For dinner, nagpa-serve na lang kami ng pagkain sa suite namin. Sa riverside kami pumwesto dahil nakakagaan talaga sa pakiramdam ang kalikasan. “Did you enjoy the day?” tanong niya sa akin habang kumakain. Masaya akong tumango sa kanya. Masaya talaga at sobra akong nag-enjoy. Bukod sa mga ginawa namin ay nanuod pa kami ni Zavian ng show kanina na ipinapakita ang culture ng mga Filipino. “Yes, thank you, Zavian.” Sobrang na-appreciate ko ang effort niya para sa araw na ito. “Next date natin ako naman.” Nahihiya pa rin akong sa lahat ay siya ang gumastos dito. Kapag tinatangka kong maglabas ng pera ay pinipigilan niya ako. He doesn’t want me to pay a single penny for this date. Lahat ng gastos ay sinagot niya. “I’m looking forward to that, then.” Naging payapa ang aming pagkain ng hapu