NARARAMDAMAN ni Beazt ang pagbagsak niya matapos siyang tumalon. Hindi siya nagdalawang-isip na gawin iyon sapagkat... “Ang kagubatan... iyan ang tahanan ko,” sabi ni Beazt sa sarili kasabay ng pagbulusok niya paibaba. Wala siyang ibang nasa isip kundi ang makarating sa malawak na kagubatang ito. Ilusyon man ito o hindi, wala siyang pakialam sapagkat ito ang pinakagusto niyang lugar sa mundo. Wala nang tatalo sa isang kagubatang sagana sa mayayabong na mga puno at tinitirahan ng sari-saring mga hayop. Normal man ito o hindi... ang puso ng binata ay napapasaya ng magandang lugar na ito. Kaya habang siya ay nasa ere, hindi niya namamalayan na ang kanyang pagbulusok ay unti-unting bumagal at ang paglapag niya sa isang mayabong na puno ay naging isang simpleng pagbagsak na lamang. Naging m