SA KABILA ng pagiging Sero ng binatang si Mars ay hindi siya makikitaan ng kahinaan sa kabila nito. Wala man siyang taglay na elemental na abilidad ay hindi naman maiipagkaila na siya ay may taglay na kaalaman din sa pakikipaglaban. Nakita nga ito ni Lava at matapos ang kanyang pakikipaglaban sa binatang iyon ay naisipan niyang kausapin ang pinuno ng Cleyanero. Sa isang malaking bahay kung saan ay malapit na matatagpuan ang gintong kampana ng Enomenos mula rito, ay mabilis na pumasok si Lava kasama ang kanyang mga alagad. Nais niyang makausap si Ingris, ang pinuno ng Cleyanero upang sabihing nais niyang magdagdag pa ng isang alagad sa kanyang grupo. Isang paglunok muna ng laway ang kanyang ginawa at tatlong katok sa pintuan ng silid na nasa kanyang harapan ang ginawa niya. Matapos