Yassy's POV: "BAKIT GANYAN ANG MUKHA MO?" Bungad na tanong ni Patrick nang umuwi ako sa bahay. Yeah. Umuwi akong mag-isa at hindi na ako nag-enroll pa. Iniwan ko na si Adrian sa University at hindi na ako nagpaalam sa kanya. Bahala na siya sa buhay niya. Wala s'yang karapatan na pigilan ako sa mga gusto kong gawin. Bwisit siya! Ang hilig niyang mangbintang na ako ang gumagawa ng gulo. Kaya ang ending, ako ang napapahiya dahil sa pagtatanggol niya sa dalawang babae na nakasagutan ko. Kung pwede nga sanang pumatay ng tao ay kanina ko pa siya sinaksak. "Hey, I'm asking you. Are you okay?" bigkas ulit ng lalaki habang kinakaway ang kamay sa mukha ko. Doon ko na-realize na nakatulala pala ako sa kawalan. "Sorry, badtrip lang ako ngayon,", usal ko rito at umupo. Naramdaman ko naman n