CHAPTER 2
(MY STRICT BODYGUARD)
YASSY POV:
"NO DAD! NO! AYOKO! AT HINDI AKO PAPAYAG!" pagbubulyaw ko sa harapan ni Daddy.
Kahit anong sabihin niya, I will not let myself to agree with his decision.
Nahihibang na yata siya? At para akong basura na tinatapon sa lugar na sobrang nakakasuka pa.
Pakiramdam ko tuloy halos umakyat ang aking dugo sa katawan papunta sa ulo ko.
Until now, hindi pa rin maalis sa isip ko ang pangyayari. In other words, hindi ako maka-get over!
"Pero ito ang dapat kong gawin para maputol na iyang sungay mo, Yassy. Sobra-sobra na ang pagiging maldita mo. You can't even respect me as your father. Hindi naman kita pinalaki na ganyan. Ni minsan, hindi ako nagkulang sayo. Binibigay ko lahat ng luho at gusto mo. Pero hindi ko mapigilan na maging malungkot dahil sa ugaling meron ka. Ang dami mo ng tao na nasasaktan." Mahabang sabi niya na tila wala na yatang pag-asa na magbago ang isip nito.
Mapakla akong napangiti at tiningan ko siya nang matalim sa mata.
"Sa tingin mo ba, mababago mo ang ugali ko dad? Tsk. I just can't imagine na sarili kong ama, itataboy ako at paparusahan ng ganito. Ang galing mo! Nakakatouch!" sakrastikong bigkas ko sa huling salita.
"Hija--"
He was about to say something again, pero pinatigil ko na siya gamit ang daliri ko.
"Shut up! I don't want to hear your voice. Pero kung gusto mo akong parusahan at paalisin sa mansion na ito, then fine. But please, doon na lang ako sa condo titira kung ayaw mong makita ang pagmumukha ko." Saad ko sa kanya.
"Hindi pa rin ako papayag Yassy. Kay Adrian ka sasama at titira. Matutulog kayo sa iisang bubong dahil siya ang magtuturo ng leksyon sayo." He said while pointing the finger to the man in my back.
"s**t! Nahihibang ka na yata, dad. Parang binubugaw mo ang anak mo! Don't you see, babae ako. What if may gawin siyang mali sa akin? Tapos gusto mo pa akong tumira sa kanila na kasama siya? My gosh! I can't take this anymore! Hindi mo man lang iniisip na baka gahasain o bastusin ako ng kumag na 'yan!" Taas-kilay kong turan.
Nawawala na rin talaga ngayon ang respeto ko sa kanya dahil sa pagiging paladesisyon niya. Padalos-dalos siya sa kanyang sinasabi at hindi man lang ito pinag-iisipan ng mabuti.
"Yassy, I know Adrian very well. At alam ko, na wala siyang gagawin na masama sayo." saad muli ni Daddy.
"Tama ang papa mo. Hindi ako gano'n na tao. Baka nga ikaw pa ang may gawin na masama sa akin." Pagpapasegunda ng binata sa likuran ko.
Kanina pa talaga ako naaasar sa kanya! Bwisit!
"Pwede ba, usapang mag-ama ito, kaya huwag kang sumali." Sambit ko kay Adrian nang lingunin siya.
"Okay. Sabi mo eh." kibit-balikat na tugon nito.
Tinarayan ko na lamang siya at muling hinarap si dad.
"Magbabago na ako Dad. I promise, hindi na ako magiging maldita. Hindi na rin ako makikipag-away pa." labag sa kalooban na wika ko.
I tried my best to be a good girl on his eyes pero talagang desidido na yata ito.
"I'm sorry hija, pero kahit anong pakiusap ang gawin mo, my decision is final. Besides, aalis na naman ako bukas papuntang Korea para sa business meeting ko roon kaya walang magbabantay sa mga kilos mo. And I guess, magtatagal ako nang isang buwan sa ibang bansa. Kaya mabuti nang nandyan si Adrian para makita niya ang bawat galaw mo." Litanya ni papa na may halong paliwanag pa.
"Pero hindi na ako bata. I'm already twenty years old, dad." pagmamatigas ko naman.
"But still, you're acting like a kid. Wala ka ring alam sa buhay. Pati nga paghugas ng plato, hindi mo magawa dahil hindi ka marunong. Umaasa ka lagi sa mga yaya mo rito." bigkas niya dahilan para mapangiwi ang bibig ko.
"Tsk. Kung wala namang patutunguhan 'to, doon na lang ako sa bahay nila Cathy." Bigkas ko ulit.
I am reffering to my friend's house.
Mayayaman din sila. At kahit anong oras, welcome ako sa kanila.
"You're not allowed to go there. Nakausap ko na ang mga magulang ng kaibigan mo. And I said na huwag ka nilang papasukin at tatanggapin." Seryosong sabi niya.
Gusto kong magmura nang malutong ngayon sa mismong harapan ni papa pero pinigilan ko ang aking sarili.
Kahit papaano, may natitira pa rin akong respeto pagdating sa kanya.
"Bakit ba ang hirap mong pakiusapan dad? Bakit ang hirap para sayo na bigyan ako ng second chance para magbago?" mahina kong turan.
Kaso hindi niya ako sinagot. Sa halip, sinenyasan niya ang lalaki na umakyat sa taas para pumasok sa kwarto ko.
And I think, kukunin niya na ang mga gamit ko roon.
"Dad, please. I'm begging you... Huwag niyo akong papaalisin dito." saad ko at mabilis kong hinawakan ang kamay niya.
"Yassy, I'm sorry but I'm doing this for your own good. Alam kong mahirap tanggapin ang sinasabi ko pero maiintindihan mo rin ito balang araw." wika ni Dad kasabay nang pagdampi ng labi nito sa noo ko.
Napapikit ako nang mariin dahil unti-unti nang umusbong ang galit na kanina ko pa tinitimpi.
Kahit sinong anak magagalit nang husto kung mismong magulang mo ay tinatapon ka.
At dahil sa ginawa niya, hindi ko siya mapapatawad.
"Nagkakamali kayo ng desisyon. I will never change my attitude just because of this f*****g s**t! Kung sa tingin mo mapapabago ako ng mokong na 'yan, pwess huwag na kayong umasa!" madiin na bigkas ko at dinuro ko pa ang lalaki na may hawak na maleta.
Kakatapos niya palang kunin ang gamit ko sa itaas, kaya nabaling ko sa kanya ang galit ko na dapat kay papa ko sana binuhos.
"Eto ang tandaan mo, hindi ka magtatagumpay! Dahil sisiguraduhin ko na ikaw din ang susuko sa ugali ko!" Sambit ko bilang patuloy.
"Then, will see it, Miss Yassy." pakindat na tugon ni Adrian.
AAAAAHHHHH!!!! NAKAKABANAS!!!
Parang gusto ko na lamang na magpabaon sa lupa!
Hindi yata madadala sa pakiusap ang lalaking ito. Kung sabagay, pobre nga siya kaya hayok siya sa perang ibibigay ni dad kung sakaling mapatino niya ako.