MULA SA ISANG malayong kabundukan sa silangan ng Enomenos, sa loob ng isang kweba sa taas ng isang bangin na nasa harapan ng ilang malalim na mga daluyan ng tubig ay magkakasamang bumaba ang mga uwak na nagmula sa kagubatan ng Zubath. Nagsa-anyong tao ang mga ito sa pangunguna ni Rhion at pinasok nila ang madilim na loob ng lugar na iyon. Sa loob ng kweba ay naghihintay na ang kanilang pinunong napapaligiran ng mga walang saplot na mga kababaihan. Isang mahinang apoy rin ang nagbibigay ng liwanag sa lugar na iyon at kasalukuyang kumakain ng hapunan ang binatang nababalot ang kalahating bahagi ng katawan ng itim na marka. Wala itong pang-itaas na saplot at makikitang matipuno ang pangangatawan nito na tila batak sa pakikipaglaban dahil may mga pilat din ito sa iba’t ibang bahagi ng kany