CHAPTER 63: SETUP

2662 Words

Hindi ko isinusuot ang engagement ring na ibigay sa akin ni Javier. Kahit pa nangyari ang lahat ng iyon, wala pa rin akong balak magpakasal sa kanya at sa tingin ko, ramdam niya naman iyon. “Pauwi ako ng Laguna bukas, Audrey. Long weekend naman, may balak ka bang sumama?” tanong ni Javier sa kanyang anak. “May kailangan lang akong asikasuhin doon.” “Hindi, Dad. May mga kailangan akong gawin bukas para sa school ko. Kayo na lamang po,” magalang na sagot ni Audrey sa ama. Tumingin ako kay Javier nang marinig iyon. Bumuntong hininga ako at naglakas loob na magsalita kahit hangga’t maaari ay iniiwasan kong kausapin siya.  “Pwede ba akong sumama?” tanong ko. Nakuha ko kaagad ang atensyon ni Javier dahil sa itinanong ko. Tinaasan niya ako ng isang kilay kaya’t nagbigay ako ng rason kung baki

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD