bc

Kinben I

book_age12+
1.0K
ติดตาม
6.1K
อ่าน
อื่นๆ
พัฒนาตนเอง
ดราม่า
ชายจีบหญิง
ขบขัน
lucky dog
อื่นๆ
บาสเกตบอล
มัธยมปลาย
athlete
like
intro-logo
คำนิยม

GENRE: Action/Sports Fiction/Romance (Isang Kwentong Pag-ibig at Basketball)

From the start, Ricky doesn't know anything about a game called basketball. However, when he heard from the girl he likes that she wanted to have a basketball player boyfriend... This guy who never play this game suddenly joined the school try-outs for their varsity team.

What will happen if this guy joined the winless basketball team just because he wanted to be recognized by the girl that he liked since his highschool days?

Later, he found out that the girl that he likes was currently the girlfriend of the best basketball player in their city. His will to play basketball for her will be broken into pieces... After that, he decided to abandon the team, but suddenly... someone will show up to make him play the game again.

chap-preview
อ่านตัวอย่างฟรี
Bola 1
SA TUWING siya ay papasok sa school, madalas niyang makita na kahit umaga pa lamang ay may mga naglalaro na kaagad ng basketball sa court na malapit lang sa kanila. Tumatagos sa pandinig niya ang tunog ng bawat pagtalbog ng bola. Ganoon din ang bawat lagapak ng tsinelas at sapatos sa sementadong laruan mula sa mga naglalaro roon. Sinasamahan din ito ng mga malalakas na hiyawan at kantyawan ng mga naroong nakikinood. Walang pakialam ang mga naglalaro rito kung sila ay pagpawisan o masaktan. Basta't naglalaro sila ng basketball ay nakikita niyang masaya ang mga ito.   Ang totoo nga’y, wala talaga siyang pakialam sa larong ito.   Ni minsan ay hindi niya naisip na makakapaglaro siya dahil noon pa man ay hindi na niya hilig na mapasali sa kahit anong nakakapagod na sports. Halimbawa na nga ay ang basketball! Ngunit nagbago ito. Magmula nang sinimulan na niyang gumawa ng paraan upang makilala ni Mika Mendoza.   Sino ba naman ang hindi makakakilala sa dalagang ito? Siya ay ang estudyanteng halos crush ng lahat. Mapa-lalaki man o ng ibang mga babae. Nag-aaral ito sa bagong tertiary school sa Calapan City, ang Calapan Institute of Science and Arts. Kursong HRM ang kinukuha nito at siya ang leader ng cheering team ng varsity team. Katulad niya, nasa ikalawang taon na rin ito sa pag-aaral.   "Ricky!"   Napapitlag si Ricky habang nakatanaw sa labas nang marinig iyon. Kasalukuyan ngang dumaraan si Mika sa labas ng kanilang classroom nang mga sandaling iyon. Siya naman ay nasa loob habang nakaupo sa tabi ng bintana.   "Ano? Hanggang tanaw ka na lang ba? Nasaan na ang galing ng pinakamataas lagi sa exam na Educ student?" pang-aalaska ng isa sa mga kaklase't kaibigan ni Ricky na malapit lang sa kanya.   Napaismid naman si Ricky at mabilis na ipinasok sa loob ng bag ang notebook na nasa kanyang desk.   "Asa pang mapansin ako ni Mika..." sabi na lamang niya at pagkatapos ay tumayo na ito. Isinukbit  niya sa balikat ang itim na bag at tinapik pa sa balikat ang kaklaseng nagsalita.   "Study first tayo p're. Tsaka na ang mga gan'yan," dagdag pa ni Ricky na agad namang tinawanan ng tatlong kasama niyang malapit sa kanya.   "Gan'yan ka naman palagi... Never kang nag-try. Alam naman namin na since high school ay may gusto ka na sa kanya... Pero ano?"   "Nganga p're... Dapat nga ay sa Calapan University ka mag-aaral pero mas pinili mo itong school na ito..." dagdag ng isa pa niyang kaibigan.   "Para makita si Mika..." mahinang sabi ng isa sa tatlo niyang kasama.   Napangiti na lamang si Ricky sa mga sinabing iyon ng kanyang mga kaibigan. Kilalang-kilala talaga siya nina Andrei, Mike at Roland. Lahat ng sinabi ng mga ito ay totoo. Tama sila. Magmula highschool ay may lihim na siyang pagtingin kay Mika. Kahit nga wala silang malalim na ugnayan at pagkakakilala sa isa't isa ay alam niya na may gusto siya sa dalaga. Nakatanggap pa nga siya ng Full Scholarship mula sa City Government. Dapat din ay Engineering ang course niya sa nag-iisang university sa lungsod, pero dahil sa CISA nag-enroll si Mika ay dito na rin siya pumasok. Dahil nga wala rito ang course na kukunin niya... kaya napunta siya sa Education.   Pero sa kabila noon, ni minsan ay hindi naman niya sinubukan na makipagkilala ng personal sa dalaga.   Lumabas na nga ng classroom ang apat habang si Ricky, tinanaw na lang ang dumaang si Mika. Napangiti na lang siya nang bahagya. Parang naaamoy pa nga niya ang halimuyak ng pabango ng dalaga. Pagkatapos ay nagpaalam na nga siya sa tatlo, dahil pupunta na siya ng library para magbasa. Sa huling pagkakataon ay muli nga niyang tiningnan ang malayo nang si Mika at pagkatapos ay lumakad na palayo mula rito.   "Imposibleng mapansin niya ang tulad ko..." Kinuha ni Ricky ang cellphone sa kanyang bulsa at pinagmasdan ang sarili sa screen nito.   "Imposible." Kasunod ng isang buntong-hininga ay naglakad na siya papunta ng library upang doon ubusin ang oras ng kanyang breaktime.   Mapapadaan si Ricky sa covered court ng school bago niya marating ang library. Eksakto ngang may mga naglalaro ng basketball nang oras na iyon. Mayroon ding mga estudyante na nanonood sa gilid niyon. Hindi niya maintindihan pero naisipan niya munang sumilip sa mga naglalaro rito.   "Malapit na ang College Basketball League! Kaya kailangan nating mag-practice!" malakas na sabi ng isang matangkad na lalaking nakasuot ng pulang jersey ng school. Nakita ni Ricky na may sampung naglalaro sa loob at alam niyang mga members iyon ng school varsity.   Tumatagos na naman sa pandinig niya ang tunog ng pagtalbog ng bola nang oras na iyon. Kasabay rin nito ay ang tunog ng mga sapatos na lumalagapak sa sementadong court doon. Maya-maya pa'y tumira ng isang jumpshot ang isang player na siyang may hawak sa bola.   Tila isang musika sa pandinig niya ang paghalit ng bola sa net nang ito'y pumasok. Kasabay niyon ay ang pagtili ng ilang babaeng estudyante sa tabi niya.   "Ang pogi ni Romero!"   "Hi! Crushhh!"   Napailing na lang sa isip si Ricky nang marinig iyon.   "Sana ay makakuha sila ng panalo kahit isa man lang sa CBL. Magaling si Romero pero simula nang sumali ang school sa CBL ay ni minsan ay hindi pa sila nananalo..."   "Oo nga, sayang ang talent ni Romero. Kung ako sa kanya, sa ibang school na lang ako pumasok."   Narinig ni Ricky ang mga iyon. Hindi iyon lumampas sa kabila niyang tainga. Napatingin nga siya sa player na si Romero na number 23 ang jersey. Doon ay napaisip siya, bakit nga ba sa CISA? Ang mga magagaling na players ay halos nasa mga sikat na school sa Calapan. Masasayang nga lang ang talento nito rito sa CISA.   Ilang saglit pa ay napagdesisyunan na rin nga ni Ricky na umalis, ngunit bago iyon ay may isang matigas na bagay ang biglang tumama sa kanyang mukha. Nagdilim nang bahagya ang kanyang paningin at hindi naiwasang mapaupo sa semento dahil may kalakasan din iyon.   Narinig na lamang niyang may tumalbog na bola sa kanyang harapan. Nakatingin na nga rin sa kanya ang lahat dahil sa pagtama ng bola sa mukha niya.   Ilang pikit-mata muna ang kanyang ginawa at pagkatapos ay inaninag niya ang paligid. Patayo na sana siya nang may dalawang lalaki na umalalay sa kanya.   "P're, okay ka lang ba? Dadalhin ka namin sa clinic?" wika ng isang naka-jersey ng varsity.   Ngumiti si Ricky at sinabing ayos lang siya.   "Mahina lang naman ang tama," pagsisinungaling ni Ricky dahil ang totoo'y gusto na niyang umalis sapagkat nahihiya siya sa mga nakatingin sa kanya. Napayuko na nga lamang siya habang naglalakad palayo. Inisip na lamang niya na walang nakakita sa nangyaring iyon.   "Ang malas..." sabi niya sa sarili hanggang sa bago nga siya makalayo mula sa covered court ay isang boses ang hindi niya inaasahang marinig mula sa kanyang tabi nang ito’y malampasan niya.   "Gustong-gusto ko talagang manood ng basketball... dati pa."   "Okay nga kung isang varsity player ang magiging boyfriend ko kasi, pareho kami ng gustong sports..."   Kilala niya ang may-ari ng boses na iyon. Hindi siya maaaring magkamali sa kanyang kutob. Tila bumagal na nga lang ang oras nang sandaling iyon at nilingon niya nga ang pinanggagalingan ng mga salitang iyon. Hindi nga siya nagkamali sa kung sino ito.   "Mika..."   Iyon nga ang naging dahilan upang mabilisan siyang mag-desisyon para sa kanyang sarili. Para sa dalaga, sasali siya sa basketball team ng school kahit hindi siya naglalaro nito.

editor-pick
Dreame - ขวัญใจบรรณาธิการ

bc

The General's Grandson(TAGALOG/SPGR18+)

read
167.1K
bc

Lady Boss

read
2.1K
bc

The Real Culprit (Tagalog-R18)

read
109.0K
bc

BS05: Carrying My Husband's Child[COMPLETED]

read
50.3K
bc

THE EVIL STRANGER: MAFIA LORD SERIES 12 (R-18 SPG)

read
81.1K
bc

Man of Vengeance [Roxanne Montereal Series19]

read
11.4K
bc

Hiding The Mafia Boss Daughter [TAGLISH]

read
145.3K

สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook