Francis ay marahang humarap sa babaeng nasa likuran niya.
“No, ako ang dapat mag-sorry…” wika ni Francis habang nakatingin sa mata ng dalaga. Hindi naman siya nahihiya rito, dahil ang totoo rin naman ay sanay siyang makipag-usap sa mga babae dati pa. Siguro, sadyang iba raw yata talaga ang talab sa kanya kung kagaya ng babaeng ito ang kanyang nakakasalamuha. Malayong-malayo raw kasi ito sa bagay na nakagisnan niya noon.
“Eh… Basta! Huwag na nga nating pag-usapan! Okay na! Erase! Erase! Erase!” pailing-iling na wika naman ni Perla na nakakaramdam pa rin ng hiya sa binatang kanyang kasama.
“Oo nga… Medyo nanibago rin ako dahil hindi ka kagaya kahapon na maingay,” pabirong wika na nga lang ni Francis na lumabas na naman ang maputi at pantay-pantay nitong ngipin dahil sa ngiti nito sa dalaga.
“Hoy! H-hindi ako madaldal… Maglakad ka na nga!” sabi na nga lang ni Perla at itinulak na niya ang binata papunta sa gulayan ng farm na ito. Napangiti na nga lang si Francis na naglakad na nga habang nasa balikat niya ang malambot na palad ng kasama niya.
“Nga pala… Kailan ba pupunta iyong may-ari nitong farm dito?” wika naman ni Perla na parang nahihiya pang magtanong tungkol doon. Bigla kasi siyang na-curious sa may-ari ng lugar na ito. Kasalanan daw kasi ito ng nanay at tatay niya na wala ng bukambibig kundi ang… landiin daw niya ang amo ni Francis kapag ito ay nagpunta na rito.
“As if namang panglandi ang katawan at itsura kong ito? Hay naku!”
Isang mahinang tawa naman ang ginawa ni Francis. “Bakit? Mukhang interested ka kay boss. Maybe, dahil iyan sa kwento ng parents mo.”
Napamulaga na nga lang nang bahagya si Perla dahil parang ang galing daw yatang magbasa nitong lalaking ito. Napabitaw na nga lang siya sa malapad na balikat nito nang mapansin niyang kanina pa palang nakapatong ang kamay niya rito habang naglalakad.
“H-huh? H-hindi ah,” sabi naman ni Perla na sumipol pa nang bahagya.
“Curious ka ba kung anong klaseng tao ang may-ari nitong farm? Sige, I’ll tell you some,” sabi naman ni Francis na hindi pa rin talaga maiwasan ang nakagawian niyang style ng pagsasalita. Sabi nga niya sa kanyang sarili sa pagpunta rito ay sasanayin niyang maging probinsyano na purong tagalog ang kanyang pagsasalita at mukhang matagal pa raw yata itong mangyayari.
Napangiti na nga rin lang siya nang pasimple nang makitang nakasabay na sa kanya si Perla. Nasa tabi na niya ito at kitang-kita niya sa mga mata nito ang paghihintay sa mga sunod niyang sasabihin.
“Si Boss ay… sabihin na nating, mukhang pera. Business-minded at gusto niyang maging maganda ang image sa kanyang father. He always goes for the top. Risk-taker siya when it comes sa businesses ng family niya…” panimula ni Francis na tila biglang nagbago ang emosyon ng mata habang sinasabi iyon.
“Mukhang hindi nga yata makakapunta rito ang bossing mo. Aba, e mukhang puro trabaho ang ginagawa. Nagkaka-lovelife pa kaya iyong mga ganyang tao?” natatawang wika naman ni Perla at si Francis naman ay napangiti na lang muli dahil mukhang ang nais lang malaman ng kasama niya ay ang tungkol sa usapang puso.
“Well, ganoon siya… noon. When he was still aiming for his father’s appreciations sa lahat ng kanyang ginagawa for him. I think, that was 2 years ago…” Marahan pa ngang naglaho ang medyo masayang imahe sa labi ni Francis, na tila may naalala mula sa malayo.
“Ah, ganoon pala… Mukhang pakitang-gilas ang bossing mo sa tatay niya. Sigurado akong napakayaman ng tatay noon,” wika naman ni Perla na pasimple pang napitas ng dahon sa mga halamang nalalampasan nila.
“Yap, his family was rich. Ang pamilya nina Bossing ay isa sa mga bilyonaryo dito sa Pinas…”
Nang marinig naman ito ni Perla ay bigla siyang napalunok ng laway nang hindi inaasahan. Napatingin kaagad siya kay Francis na kalmado lang na nagkukwento habang palapit na sila nang palapit sa gulayan.
“Ang sarap sigurong maging anak ng bilyonaryo. Nabibili ang gusto, nakakain ang mga gusto. Napupuntahan ang mga gusto…” Tila nag-daydreaming naman kaagad si Perla matapos wikain iyon. Nang marinig naman ito ni Francis ay tila wala namang naging reaksyon ang mukha nito at tila naging blanko rin ang kanyang emosyon.
“Being rich… being one of his sons… ay hindi masaya. Para kang hawak sa leeg, na lahat ng kilos mo ay bantay-sarado. Ang dami mong achievements… pero ang mas nakikita pa niya ay ang mga pagkakamali na napakaliit na bagay lang naman. Iyong most of your time since maliit ka pa ay parang kailangan mo palaging makuha ang atensyon ng ama mo. Dapat napakagaling mo. Dapat, you’re the best among the best…”
“And ang mahirap, you need to compete against you brothers! That competition… Iyon ang reason kaya, lumayo ang loob ni Bossing sa mga kapatid niya…”
Paglunok na nga lamang ng laway ang nagawa ni Perla dahil parang may diin ang bawat salita ni Francis habang nagse-share ito ng tungkol sa kanyang bossing.
“W-wait… W-wait! Parang masyado nang malalim ang sinasabi mo Francis tungkol sa amo mo. Hindi mo naman kailangang sabihin sa akin ang nakaraan ng bossing mo… Ang totoo, gusto ko lang namang malaman kung ano ba ang gusto niyang babae… Mga ganoon sana, kaso, parang hindi yata maganda na iyon ang shinare mo sa akin. Isa pa, hindi ko naman kilala sa personal iyan,” seryoso pero natatawang wika ni Perla nang sandali silang huminto sa paglalakad.
Napatawa na nga lang si Francis, dahil bakit nga ba raw niya sinabi iyon sa kanyang kasama? Para tuloy itsinismis niya ang kanyang bossing sa kanyang ginawa.
“Tsaka, mukhang affected ka ah. Parang hindi lang amo ang turing mo sa kanya base sa kwento mo,” nangingiting wika pa nga ng dalaga at si Francis ay natatawa na lamang na hindi dahil sa mga sinabi ng kasama niya.
“B-b…Bestfriend ko kasi si Bossing!” Napatawa na nga lang lalo si Francis.
“About naman sa tanong mo kung ano ang gusto niya sa babae? Marami… Gusto niya ay sexy, malaki ang boobs… at pwet… Ganoon. Babaero kasi iyon. Iyong mga kwento kong mabait siya? Noon iyon… He really changed himself a lot. Maraming babae na iyong pina-iyak at… maybe never mind,” sabi pa nga ng binata na nagpaseryoso naman sa mukha ni Perla.
“Naku, mukhang bagsak na kaagad ako sa bossing mo. Lugi na kaagad ako. Tapos, baka idagdag din ako sa koleksyon niya ng mga pinaiyak na babae…” sabi na nga lang ng dalaga at bigla namang napatawa si Francis sa mga sinabi nito.
Nanibago tuloy ang binata sa pagtawa niya. Parang nakakagaan daw ito ng pakiramdam. Kanina nga ay parang nalulungkot na siya sa pagkukwento, pero dahil sa babaeng kasama niya ngayon, ay parang hindi niya maiwasang matuwa lalo rito.
“Ang mabuti pa, magsimula na tayo… Ayan na ang gulayan… Ituro mo nga sa akin kung paano ang tamang paglalagay ng pataba sa mga iyan. Lalo na doon sa talong,” wika ni Francis at nang marinig naman ni Perla ang gulay na iyon ay bigla-bigla na lamang pumasok sa isip niya ang bagay na nakita niya kanina na akala niya ay kanya ng nakalimutan.
“M-may problema ba Perla?” pagtataka naman ni Francis dahil huminto bigla sa paglalakad ang kasama niya.
“H-ha? Oo! Ang laki ang talong mo!?” wika ng dalaga na basta na lang nasabi iyon nang hindi niya inaasahan.