PROLOGUE...
"YOU ARE NOT ALLOWED TO WEAR THAT KIND OF DRESS. Masyadong hapit na hapit at kitang-kita masyado ang pwetan mo." saad ng isang lalaki na halos pagbawalan na lang ako sa lahat ng gusto ko.
Napataas ang kabila kong kilay para ipakita sa kanya ang kamalditahan na taglay ko.
"Excuse me? You're not my dad. I can wear whatever I want. Kaya pwede ba, just mind your own business." I said to him.
"You are my business, Ms. Yassy. Baka nakakalimutan mong bodyguard mo ako. At mismong papa mo na ang nagsabi na pagbawalan kita sa mga bagay na kinasanayan mo." pag-papaalala nito sa akin.
I just rolled my eyes at muling inatupag ang paglalagay ng blush on.
"You don't need to apply make-up. Hindi party ang pupuntahan natin. Kaya bawas-bawasan mo ang pag-aayos." bigkas niya muli dahilan para punain ang ginagawa ko.
"Mr. Bodyguard, hindi ko kailangan ang komento mo. Hindi ko rin kailangan ang permiso mo." madiin kong tugon sa kanya.
Akma ko na sanang lalagyan ng lipstick ang labi ko pero mabilis niya itong inagaw sa kamay ko.
"Ano ba?! Nakakainis ka na ha! Pinagbabawalan mo na nga akong sumuot ng sexy na damit, pati ba naman pag-papaganda ko, pinapakialaman mo pa?! Why are you doing this?! Hindi naman siguro mababawasan ang sweldo mo sa ginagawa ko!" Malakas na sigaw ko.
"I know Ms. Yassy. Pero sa ginagawa mo, binibigyan mo akong rason para maakit sayo. Kapag hindi ako nakapagpigil, baka pagbalik ng papa mo, may apo na siya." seryosong turan niya na naging dahilan para matahimik ako.
Shutangina! Anong klaseng bodyguard 'to? Gumagawa ng bata?
CHAPTER 1
(ANG SIMULA)
"WHAT THE HELL?!" galit na sigaw ko nang maramdaman ko ang malamig na tubig na dumikit sa aking paa.
May isang tao ang siyang bumunggo sa akin dahilan para umiral ang aking kamalditahan sa katawan.
Pinaka-ayoko pa naman ay yung ganitong sitwasyon. Nagmamadali pa naman ako dahil kanina pa naghihintay ang mga friends ko. They are waiting for me, for almost two hours.
Pero dahil sa lalaking ito ay tila lalo akong matatagalan.
"LOOK WHAT YOU DID?! LALAKI KANG TAO PERO MASYADO KANG LAMPA! Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo ha?!" muling bulyaw ko na talagang hindi ko makontrol ang sarili ko sa mga oras na ito.
Napataas ang kilay ko sa isang binata na kaharap ko. Ngayon ko lang nakita ang reaksyon niya na animo'y nagulat din siya sa nangyari. But no, I will not accept whatever his reason.
Hindi niya pwedeng idahilan sa akin na hindi niya ako nakita, dahil halata naman sa kanya na hindi siya bulag. At lalong hindi niya pwedeng sabihin na kasalan ko dahil nasa gilid ako dumaan.
"Alam mo ba kung magkano ang sandal na suot ko ha? It cost five thousands dollars na alam kong hindi mo makakayang bayaran. Baka nga patay ka na, hindi mo pa rin mafully-paid 'to!" I said again.
Oo na, hindi ko maiwasan na husgahan at maliitin siya dahil lamang sa simpleng pagkakamali o aksidenteng nangyari.
Alam kong hindi niya rin ito ginusto at hindi niya ito sinasadya.
Pero masisisi niyo ba ako?
Yung ice cream na siyang kinakain niya ang dumikit sa dibdib ko at ang iba nito ay tumulo sa aking sandal kaya parang nanlagkit tuloy ang paa ko.
Kaya kahit sino ay maiinis at tataas talaga ang dugo.
Hindi tuloy matigil ang bunganga ko. Kaya kahit anong paliwanag pa ang sabihin niya ay hinding-hindi ko siya papaniwalaan.
"I'm sorry Miss. Pupunasan ko na lang." Sambit niya at akmang kinuha ang panyo para punasan ito.
Sa wakas ay nakapagsalita rin siya. Akala ko kasi ay wala siyang balak na magsalita dahil hindi siya napaimik kanina.
Pero dahil sa kanyang sinabi ay napangiwi ang aking labi.
Nagpapatawa yata siya. Pupunasan? Ng panyong nagamit niya na?
Like eewww! Hindi ba uso sa kanya ang salitang germs?
Anong akala niya sa akin? Isang basurera na pwede niyang punasan ng panyo na hindi ko alam kung malinis ba o mabango.
"Do you think papayag ako na 'yan ang gagawin mo?" biglang sabi ko.
Nakaisip tuloy ako nang kalokohan.
"Huh?" tanging bigkas niya.
"Dilaan mo." Madiin kong utos.
Yes. Gusto kong dilaan niya ang sandal ko na may ice cream. Total, kasalanan niya 'to.
"Ano?"
"Narinig mo naman ang sinabi ko diba? Don't use that. Instead, use your tounge. Mahirap bang intindihin 'yon?" I said as I raised my left eyebrow.
Pero ang binata, hindi man lang sa akin natakot. Hindi man lang umepekto sa kanya ang kamalditahan na pinakita ko.
"Miss, hindi mo ako utusan para sundin ka. Kaya wala kang karapatan na pagsabihan ako nang kung ano-ano," wika nito dahilan para tumalim ang titig ko sa kanya.
Sa lahat ng lalaki, siya lang yata ang may malakas na loob para sagutin ako nang ganito.
"Ah gano'n? Iba ka rin pala. Hindi mo yata kilala kung sino ako. Well, para sabihin ko sayo, kaya kitang bilhin Mister. Pero sige, dahil palaban ka, I think you need this." usal ko at binuhos sa kanya ang mainit na coffee na binili ko palang sa mamahaling coffe shop.
Kung ice cream ang ibinuhos niya sa akin, sa kanya naman ay yung dala-dala kong kape ang siyang inubos ko sa kanyang katawan.
"Ayan, minsan need mo rin ng kape para kabahan ka. But don't worry, hindi ka na lugi dyan. Dahil ayan yung kape na siyang hinahangad ng mga taong dukha na katulad mo," huling bigkas ko sabay tawa nang nakakainsulto.
Hindi ko na hinayaan na magsalita pa ito dahil umalis na agad ako habang nakangisi.
Ayan ang napapala ng isang tao na masyadong tanga kung kumilos.
By the way, my name is Yassy.
Pangalan ko pa lang ay halata ng maldita at maarte ako.
Pero yung kaartehan ko ay inaayon ko sa aking ganda at yaman.
Matapos ang insidente na naganap sa amin ng lampang lalaki na 'yon ay dumiretso na ako sa party ng kaibigan ko.
At dahil mayaman ako, tinapon ko na lang yung sandal at piniling palitan ito dahil hindi uso sa akin ang salitang punasan na lamang.
I have my van na kung saan parang bahay na rin dahil kompleto ang lahat ng gamit na kailangan ko.
Tumuloy ako sa mansion ng bestfriend ko who celebrated her birthday today. Malaya akong nakapag-enjoy ngayong gabi dahil hindi pa rin umuuwi si Dad.
Syempre, at this point, hindi mawawala ang mga lalaking nagkakagusto sa akin. Ako lang naman kasi ang maganda noh? Aside from that, malakas ang s*x appeal ko pagdating sa katawan.
Kaya nang matapos ang party, lasing ako na umuwi sa amin. Hindi ko na rin maaninag kung sino yung mga body guards na nadadaanan ko. Until I heard the voice of my father.
"ANO 'TONG NABABALITAAN KO, YASSY? Hindi ka na ba talaga magbabago ha? And look at yourself, uuwi kang ganyan?!" sermon ni dad sa akin.
Nang marinig ko 'yon tila nawala ang kalasingan ko at straight akong napatayo.
"Dad, I'm tired so I need to sleep. Please, bukas na lang tayo mag-usap." pakiusap ko rito.
Akma na sana akong aakyat pero bigla niya akong hinawakan sa braso.
"Nakakadisappoint ka Yassy. Ilang beses ko bang sinabi sayo na baguhin mo 'yang ugali mo." kalmadong bigkas niya pero ramdam ko ang galit nito.
"Hays. Kakarating mo palang ng Canada tapos ganyan ka agad, Dad? My ghad, sermon here, sermon there. Sermon everywhere!" turan ko sa kanya.
"Paanong hindi kita sesermonan? Tingnan mo ang buhay mo? Sirang-sira na! You don't even know how to respect!" giit na bulyaw niya.
"Dad, kalma lang. Ang puso niyo." tanging wika ko para sana tumigil na siya.
Kaso isang malakas na buntong-hininga ang ginawa niya kasabay nang pagbitaw nito ng salita.
"I think, this is the right time para tumino ka na." seryosong pahayag niya.
"Wait, w-hat do you mean dad?" Nauutal na tanong ko.
"Buo na ang desisyon ko, anak. Ipapatapon kita sa lugar na hindi mo kinasanayan para sa gano'n mabigyan ka ng leksyon at mawala 'yang kamalditahan mo." turan muli ni Daddy.
"Are you out of your mind dad? Hindi ako papayag sa gusto mong mangyari! So stop this nonsense words! Matutulog na ako!" I just said.
"No. You're not going to sleep here. Dahil simula ngayon, sasamahan ka na ni Adrian." Saad nito na ikinatigil ko.
"At sino naman ang pesteng Adrian ang tinutukoy mo?!" Pagalit kong tanong.
"Ako." sagot ng isang lalaki mula sa likuran ko.
Dahan-dahan naman akong napalingon para harapin kung sino 'yon. But I was surprised when I saw him.
"IKAW?" gulat kong bigkas nang makilala ko kung sino siya.
"Oo, ako nga. Yung binuhusan mo ng kape kanina. Small world, right? But this time, I will make sure that you will pay for it." Nakangising pahayag niya.
"Ikaw ang magiging alagad ko sa mismong bahay ko. Habang ako, mamumuhay bilang hari. That's your karma, Miss Maldita." he continue.
The heck! Sa titig niya palang, alam kong may pinaplano na siya laban sa akin!