Ginawa ko pa rin ang lahat para makapag-focus sa trabaho ko. Sa sobrang kagustuhan ko na mawala sa isipan ko ang mga hindi magandang nangyayari ay napabilis ang aking pagtapos ng trabaho. Bumuntong hininga ako at nag-inat. Kailangan kong iwasan ang stress. Kinuha ko ang cellphone ko nang may matanggap akong mensahe mula kay Zavian. Kumpirmadong hindi siya makakauwi mamaya. Nagpakawala ako nang malalim na paghinga. Kung puntahan ko kaya siya sa opisina nila? Hindi naman siguro siya magagalit kung magpakita ako roon, hindi ba? Iniisip ko rin kung makakakain ba siya nang maayos dahil alam ko na abala siya sa mga trabaho niya. Ipagluto ko kaya siya at dalhan siya ng pagkain? Inaalagaan niya ako sa tuwing ako iyong may problema. Hindi masamang gawin ko rin iyon sa kanya, ngayon siya ang nan