3. Blue Aura

1280 คำ
MASAYANG bumalik sa gilid si Speed matapos nilang pabagsakin ang humamon sa kanila. Tila, natuon tuloy ang atensyon ng lahat sa kanila, lalo na sa kasama niyang si Beazt. "Magaling! Sabi na nga ba't sisiw lang sa iyo iyong dalawa," puri ni Speed sa kanyang kaibigan na hindi man lang tumingin sa kanya. Pagkatapos noon ay dumiretso na si Beazt sa dulo. Muli siyang nag-push-ups dahilan para mapatawa nang bahagya si Speed. Sanay na siyang ganito ang kanyang kaibigan, bata pa lang sila ay madalas nang nagpapalakas ng katawan ito. Dala na rin siguro ito ng pagiging walang aura at kapangyarihan ni Beazt. Naging dahilan iyon upang ang pisikal na lakas ang kanyang pagtuunan ng pansin. Pero para kay Speed, hindi pa rin pangkaraniwan ang lakas nito. Hindi niya iniisip na walang abilidad o kapangyarihan si Beazt, sapagkat para sa kanya, mas nakakatakot ang lakas na tinataglay nito kumpara sa iba. Palagi niyang nararamdaman na may kung ano sa kanyang kaibigan na hindi niya maipaliwanag kung ano. ***** SA PAGPAPATULOY ng pagsasala, ang mga partisipante ay napaatras na lang nang biglang may dalawang magkakampi ang nagpakawala ng asul na aura. Ito ay ang lebel ng aura na kung saan ay maaaring mas maging malakas pa hanggang sa mag-iba ito ng kulay. Napaseryoso tuloy sina Sir Kuro nang makita iyon. Pinagmasdan nga nila ang dalawang partisipanteng naglalabas ng Blue Aura. Si Enma, isang binatang nagmula sa angkan sa Purif na may kakayang gawing espada ang mga braso. Kasama nito si Mirai, ang kapatid nitong babae na may kakayahan ding gawing espada ang mga braso. Namana nila ang kapangyarihan nila sa kanilang ama na si Kitetsu. Naalala ni Kuro ang ama ng dalawa. Isa rin ito sa malalakas na Hero sa buong mundo. Isang taga-Purif na kasama sa Top 10 Heroes. Kaso, kasama itong namatay nang maganap ang delubyong nangyari noong nakalipas na labing-apat na taon. Hindi na nga nakapalag ang nakalaban ng magkapatid at tinalo kaagad ng mga ito ang mga iyon nang mabilisan. Napahanga noon ang karamihan. Isa pa, napakabihira para sa edad nila na makakita ng kaedad nilang may Blue Aura. Nabigla na lang si Speed nang nakatayo na pala sa tabi niya si Beazt na pinagmamasdan ang magkapatid na bumalik na rin sa gilid. "Ano'ng problema Beazt?" tanong ni Speed dito na nakita niyang seryoso ang tingin sa magkapatid. "Malakas sila. Gusto ko silang makalaban," seryosong sinabi nito na bahagyang ikinabigla ni Speed. Alam niyang hindi interesado si Beazt na maging Hero o mag-aral sa paaralang ito. Pero ito ang nakikita niyang lugar para makakita ng malalakas na nilalang. Alam niyang si Beazt ay palaging naghahanap ng malalakas na makakalaban. "Baka kaya hindi lumalabas ang kapangyarihan ko ay dahil puro mahihina ang nakakalaban ko?" Ito ang sinabi sa kanya ni Beazt nang minsang tanungin niya uli ito tungkol sa hindi paglabas ng kapangyarihan nito. Kung mayroon nga ba talaga o wala. "Gusto mo ba silang makalaban?" seryosong tanong ni Speed dito na napatingin na rin sa magkapatid na Yagyu. Ang angkan ng Yagyu ang sinasabing pinakabihasa sa Purif na kayang tumbasan ang abilidad ng mga nasa ibang siyudad sa mundo. "Oo," mabilis na sumagot si Beazt. "Kaya nga dapat makapasok tayo sa school na ito dahil malalakas ang mga nakakapasok dito. Isa pa, kapag nandito tayo, mas magiging malakas tayo!" dagdag pa ni Speed na tila kampanteng makakapasok sila rito. Nagpatuloy ang laban sa mga partisipante. Marami na ang mga natalo at nagsialisan. May dalawa na naman ngang Blue Aura ang lumabas. Si Zou, isang matipunong lalaki na nagmula sa angkan ng mga barbaro sa may paanan ng Bundok Kalos. Ang kapangyarihan nito ay Super Strength. Napakalakas ng bawat pisikal na atake nito na nagagawa pa ngang makalikha ng malalakas na impact sa paligid. Kasama nito si Kiba, ang kapangyarihan naman nito ay ang maging Wolf. Sa Wolf form nito, nagkakaroon ito ng pambihirang bilis at lakas. Napapangiti na nga lang si Sir Kuro dahil may mga nakikita siyang may potensyal na maging Hero sa taon na ito, ang isa nga ay sapat na dahil inaasahan na niyang iilan lang ang makukuha at makakapasok sa paaralan pagkatapos ng pagsasala. Sa huling laban, isang Blue Aura na naman ngang muli ang lumitaw. Isa itong babaeng may asul na buhok. Wala itong kasama at tila mag-isa lang. Napatingin pa ito kay Sir Kuro bago labanan ang dalawang Indigo Aura na halatang matatalo lamang. Sa loob ng gymnasium ay may ilang nag-aaral sa Purif School ang kanina pa ring nanonood sa mga nagaganap dito. Tinitingnan nila kung sino ang mga mapapalad na makakapasok sa paaralan. Naroon sa isang bahagi ng lugar ang isang lalaking naka-uniporme ng puting may asul sa mga gilid. May asul na buhok ito at nakasuot ng salamin. May kasama rin itong ilang mga estudyante sa pwesto nito. "Kumusta ka na? Liahm?" bati naman ng isang babaeng may nakasukbit na espada sa likod dito. Si Liahm, isang 3rd year student ng Purif School. Ang kanyang kapangyarihan ay ang Ice! May kakayahan siyang gumamit ng yelo sa kagustuhan nito. Isa si Liahm sa kinikilalang malakas na estudyante sa paaralang ito. Si Liahm Frost, isang Orange Aura. Ang aura na ito ay ang sumusunod sa Red Aura na karamihang makikita sa mga guro ng paaralan. Isa rin siya sa binansagang Purif 8! Nagtataglay siya ng Orange Aura. Sila ay ang walong pinakamalalakas na estudyante sa Purif. Siya ang nasa numero ng ikatatlo na isang mataas na pwesto sa paaralang ito. Ang Purif 8 din ang nagsisilbing council ng paaralan na siyang nagdedesisyon ng mga bagay na may kinalaman sa kagustuhan at concerns ng mga estudyante. Ang Purif 8 din ang partisipante sa taunang Battles of Schools sa buong mundo. Ito ay ang labanan ng mga estudyante, dito makikita kung aling paaralan ang may mga malalakas na pwedeng maging Hero. Ngumiti ng matalim si Liahm sa babaeng iyon. "Okay lang ako Siri. Tumitingin lang ako ng mga interesanteng aplikante," sabi ni Liahm at binigyan pa ng makahulugang ngiti ang nag-iisang si Siri. Si Siri Garnalion, isang swordwoman. Isa itong 4th year student ng Purif. Isa rin siyang Orange Aura. Ang kanyang kapangyarihan ay ang Speed na mas nagagamit niya lalo sa paggamit niya ng espada. Isa rin siyang member ng Purif 8 at siya ay ang nasa ikalimang pwesto. "May nakita ka na bang interesante?" tanong ni Siri kay Liahm na seryosong nakatingin sa magkapatid na Enma at Mirai na nasa ibaba. "Mayroon na," sagot ng binata habang nakatingin sa babaeng may Blue Aura sa baba. "Ang bunsong anak ni Sir Kuro... Si Freya!" Pagkasabi ni Liahm noon ay napatingin din si Siri roon. Sinasabing sa apat na anak ni Sir Kuro ay ang bunso ang nagtataglay ng pinakamalakas na apoy. Sinasabing ito rin daw ang posibleng magmana ng Purif School. ***** HUMINGA nang malalim ang babaeng si Freya habang pinagmamasdan ang dalawang kalaban na halatang natatakot sa kanya bago pa man magsimula ang laban. Hindi tuloy niya maiwasang mapailing dahil ang gusto niya ay makalaban ng mga malalakas. Kaso, iniwasan siya ng nakita niyang mga Blue Aura na kasama rin niya rito. "Sumuko na lang kayo kung ayaw ninyong masaktan. Hindi ako gaganahan sa inyong dalawa!" malakas na sabi ni Freya na nagpangisi sa kanyang ama na si Kuro. Kagaya ng inaasahan, sumuko nga ang dalawa at hindi naging masaya si Freya roon. Sinulyapan na lang niya ang kanyang ama at pagkatapos ay pumunta na sa gilid. Napakuyom pa siya ng kamao dahil gusto na niyang makaharap ng malakas na kalaban. Sa pagbalik niya sa gilid ay may nakita siyang nakatayo sa daraanan niya. Napahinto siya bigla at napatingin dito. "Beazt! Huwag ang isang iyan. Anak iyan ni Sir Kuro!" sabi ni Speed sa kanyang kaibigan. Pero wala rin siyang nagawa. "Labanan mo ako!" walang pag-aalinlangang sinabi ni Beazt sa anak ni Sir Kuro na si Freya. Ang lahat ng mga naroon ay nagulat nang marinig iyon. Si Freya, biglang nagdilim ang paningin at napangisi sa narinig niya.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม