ANG ARAW bago magsimula ang pagpili sa labing-anim na lalahok sa taunang Tagisan ng Purif School ay biglang nabalot ng kadiliman sa hindi malamang dahilan. Tila ba ang mga ulap sa kalangitan ay may buhay na bigla na lang bumalot sa buong kalangitan ng lugar na ito. Ang ilan sa mga estudyante noon ay kasalukuyang kakatapos lang ng kani-kanilang mga klase. Ang iba nga ay nakabalik na sa kanilang mga dormitoryo at may ilan ding nasa Normal Area pa. “Ano kaya ang nangyayari? Uulan ba?” tanong ng isang third year student sa kasamahan nito. Pareho silang nakatingala sa maitim na mga ulap na tila ba masyadong mababa kumpara sa normal nitong taas. Parang hindi ito ang tipikal na taas ng mga ulap tuwing babagsak ang malakas na ulan. Ang hangin sa buong paaralan ay unti-unti ring lumalakas na na